Hardin
For the past weeks I stayed up in our mansion. Max seemed to be very happy na kahit saan ako pmunta ay naka sunod ito. He's also fond of sharing what he's learning from school. Pati narin kung paano siya nag e-excel sa lahat.
Si Mama naman ay kakauwi lang galing US. KAya naman wala akong choice kung hindi ang magstay.
Damon finally stopped sending messages. Siguro ay narealize na nito na wala talaga akong balak na makipag usap sa kanya tungkol sa bagay na iyon.
Gustuhin ko mang kausapin siya. Hindi ko parin maiwasan na maramdaman ang awkwardness. That's one of the main reasons why I'm refusing that idea aside from the most important reasons.
Abala ako sa pagdidilig ng halaman nang makarinig ng tawag sa aking pangalan. I immediately looked and saw Mama carrying Max in her arms while they're coming.
Kaagad kong pinatay ang tubig at binitawan ang hose bago dinaluhan ang mga ito.
Max immediately presented a golden envelope in his hand.
Ipinahid ko muna ang aking basang kamay sa sa damit bago ito kinuha. The logo of the company who will held the event looks good in front of the invitation.
"Hija, you will be the one who will represent ours. And this event is one of the biggest event na dadaluhan ng mga international tycoons at ilang pang mga importanteng panauhin." maligayang pagpapaliwanag ni Mama. Max is playing with the curl of her hair.
Maagap akong ngumiti bago pinasadahan ang nilalaman ng magarbong sobre.
Nakasaad sa loob nito ang na magaganap pangmalawakang launching ng mga proyekto. Alas siyete ang opisyal na simula ng event. Magaganap ito bago matapos ang unang buwan ng taon.
Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo.
This is my first time and I don't think I can handle the pressure.
"This is a great opportunity to talk and negotiate with the other businessmen. But I think it would be better if one of my Kuyas will handle this one. I'm sure everything's going to be well. At isa pa, they will surely and appropriately understand the topic. Wala po kasi akong alam sa mga bagay na ito." I smiled awkwardly.
Nagpakawala naman si Mama ng mabigat na hininga bago umiling.
"No, Hija. It's your turn to shine bright in the industry. Don't worry. Your Big bros will be with you in the event." she said with finality in her decision.
After our convo ay napagpasyahan ko nang bumalik sa condo. At first, I got surprise how well managed my things are. Complete set of foods. Canned goods. Chips. Everything is well maintained.
Sa aking likuran ay ang pagsara ng aking body guard sa pinto.
Simula noong nangyari ang pagtatangka ay hindi na ako nawalan ng bantay. Noong una ay pumapalo sa sampung katao ang sa tingin kong nagabantay sa paligid. Ngayon ay kunghindi tatlo ay dalawa na lamang.
Mabuti na lang at pinaunlakan ni Kuya Asher ang aking hiling na bawasan na ng aking bantay. Alam ko kasing mas may importante pang magagaawa ang iba kaya naman pinilit ko talaga ito. But if it's Kuya Luke...
Puputi na ang mga mata ng uwak ay hindi parin iyon papayag.
Inilagay ko ang aking bag sa wooden table at kaagad na umupo sa sofa. The coldness of air immediately send shiver to my spine. Nakasando lamang ako kaya paniguradong magyeyelo ako sa lamig.
I turned the tv on. Pamaya-maya ay paniguradong darating na ang magsusukat sa akin para sa gown na isusuot sa event.
Hindi ko pa naililipat ang channel ay muli nanamang bumukas ang pintuan kasabay noon ay ang pagtakbo ng kung sino sa maliit na pasilyo.
"ELLE!!!!!!!!!" Pristine's voice echoed in the entire place.
Hindi ko pa ito nahaharap ng maayos ay halos madurog na ako biglaang pag dagan nito sa akin. Sa sobrang bigat ni Pristine ay halos lumubog na ang aking mukha sa foam ng sofa. Mabuti nalang ay mabilis itong nakahalata at kaagad na umayos ng upo habang tumatawa.
Ang makintab at makinis nitong balat ay kaagad na naagaw ang aking atensyon. Sa texture pa lamang nito ay malalaman mo na agad kung ano ang trabaho nito.
