Chereads / Bullets of Past / Chapter 43 - Escape

Chapter 43 - Escape

Escape

Sa isang madilim na kwarto tahimik kong hinahagilap ang aking mga damit. Tears are continuously falling down as I try to calm my heart.

I know what I did tonight with Damon is just so wrong. We were both drunk and mad at each other. At hindi ko rin alam kung seryoso ba siya sa mga sinabi niya kanina bago ako nakatulog sa kanyang braso.

He told me that he loves me so much. At nagsimula ang lahat noong araw na nakatanggap siya ng sampal mula sa aking palad. He hugged me so tight and told me that he will never let me go. Never again.

Bitterness filled my stomach as I zip my dress. My make up still looks good even after he showered kisses in every part of my face. Owning every inch of me.

Yes, I allowed him to own me tonight.

I'm so sore down there. I didn't expected this to happen. And my georgina! I'm sure I looked like a stupid cat moaning in his arms! What would he expect from me? I'm a virgin! And now he took it away.

Nilingon ko ang kama kung saan ito mahimbing na natutulog at dahan dahan na lumapit. Madilim ngunit nakita ko parin ang bahid ng dugo roon. Nag-init ang aking mukha sa hiya.

Gusto ko mang magtagal ay baka hindi ko na kayanin. All I can do right now is to stay away starting tomorrow. Tutal nakuha naman na niya ang gusto niya at nagtagumpay na siya. It's time for me now to keep distanced. Hindi na din naman siguro kami magkikita simula bukas.

We both have our own priorities.

He has Foxes and I don't want to ruin them.

Sapat na ang magpakalayo para matahimik ang pareho naming buhay. At naririto lang din ako para kumpirmahin ang isang bagay na ipinagdarasal kong walang koneksyon sa lahat ng nangyayari sa aking buhay.

I slowly walk towards the drawer. Silent and smooth movement as I tip toed. Kabado at dahan-dahan kong hinila ang ang handle hanggang sa limitasyon nito. Ipinasok ko ang aking kamay para buksan ang kahon. Hindi nagtagal ay nakapa ko ang malalamig na bala sa loob nito.

Mabilis akong kumuha ng isa at kaagad na inipit sa gilid ng aking dibdib.

Isinara ko ang drawer at tinitigan ang natutulog na si Damon.

My love.

My protector.

My hero.

And no matter how far I'll go. Know that you will always be the first ever man who made me feel this way.

I softly caressed his chiseled jaw.

And One day, someday, or in another life, we won't have to say goodbye. Only good night. I am so glad that tonight you once became my man.

Pinalis ko ang luhang tumakas at kaagad na lumayo.

Bago ko pa matapakan ang huling hanay ng hagdan ay kaagad kong naaninag si Foxes na diretso at puno ang galit sa mga mata habang paika-ikang naglalakad patungo sa aking kinaroroonan.

Sa postura pa lamang nito ay masasabi kong lasing na ito.

"You, bitch! Kung akala mo nagtagumpay ka na dahil nai-kama ka ni Damon, nagkakamali ka!" pag-eeskandalo nito na nagpalingon sa mga tao sa paligid.

I slowly clench my jaw as I walk away from her. I don't want to mess around with a bitch like her.

"Hoy! Malandi! Wag kang magmalinis!" kaagad kong naramdaman ang paghila nito sa aking buhok na kaagad kong hinarap ng may nagbabagang galit din sa aking mga mata.

"O, ano? Lalaban ka?!" sigaw pa nito at umambang hihilahin ang kabila kong buhok.

Hindi ako nakapag timpi at walang awa itong itinulak dahilan para mapasadlak ito sa sahig. Ang mga taong nasa paligid ay kaagad na napasigaw sa nangyari. Ang mga naka itim na bodyguards ay mabilis na tumakbo mula pa sa malayo nang makita ang pangyayari.

Hinarap ko ang haliparot na ngayon ay tinutulungan na makatayo.

Sarkastika itong tumatawa.

"Wag mo akong ihalintulad sa kakirihan mo, Foxes! Dahil hindi ako katulad mo! I'm not easy to get, bitch! Huwag ako! WAG AKO!" mariin kong sigaw bago muli itong tinalikuran.

Mabilis akong nakalayo dahil sa mabilis kong paglalakad.

"Hindi ka niya seseryosohin! ASSUMERA!" dinig kong sigaw nito na nakapagpahinto sa akin. Tila may kumirot sa aking puso ng marinig ang mga salitang iyon.

Hindi ko naiwasang hindi matawa bago ito sarkastikong nilingon. Nakatayo na ito at mukhang handa nanamang sumugod.

"So, what? Ano bang alam mo? You're just an ipis minded, bitch. I have no time para bumaba sa lebel mo at makipagbangayan." I rolled my eyes at nagpatuloy na sa paglalakad.

