Lesson
"W-What happened?" nag-aalangan kong tanong kay Damon na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi dala ang mga prutas na hiniwa.
His deep set of eyes fall into mine. I see nothing but anger on it. Pero kaagad iyong napalitan ng lungkot.
I bit my lips at nag-iwas ng tingin. I can't handle what I'm feeling inside.
I just can't believe that he's here. Sitting with me while I'm on the process of healing.
He sighed heavily at inilagay ang prutas na dala sa lamesa bago ako muling hinarap na may mapupungay na mga mata at may maliit na kurba ng ngiti sa labi.
He then place his warm hand in my jaw with the thumb on my cheeks, na bahagya kong ikinagulat. His eyes looks so stressed, worried, and happy at the same time.
Sandali kaming nagtitigan. I tried to read his mind but I really have a poor skill when it comes to mind reading.
Ilang saglit pa bago ito umiling at marahang kinalas ang kamay. He look up and clicked his neck. At muling nagpakawala ng mabigat na hininga na tila ba nabunutan ito ng malaking tinik.
Isang katok ang narinig ko sa pinto.
"I really hate seeing you unconscious. Damn, Miss. You're driving me insane." he said before turning his back and walks toward the door.
I watched his broad shoulder when he walks toward the door. Iba't ibang klaseng boltahe ang aking naramdaman sa tiyan. I still can't believe that I fell in love with this guy. And I think, I'm starting to love every inch of him. Every side of him. Every Angle of him. Even more.
Kaagad na bumungad sa aking harapan sina Kuya Luke at Kuya Asher kasama si Max na ngayon ay umiiyak habang nasa braso nito.
Mabilis na nanggilid ang aking mga luha na mabilis ding pumatak.
I really can't believe that I'm still alive. I thought I will never see them again. And my heart is pounding so bad that I can't properly breathe.
Kaagad na ibinaba ni Kuya Asher si Max na mabilis naman akong niyakap sa tiyan. Although my wounds are still fresh. Hindi ko parin napigilang gumalaw at yakapin ito gamit ang aking kabilang braso. Kuya Luke is looking at us with his teary eyes.
Kuya Asher is now giving Damon a brotherly hug.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata na ngayon ay unti-unting bumabagsak dahil sa pagod.
I'm so glad that I'm still alive. I don't want to ask what just happened. For now, I'll rest.
But a dream hanged in my mind again.
Tawanan ng mga kalalakihan ang namayani sa aking paligid bago ang isang malakas at nakakarinding putok ng baril.
Kaagad akong napaluhod nang maramdaman ang pagdaan ng kung ano mula sa aking likod tagos sa aking tiyan.
Ang pag-angat ng likido sa aking lalamunan ay mabilis kong naramdaman.
Dahan-dahan itong umapaw sa aking bibig kasabay ng pagkalat ng sakit sa aking kaibuturan.
Ang lahat ng alaala ng aking nakaraan ay tila telebisyon na aking pinapanuod sa aking utak.
Unti-unti akong napaluhod at mabagal na yumuko para makita ang pinagmumulan ng sakit kasabay ng paglakas ng ulan sa paligid.
Ang puting gown ay may dungis na ng dugo at putik.
Sa aking harapan ay ang paglapit ng isang matanda.
Gustuhin ko mang mag-angat ng tingin ay unti-unti nang pinapawi ng dilim ang aking paningin
"That guy is an Ortega! How can we trust him? He's our enemy-" maliit na boses ni Kuya Luke sa di kalayuan.
Dahan-dahan kong imunulat ang aking mga mata at nakita ang dalawang nagtatalo sa pintuan.
"Yes. But we can't deny the fact that He saved our sister." pag-iling ni Kuya Asher.
"I still don't like that guy! I don't want him to be friends with Elle. Malaking gulo kapag nangyari iyon." kaagad na lumabas sa pintuan si Kuya Luke.
Umiiling na nagpamulsa si Kuya Asher. He is just cool when it comes to Damon, hindi tulad ni Kuya Luke na masyadong mainit ang mga mata.
