Fragile Glass
"Woooh!! Partehhh partehhhh!!!" Sigaw ni Irish na ngayon ay nakipag unahan pa kay Joy sa pag takbo sa malaking sofa.
Tamad kaming naglakad habang magkaakbay ni Pristine. As usual, Ana and Jane were both busy with their phones at may pinagtatawanan nanaman. Ang aking maleta ay nasa loob na rin. Sa malaking bintana ay matatanaw mo kung gaano kahaba ang traffic sa di kalayuan. Maging ang mga naglalakihang skycrapers sa syudad ay makikita mo. Ang kahel na kulay ng langit ay tuluyan nang binalot ng dilim.
Ang malaking flatscreen ay binuhay na ni Irish na ngayon ay sitting pretty katabi si Ericka sa sofa. Si Pristine ang nagvolunteer na magbayad nitong condominium. Sooner or later ay magta-transfer ako sa account niya ng digits.
Gulat ko namang nilingon si Ana at Jane na naglabas ng mga mamahaling alak.
"Woohhh! Masaya to!" sigaw ni Jane at inilapag ang mga alak sa lamesa. Si Ana naman ay tumungo sa telepono para manghingi ng ice.
Humagikhik si Pristine bago ako kinutusan.
"What's with that face? Di ka ba umiinom?" tawa nito bago kumalas sa pagkaka akbay
Nahihiya ko itong tinanguan na siyang ikinagulat ng lahat. Joy's jaw completely dropped on the ground. While Ericka and Irish were just laughing.
"Well... Well... Well... Innocent mode no more!" hagikhik ng mga ito na inilingan ko lamang.
Mabilis na dumating ang itinawag ni Ana na akala ko'y ice lamang. Laglag panga kong tinitigan ang iba't ibang potahe ng pulutan. May fried chicken, sisig, lechong baboy, tubig, at iba pang mga pinritong ulam. Isa-isa iyong inilagay sa glass table. Ana and Jane immediately leave para kumuha ng mga baso at serving spoon.
With their efforts, masasabi ko talaga na sobrang bihasa na ng mga ito.
Muling nagsigawan ang lahat nang makalabas na ang lalaking nagdala ng pagkain.
"So, first of all, why did you disappear?" panimula ni Ana habang naglalagay ng yelo sa bawat baso.
Pasadlak akong umupo sa sofa habang inililibot ang aking mga mata sa mga kaibigang naghihintay ng aking paliwanag.
Huminga ako ng malalim at sinabi nalang na grounded ako. Ngunit tila wala parin iyong lusot sa kanila. They kept on asking me what happened and why I got hospitalized. I have no choice but lie.
"Well, nadulas ako tapos nahulog sa hagdan. Tapos tumama yung balikat ko sa matulis na bagay. And sa mga gasgas naman. Doon din yun galing."
I can't just tell them the real story. I don't want them to know my situation. Besides, this is a family matter. This isn't an ordinary problem anyone has to know. Mahirap na. Baka madisgrasya nanaman ang aking diskarte.
Lumalim nang lumalim ang gabi ay hindi parin sila tumitigil sa pag-inom. Joy is already drunk, but she kept on saying that she's just tipsy. Ana and Jane were still both lively while Pristine's eyes were about to close.
I checked the time and see that it's already 1 am in the morning.
"Wooh!! At ikaw Elle..." kaagad akong napalingon kay Irish na muling nilagok ang isang shot.
"I know you like Damon... Hindi mo man aminin pero nararamdaman ko!" bahagyang naalis ang aking antok sa sinabi nito. Alam kong tinamaan na talaga ang isang ito.
Lasing namang tumango si Jane at Ana sabay thumbs-up pa na agad kong inilingan.
"Nope. You're wrong." ngisi ko habang nararamdaman ang bahagyang pag- ikot ng paligid. Kahit na madalang akong binibigyan ng shots ay tinamaan na aagad ako.
Muling tumawa si Irish bago umayos ng pagkakaupo. Kahit na lasing ay nakitaan ko ng determinasyon ang mga mata nito. She points her finger on me na bahagya kong ikinagulat. Ana, Jane, Joy and Ericka were just listening while Pristine's eyes were both closed habang nakasandal sa sofa.