Narinig ko pa ang pagpigil sa kanya ng mga tao kung kayat isinigaw nito na pakawalan siya.

I rolled my eyes again.

Whatever, bitch.

Mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan nang makalabas ng gate. Hindi parin tapos ang pagpaparty kahit na alas tres na ng umaga. But the cars of my friends were already gone. Siguro ay kanina pa wala ang mga iyon. At mukhang nananadya talaga ang mga iyon na iiwan ako.

I badly want to clap because of what they did. Nangyari tuloy ang hindi inaasahan.

If Damon is really serious with me or guilty of what happened between us, I'm sure he will go and search the depths of hell just to find me. And surely, he will ask my friends where my condo is. So I'm still not safe.

Maybe I can go on vacation at Nueva Ecija. Ilang taon narin kasi ang nakakalipas noong huling beses kong binisita ang puntod ni Mommy. And maybe this is the right time para alamin na ang kondisyon ng aking naging matalik na kaibigan na ngayon ay nasa ibang bansa para magpagamot. It's been years. Kamusta na kaya ang naging crush niya na si Travis? I will know kapag naka uwi ako.

For now, kailangan kong maka alis na agad bago pa sumikat ang araw. Ilang oras mula ngayon ay magigising na si Damon. And I'm sure he'll be fuming mad about my decision. But I don't care, this isn't the time for me to think about my feelings. I need to focus on the deal. May kailangan pa akong alamin sa nakuha.

At dahil hindi ko pa naiaayos ang lahat ng aking maleta ay medyo nahirapan pa ako sa pag segregate ng mga gamit. Ang ibang hindi naman na kailangan ay iniwan ko na. Tutal meron naman ata ako ng mga gamit na iyon sa bahay namin sa probinsya.

Alas kwatro nang maiayos ko ang lahat ng gamit. I even informed Kuya Luke about my plans kahit na hindi naman ito sumasagot pa sa aking mensahe.

Speaking of messages, nagpabaha lang naman ang mga magagaling kong kaibigan. The way how Ana asks me how things are going ay nakahalata na talaga akong planado nila ang lahat. Upang subukan at alamin kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Damon.

Well, they succeed. But I won't tell them.

Pasadlak akong nagpahinga bago kinuha ang teleepono tinawagan ang kung sino mang nasa linya at sinabihan na wag magpapapunta ng kahit na sinong darating. I ordered them to tell that particular person that I'm not here.

Pagkatapos ng tawag ay nahiga na muna ako sa sofa para magpahinga. Ang dalawang maleta ay nakatayo na malapit sa pintuan. My entire body is so tired and sore. Hindi ko naiwasang kagatin ang pangibabang labi nang sa aking pagpikit ay nag flash sa aking isip ang mga nangyari.

I badly want to curse because it happened just like that. I threw my virginity that fast. Ang bilis kong lumambot sa harapan niya. Ang aking prinsipyo ay naglaho noong mga oras na hinahalikan na niya ako. And the most embarrassing part is how I begged for him. At baka nga kaya nangyari ang lahat ng iyon ay dahil kasalanan ko.

Whenever you begged on a man, of course! Proud pa siya na sundin ang hinihiling mo!

My georgina! I wish I'm wide awake that time. Na sana ay wala akong tama ng alak sa aking sistema.

Isang tawag ang nagpamulat sa aking mga mata kasabay ng pagkasilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Ang pamilyar na tugtugin ay nagmumula sa aking cellphone sa di kalayuan.

Walang pag-aalinlangan akong umupo at kaagad na nakaramadam ng bahagyang pagsakit ng ulo. Maging ang sakit sa iba pang parte ng aking katawan ay nadepina. Mataas na ang sinag ng araw sa labas.

Dahan dahan ko itong nilapitan at kaagad na nakita ang pangalan ni Kuya Luke sa screen.

Humikab ako at sinagot ito.

"Yes, Kuya..."

Tamad akong pumunta sa banyo para mag tooth brush.

"Hey, Princess. I already informed the house's caretaker. Nagsend na din ako ng digits sa account mo para incase na may magustuhan kang lupain ay mabi--" I immediately cut my laughing brother

"My georgina! Kuya Luke! Wag mo na ako idamay sa kagastusan mo. At isa pa, I already have enough money. And I think makakasurvive pa ako ng dekada gamit ang lahat ng iyon!" I reasoned out as I apply a normal amount of toothpaste in my tooth brush.

Tumawa lamang ito sa kabilang linya. I knew it. He just called to annoy me. Gosh!

So dinagdagan nanaman niya ang balance ng account ko sa bangko. Imbes na mabawasan ay mas padagdag pa ng padagdag ang aking naiimpok sa bangko.

"Kuya, I'm hanging this up na. And for your information, I'm not in need of such amount. So the next time, wag ka na mag a-add, please. Hihingi nalang ako kapag kailangan ko."

I rolled my eyes.