I'm now starting to wonder what might happen in case that Damon and I becomes together.
Ayokong matulad kami sa storya ng isa sa pinaka sikat na libro sa buong mundo, na ang parehong character ay namatay.
Kung mangyari man iyon, ay gusto ko hindi sa ganoong paraan kami matapos.
I want some spice to be added, if ever.
I stayed in the hospital for almost two weeks. Mabilis din akong inilabas nila Kuya dahil hindi parin daw naiaalis ang mga posibilidad na balikan ako noong mga lalaking dumukot sa akin. Damon is always by my side for the first three days and after that, hindi ko na ito muli pang nakita.
My friends visited me with pure anger. They're so fuming mad with the lies they've heard from the gunman's mouth.
Ayon kay Joy, ang eksaktong sinabi raw noong gunman ay pinapauwi daw ako ng mga kuya ko at confidential daw ang rason.
Napagdesisyunan naman nila Kuya Luke at Kuya Asher na huwag na muna akong mag-aral after ng first sem na kaagad kong tinutulan. Pero sa huli ay wala na akong nagawa.
Pansamantala naman akong nanirahan sa kampo kasama ang mga hindi kilalang mga bodyguards sa bahay.
Tamad akong rumolyo sa aking higaan habang binabasa ang isang nakakakilig na nobela. I didn't know that love can be this cruel in some ways.
"I've been in love with someone that didn't love me back and I've been loved by someone that I didn't love back. And I don't know which is worse: to be broken or to break another soul."
I read it loud and clear while wiping my tears.
No! She doesn't deserve that kind of pain! It's not her fault. Tao lang din naman siya at nagkakamali. Kung ako siguro ang character na ito baka di ko na kinaya!
My georgina! Matapos niyang iparamdam sayo na espesyal ka, isang araw bigla nalang siyang mawawala, and then, days after malalaman mong may nililigawan na pala itong matagal at ngayon nga ay sila! Tapos malalaman mo din na mahal ka pala ng kaibigan mo na ngayon ay lumayo na sayo sa sobrang sakit na ipinararanas mo tuwing nasasaktan ka at tumatakbo sa kanya.
Tiningala ko ang kisama at itinabi nalang muna ang masakit na pahina ng libro.
Malapit nang sumapit ang araw ng kapaskuhan. Pero naririto parin ako sa kampo. Si Kuya Luke lamang ang madalas kong nakikita rito. Minsanan lang sa dalawang linggo ang pagdalaw ni Kuya Asher. Samantalang si Max naman ay nakikita at nakakausap ko lang sa skype.
Bukod kasi sa matagal at mahaba ang biyahe paalis ng kampo, ay hindi ko rin alam kung saan ang daan palabas rito. At isa pa, wala naman sa akin ang sasakyan ko. They're not allowing me to leave this place. Siguro ay iyon ang parusa ko sa pagsuway sa utos ni Kuya Luke na naging dahilan ng muntikan kong pagkawala ng tuluyan sa mundo.
It's not that boring naman dahil iginugugol ko ang aking sarili sa pag e-ensayo ng self defense at shooting lesson. Oo, mahirap noong mga unang linggo at masakit sa katawan. Pero unti-unti rin akong nasanay. Sa totoo lang ay kaya ko nang bumaril ng walang ear protector. Pero hindi pa ako ganoon kagaling sa pagkasa tulad ng mga eksperto kong kapatid. But surely, I can hit the important and half dying parts.
Dahan-dahan akong bumangon para lingunin ang aking repleksyon sa salamin.
Kahit na ang aking balat ay isinisigaw ang aking mga pagbabago. Pumunta ako rito na parang anghel sa sobrang inosente. At ang naging pananatili ko rito ng ilang buwan ay nagdulot ng malaking pagbabago. Nilingon ko ang aking balikat na ngayon ay may maliit na lamat.
