Chereads / Bullets of Past / Chapter 34 - Trip

Chapter 34 - Trip

The bird fell on my boobs. It's covered with blood. Ang kabilang pakpak ay tila mababali na. May malaking butas din ang bandang dibdib ng ibon.

Kuya Luke together with Kuya Asher immediately rushed to my room. Sa likod nila ay ang mga nag-aalalang mga kasambahay.

Kuya Luke immediately pulls me up nang makita akong nakasadlak sa sahig. Habang si Kuya Ash naman ay kunot noong pinulot ang kawawang ibon na sa tingin ko'y wala nang buhay.

"What are you doing in this place..." Kuya Asher said as he examined the entire bloody body of the pigeon.

Bahagya akong kumalma nang makatayo. Kuya Luke's heavy arm is lying on my shoulder. Securing me.

Ang aming mga kasambahay ay inaayos na ang aking kwarto. Nag-angat ako ng tingin sa dalawa kong Kuya at nakitang seryoso ang mga mata nito na nakatingin sa ibon.

"Who owns it?" malalim at mabigat na boses ni Kuya Luke

Kaagad na binaliktad ni Kuya Ash ang ibon at hinawakan ang kanang paa nito at tinitigan na tila ba may binabasa na kung ano.

Ano ang mayroon sa paa noong ibon? At bakit ganito ang reaksyon nila?

Kunot noong tumingin si Kuya Ash sa akin bago kay Kuya Luke.

"Confirmed. Alamin mo kung sino ang may-ari niyan." maawtoridad na utos ni Kuya Ash bago binitawan ang ibon at lumabas ng kwarto.

Kumalas si Kuya Luke sa pagkaka-akbay.

Naglakad ito malapit sa ibon at nag squat. Sinapo ko ang aking noo at tinitigan rin ang kaawa-awang ibon.

Sa gabing iyon ay hindi ako halos nakatulog. Paulit-ulit na pinoproseso ng aking utak ang kawawang ibon. Sa butas sa pakpak at leeg nito tila may isang bagay lang na paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan. Na binaril ito. Pero para saan? Hindi ka ya napagtripan lamang ito?

Kung ganoon nga ay imposible parin na matiyempohan ang pakpak nito. Not, unless the gunman is as good as Hugh when it comes to handling guns.

Poor little bird.

"Huy Elle! Gumising ka nga!" boses ni Pristine na nagbalik sa aking sarili.

Ang mga talukap ng aking mga mata ay kusang nalalaglag sa sobrang antok. Walang segundo ang dadaan na hindi ako humihikab. Ang aking utak ay malayang lumilipad na parang ibon.

Kaagad na pinitik ni Irish ang aking nananahimik na tenga. Bahagyng nabuhayan ang aking dugo sa ginawa niya.

"Yung totoo, natulog ka ba?" si Joy habang abala sa paghahalo ng kape.

Nakatambay kami ngayon sa booth na may pinaka best selling na kape. Mag-aalas otso na kanina nang magising ako sa katok ng aming kasambahay. Both Kuya Asher and Kuya Luke were already gone for our business.

Tamad akong nag-angat ng tingin sa aking mga kaibigan. They're all busy with their own coffee. Tanging si Joy at Irish lamang ang kanina pang tanong ng tanong.

"I'm bored. I want to go somewhere." tamad kong utas bago hinigop ang aking kape.

Nilingon ako ni Ana. Her bronze skin is a little bit shining. It actually fits her personality. Sporty and strong woman. Hindi siya marunong sumuko agad. And I think that's what she learned from playing volleyball. Even if it's the last point for the enemy, that won't stop her from doing best. Nothing's over while the ball is in the air.

"I feel you, girl. How 'bout an adventure? You guys ready for it?" Nakangiting alok ni Ana sa lahat.

Bahagya akong napangiti sa ideyang iyon. Maybe it's time for me to unwind. Besides, puro stress nalang naman ang nangyayari sakin. So I think it's not a bad idea at all.

"Yeah... Why not?" si Jane na may malaking ngiti habang kagat ang straw.

"Oo nga! Beach!" masayang sigaw ni Joyce na mabilis kong sinang ayunan.

"Oh I have suggestion for that!" ngisi ko habang iniisip ang isa sa magandang beach na nakita sa internet.

As far as I know, it is a group of islands in the Pacific under the jurisdiction of the town of Vinzons, Province of Camarines Norte, a merely two hour boat ride from the mainland. It boasts of powdery white sand beaches, crystal-clear waters, and unspoiled natural resources, a place where you can truly relax while enjoying the beauty and serenity of the place.

"What is it?" naghihisteryang tanong ni Ana

"I actually saw this Mahabang Buhangin white beach in the internet. And I think it's a great place for us to go." I gave them a wide smile.

"What?? I kinda heard of that too! And they say... they say it's a paradise!" si Ericka habang nakatingin sa kawalan at kumikinang kinang ang mga mata.

