Chereads / Bullets of Past / Chapter 45 - Damn

Chapter 45 - Damn

Damn

Tamad akong sumandal sa aking kama habang pinanunuod ang cooking show sa tv. Kuya Asher and Kuya Luke were both busy talking outside. My plan of visiting Nueva Ecija is cancelled kaya naman magkakaroon ako ng pagkakataong makapag pahinga.

I don't know what their plan for now. Basta ang alam ko lamang ay ang mainit na usapin nila sa issue ng pagkamatay umano noong lalaking sumubok na i-assassinate ako. It was a bluff information. I never thought na magf-fail sila sa details about the ambush. That's why my perception of them got ruined too.

Kahit na itong condo ay muntik nang i-pull out nila Kuya dahil sa nangyari. Mabuti na lamang at napakiusapan ko pa ang mga ito. Iyon nga lang ay may body guard na akong kasa kasama lagi.

Isang katok sa pintuan ay kaagad na itong bumukas. Seryosong mukha ni Kuya Luke at Kuya Asher ang pumasok sa aking kwarto.

Bumangon ako at umayos ng pagkakaupo sa aking kama.

My two brothers towered over me as they stand beside my bed. Di nagtagal ay umupo rin ang mga ito.

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at hintintay kung mayroon man itong mga balak na sabihin. Kuya Asher pats my head and gives an assuring smile. I smiled back to him bago nilingon si Kuya Luke na ngayon ay seryosong nakamasid.

Huminga ako ng malalim bago nag salita.

"What brings you guys here?" kabado kong tanong bago ibinaling ang atensyon sa tv para hininaan ang volume.

One of them released a heavy sigh.

Muli akong nagpokus sa aking mga kuya at hinintay ang kanilang mga nais iparating. Ngunit lumipas na ang ilang segundo ay wala paring nagsasalita sa dalawa.

Palipat-lipat ang aking mga mata sa dalawa na na mukhang hirap sa sasabihin. Kaagad na tumikhim si Kuya Asher.

"May hindi ka ba sinasabi sa amin?" Kuya Asher's heavy tone made me shiver. Gulat at nagtataka lamang akong tumingin bago ito inilingan.

Hindi ako nagsalita. Kuya Asher's face got disappointed.

Unti-unting gumapang ang kaba sa aking dibdib. I don't know what they're thinking o kung ano ba ang nalalaman nila.

Is it about the mission? Alam na ba nila? Sinabi na kaya ni Hugh?

Oh my georgina!

Kuya Luke shifted a bit bago itinukod ang kaliwang braso sa kama. Ang mga mata nito ay walang ipinagbago. Kahit na kapatid ko ang mga ito at nakasama ko na ng matagal, may mga bagay parin talagang mahirap ispelingin.

"What do you think is the connection of the kidnapping in Turbina and the plan of assassinating you in your condo? Anong masasabi mo sa mga ito? Personally, in my own interpretation, this isn't just a simple ransom thingy. This is way more alarming than those."

Kahit na ako mismo ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang koneksyon ng lahat. All I know is every horror thing begun when I met Damon. When I stepped in that school every single thing went mysterious. Lalo narin noong nakilala ko si Hugh na siyang nagmulat sa akin sa mga bagay na hindi ko alam.

Posible rin na si Foxes ang may pakana ng lahat sa sobrang selos. But I don't think na aabot siya sa punto na ipapapatay niya ako. Well that makes a sense. P-pwede rin na baka may kaugnayan sila noong Laurence or in love sa kanya si Laurence kaya nagawa siya nitong sundin.

But that only happens in a story. This is the reality. My reality.

Maraming posibleng koneksiyon ang lahat pero mahirap tukuyin kung saan at alin ang mas nakakatimbang.

"I honestly don't know, Kuyas. Kung hindi niyo lang sa akin itinago ang tungkol sa tunay na gawain ng pamilya natin. Edi sana hindi ako nahuhuli sa balita at kakayahan niyo. Naaalala ko pa yung sinabi noong lalaki na dumukot sa akin sa Turbina..." walang paligoy ligoy ang mga atensyon ng aking mga kapatid na nakatutok lamang sa aking sasabihin.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy.

