Chereads / Bullets of Past / Chapter 51 - Familiar

Chapter 51 - Familiar

Familiar

Taas noo akong naglakad para tingnan ang aking gown at para narin makipag usap sa mismong sikat na designer nito. Sa aking gilid ay ang dalawang body guard na laging nakabuntot sa akin.

Pagkahawi sa glass door ay nakangiting sumalubong sa akin ang chinitang nag design ng aking gown.

Ilang taon pa lamang ito sa industriya pero nag boom na ang kanyang career sa pagdidisenyo. Ilan sa mga dinisenyohan nito ay ang isang sikat na personalidad na patuloy sa pag-slam ng mga theaters di lamang dito sa Pilipinas, pati narin sa international theaters.

"Good morning, Miss Interior." she sweetly smiled at me.

I smiled back.

With her breath taking talent, hindi rin ipinagkait sa kanya ang magandang pigura ng mukha.

She gracefully lead me to my gown. Habang naglalakad ay mabilis na naagaw ang aking atensyon sa mga unfinished gowns na nakalagay sa iba't ibang mannequin. Even though it's not yet done. You will still see how beautiful the full details of those lines.

May mga suits din itong dinidisenyo base sa nakita kong papel sa nadaanan namin na table.

"I'm one hundred percent sure that you will literally make every man's head turn to you whenever you grace the red carpet, Miss!" She proudly said while her hands are shaking in the air, introducing the beautiful dress in front of us.

The sophisticated looking emerald green dress in front of us made my jaw drop for a moment. The way how it perfectly fits the mannequin is just so beautiful.

"Simple yet elegant emerald green off shoulder mermaid evening dress." she winked

The way the sequenced fabric flowed was elegant. If words could describe perfection, this would be it.

I was itching to try it on. Suddenly, I felt excited.

I tried to picture it in my mind. Gracing the red carpet wearing this amazing thing of beauty. I could already see the way that I wanted my hair to flow with it. This dress was the most faultless, wonderful thing I've ever seen.

"Can I try it?" I can't help but smile.

Nang tumango ito ay halos mapatili ako sa sobrang excitement na nararamdaman.

Mabilis niya akong tinulungan na isuot ang napakagandang gown. Sa una ay nahirapan ako sa sobrang pag-iingat para hindi masira. Nang maisuot ko na ito at mai zipper ay kaagad akong humarap sa malaking salamin.

Halos kuminang na parang bituin ang aking mga mata sa nakita.

It fit flawlessly, the dress molded my torso beautifully, complimenting my feminine shape. And its strapless style revealed my precious collarbones wrapped in smooth, luring, skin. My posture was perfect, my shoulders were pulled back and my hands were held together in front of me.

"My Georgina!!! I love it! Truly you are a great designer!" nagagalak ko itong nilingon bago muling nagpokus sa salamin.

I sway my body a bit. And I just really love how the gown reacts.

Kahapon ay nakita ko na rin ang isusuot ni Pristine sa event.

Her elegant dress was sequined all over. It's rich Champagne color brought out the best features in her. It hung beautifully, words can't even describe. It was strapless, which showed off her collarbones.Her dress simply shouts extravagance. The slim figure of her body is every girl's dream.

After dropping by, I went straight at my condo to rest.

I also asked my body guards to leave me because I'll just stay inside my condo in the entire day.

Paupo na ako ng sofa nang makaramdam ng panandaliang pagkahilo. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at dahan dahang humiga sa sofa.

These past few days, I've been feeling sick and fatigued. I guess, my body lacks proper nutrition because of my poor diet. Or perhaps, I'm pressuring my body too much.

I spent the entire day in bed. Minsan ay makikita ko nalang na may message sa aking ang aking mga kaibigan. Although wala namang nagbago sa pakikitungo ni Ana, hindi ko parin maramdaman ang pagiging kumportable.

I just don't know why.

Alas sais ng gabi nang maisipan kong magprepare ng ulam. Problemado kong tinitigan ang mga nasa loob ng ref. Lahat ay masarap pero hindi ako makapagdesisyon kung alin ang mas papatok sa aking panlasa.

I can't believe how confused I am right now. May gusto akong kainin pero hindi ko alam kung ano.

Kaagad kong naaninag ang de lata ng corned beef sa lalagyanan ko ng canned goods. Naramdaman ko ang pagkulog ng aking tiyan nang makita ito.

Bago ko pa ito makuha ay narinig ko ang ilang mga katok mula sa labas ng pintuan nitong condo.

Tamad akong naglakad patungo sa pintuan.