"Okay! Okay! Happy trip!" tumawa nanaman ito kaya tinapos ko na.

I was about to put my toothbrush on its place when I heard something. Kaya naman kaagad akong lumabas para pumunta sa sala. Nang makarating ay wala na ang aking naririnig. Siguro ay malakas lang ang hangin kaya ganoon.

Mabilis kong kinuha ang susi sa lamesa at bago naglakad patungo sa aking maleta.

Muli ay inilibot ko ang aking mga mata upang tingnan kung maayos na ba ang lahat bago hinila ang handle ng dalawang maleta.

Isang click mula sa kung saan ang aking narinig mula sa pintuan na pupuntahan ko sana. Kasunod nito ay ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki na may malaking pangangatawan.

Awtomatiko kong nailaglag ang hawak na maleta at kaagad na tumakbo patungo sa aking kwarto ngunit nabigo ako dahil sa bilis ng kilos nito.

The man tightly grab my left arm. At halos mapa iyak ako sa sakit na naramdaman. Mabilis kong ginawa ang aking natutunan sa training ngunit nabalewala iyon sa bilis ng pagbitaw nito kasabay ng pag taga ng kamay nito sa aking tagiliran ng mas nagpaluha sa akin.

I immediately fell on the couch.

Sa kabila ng sakit na naramdaman ay pinilit kung pumaibabaw at kumabila sa likod ng upuan for the temporary barrier.

How did he even get here? No, the real question here is, who the hell send an assassin in my condo.

Habang nakikipag titigan ay siya namang mabilis kong pag tanggal ng heels.

Halos mapatalon ako sa gulat nang mabilis na pumasa ere ang isang pamilyar na kutsilyo. Madalas ko itong nakikita sa kampo na ginagamit ng mga kasabayan kong nag pa-practice sa field

Ang pagpapasaere din ng kutsilyo ay isa sa pinaka mahirap na ginagamitan ng technique sa kampo kaya nakaka siguro akong kung hindi man nanggaling ang lalaking ito sa kampo ay tiyak na isa ito sa mga tumiwalag noon. Malabo na nanggaling ang isang ito sa ibang kumpanya dahil ang technique na ito ang isa sa pinaka sikreto ng kampo.

Halos maiwan ang aking kaluluwa sa bilis kong umilag. Tila sasabog na ang aking puso sa sobrang kaba.

Nanlalaki ang aking mga mata sa gulat nang makitang hindi nagbago ang direksyon ng kutsilyo sa aking ulo. Even in just a second ay ganoon niya kabilis na na-adjust target ng kutsilyo.

Walang duda na well trained ang lalaki sa aking harapan. Sa bilis ng kanyang kilos... Wala akong ibang maisip na pagkakaiba.

Tanging ang mga asset lamang ang mga naka master ng technique na ito kaya hindi ko parin maintindihan kung bakit alam niya.

Ang paglaban sa isang bihasang assassin na tulad ng isang ito ay sobrang nakakatakot.

Wala akong tiyansang manalo kung ganito kahusay ang kalaban ko. Ang paraan nalamang ngayon ay ang pagtakbo sa pinto. Which is magiging mahirap.

I immediately darted my eyes on him at nagulat nang makitang susugurin na ako nito.

Mabilis kong hinablot ang aking heels at ibinalibag sa mukha nito bago mabilis tinakbo ang pintuan palabas. Hindi ko na ito nilingon pa.

There's no doubt that that man is really willing to assassinate me so bad. Na kahit sa mismong loob ng aking condo ay papatayin ako.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ay tila may hangin na dumaan sa itaas ng aking kanan na tenga kasunod noon ay ang madiin na pagkakabaon ng kutsilyo sa aking harapan.

Halos mawalan ako ng dugo sa pagkabigla. Walang pag-aalinlangan kong kinabig ang door knob at matagumpay itong nabuksan.

Ngunit bago pa ako makalabas ay marahas akong napaatras sa hapdi nang may sumabunot sa aking buhok. Napa sigaw ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay mauubos ang aking buhok sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito.

Tears automatically roll down to my cheeks as I struggle to ease the pain. Instead, the man rotates his hand and it gives me more pain.

Mabilis ako nitong hinila papasok ng pinto pero bago pa niya ito maisara ay kaagad kong hinablot ang kutsilyo at kaagad na humarap.

Sa ginawa kong pagikot ay mas humigpit ang pagkakasabunot sa aking buhok.

Walang pag-aalinlangan kong iniangat ang kutsilyo hindi para gilitan ang leeg nito, kundi para patamain sa noo.

In a fast and sudden swift of motion I was able to hit his forehead that cause him to have a firm and really deep wounds. The blood automatically flows down to his eyes and it causes him to temporarily lost his sight.

Mabilis ako nitong inihampas sa pader.

His tight grip on my head loosens and I used it as my perfect time to escape.