Realizations
Umihip ang malamig na hangin ng gabi at bahagyang pinasa ere ang aking takas na buhok. Sa labas ng Revel ay mga lalaking masayang nag uusap. Some of them immediately turn they head and look at us.
Taas noo akong naglakad. Sa aking gilid ay ang nagsusumigaw na classy aura ni Pristine.
Some of those guys catcalled us. Ang iba naman ay sinubukang makipag-usap ngunit binalewala lamang namin.
Pagkapasok namin ay kaagad na bumungad ang malakas at talaga namang nakakaindayog na tugtugin. Ang tila chandelier sa itaas ay agaw pansin habang ang paligid naman ay puno ng tao.
Hindi pa ako tapos maglibot ng tingin ay mariin na akong kinaladkad ni Pristine papunta sa itaas.
Mas lalo lamang akong namangha nang makita ang kabuuan nitong Revel.
Habang abala ako sa pagkamangha ay kaagad na bumulong si Pristine na nakita na niya si Ana.
Gulat ko itong nilingon. I slowly turn my head then I saw Ana standing on the other side habang abala na pinanunuod ang nasa ibaba.
Pristine and I were just watching her. I can't believe na kinakaya niyang tumayo ng matagal habang tila may hinihintay. And it's driving me crazy kung sino at bakit napaka importante ng hinihintay nito.
Nilingon ko rin ang mga table sa ibaba at kaagad na tumigil ang pagdaloy ng aking dugo nang mahagilap ang isang pamilyar na babae.
For a moment, I got stiffed.
Kailan pa siya dumating dito sa pilipinas?
"Pristine, keep an eye on her. May pupuntahan lang ako."
Hindi ko na dininig ang sasabihin ng aking kaibigan at sa halip ay dumiretso na ako pababa.
I'm feeling nothing but the adrenaline that's rushing in my veins.
Both excitement and enthusiasm filled my heart as I hop down on the floor. Mabilis kong hinanap sa dilim ang anino ng aking kababata. Ngunit mabilis na natabunan ng mga tao ang aking paningin nang maging wild ang music.
Pinilit kong maglakad patungo sa direksyon kung saan ko ito nakita.
The image of the curls in her blonde hair that I saw earlier keeps on playing right before my eyes.
Narating ko na ang bawat sulok ng mga table ngunit wala parin akong nakikitang anino ng taong aking kababata. Kahit na nawawalan na ako ng pag-asa ay pinilit ko parin na suyurin ang buong lugar ngunit wala talaga.
Tamad akong umakyat nang bigla akong mabunggo ng isang nagmamadaling lalaki. Mabuti na lamang at nakahawak ako sa railings.
Galit ako ritong nag-angat ng tingin. Kahit na madilim ang paligid ay kitang-kita ko, malinaw na malinaw, at walang kupas na pigura ng mukha nito ay siyang gumulat sa akin.
Nakaawang ang labi nito at bakas ang pagka gulat sa mga mata nito. Nabigla ako nang bumaba ito at naglahad ng kamay.
Kunot noo ko itong tinitigan.
"What are you doing here, Hugh?" I directly asked him.
Bahagyang lumiwanag ang paligid kasabay ng pagiging malinaw sa aking mga mata kung paano ito namutla.
Sa likod nito ay ang pagbaba ni Ana na nagparamdam sa akin ng parating na tensyon.
"Oh, there you are, babe-" mula kay Hugh ay kaagad na dumapo sa akin ang mga mata ni Ana na naging dahilan ng pagkakaputol nito sa sasabihin.
Gulat kaming nagkatitigan nito. Hugh tried to excuse himself kaya naman mabilis ko itong tinawag dahilan para huminto ito.
Ana didn't react nang tawagin ko ang pangalan ni Hugh. Instead, she smiled at me na parang wala lang.
I have an instinct na baka kasama ito sa plano kung sakaling mabubuking sila.
Ang magpanggap na hindi magkakilala.
Kunot ang aking noo na palipat-lipat silang tinititigan. Matigas ang ekspresyon ni Hugh habang naka iwas ng tingin. Ana's fake smile slowly fades away.
So, I did caught them in the act.
"Elleeee! Oh my gosh I lost my sight on An--- ay." pag-eksena ni Pristine habang nagmamadaling bumaba na mabilis ding napahinto nang makita ang nagaganap na tensyon.
Makahulugan kong tinitigan ang dalawa. Hinihintay na may magpaliwanag ngunit bigo lamang akong nakikinig sa wala.
Ana is my friend. And I can't believe the silence she's giving me.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga. I'm starting to smell something fishy with everything.
"What is the meaning of this, Hugh? What is your connection with Ana?" mariin at nalilito kong tanong.
Ana just crossed her arms. While Hugh is having a hard time to explain. Paulit-ulit na umawang ang labi nito ngunit walang ni isang salita ang lumabas.
"No need for you to explain it, Babe." Ana sarcastically laugh
Tinitigan siya ni Hugh ng masama bago bumaling sa akin at sinubukang humakbang ngunit mabilis kong ipinakita ang aking palad. Stopping him to do so.
"Let me explain this, El--" Ana cut him.
"Hugh!" Ana's voice has been easily swallowed by the music
I glared at her. Kung kanina ay kalmada pa ako at kinukumbinsi ang sarili na walang mali, ngayon ay napalitan na iyon ng kakaibang pagdududa.
"Bakit Ana? Natatakot ka bang may malaman ako?" I smize at her. Trying to trigger something.
