Favorite Subject
Kabado akong pumasok sa aking condo at mabilis na ni-lock ang pinto. I can't believe how my heart races so bad even now that I'm miles away from him.
Any minute ay darating na ang aking mga kaibigan.
May usapan kasi kami ngayon na magkikita ang lahat dito sa aking condo. They are also planning for a movie marathon. It was all planned by Jane.
Noong una ay nag-aalinlangan pa ako sa hiling nito dahil nga bisperas na ng kapaskuhan. At paniguradong kapag ginabi kami ay mahihirapan na akong makauwi on time dahil sa traffic.
Maingat kong inilapag ang isang isang mamahaling alak sa lamesa.
Dahil sa hindi inaasahan na pagkikita namin ni Damon ay hindi ko naituloy ang aking plano na ibili si Pristine ng make-up set. Kaya naman pagkaalis sa mall ay mabilis akong tumungo sa iba pang bilihan.
Pero dahil sa takot na makitang muli ang lalaking iyon ay hindi na ako nag-aksaya ng oras para magtagal.
I'm afraid to even think that I'm being followed by his car. At lalo na kung pati dito sa aking condo ay makasunod iyon.
Paniguradong mabubunyag ang lahat ng plano ko kapag nangyari iyon.
He seemed to know a lot the way his eyes burn with determination.
What if he really knows? What if he already know everything simula noon tumapak ako sa locker nila? Na kaya niya sinabing hindi niya ako pwedeng patayin noong mga oras na nag-uusap ako.
Damn. What am I going to do kung totoo nga alam na niya ang tungkol sa aking mission.
Nabanggit din niya kanina na gusto niyang malinaw na malaman mula sa akin ang mga sagot sa tanong na binitawan niya bago mabasag ang lahat na parang salamin.
What's that supposed to mean?
Maingat kong inilapag ang mga chips sa lamesa. Sa gilid nito ay ang nagpapawis na pitsel na may lamang juice. Ang mga cd na gagamitin ay nakaayos na sa gilid ng player. Karamihan rito ay horror.
Madilim na ang paligid at tanging dim lights nalang ang nagbibigay ng liwanag. I really made sure na dapat ay walang liwanag na tatagos mula sa labas.
Hindi nagtagal ay nag beep ang aking phone sa lamesa. Sa screen ay nakalitaw ang pangalan ni Ana.
She's calling.
I immediately went and answer it. Sa background ay kaagad kong narinig ang kantahan nila Joy at Irish. Looks like they are still inside the car.
"Hello, Ana. Nasan na kayo?" I asked
Tawanan ang nagibabaw sa kabilang linya. Nagkakatuwaan na ang mga ito.
"Sila na ba yan?" boses ni Pristine mula sa aking likuran.
Nilingon ko ito at nakita ang mga baso sa kamay nito na maagap namang inilagay sa mesa. Tinanguan ko ito bago muling binalingan ang telepono na ngayon ay tinatawag na ang aking pangalan.
"Elle? Uy. Malapit na kami. Elle?" Si ana bago muling nilunod ng tawanan ang kanyang boses
"Got it. Just knock whenever you arrived." kaagad na naputol ang linya.
Nagkatitigan lamang kami ni Pristine pagkatapos noon.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsidatingan na ang mga ito. As usual, maingay parin si Irish at Joy na nagtatawanan. Ana immediately hug me nang makita ako nito. Nakipag beso naman si Jane bago tumuloy sa pagpasok.
Malaya akong naglakad patungong TV para isalpak ang napiling horror movie. Isa ito sa pinaka magandang movie na talaga naman nakakakaba at nakaka sira ng ulo dahil sa mga hindi inaasahang twist.
Ang kauna-unahang movie nito ay matagal nang ipinalabas. Bago nasundan pa ng ilang bilang.
Two strangers awaken in a room with no recollection of how they got there or why, and soon discover they are pawns in a deadly game perpetrated by a notorious serial killer.
Sa simula palang ay talaga naman nakakaantig na ng damdamin. Both secrets and connections were revealed.
Si Joy at Jane parehong hindi na makatingin sa tv dahil sa labis na pandidiri sa nakikita. Irish and Joyce seemed to enjoy the movie. Kanina pa ang dalawang ito tawa ng tawa. Si Pristine naman sa aking gilid ay panay ang tago sa tuwing may makapigil hiningang eksena.
Ana on the other side is seriously texting on her phone. Simula palang ng movie ay halos hindi na naalis ang mga mata nito sa hawak. Maybe she isn't interested.