Kamusta na kaya sila Jane, Pristine, Joy, Irish, Ericka, at Ana? Matagal na din kaming hindi nakakapagkita. Mostly, sa social media lang kami nagkakaroon ng communication. They're always convincing me to go back to school since this is the last school year. They also told me that... Damon and Foxes were both seen kissing each other sa likod ng building.
Dahil sa balitang iyon ay lagi nalang akong nakaramdam ng panlulumo. I'm madly smitten pero sino ba ako para magalit diba? I am just a no one for him. And I really hate the idea of him calling me babe when I'm on the verge of dying that night. Why am I feeling this way? Just... damn it.
"Good morning, Madam." Masayang bungad ng kasambahay pagkalabas ko ng banyo.
I smiled at her bago tinungo ang walk in closet. Ang nakakahalinang amoy ng bacon na dala nito ay nanunuot sa aking pang-amoy. I can't help but crave.
This day is going to be a long one too. I have a Martial arts practice kaya kailangan kong mag-ipon ng lakas. Maybe after that I can roam around the whole camp.
Lumabas ako ng walk in closet suot lamang ang aking sports bra at itim na leggings na may tatak na VS sa kanang hita. Ang takas na tubig mula sa aking buhok ay malayang gumuguhit pababa sa aking leeg.
Bago ako tumungo sa lamesang may nakahain na pagkain ay binuhay ko na muna ang tv para makinig sa balita habang kumakain.
Isang kumpanya ang na feature sa programa na sinasabing isa sa pinaka malaki at patuloy sa paglaki ng naikokontribusyon sa ekonomiya. Ipinalabas rin ang naganap na red carpet walk ilang araw palang ang nakakalipas noong naganap.
Isang padyak sa sahig ang kaagad na nagpalingon sa akin sa kasambahay namin na ngayon ay namumula at kinikilig habang tutok ang mga mata sa tv.
"Inday?" natatawa kong utas sa nakita bago umupo sa upuan.
Nagpipigil na tili ang narinig ko sa aming kasabahay na ngayon ay halos mahimatay na kakapadyak. Umiling na lamang ako at nagsimulang kumain.
"At ngayon ay kasama nating makakapanayam ang tao sa likod ng napaka laking success ng kumpanya--" hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ng reporter dahil sa nakaririnding tili ng aming kasambahay.
Mabilis na bumukas ang pinto at pumasok ang mga bodyguards. Kaagad namang tinakpan ni Inday ang kanyang bibig habang nag p-peace sign sa akin.
Natawa ako at umiling.
Muling umalis ang mga bodyguards nang makitang maayos ang paligid. Kaagad akong binalingan ni Inday na ngayon ay pulang -pula na.
"Madam! Naku po! Jusko! Napaka gwapo po noong pumalit na may-ari jan sa kumpanyang yan!" tumitiling sinabi ni Inday na inilingan ko na lamang habang kumakain.
Buong lakas kong sinuntok ang punching bag. Ang aking pawis ay patuloy sa pagtagiktik. I'm completely wet with my own sweat. This kind of exercise isn't hard at all. It actually made me feel really healthy all the time. I like jogging at cycling, but I do really prefer this one as my work out.
"Nice!" isang palakpak ang aking narinig mula sa labas ng ring.
Isang suntok pa ang aking ginawa bago tumigil para lingunin kung sino ito. Bahagya akong nagulat nang makitang si Hugh ito.
Nakangisi akong bumaba ng ring habang inaalis ang boxing gloves. He's with all smiley facial expression habang naka crossed arm at nakasandal sa ring.
"Looking great with strong and firm arms while punching that poor thing, huh?" He said with an accent applied in every word.
I mockingly laugh with what he just said bago kinuha ang bottled water sa bench at umupo.
"It's been a long time! Where have you been in the past months?" Hinihingal kong tanong bago nilagok ang bottled water.
Tinawanan ako nito bago tumayo ng maayos at nagpamulsa.
"Hmm... Vacation. How 'bout you? I heard you almost get caught." ngisi nito na inilingan ko lamang.
"Nah. Yeah. I'm such a pain in the ass that time. Though, I've already learned my lessons now."