"You... You... Can't trick me. Damon seems to be liking you too! What if he's in love with you? Happy ending na ng paghahari niya! Woooh!" muling sumigaw si Irish at nilagok ang isa pang shot.
Mariin akong umiling. Ang aking tiyan ay tila napaliligiran ng kung anong gamo-gamo. Hindi ko napigilang mapangisi sa ideyang gusto niya ako.
"Nagpapatawa ka ba? I don't like him... Duhhh! Magsama sila ni Foxes--" mabilis akong pinutol ni Irish gamit ang isang sarkastikong tawa.
"See? Lumabas agad sa sarili mong bibig ang pangalan ni Foxes!" tawa nito. Mariin kong itinikom ang aking bibig. Tila binuhusan ng asido angaking tiyan sa nararamdaman.
"You know girl, don't be a denial queen here. Kahit na tahimik kang tao, may mga bagay padin na hindi makakaligtas sa aming paningin." ngumisi ito at minasahe ang sentido bago ako muling hinarap gamit na ang isang seryosong mga mata.
Umayos ako ng pagkakaupo at inabot ang isa pang shot. Mabilis ko itong nilagok at kaagad na naramdaman ang pagguhit nito sa lalamunan.
"Seriously, kay daming nai-inlove sa lalaking iyon. May it be bakla, tomboy, babae, matanda o bata. Tapos ikaw na binigyan niya ng atensiyon, binuhat at idinala sa ospital noong nawalan ng malay, ikaw na napansin niya of all people na nagkakandarapa sa atensiyon niya... Ikaw pa talaga ang walang nararamdaman sa kanya? Come on!" bulalas ni Jane sa isang hindi makapaniwalang tono.
Ang mga mata nito ay normal lang. Hindi pipikit-pikit tulad ng sa akin. Grabe na ang alcohol tolerance ng isang ito.
"Yup, I strongly agree!" si Ana na ngayon ay nagse-selfie.
Umiling na lamang ako. Hindi makapa ang tamang salita na sasabihin. Dahil kahit na ako na mismo ang magkumbinsi sa sarili na hindi pwede at wala akong nararamdaman sa kanya ay kaagad itong binabaliktad ng mga kulisap sa aking tiyan.
"Okay, sige. Kung wala ka talagang nararamdaman. Come with us. Tomorrow night. Pupuntahan ka namin dito. Prepare a very short dress." walang hintong sinabi ni Irish habang ang mga mata ay naghahamon.
Kunot noo ko itong tinitigan. Tila walang masyadong naintindihan sa sinabi. Come with them? Tomorrow night? Very short dress? Para saan?
"Where are we going? And why do I have to wear a very short dress?" nanliliit ang aking mga matang nilibot ang sari-saring gulat na ekspresyon ng aking mga kaibigan.
Bahagya akong naantig sa biglaang pagtayo ni Irish habang ang bibig nito ay nakaawang.
"My god, Elle? Hindi mo alam????" Sigaw nito.
Isang tawag ang nagpamulat sa aking mga mata. Bahagya akong naguluhan sa hindi pamilyar na kisameng nakikita. Dahan-dahan kong inilibot ang aking paningin sa buong lugar. Unfamiliar set of things. Cabinet. Walk in closet. Bathroom door. Wall color. Huge flat screen. City View.
Ilang segundo pa ang lumipas bago nagsink in sa akin na umalis ako sa kampo at ngayon ay tumira sa isang condo. Nagsaya kasama ang barkada. Speaking of, nandito pa kaya sila?
Kaagad akong bumangon at halos lumubog pabalik ng kama sa naramdamang sakit ng ulo. Nang bahagyang mahimasmasan ay dahan-dahan akong bumangon. Bahagya pa akong nahilo nang tumayo.
Mabagal akong naglakad papunta sa pinto at panandaliang sumandal.
Oh my Georgina! What the hell happened last night? Why is my head aching so, so bad. Maybe my friends were still outside. I need to prepare them foods.