Nang matapos ang unang movie ay kaagad na naming isinunod ang pagpapatuloy nito sa ikalawang yugto.
I can't believe how great the movie is. The mysterious and thrilling effect is just so awesome. The way how the victim think brilliantly in order for him to survive the device. He's only given 60 seconds to do the job he is tasked to do.
Kapag natapos ang 60 second ng wala itong ginagawa para makalaya ay mismong buhay nito ang mawawala.
It's like you're trapped in a cage full of knives and you are given 60 seconds to find the missing thing for you to get off that cage before the time runs out. Or else, your body is going to be crashed by those knives.
Muli kong nilingon ang daan papuntang kusina. Kanina pa kasi wala si Ana. She said she's just going to drink water. Pero what's taking her so long?
Tatayo na sana ako nang marinig ang mga yapak nito na kakalabas lamang ng kusina. Kaagad na nagtagpo ang mata namin ni Ana.
She gave me an assuring smile bago tumango at dumiretso sa tabi ni Joy.
Muli akong nagpokus sa pinanunuod kahit na sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ang pagiging abal nito sa kanyang cellphone.
Kung minsan ay nasusulyapan ko rin ang screen ng cellphone nito na may tumatawag. Ngunit dahil sa distansya ay hindi ko mabasa ng maayos kung ano ang pangalan. Kahit na mukha itong pamilyar.
Makalipas ang ilang minuto ay muli nanaman itong tumayo at sinabing nanunuyo ang kanyang lalamunan. Muli ay dumiretso si Ana sa kitchen.
As a friend, bahagya akong nag-alala. Kaya naman nagpaalam rin ako na susundan si Ana. In case na may kaialngan ito.
Mahinhin akong naglakad. Sa kabilang likuan ay patungo sa banyo. Nang marating ko ang aking pinatutunguhan ay nagulat at nagtaka ako nang makitang wala naman ito sa kusina.
Sinilip ko rin ang ilalim ng mesa baka sa kaling nakikipaglokohan lang ito ngunit nabigo parin ako.
Where did she go? She said she's just going to drink water, but why she isn't here.
Isang munting boses ang aking narinig na mabilis ko namang nirespondehan at tinukoy kung saan nagmumula.
Naguguluhan kong tinitigan ang pintuan ng banyo. Sa loob ay ang patuloy na pagbulong ng kung sino.
Dahan-dahan kong inilapat ang aking kaliwang tenga sa pinto at narinig ang boses ni Ana na mariing nagsasalita sa loob ng banyo. Tahimik kong pinakinggan ang kanyang mga sinasabi.
"Okay. Okay. I won't fail this on-... No!"
bahagyang kumunot ang aking noo sa narinig.
"If not now, then whe-... Jesus.. No!"
Ang kulog sa boses ni Ana ay hindi ko inasahan. Hindi ko rin maintindihan kung tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan para maglait ito ng ganito.
And speaking of her voice, I thought her throat is in pain. Pero sa aking naririnig parang hindi naman ata.
Nagpatuloy lamang ako sa pakikinig sa usapang hindi ko naman maintindihan. I'm sure Pristine is already waiting for me to come back. And besides, privacy ito ni Ana kaya siguro ay dapat iwan ko nalang ito. Maybe I can ask her how she's feeling when she gets back.
"I'm sure hindi niya alam..."
Patalikod na ako nang marinig ang mga katagang iyon. Nagtataka ulit akong pumakat sa pinto para pakinggan ang mga susunod pa nitong sasabihin.
What does she mean about that? At sino ang hindi nakakaalam?
"Yup. Magugulat nalang siya---ayun busy siyang nanunuod sa labas kasama ang tropa." I can feel the amusement in her tone.
Hindi ko maintindihan pero isa lang ang tumatak sa aking utak. Ang alamin kung sino ang tinutukoy niya at kung sino itong kausap niya.
"Oh. We'll see... Oops. Wag na sa Polo Club...Yeah. Sa The palms nalang... right after this."
Bahagya akong kinabahan nang maramdaman ang bakas ng pamamaalam sa boses ni Ana. Pero ang sumunod na narinig ay mas ginambala ang aking konsiyensya.
"Yes, you're right, Hugh. Malapit nang matapos ang mga ito"
Hindi na ako mapakali sa pakikinig. I feel like I want to break this door para magkaalaman na kung ano ang mayroon. But I can't do that.
Coincidence lang ba ang marinig ang pangalan ni Hugh sa panahong ito? Maybe it's not him. I know Hugh. Hindi siya basta-basta nakikilala ng mga simpleng tao lamang. Or maybe there's a deeper explanation behind all of these.