Mula sa pagiging blangko ng ekspresyon ay nakitaan ko iyon ng bagyo. She shut her mouth properly while tightly clenching her jaw.
"She's with us." si Hugh
Nilingon ko ito at nakitang pinipilit nitong ikalma ang sarili. Ana stiffened on his side. Holding his left arm tightly like as if she's stopping him from saying a thing.
Naguguluhan kong tinitigan si Hugh.
Hindi ko alam kung ano ang pinaka punto niya sa sinabi. At hindi ko rin alam kung papaanong naging kakampi si Ana gayong labas naman siya sa sitwasyon ng aking pamilya.
"How come? Since when? Ano ang nalalaman niya? At bakit kailangang itago niyo sa akin ito?" my mind is already clouded by the things he just said.
Napaka daming tanong ang gustong maisatinig ngunit hindi ko kakayanin isatinig ang mga ito Kung sa ngayon lamang.
Kaagad kong tinapunan ng tingin si Ana na ngayon ay sarkastikong ngumiti. Muli kong binalingan si Hugh na ngayon ay nagkakamot na g ulo habang mariin na nakapikit at tila may binubulong sa ere.
"She's.... She also have a mission... and... just like yours, walang dapat na maka alam na iba. Okay?" Hugh unconsciously said.
Kunot ang aking noo na tinitigan ang mga mata nito na nagsasabing naguguluhan at nahihirapan sa sitwasyon.
There's a small part of me na sumang ayon sa narinig. Ngunit malaki parin ang aking pagdududa sa mga ikinikilos nito.
Hindi ako dapat magpadalos-dalos sa magiging desisyon ko. Lalo na kung may posibilidad na ang lahat ng ito ay for show lang din.
I can't understand.
Kahit na gustuhin ko man na paniwalaan ang sinabi nito, pakiramdam ko may mali. Simula palang sa mga actions ng dalawa.
"How can I believe you? I want a proof." seryoso kong utas habang mariin na tinititigan ang dalawa.
Ana mockingly laugh again habang umiirap sa ere. Pinaypayan pa nito ang sarili na para bang init na init.
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kilala ko pa ba siya bilang kaibigan ko.
The way she acts... Wala akong ibang masabi. Maybe because my trust is a bit blurry right now.
"God, Elle. What do you want me to do?" problemadong tanong ni Hugh na bahagyang gumulat sa akin.
All this time, I see him as a strong and courageous man. But, I guess, I was wrong.
And it's making the situation more blurry than the usual.
Pakiramdam ko ay inililigaw ako nito at idinadala sa maling daan para maiwasan kong makita ang tamang destinasyon ng lahat.
I don't know. Maybe, I'm just over thinking because of tonight's revelation.
Mabilis akong nilapitan ni Pristine at hinila palayo sa kanila. Nagtataka ko naman itong tinitigan. Sandali akong nagulat nang makita ang napaka seryoso at delikadong mata nito na panandaliang nagpatigil sa akin na isipin ang mga bagay bagay.
"We need to go." her serious voice made me shiver a bit.
Muli akong hinila ni Pristine pero nilabanan ko ito at hinarap si Hugh. Sa gilid nito ay si Ana na nakangising iniinom ang isang baso ng alak.
I darted my eyes on Hugh. Binalewala ko ang pagiging mapanganib din ng mga mata nito.
"Prove it, then." I said in a cold manner bago nagpatianod sa hila ni Pristine.
Kaagad na binalot ng malamig na hanging ang aking katawan nang makalabas kami ng Revel. Nagtataka ko namang pinanuod ang pagiging seryosonito habang nagmamadaling sumakay.
Nang makasakay ako ay mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan at nagtatakang idinala patungo sa aming condo.
Hindi ko dala ang susi kaya naman sa condo niya ako dumiretso.
It's already 12:43 am. And I'm sure sarado narin ang mansion ng ganitong mga oras.
Mabilis akong hinila ni Pristine na ngayon ay bahagyang nagpapanic na sa hindi malamang kadahilanan.
Pabalik-balik itong naglakad sa aking harapan nang hindi mapakali. Halos mahilo naman ako kakasunod ng tingin rito.
"Gosh... Gosh... That isn't real...I'm just overreacting... No..." paulit ulit nitong sinasabi habang kagat ang kuko.
Kunot ang aking noo na pinapanood ito na halos maupod na ang kuko sa paulit-ulit na pagkagat.
"Pris... What's the matter?" naguguluhan kong tanong na mas inilingan nito.
Ilang ulit pa itong nagpaikot-ikot bago huminto sa aking harapan at sinubukang magsalita ngunit walang lumalabas sa kanyang bibig.
She cursed bago kinagat ang labi at tamad na umupo sa aking tabi habang sapo ang noo. Marahan kong hinagod ang kanyang likod. Alam ko kasing nahihirapan din siya sa sitwasyon na aking kinalalagyan.
It's a bad move talaga na idamay ko pa siya sa aking problema.
"Elle, I have so many realization. Please tell me that I was just overreacting. Please!"
Naguguluhan ko itong tinitigan at marahang inilingan.
"We should rest. Kahit ako ay overreacting nadin. Maybe because we're tired."
I gave her an assuring smile. But she just gave me a worried look.
I don't actually know what her realizations are at nagkakaganito siya. Perhaps, we can talk about it on the other day. Baka nadadala lang din kasi kami sa sitwasyon.