"They told me that I'm the weakness of my two savage brothers. That's exactly what he said. Kaya naman nakikita ko ang rason na iyon para atakehin ako ng mga kalaban. Because I'm the weakest foundation." iling ko

tahimik lamang na nagmamasid ang aking dalawang Kuya na tila ba may sinusubukang kilatisin sa aking kilos. Kaya naman sinimangutan ko ang mga ito

I cleared my throat para magtanong.

"By the way, who do you think our enemy is? The Ortegas?" I tried to act as normal as possible. Kuya Luke's brow immediately furrowed.

Halos magwala naman ang aking puso sa sobrang kaba. Kuya Asher let a sarcastic and heartily laugh out. Bago tumayo paalis sa aking kama. Pinanuod ko lamang ang mga ito sa kanilang naging reaction.

"That Hugh is really a big bastard. We tried our best not to let you know about everything, but he just ruined it. What a gay." ngisi pa nito bago itinaas ang kanang kamay bilang senyas ng pag alis.

Sinundan ko ng tingin ang pag labas ng pintuan ni Kuya Asher. Muli ay ibinalik ko ang aking mga mata kay Kuya Luke na seryoso parin. I gave him my grumpiest look of the year.

Pakiramdam ko ay may dalaw nanaman ang isang ito. Well, kung hindi nang iinis ay ganitong mood naman ang papalit. He's always like that kaya naman sanay na ako.

"Until now, it's bothering me.Who is Damon?" Kuya Lukes's voice echoed in my entire room.

My crazy thought went black. Ang aking mga balahibo ay kaagad na nagtindigan kasabay ng paglunok ko ng wala sa oras. Walang pumasok sa aking kokote na magandang sabihin kaya naman tumikhim nalang ako.

"He's my friend, why?" diretsong sagot ng aking bibig.

Pakiramdam ko ay sinampal ako ng hangin sa sariling sinabi. Kuya Luke's serious face remains as he shifted. I wonder what's bothering him. Maybe he's doubting what's between Damon and I.

Tumango tango pa si Kuya Luke na para bang nakumbinsi ko na siya sa sinabi bago tumayo at inayos ang damit.

"Nah. I just want you to know that, I don't like that guy. He's suspicious." hindi katulad kanina ay magaan na ngayon ang mood nito.

Nang iinis akong tumawa bago kumuha ng unan at ihinampas sa tagiliran nito.

"Suspicious? You're just insecure sa kagwapuhan niya!" tawa ko habang unti unting nilalakasan ang volume ng tv.

Kuya Luke glares at me. There he goes again. So I glared back at him. It took us seconds before he finally turned his back.

Nang makalabas ito ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag na tila ba tag hirap sa hangin noong naririto sila. Kaya naman alas tres na nang magising ako. Hindi ako makapaniwalang ganoon ako ka puyat.

Abala ako sa pagluluto nang mag pop ang tawag ng isang numero sa aking cellphone.

Mabilis kong kinuha ang pang cover sa pan at iniwan ang nilulutong pancake para kunin ang tumutunog na cellphone sa lamesa. My hair is a bit dump dahil sa pawis.

Sa screen ay naka pop ang isang unknown number. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko o hindi. Pero at the end I swiped my fingers on the screen. Baka sakaling isa ito sa mga new numbers ng aking mga kaibigan.

Mabilis kong sinikop ang aking buhok papunta sa kaliwang balikat bago ipinatong ang cellphone sa tenga.

At first ay wala akong ibang narinig kung hindi ang huni ng kung anong ibon sa background. Hindi ako nagsalita at naghintay lamang.

May kung ano namang kutob na nagpapakaba sa akin. Kutob na baka ang nasa kabilang linya ay ang killer.

Ilang segundo pa ang lumipas na walang nagsasalita kaya naman naisipankong ibaba nalang. Pero bago ko pa iyon magawa ay isang boses ang aking narinig na siyang bumuhay sa kung ano anong gamogamo sa aking tiyan.