Tamad kong binuksan ang pinto at dire-diretsong naglakad habang pikit pa ang mga mata. Isang bagay ang bahagyang nakapagpadilat sa aking mata nang may masipa ako na kung ano. Bahagya akong yumuko at pinulot ang isang dilaw na hindi ko halos makita dahil sa hilong nararamdaman.
Ilang segundo kong idiniretso ang tingin roon bago unti-unting kumunot ang aking kilay.
A bulldozer toy? What the hell is this doing here? Like as if naman na may kasama akong bata dito sa bahay.
Muli akong tumingin sa baba at nakita ang mga nagkalat na maliliit na kotse. Unti-unti kong iniangat ang aking tingin hanggang sa nakita ang dalawang pamilyar na sapatos sa baba ng sofa.
Kaagad akong inatake ng takot at kaba. Oh my Georgina! I'm dead!
Nanlalaki ang aking mga matang nag-angat ng tingin sa aking dalawang Kuya na ngayon ay parang hari na naka upo sa sofa. Kuya Asher is sitting straight without any facial expression. Si Kuya Luke naman ay nagkibit ng balikat at maawtoridad na nakatingin sa akin.
"Ate Elle!" Max's voice. Bago ko pa ito malingon ay nayakap na ako nito sa hita.
Muli akong bumaling kay Kuya Asher na biglang tumayo at nagpamaywang. With that seriously mad face, there are two words that I can proudly say.
I'm. Dead.
"Shocked?" mayabang na tanong ni Kuya Luke.
My jaw eventually dropped. This can't be happening! I thought hindi na nila madi-discover ang location ko. But, how? How did they know? I know that we got the world's best stalkers, but I just can't believe how.
Nagtataka kong tinitigan si Kuya Asher.
"How did you know that I'm here??" hindi makapaniwala kong tanong na inilingan lamang nito.
"Oops. Mukhang highblood si Brudah! Ako na magpapaliwanag." tumawa si Kuya Luke
Naguguluhan at palipat-lipat ang aking tingin sa dalawa bago yumuko para buhatin si Max.
"First of all, thank you for calling Max last night." kunot ang aking noo na nakatingin kay Kuya Luke na kung kanina ay tumatawa. Ngayon ay biglang naging mapanganib ang aura.
I still can't believe that they discovered my location that fast. I thought it will take them 3 or more days. Pero nagkamali ako... Masyado ko ata silang na-underestimate. After all they're the world's best people.
"You think hindi namin naisip na sakanya maglagay ng location tracker? Big no. We didn't need any tracker on our phones, because we know you won't call us anyway. And besides, sa ilang buwan ng pamamalagi mo sa kampo, we know that you've changed a lot." Kuya Luke's authoritative voice echoed.
Laglag ang aking balikat na nakinig sa mga sinabi nito. I wish I think more logically. I looked stupid in that part tho.
"So what are you two planning? Cage me in that camp again?" diretsahan kong tanong na inilingan lamang ni Kuya Asher. Kuya Luke just laughed.
Kuya Asher stepped towards me. Matigas ang aking leeg na tiningala ito nang bahagyang makalapit.
"I've seen your progress during those days that you're staying inside the camp. The way you focused on your training each day. Napanood ko rin ang huli mong practice ng self defense. The way your firm and strong arms move. It's all in the right timing. So I guess," Kuya clicked his neck before he continue
Sa mga narinig kong sinabi ni Kuya Asher sa mga naging progress at bunga ng pag-stay ko sa camp ay bahagya akong nakaramdam ng saya. Although sanay akong laging pinupuri nilang dalawa ni Kuya Luke, iba parin talaga kapag pinaghirapan mo ang bagay na pinuri nila.
"There's no need for us to over protect you like a fragile glass anymore." a line slowly curved on Kuya Asher's lips.
Mabilis kong ibinaba si Max at naluluhang niyakap si Kuya Asher. Pagkatapos ay si Kuya Luke naman na ngayon ay tumatawa.
Tears of joy slowly rolls on my cheeks. Kuya Asher wipes it using his thumb.
I've never been this happy before. I'm so overwhelmed. I really love my two big brothers.