I actually have no idea kung sino man ang kakatok ng ganitong mga oras. But then again, I will just assume that It's Pristine since katapat ko lang naman ang kanyang condo.

If not, then it's one of my bros. And I'm expecting it to be Kuya Luke.

"Coming..."

Mabilis kong binuksan ang iilang mga lock sa pintuan bago ko tuluyang pinihit ang door knob.

Sa una ay nakita ko ang malapad na braso ng isang matangkad at may malaking pangangatawan na lalaki. I thought he was my body guard at first dahil sa porma nito. Pero nang tuluyan kong maibukas ang pinto ay nagulat ako dahil may isa pa pala itong kasama na may kaparehang uniform din ng aking bodyguards.

I Immediately reach out for something nearby at mabilis na itinago sa likod.

I don't exactly know who these guys are. At kung bakit ganito ang uniporme nila.

Magsasalita na sana ako nang mapangunahan ng mga ito.

"You need to come with us. Boss Hugh wants to see you " the guy on the left side with an authoritative voice made my heart pound heavily.

What the fuck is with their authoritativeness. Hindi ba nila ako kilala? And besides, bakit parang si Hugh lang ang tinitingala nila? They are also working under my family's name!

Ikinunot ko ang aking noo at tinitigan ang mga ito.

"Tell him na ayok-" kaagad akong pinutol noong isa na mas ikinakunot ng aking noo

"It's a command whether you like it or not. You will come with us."

Tumindig ang aking balahibo sa narinig. Ganito na pala ang labanan ngayon. Sapilitan pala.

"Oh well..." I gave a mocking laugh bago mabilis na hinawi ang pintuan para sana isara ngunit kaagad itong napigilan ng isa at malaks na itinulak ang pinto.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay napaatras na lamang ako. Gulat sa inasta ng mga agent na nasa aking harapan. Mabilis kong inilibot ang aking mga mata para hagilapin ang aking cellphone.

I don't understand why they are acting like this. Parang may mali.

Walang pag-aalinlangang pumasok ang dalawang agents sa aking condo. ANg mga mukha nito ay hindi ko makitaan ng emosyon.

Doon palang ay alam ko na kung gaano kadesidido ang mga ito na isama ako.

Bago pa sila makalapit ay mabilis kong itinaas ang aking kanang palad bilang senyas na huminto ito. Ngunit bigo ako sa parteng iyon kaya nman napilitan akong sabihin ang hindi dapat.

"Okay. I'll come..."

They stopped after hearing what I said. Gumapang ang kaba sa aking dibdib kasabay ng paglalakbay ng aking utak sa mga posibleng mangyari kapag sumama ako.

Kaagad itong tumabi at ipinakita ang daan sa espasyo nilang dalawa na inilingan ko lamang.

"In one condition..."

Kunot ang mga noo nitong tumitig sa akin.

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili. Sana ay tama ang aking desisyon na sumama ngunit bago ko gawin iyon ay kailangan ko munang sabihan ang aking mga kapatid tungkol sa bagay na ito.

"No. You're coming now." the guy on the left side

Parang pinipiga ang aking puso sa sobrang kaba at takot na nararamdaman. I need a better reason for this.

"Sasama lang ako after doing... uh... girl thingy!" I literally lied.

I saw how they grit their teeth inside. Magsasalita na sana ang isa pero inunahan ko ito.

"Period... May period ako!"

I know it's embarrassing to say but I have no choice even though wala naman talaga. Dahil sa dahilan ko ay hindi na nagsalita ang mga ito at sa halip ay sinundan lang ako sa lahat ng aking pinupuntahan.

After eating dinner ay kaagad akong naglakad patungong kwarto. My phone is at the bed at kailangang makapag text ako sa kahit na sino bago ako sumama sa mga ito. At dapat rin na hindi nila malaman ang aking gagawin.

Bago ko buksan ang pinto ay hinarap ko muna ang mga ito.

"Uhmm. Magbibihis ako. Di kayo pwede." pagtataray ko bago binuksan ang pinto at mabilisang pumasok.

Mabuti na lamang at mukhang naintindihan nila ako sa parteng iyon.

Walang pasubalikong tinakbo ang aking cellphone at nag tago sa loob ng walk in closet. I immediately dialed Kuya Luke's Number pero busy ang number nito. Sumunod na tinawagan ko ay ang number ni Kuya asher ngunit wala ring sumasagot.

I'm already sweating bullets sa sobrang takot at kabang namumuo sa aking sistema.

Isang malakas na katok ang aking narinig mula sa pintuan nitong kwarto . Halos sabunutan ko ang aking sarili nang hindi parin nasagot ni Kuya Asher ang aking tawag.