"Where are you? I'm sorry about last night. Does it hurt?"

Pakiramdam ko ay dinadagundong ng mga kampana ang aking puso sa sobrang bilis ng pintig nito. May kung ano namang kakaibang kuryente ang siyang dumaloy sa aking ugat. Ang mga alaala ng aming nagawa ay mabilis na pumaskil sa aking isip.

Halos masuka ako sa nagwawalang insekto sa aking tiyan. Tila ba kaya ako nitong ilipad kung saan.

Hearing Damon's voice made my knees tremble so bad that I think I'm going to lose myself. Halos gusto kong lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan.

My georgina! Elleeeee! Ano ba! Parang kanina lang pinagdududahan mo siya tapos isang tawag lang niya wala na! Come on!

Halos gusto kong humiga sa sahig at magpaikot-ikot nalang dahil sa abnormal na kuryente na patuloy sa pagdaloy sa aking sistema. Pakiramdam ko ay sasabog na ako ano mang oras.

Jusko! Ano bang nangyayari sa akin.

"Damn, after what we did, basta basta mo nalang akong iniwan. Why are you like that? Halos mabaliw ako kaninang pagkagising ko." his husky voice sent shiver down to my spine.

Tila kinurot ang aking puso sa narinig.

Mabilis na nagbadya ang luha sa aking mga mata.

Paano kung ang mga sinasabi niyang ito ay parte lang ng plano niya? Pilitin ko mang iwasan ang koneksyon ng lahat ay dito parin ako dinadala sa ideya at tanong na paano nga kung ginagamit lang niya ako para mas madaling mapabagsak ang pamilya ko.

I can't just let myself fall for him. Lalo na sa mga bagay na nalaman ko kanina. Ang bala. Ang screen wallpaper niya. Ang logo. I swear hindi ko kakayanin kapag napatunayan ko na totoo ang lahat ng iyon.

Kaya habang maaga pa ay iiwas na ako. Habang hindi pa ako tuluyang nalulunod. I need to be brave enough to absorb the collateral damage in the near future. Tutal doon din naman hahantong ang lahat ng ito.

"Babe?... Oh... If you're confuse kung kanino ko nakuha itong number mo. I asked you friends.... Babe?" his voice made me grit.

Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili.

No, Damon. That act of yours won't work anymore. Sapat na siguro ang mga panahong iginugol ko habang kasama kita. Tutal nakuha ko na din naman ang isa sa mga kailangan ko which is the bullet. And I think that that bullet is enough to prove your connection in my mother's ambush.

And giving my virginity bilang kapalit ng katotohanan ay sapat na.

"Damon..." tila nagbara ang aking lalamunan. Narinig ko naman ang kung anong ingay sa kabilang linya.

"Elle? Babe? Oh thank God you finally answer the phone. Akala ko nakikipag usap lang ako sa hangin. God! It's so overwhelming." masayang pananalita nito.

Parang binuhusan ng asido ang aking tiyan kasabay nito ay ang paglamon sa aking sistema ng pait. There's a little part of me na nabuhayan din sa narinig na saya sa boses niya.

I can't help but smile despite of the creepiness that I'm feeling inside my stomach.

Damn. Itanggi ko man ang nararamdaman ko sa lalaking ito ay hindi ko parin talaga kayang iwasan na sumaya pagdating sa kanya.

I deeply breathe before releasing it as a heavy sigh.

"You know what, Damon..."

silence filled the other line.

"Let's stop the nonsense. Nakuha mo na ang gusto mo. So there's no reason for us to talk about it anymore." I cut the line and immediately throw my phone at the table.

Nanghihina ang aking tuhod na napa sandal sa haligi ng tiles.

Even though I like the idea that he called, hindi ko parin maiaalis ang ideya na may koneksyon ang lahat ng ito sa master mind ng nangyaring ambush noon sa akin at sa namayapa kong ina.

I can't be childish from now on. Lalo na ngayong nasa piligro ang buhay ko.