Chereads / Bullets of Past / Chapter 40 - Party

Chapter 40 - Party

Party

The only problem when Kuya Asher and Kuya Luke leave is that they also leave the responsibility of taking a good care of Max to me. Hindi rin nila sinabi kung anong oras nilang babalikan kaya naman sobrang laki ng magiging problema kapag hindi sila dumating bago mag alas sais. I'm sure my friends will come to fetch me.

They told me last night that if I really don't have any sort of magical feelings toward Damon, I must go with them and party. Which is very confusing. I don't even know what kind of party. Basta they told me that I will surely enjoy it and that's where they will define what I really feel towards Damon. Confusing, right?

Tamad kong itinulak ang push cart with max in front of me. Playing on his tablet. Mabilis kong kinukuha ang mga nadadaanan na de lata. I need to shop para naman magkalaman ang ref at para narin malaya akong makapagluto at hindi na kailangang pumunta pa sa dining area ng building.

Inayos na din ni Kuya Luke ang payment ng condo at binayaran ng doble ang digits na ibinayad ni Pristine. Halos tumirik naman ang aking mga mata sa tuwing naiisip ang bagay na iyon. Balak pa nga sanang triplehen ang bayad, which is offending naman sa side ni Pristine.

Ang kuya kong magastos.

"Ate, I want that!" si Max habang inginunguso ang isang gummi candy na may makulay na plastic. Kaagad ko iyong hinablot at inilagay sa cart.

Nang mabayaran ang lahat ay nagulat ako nang may nakitang bata na umiiyak. The kid looks a bit familiar. Like as if I've already seen something related to his looks.

Buhat ang mga eco bag ay binalak kong lapitan ito ngunit may isang matangkad na lalaki ang lumapit at binuhat ito. Halos malaglag ang aking panga sa pagkakahawig ng dalawa. Maybe that guy is the father of the crying boy. Pero teka... parang nakita ko na ang lalaking iyon somewhere... I just really can't remember.

Inilgay ko ang mga eco bag sa push cart at muling tumulak. Max is now eating the gummy food I bought. Sa aking pagdaan ay ang paghagilap ng aking mga mata sa isang babae na ngayon ay umiiyak na naka hilig sa pader.

Napailing na lamang ako sa mga nakikita. Life is really full of weird scenes.

"Max, what time are you going home?" I asked my innocent youngest brother while putting the canned goods inside the hanging cabinet.

It's already 3:30 in the afternoon. Hindi pa nagpaparamdam ng kahit text man lang si Kuya Luke. Baka ma-hassle ako nito kapag dumating sila Pristine. I can't leave my brother alone here. Baka kung anong mangyaring masama. Kahit ako ay hindi pa sanay sa lugar na ito.

"Ate, I want to stay overnight here with you." nakangusong utas ng aking kapatid habang sinisipsip ang gummi.

Kaagad kong sinalo ang aking noo sa narinig. Well, that's a bad news. Magtatampo ang isang ito kapag Hindi ako pumayag. And besides, may lakad ako. At pakiramdam ko importante ang bagay na iyon knowing my friends. Tiyak na pakulo nila ang isang ito.

If it's all about Damon. My georgina! I won't give a fuck. Pakealam ko ba sa lalaki na yon. At isa pa may Foxes yun... Well, who knows? Baka nga may iba pa e.

I guess, one rejection won't hurt my little bro that much. I need to call Kuya Luke or anyone in the mansion to take Max as soon as possible.

Tamad akong nakahiga sa sofa habang hinihintay ang pagdating ng susundo kay Max. It's been 40 mins ago noong tumawag ako. And I'm starting to wonder what's taking them so long. Or maybe because of the traffic. It's a common problem anyway.

Malapit nang tumirik ang aking mga matakakahintay until I heard many footsteps outside the door. Tatlong sunud-sunod na katok ang narinig ko roon bago tamad na bumangon.

Nang makalapit ay walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pinto. Isang putok ng confetti ang halos nagpatalon sa akin sa sobrag gulat. Joy is laughing like a pig while the rest were smiling creepily. Nanlalaki naman ang aking mga mata sa gulat at mabilis na tumakbo para tignan ang oras sa cellphone.

Halos magunaw ang aking mundo nang makitang alas singko higit na ang oras. I didn't know na ganoon pala kabilis ang oras dito sa Condo.

Irish confidently glide her foot on the ground followed by the rest. Awtomatiko kong sinalo ang aking noo sa hindi malamang kadahilanan.

What am I going to do now? What am I going to do with my little brother? My georgina!

"Ate, who are they?" inosenteng boses ni Max ang nakapagpatalon kay Irish sa gulat. She almost lost her balance. Mabuti nalamang at nasa likuran nito si Joy.

Umiiling kong nilapitan ang aking kapatid habang ang mga kaibigan ko naman ay hindi maipinta ang itsura sa sobrang gulat. Ang mga mata nito ay kumikinang na naka tingin sa suplado kong kapatid na ngayon ay hawak na ang robot na ibinigay sa kanya ni Kuya Asher.

I guess, I have no choice. Ako nalang mismo ang maghahatid kay Max sa mansion.

"Oh my gosh! You have a little brother?!" gulat at manghang-mangha na tano ni Pristine. Joy even tried to get close to my little bro just to touch his chubby pinkish cheek.

Nakangusong umiwas si Max at inosente itong tinitigan bago nagtatanong na tumingin sa akin ang mga mata.