What the hell are they doing? Bakit hindi nila sinasagot. Damn!

Mabilis akong nagtipa ng mensahe para sa mga numero nila Kuya Luke at Kuya Asher. I hope kahit ito ay magflash man lang sa kanilang screen.

"Kuya, two of our agents were acting weird. They want to make me come with them. They said it was an unbreakable command by..."

Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil sa papalakas na pagkabog sa aking pintuan.

"Wait! My gosh!" mabilis kong itinago ang aking cellphone sa gilid ng aking bra bago inayos ang aking suot na black turtle neck sleeveless.

Nagulat ako nang biglang sumilip ang liwanag sa labas nitong walk in closet. Kaya naman bago sumunod na buksan itong walk in closet ay bahagya kong itinaas ang aking suot malapit sa aking brassiere.

Exposing a little bit of my skin habang nakatalikod. For them to realize na nagbibihis ako.

Hindi ako nagkamali.

Mabilis na bumukas ang pinto at gulat ko silang nilingon while crossing my arms above my bust.

Nakita ko kung paano bumagsak ang mga mata nito sa aking baywang na talagang sinadya kong tanggalan ng saplot.

Pinilit kong magmukhang galit at kaagad na dinampot ang aking boots para ibalibag sa mga ito. They immediately stepped back at kaagad na tumalikod.

Tinalikuran ko ang mga ito at pahapyaw na ngumisi.

With my acting skills, surely I'll win the best actress award at the Cannes Film Festival.

I quickly grab the white long fur coat nearby and start walking like a queen. The two escorted me at the rooftop.

Hindi na ako nagulat nang makita ang isang helicopter na ngayon ay buhay na at tanging hinihintay na lamang ang aking pagsakay.

I can feel the vibrations in my underarm. Maybe someone already noticed my message and now it's calling me.

Kaagad na umalis ang sinasakyan kong helicopter nang maka pasok kami. I actually have no idea where this is heading. All I know is my heart is pounding so bad. My instinct is telling that there's something up to, right now. And I don't like why it feels so scary to know what is it.

Basta all I know is, I'm going to do my best tonight to defend myself from the possible harm that might occur anytime.

We spent 30 minutes in the air. The two agents beside me are just silent the whole time. Hindi ko maintindihan ang pag-alon ng aking paligid sa tuwing magpopokus ako. I guess I'm really not feeling well all this time.

Pagkalapag ay kaagad akong pinababa nitong mga agent. My eyes automatically scan the surroundings.

If I'm not mistaken, this is somehow looks the same as our camp. Surrounded by tall trees. At tanging ang liwanag lang ng maliliit na bumbilya sa path walk ang siyang makikitang daan.

The agents starts walking. I followed them like a kitten.

Matapos ang mahabang paglalakad ay unti-unti kong naaninag ang isang maliit na liwanag na nagmumula sa isang modernong rest house sa di kalayuan. Habang palapit kami ng palapit ay patuloy sa paglinaw ang dami ng mga armadong lalaki na nasa paligid nitong rest house.

Unti-unti ko nanamang naramdaman ang pagsipa ng kaba sa aking dibdib. I don't know what's inside that house. And what's with these armed men outside.

Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil nilagyan ako ng blindfold sa mata. Napadasal na lamang ako sa mga possibleng mangyari pagkatapos nito.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman at hindi ko rin maintindihan ang tapang na nararamdaman ko ngayon na harapin ang mga ito.

Minutes later, they removed my blindfold.

Ang kalmado kong dugo ay unti-unting nanlamig sa nakita.

The agents immediately leave me in this four corner dark room with only a swinging light bulb at the top of a familiar guy who is helplessly tied up in a chair.

Parang piniga ang aking puso sa nakita. Hindi ko alam kung papaano hihinga gayong ang lalaki sa aking harap ay naliligo sa sarili nitong dugo.

Isang yapak ang ginawa ko bago tuluyang nanginig ang aking sistema sa nakikita. Parang tambol na dinagundong ang aking puso.

My hands were trembling so bad as I cover my mouth.

Hindi ko na kailangang kilalanin kung sino ito dahil kilalang kilala ko ang tikas ng katawan nito.

I badly want to shout pero walang ibang lumalabas sa aking bibig kung hindi hangin lamang.

Ang dugo ay balewalang gumuhit sa makisig nitong braso kasunod ng pagpapakita ng isang malaking daga sa paanan nito.

"D...Dam...on." napapaos ko itong tinawag.

Tuluyang namuo ang luha sa aking mga mata nang hindi ito gumalaw.