Chereads / Bullets of Past / Chapter 36 - Tears

Chapter 36 - Tears

Tears

I guess, this is it.

Nanlilisik ang aking mga mata na tumingin sa lalaki na ngayon ay bahagyang tumatawa. Hindi ko inalintana ang dilim. All I want before I die is to see the face of the one who's doing this.

"Ang magandang binibini ng mga Interior." halakhak ng demonyong lalaki sa aking harapan.

Mabigat ang bawat bagsak ng aking dibdib sa bawat pag hinga. Mariin na nakatikom ang aking bibig habang tinitignan ang hindi makilalang lalaki sa harapan.

"The greatest weakness of her two savage big bros." muli itong tumawa at dahan dahang pinadulas ang daliri sa aking buhok.

Mariin kong iniwas ang aking sarili.

"You... What do you wan--" isang sampal ang lumandas sa aking labi na kaagad kong ininda.

Dahan-dahang tumulo ang likido sa aking baba kasabay ng sakit sa bawat pagkirot.

"Oops. Slapping you makes me feel so high!" tinignan nito ang kamay at malademonyong tumawa sa aking harapan.

Tears filled my eyes. I've never get slapped in my entire life. And receiving it from an unknown guy is the worst thing. Anger filled my heart and lungs.

I badly want to slap him so bad that I think he'll die!

Bigla nitong hinawakan ang aking panga gamit ang isang kamay. Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa akin. Pinilit kong kumawala at iiwas ang aking mukha para hindi ako nito mahalikan.

I swear to god! Makapapatay ako ng wala sa oras! Damn.

Mariin nitong binitiwan ang aking mukha at muling sinampal.

Isang luha ang tumakas sa aking pisngi bago ang mga panibago at maiinit na pamumuo sa aking mga mata.

I feel like I'm the world's worst living woman. My pride as a woman is completely broken. Receiving one slap is fine, but receiving another one is heart breaking.

Ano ba ang nagawa ko para maranasan ang mga bagay na ito? Bakit kailangang ako pa ang makaranas ng lahat? Bakit ba ako nalang lagi. Bakit tila lahat ng kamalasan sa mundo ay sinalo ko. They say, hindi magbibigay ang nasa itaas ng challenge na hindi ko malalampasan. Pero bakit ganito? bakit ang unfair lagi.

Ano ang susunod? Kakayanin ko pa ba? O hanggang dito na lang ang lahat.

Sana nga hanggang dito nalang ang lahat.

Isang panyo ang tumakip sa aking bibig. Doon ay unti-unting nalaglag ang aking paningin hanggang sa nagdilim na ang lahat.

"SAGASAAN MO!!" Isang malakas na boses ang gumising sa aking diwa.

Masikip. Madilim. Mainit. Mga salitang unang pumasok sa aking utak nang magising. Sa aking bibig ay may nakapakat na kung ano. Ang aking mga braso ay kumikirot dahil sa mahigpit na pagkakatali. Ang aking mga mata ay malagkit dahil sa mga natuyong luha.

Huminga ako ng malalim. Muli ay nagbadya ang mga luha. Hindi parin ako makapaniwala na dito, sa madilim at masikip na kahon matatapos ang lahat.

Kuya Luke, I'm sorry because I disobeyed you. I know right now you're blaming yourself why this happened. I wish I can tell you right now that it's not your fault. Please don't blame yourself. I'm sorry for messing things up. Nagawa mo na ang parte mo as my Kuya. Both you and Kuya Asher.

Hindi ko na pinigilan ang aking sarili sa paghikbi. The end is coming. I guess, it's time for me to grab this very moment.

In my almost 21 years of existence, I know, alam ko, that I've become a real big pain in my brothers asses. And I hate thinking that after everything else, I am and will always be their weakness. I'm such a big burden. And I think ipinanganak talaga ako na pabigat. Mahina kung tawagin nila.

Memories of me with my two big siblings flashes right before my eyes. The way how they secured their arms crossed properly so that they can let me sit on it and for them to carry me like a queen.

Kaagad akong napasandal sa biglaang pagdagdag ng bilis. Even if I'm inside the box, I can still feels what's happening outside.

Hindi ko pa naiaayos ang aking sarili ay bigla nalang umalog ang buong paligid kasabay noon ang malakas na pag-untog ng aking kilay sa bakal na aking kinalalagyan. Ininda ko ang sakit na naramdaman. Bahagya akong nahilo sa nangyari.

I wonder what's happening outside.

Isang malakas na pagsabog ang bumingi sa aking pandinig bago ang tuloy tuloy at sunod sunod na putukan ng baril sa labas.

Sino ang kabarilan nila? Oh my. Don't tell me it's kuya.

Bahagyang napanatag ang aking puso sa pag-iisip na may tiyansa pang makaligtas ako. Pero kaagad din iyong napawi nang pumasok sa aking isipan na si Kuya Luke at Kuya Asher ay kasali sa mga nagbabarilan.

Hindi ko mapigilang hindi humagulhol.

Paano kung mabaril si Kuya Luke o kaya si Kuya Asher? Or baka nabaril na sila! No! No! Not my brothers! Please! If they're outside, I hope they are safe! I don't want to lose anyone again! Kahit ako nalang! Wag na ang aking pamilya! Wag na ang mga kapatid ko!

Muling akong naalog. Ang buong paligid ay tila inaalog. Ang ingay ay nanunuot sa aking tenga. Isa pang pagsabog ang aking narinig.

Mariin akong napapikit nang sunod sunod na putukan na ang nangyari. Naramdaman ko din na itinayo ang aking kulungan.