"It's okay, Max. They're my friends." tamad kong utas bago muling may kumatok sa pinto. Ngayon ay sigurado at determinado ko na itong pinuntahan.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay tumambad sa aking mata si Kuya Luke na preskong presko sa pagkakatayo habang ang buhok ay basa pa.

"Sino yan Elle?" Si Pristine na biglang sumilip mula sa aking likuran at bahagyang namula sa gulat.

Muli kong ibinaling ang aking paningin kay Kuya Luke na ngayon ay may malaking ngiti at tagos ang tingin sa aking likuran. Nagtataka ko ulit na nilingon ang aking likuran sa pagbabaka sakali na nasa likuran na ang lahat, pero ang tanging nakita ko lang ay ang pag-alis ni Pristine.

Ibinalik ko ang tingin kay Kuya Luke na hanggang ngayon ay nakangiti parin pero ang mga mata ay nasa akin na. Kunot noo ko itong tinitigan bago sinabing kuhanin na ang bunso namin kapatid.

Kaagad akong tumakbo papunta sa aking kwarto at dumiretso sa banyo para magshower saglit. My friends are busy eating french fries while talking about how handsome my brothers are. Hindi na ako kumibo pa sa mga tanong nila tungkol sa personal na buhay ng aking mga Kuya. Natural na kasi sa akin na makitang maraming nagkakandarapa sa mga iyon.

After taking a shower, I immediately went to my walk in closet and look for an attractive short dress. I picked 3 good looking dresses. The first one is color violet with golden lining each side. It's also backless. Second, the red one with deep v in front. And last, it's color black with a little shade of silver on the top. Iyon nga lang ay napaka ikli ng isang ito.

I spend 10 short minutes thinking about the best dress that I think my friends will approve me to wear.

Isang katok ang narinig ko sa pintuan kasabay ng pagtawag sa aking pangalan. Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang kulay pula sa gitna at mabilis na isinuot bago nahihiyang binuksan ang pinto.

Pristine and Joy's jaw immediately dropped on the ground when they look at me from head to foot. Ana just gave an evil laugh while looking at my cleavage. Si Jane ay taas ang Kilay habang nagtititigan sila ni Ericka.

I seriously don't know what their exact plan is. But surely, I can handle it. Only if they have a dark plan.

Jane helped me with my smokey make up and kilay which is now on fleek. Perfectly paired with my dark maroon matte lipstick. High ponytail made my look extra sophisticated. We consumed 1 hour doing all of it.

And for the final look, kinuha ko ang aking killer high heels na kanina lang dumating kasama ng iba ko pang gamit galing sa kampo.

Sabay sabay kaming lahat na bumaba ng building. Ang mga mata ng mga nag che-check in pa lang at mga nakatambay na foreigner sa paligid ay kaagad na bumaling sa amin. Ang ilan ay nag catcall pa na kinindatan naman ni Joy.

Hindi pa ako nakakasakay ng Porsche ay humarurot na ang sasakyan ni Pristine paalis ng building kaya naman naiwan kaagad ang sasakyan namin ni Irish.

Kumportable kong ginamay ang aking manibela. The idea of me receiving this kind of freedom to drive anytime I wanted to is just so amazing. No bodyguards unless I asked for one.

Isa pang liko ang ginawa ko para ay unti-unti nang bumagal ang pagpapatakbo nila Pristine bago dahan-dahang pumasok sa isang malaking gate. Bumuntot lamang ako sa sasakyan ni Joy until it's my turn to get in.

Sa pagpasok ay kaagad na bumungad ang napakalawak na paligid. Sa gilid ay mga hindi mabilang na magagarbong mga sports car. Sa kabilang gilid naman ay mga sasakyan rin. Sa aking harapan ay isang napakalaking modernong mansion. Sa ikalawang palapag ay makikita mo ang ilang tao na naguusap sa labas.

Iniliko ko ang sasakyan at ipinark katabi ng sasakyan ng aking mga kaibigan. Hinila ko muna pababa ang aking palda at inayos ang aking dibdib pati narin ang manipis at hindi kitang tela bago lumabas ng sasakyan.

Cold air immediately hug my neck and legs as I slowly step on the path walk. Ang mga nakatambay na lalaki ay panandalian ka munang tititigan sa mukha bago pagpantasyahan ang iyong katawan.

Diretso at matigas ang aking leeg na sumabay sa paglalakad kela Ana at Ericka.

Pagkapasok ko palang ng entrance ay bumungad na ang mumunting usok ng pinaghalong vape at dried ice. Ang ingay ng pagbagsak ng katawan sa tubig ay dinig na dinig sa di kalayuan ng bahay. I guess there's a pool party happening in there. Habang dito naman sa aming kinaroroonan ay mga babaeng abalang nakikipag usap sa mga lalaki habang ang suot naman na dress ay halos ipakita na ang kanilang kaluluwa.

Hindi pa ako tapos sa paglilibot ng tingin ay hinila na ako ng kung sinong lalaki papunta sa gitna ng dance floor sa kabilang parte ng bahay. Kaagad na natabunan ng mga nagsasayawang tao ang aking paningin hanggang sa tuluyan nang hindi matanaw sila Joy.

Malanding nagsayaw ang lalaking humila sa akin habang nakangiti. Sa sobrang pagkachinito nito ay halos wala na akong makitang mata.

I smiled awkwardly. I don't want to be rude to him kaya naman kahit saglit ay makikipagsayaw ako.