Lutang akong naglakad pabalik sa sofa. Mabilis namang nagbigay ng espasyo si Pristine ang makita ang pagdating ko.
She even asked me how's Ana.
Wala akong ibang naisagot kung hindi ang pag-iling.
Hindi ko maiwasang hindi magulantang sa mga narinig. Pinipilit kong iproseso sa aking utak ang pag-uusap na aking narinig.
Sino ang posibleng tinutukoy ni Ana. Ano ang sinasabi niyang 'matatapos din ang lahat'. Posible kayang may si Hugh talaga ang kausap nito sa kabilang linya.
Kung ganoon nga...
Ano ang maaaring koneskyon ng dalawang ito? At higit sa lahat,
Ano ang pinaplano nila?
Maybe I can go and investigate this thing after what we are doing right now.
Hindi p-pwedeng matapos ang araw na ito ng hindi ko napapatunayan kung si Hugh ba talaga ang tinutukoy sa aking narinig.
Alas kwatro y medya nang mag-aya na si Irish na umuwi. Sinang-ayunan naman agad iyon ng lahat bago si Ana na pinaka huling sumang ayon.
Unti-unti kong naramdaman ang pagkulo ng kung anong elemento sa aking katawan.
I know it's wrong na pagdudahan ang isang tao. But I just really can't help right now.
Now that I'm treating her as a friend. It will be hard for me to accept the fact that she's betraying me.
It's just that when it comes to my personal issues... I'm furiously smitten.
Nang maka sakay ang mga ito ng elevator ay kaagad rin akong sumakay sa kabila. Panandalian pa akong na-delay dahil sa mga sumasakay. But in the end, I managed to get in my car and follow Ana's car.
Mabuti na lang at hindi ang Porsche ang aking gamit dahil kung iyon ay tiyak buking na ako.
I can't believe how things properly goes down to its perfect place.
Mabilis kong isinuot ang itim na jacket pati narin ang aviators bago bumaba ng sasakyan.
I carefully followed Ana's step.
She seemed to be so excited while I'm here, thinking of the possibilities of everything.
Muli akong nadelay nang harangin ng ilang officials. Mabuti nalamang at nagamit ko ang aking pangalan para makapasok sa loob ng mismong country club.
Bahagya akong nagpanic nang mawala si Ana sa aking paningin. Yun pala ay may kinausap lang na staff bago nagpatuloy sa paglalakad.
Matapos ang mahaba-habang paglalakad ay bumungad sa aking paningin ang malawak na swimming pool. Panandalian akong namangha sa magandang tanawin bago muling sinundan ang aking kaibigan na ngayon ay tila bumagal na ang paglalakad.
Binagalan ko rin ang aking lakad hanggang sa napahinto na lamang sa nakitang paparating na lalaki.
Mabilis akong nagtago sa anino ng mga taong naglalakad sa paligid. Pakiramdam ko ay may nabasag sa akin at biglang nagluksa ang lahat ng kulisap sa aking tiyan.
Diretso kong tinitigan si Damon katabi ang isang matangkad na mestiza na yumakap pa sa baywang nito. Malungkot at mukhang nagpapapansin habang may sinasabi.
I feel like my heart is being hit by thousands of bullets. Hindi ko alam kung paano magre-react sa nakikita.
Damon is just staring at her with a flashy smile na sa tingin ko'y isa o tatlong beses ko lamang nakita noong magkasama kami.
"Miss, are you okay?" voice of a stranger
Mabilis kong hinawi ang hindi ko alam na luhang tumakas na pala sa aking mga mata. The handsome and tall stranger is worriedly looking at me.
Mas lalo ko lamang naramdaman ang tila patay na hangin na dumadaloy sa aking puso.
Sa dinami rami ng taong p-pwedeng magtanong sa akin ng mga salitang iyan ay bakit sa isang estranghero pa.
"Oh. Yes! This is just a tears of joy... tears of joy!" pinilit kong maging masaya sa harapan nito at ngumiti na parang wala lang.
Pretending when you're in pain is actually my favorite subject in life. Sometimes it's easy to pretend that everything's fine, than to admit what's killing you inside.
Mabilis kong tinanguan ang estranghero bago nilagpasan. Hindi ko na hinintay ang reaksyon nito.
My mind is so clouded. All I want to do now is to go home.
Tutal naiwala ko na rin naman si Ana sa aking paningin. So what's the point of staying here.