Sa aking pagdilat ay ang paglitaw ng hugis bilog na liwanag sa gilid. Doon ay nakita ko rin ang pag-agos ng dugo sa aking damit at ang matinding sakit sa aking balikat ay nanuot.

"Not the box! Not the box!" boses ng kung sino

Tumagal pa ang laban ng mahigit kinseng minuto bago unti-unti humupa ang lahat. Hindi narin nagbago ang posisyon ng aking kulungan.

Unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin. Wala na akong lakas na dumadaloy sa buong katawan. I'm barely breathing and all I know is I'm pained.

I'm so tired.

Muling naalog ang aking kinalalagyan. Mula sa patayong posisyon nito ay inihiga. Narinig ko ang dahan dahang pagbukas ng zipper sa paligid.

Unti unti nang nagdidilim ang aking paningin. I'm so drained.

Sa likod ng talukap ng aking mga mata ay ang bahagyang pagliwanag.

Is it over?

Well, sana nga.

My childhood memories with my Mom starts flashing. The way how I play with her hair. The way how we both wear the same looking dress. The way I blew my birthday cake. The way how Daddy used to be so happy while lifting me up. Everything. All of the happy moments. Until I saw the saddest scene in my life. How those bullets hit her body. The way her blood sprinkled to my face. And how serious her face in that golden human sized box. Beautiful, but lifeless.

"Babe, no! Don't sleep! Please stay with me. Please!" Damon's voice filled my ears.

He is now carrying me in his arms. His familiar scent filled my nose. His dangerously chiseled jaw. His strong chest. His fuming mad hazel nut eyes. My blood on his white polo. His tight and secured grip on my fragile body. I love everything about him.

"Hang on, Babe. We're almost there." a muffled sound of his voice.

Everything went black.

"Run little rat! You can't get away. HAHAHA" an old man's voice laughing anywhere.

With my naked and bleeding foot, I run for my life. My white dress is stained with my own blood. My fading eye make up made me look like a horrible prey. The place is full of huge and tall woods. I don't exactly know where to go.

All I know is I have to run away. Runaway from the gun mans. Run for my life.

Mabilis akong humapyaw ng talon sa isang kahoy. Ngunit hindi ko alam na may isa pang susunod kaya naman agad akong sumubsob sa putikan. Ilang pagkasa ng baril ang aking narinig sa paligid na mabilis na nakapagpabangon sa pagod at bugbog kong katawan.

Hot tears rolled on my cheeks as I hop on the wood and run again.

Maliliit at papabilis na patak ng ulan ang dahan-dahang gumawa ng ingay sa paligid.

Patuloy parin ako sa pagtakbo habang naririnig ang mumunting boses na tinatawag ang aking pangalan. Kasunod ng bawat tawag ay mga malademonyang tawa ng kalalakihan.

"Gotcha!" boses noong matandang kanina pa ako tinutugis.

Marahas ko iyong nilingon at nakitang sa likod nito ay maraming lalaki na ang mga hawak na baril ay nakatutok sa akin.

Mabigat na ang aking gown dahil sa lumalakas na pag-ulan. Hindi ko iyon inalintana at mas binilisan pa ang takbo.

Isang putok ng baril ang gumulat sa akin. Dahilan para madulas ako at gumulong mula sa mataas na lupa. Limang tila kay bagal na segundo akong nagpagulong gulong hanggang sa bumagsak sa isang malamig at may pamilyar na amoy.

Nanlalabo ang aking mga matang tinitigan ang magaspang na tela. Doon ay unti-unti kong nakitang isa pala itong katawan.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at napasigaw na lamang nang makita ang katawan nila Kuya Luke, Kuya Asher, Jane at iba pa, na may hiwa sa leeg. At wala nang buhay.

Mabilis akong bumangon at pinilit na tumayo kahit na nababalot na ang aking gown sa sariling dugo at mga putik.

Isang malakas at nakaririnding putok ng baril ang gumulat sa aking harapan kasunod nito ay ang aking pagbagsak sa lupa. Pain slowly spread in my shoulder.

"Oh my god!" isang sigaw ang aking narinig na kaagad na nagpamulat sa aking mga mata.

Matingkad na ilaw ang sumilaw sa akin habang sa paligid ay ang nurse na tumakbo palabas.

What is this?

Where am I?

Where's Kuya Luke? Kuya Asher? Are they fine? Anong nangyari sa kanila?

Ang sugat sa aking balikat ay mariing kumikirot at ang unti-unting pagpula ng aking suot na hospital gown naka agaw ng aking atensiyon.

So it's just a bad dream.

Sa gilid ng aking mga mata ay ang mabilis na pagpasok ng isang matangkad na lalaki na dahan-dahan kong nilingon.

Damon's worried eyes drifted on my shoulder.

Nang makalapit ay mabilis nitong hinawi ang aking suot na siyang nagdulot sa akin ng kahihiyan. My cleavage revealed a bit.

Maiinit ang mga mata nitong nakatingin sa benda na ngayon ay hindi na makitaan ng puti dahil sa pagdurugo.

Sa likod nito ay ang pagdating ng isang may edad nang duktor at dalawa pang nurse.

Kaagad na lumayo si Damon para bigyan ng espasyo ang duktor.

Mabilis na hinawi ng duktor ang aking suot dahilan para mas lumitaw ang aking dibdib na mabilis kong tinabunan ng aking kanang kamay.

"We need to change the bandage." seryosong utas ng duktor.

Mabilis na rumesponde ang mga nurse. Si Damon ay abala na ngayon sa pagbabalat ng mansanas sa di kalayuan habang ang mga mata ay maya't maya ang tingin sa akin.