"Hmmm... Why don't we plan it now? Besides, an unplanned trip is always better than the planned ones." hirit ni Joy na mas nagpahisterya sa aming lahat.

I guess, this will be fun! We will surely enjoy this one! My excitement level is already out of my range that and I think I'm going to hyperventilate now.

"Oo nga! Maybe tonight? Mas masaya bumyahe ng gabi!" pagsingit ni Joy at nakipag apir kay Irish

"Tonight na agad? Di ba tayo maha-hassle? At saka saang lugar ba yan?" si Pristine na abala padin sa pagsimsim ng kape.

Tonight? Really? Bukod sa maha-hassle ako sa pag-iimpake. Baka wala pa sila Kuya Luke or Kuya Asher ng mga oras na iyon! Baka hindi na ako makapag paalam. Well, ite-text ko nalang sila. And beside, it's a girl thingy!

"Sa Bicol ata yun e. So matagal ang biyahe." si Jane na kaagad kong tinanguan.

"Oo. Pwede naman mag plane or train kaso mas malalayo tayo sa beach. And beside, mas masaya nga ang mahabang biyahe!" ngisi ko sabay higop sa kape

"O'ryt! So tara na at maka uwi! Ako na bahala sa sasakyan natin! Sa Van tayo. Basta siguro mga around 3 pm. Meet up natin dito." Kaagad na tumayo si Pristine. Tumayo din kami at nagbeso beso bago umalis.

Pagkauwi ko ay tumakbo agad ako papuntang hagdan. Ang mga kasambahay ay masayang nag-uusap habang nililinis ang paligid. Nang makapasok sa kwarto ay kaagad kong kinuha ang aking purple colored na maleta. I even called Inday for a little help. I told her that I'll be gone for how many days. Siya na din ang pinaghanda ko ng mga pagkain at crackers na dadalhin ko sa biyahe.

Masinsinan kong pinili ang aking mga dadalhin na pang langoy. At mga iportante din tulad ng toothbrush, tooth paste, ponds, pads, at madami pa. Tanghali na nang matapos ko ang lahat ng kailangan kong ihanda. Our group chat is very active. Joy and Ana were asking kung ano ang magagandang hotel na pwede naming tuluyan. Sumagot naman si Jane na siya ang bahala sa bagay na iyon.

Nang maayos ko na ang lahat ng tuluyan ay iniutos ko na ipalagay ang lahat ng gamit sa aking sasakyan. Nakasunod lamang ako sa mga kasambahay para ituro kung saan at paano ilalagay nang maaninag ang parating na sasakyan ni Kuya Luke. Bahagya akong inatake ng kaba.

I feel like hindi ako nito papayagan. Well...

Who cares? This is my life. At isa pa, ngayon lang naman. So be it.

Huminto ang sasakyan nito sa likod ng aking sasakyan. I waited for him to go out. I know he's going to ask me about this so I have no choice. He's my brother after all. So it's natural for him to do so.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan nito at bumaba ng may seryosong mukha. Ang mga mata nito ay diretso ang tingin sa maletang inilalagay sa aking sasakyan.

Umayos ako ng pagkakatayo at lumapit rito para makipagbeso.

Pagkatapos no'n ay hindi parin naaalis ang mga mata nito sa aking sasakyan na ngayon ay isinara na ng mga kasambahay.

Kunot noo akong nilingon ni Kuya Luke. Seryoso at mukhang naghihintay ito ng paliwanag.

"I have a trip today with my girls." walang pag-aalinlangan kong sinabi at ngumiti.

Mas sumimangot si Kuya Luke.

"No. You're not going anywhere." Matigas na pag-i-ingles nito bago ako nilagpasan.

Oh my georgina! This is the reason why I hate him so much! Not now!

Para akong asong bumuntot rito paakyat ng hagdan. Patuloy ako sa pagkumbinsi pero patuloy lang din ang pag-iling nito. Sinundan ko parin ito malapit sa hangganan ng pinto ng kwarto nito.

Nang nasa hangganan na ay hinarap ako nito. Wearing an emotionless look.

"Give me a valid reason to allow you, then." tamad nitong utas na sinimangutan ko.

"Why? Kailangan ba talaga ng rason para lang sa isang bagay na makakapagpasaya sa akin?" tanong ko rito na inilingan lamang nito at umakmang tatalikod na ulit.

"Tss. What a great reason." mabigat na boses ni Kuya Luke.

Binuksan ni Kuya ang pintuan ng kwarto at humakbang papasok.

"Come on, Kuya Luke. I just want to unwind! And beside, I can handle myself naman." pagmamakaawa ko

I thought he's going to close the door pero huminto ito at hinarap ako.

"Look, Princess. Your vacation is so sudden. You should first settle it properly. And if it isn't, then why didn't you tell this to me days before? I understand your age, but I'm just doing my role properly as your Kuya." pagpapaliwanag nito na inilingan ko lamang.

"Whatever, Kuya. Tutuloy padin ako. Thank you for the concern." iling ko at tinalikuran ito.