"I missed you! Asaan ka ba for the past two weeks? Di ka man lang nagparamdam!" halos mapapikit ako sa sobrang lakas ng boses nito.
I rolled my eyes. Sa aming pitong magkakaibigan ay si Pristine ang pinaka naging malapit sa akin. Bukod sa masarap at kalog itong kasama ay mas nakapukaw ng aking atensyon ay ang pagiging open nito at ang sweet personality.
"Umuwi kasi si Mama kaya sa mansion ako tumira."
Tinitigan lamang ako nito bago muling nanlaki ang mga mata at mabilis ako sinugod.
Kung kanina ay halos lumubog na ako sa sofa, ngayon naman ay halos halikan ako nito sa sobrang lapit.
Matulis at nagtataka nitong tinitigan ang aking tainga na ang sugat ngayon ay nawawala na.
Muli ay inilag ko ang aking mukha at sa wakas ay pinakawalan ako nito.
She crossed her arms habang matulis at nananantyang nakatingin sa akin na para bang may hinihintay na paliwanag.
I heavily sighed and roll my eyes again.
"Someone tried to assassinate me here in my condo." Walang paliguy-ligoy kong paliwanag bago bumaling sa tv.
And as I expected. Pinaulanan nanaman ako nito ng tanong. That's why I have no choice but to explain my real life's situation. Dahil kahit siya ay naguguluhan na sa mga nangyayari sa akin.
She even reminisce about the past happenings including the shoot out that happenned in our school.
"Now you know. Ikaw lang ang sinabihan ko nito."
Her mouth is in a big O. At tila halos maestatwa na ito sa kinauupuan.
Huminga ako ng malalim at umiling na lamang.
"How about you and Damon? How did he get there that fast?... OMG!" hindi parin makapaniwala sa lahat ng nalaman.
She even hugged me while praising our dear Lord that I'm still crazily alive after everything that happened.
Nagpapalpitate na ang aking kilay nang nilingon ito. Here eyes were sparkling like as if she's the most blessed girl in the entire universe.
"I actually don't know why he's there, when all I think about that time is that... everything is planned by his family. And it's confusing me so bad dahil iniligtas niya ako. Maybe everything that he's doing were all just for show." pag-irap ko bago nagpokus sa pinanunuod.
Pigil itong tumili sa aking tabi bago ako pinaghahampas sa braso.
"Oh my gosh!! What if he likes you?" halos madurog ako sa mga hampas nito sa sobrang kilig.
Mabilis kong pinangsangga ang aking braso sa mga hampas nito.
"My georgina! Stop the nonsense, Pris!" muli akong umirap bago pahapyaw na dumistansya rito.
Ang pilyong ngiti nito ay malayang naglalaro sa kanyang labi. Nagdududa ako nitong tinitigan dahilan para tumayo ako at iniwan ito sa sofa.
Naglakad ako patungo sa kusina habang hinihilot ang aking sentido. Dapat ko pa atang pagsisihan na may nakaka alam na ng sikreto ko. Pero ipinagpapa salamat ko na din dahil may makakaintindi na sa akin.
"Uyyy. Umiiwas." halos tumirik ang aking mga mata sa pagsunod nito.
Walang gana akong lumapit sa ref para kunin ang pitsel ng tubig. Pristine is just behind me, grinning like a witch.
Umirap ulit ako at kumuha ng baso para pangalahatian. Bigla naman dumating ang aking body guard kasama ang isang maputi, chinata at petite na babae.
"Ma'am, narito na po ang magsusukat sa iyong gown." mabigat na pananalita nito na tinanguan ko lamang.
Nilingon ko naman ngayon si Pristine. Bahagyang kumunot ang noo nito habang nakikipagtitigan sa akin.
"Ah! I almost forgot. Mama wants me to carry our company's name sa party na gaganapin before January ends." mabilis kong nilagok ang tubig na halos maibuga ko rin sa naging sagot ng aking kaibigan.
"OMG! Pareho tayo ng a-attend-an na party" she proudly said.
Gulat at hindi makapaniwala ko itong nilingon. The idea of being with her in that party full of extravagant things and classy people is a must.
Friendship goals. Yun ang tawag nila.
"What?! Really????" sa sobrang saya ay natabig ko pa ang baso na naging dahilan ng pagkabasag nito.
My bodyguard immediately come at pinalayo kami.
After being measured ay mabilis akong kinaladkad ni Pristine. She said she has an appointment with someone at QC. Hindi na ako nagkaroon ng chance na mag-isip dahil mabilis na ako nitong hinila palabas ng aking condo right after matapos akong sukatan.
Hindi ko na rin nakuha ang susi ng Porsche kaya naman wala akong choice kung hindi ang magpatianod na lamang sa panghihila nito.
"Meet my Baby Lambo." nakangising pagpapakilala nito sa dilaw na sasakyan malapit sa aming harapan.
I can't help but whistle. Ganito rin kasi ang style ng isa sa mga big toys ni Kuya Luke. Kulay itim nga lang ang kay kuya.
Nang makarating sa QC ay medyo natagalan pa kami dahil sa ilang mga saradong daan. Kaya naman nang sa wakas ay narating din namin ang daan patungo sa isang garden ay naging madali nalang ang lahat.
"We're here." Pristine finally announced as she stops the car.
Maagap kong inayos ang aking floral blue maxi dress. I can't believe how related the maxi dress I'm wearing in this beautiful place.
Saglit akong nagsalamin para ayusin ang aking itsura. Pristine is also doing the same thing. I'm wondering how important her appointment is. At talagang dito pa sa Fernwood Garden kailangang ganapin.
Nang matapos ay sabay na naming binuksan ang pinto at taas noo na binaybay ang daan papasok ng hardin.
Mabilis na napukaw ng mga halaman ang aking paningin. Maging ang pader ay may halaman rin.
Isang babae ang lumabas sa nasa pang harapan na pinto ng tila bahay. Iginiya kami nito papasok sa isang madilim at makitid na pasilyo.
Sa itaas ay mapapatingin ka sa mga naglalakihang halaman na naka sabit rito at pati narin ang mga maliliit na bumbilya na naka palibot sa katawan nito.
I can almost imagine how magical this place at night. Lalo na't ilang araw nalang ay pasko na.
Pagkatapos maglakad sa pasilyo ay bumungad naman sa aking harapan ang isang pakurbanng hagdan mula sa itaas na pinto nitong building pababa sa gilid ng isang pond.
Sa pond ay napukaw agad ng dalawang malaking couple parrot ang aking paningin. Kasunod ng pag-eksena ng isang malaking swan mula sa ilalim ng dalawang wooden bridge. Maging ang iba't ibang kulay ng mga isda ay mas nagpaganda sa ambiance ng paligid.
"Elle, sama ka ba sa taas? Or dito ka na muna? Mabilis lang din naman magiging pag-uusap e." Si Pristine na kaagad kong tinanguan.
I'm so pleased by the view and I'm now starting to imagine things that I will surely want to have in my own manor.
The green house looks magnificent. Sa ere ay may mga nakasabit rin na mga halaman. Ang mga Christmas lights ay nagkalat rin. I can't help but imagine how beautiful it is at night.
"You look so Amazed, hija.." isang boses ng matanda ang kaagad na nagpalingon sa akin.
I thought he's just a keeper pero nang makita ko ang magarbong suit na suot nito ay kaagad kong naramdaman ang pagsusumigaw nito ng awtoridad.
The old man had a dark circles in his eyes. His face held an amused expression. He has a walking stick. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay mas nangibabaw ang kakisigan roon.
Ang matangos at malalim na mga mata nito ang mas nagpariin sa kanyang expression. Ang manipis na pang itaas na labi nito ay kaagad na nagpaalala sakin kay Damon. The old man also has a killer jaw. Isang parte na paborito kong titigan kay Damon.
Damn.
Pati ba naman sa estranghero ay nakikita ko ang mukha ng lalaking iyon.
I kinda miss him too. But, still, it's a no no.
"Opo. I'm sure this place is magical at night!" I smiled sweetly to the old man. Sa likod nito ay ang dalawang panigurado ay body guards.
He smiled back. A dimple showed.
Kaagad naman akong napalingon sa aking kaibigan nangayon ay pababa na ng hagdanan dala ang isang folder. She looks so happy as she grace the curvature of the stairs.
Muli kong nilingunan ang matanda na ngayon ay nakangiti parin.
I immediately excuse myself from them para salubungin ang aking kaibigan na ngayon ay mukhang may magandang balita.