Chereads / Bullets of Past / Chapter 35 - Disappointed

Chapter 35 - Disappointed

"Finally! Nandito na si Elle. Si Irish at Ericka nalang ang kulang kasi bumili pa ng foods." pambungad ni Ana nang makababa ako sa aking sasakyan.

Si Joy ay abala sa paglalagay ng maleta nito sa isang engrandeng van na naka park sa di kalayuan. Kaagad akong pumihit para kunin ang aking may kalakihang maleta. I'm not really sure kung ilang araw ang itatagal namin. I think 3 days na ang minimum at ang maximum naman ay isang linggo. Hindi bale. I guess, kakasya naman ang lahat ng dala kong gamit.

Ibinaba ko ang maleta at inabot pa ang isa kong personal na bag bago nagtalakad patungo sa Van.

"Ahmm. Girls, magpapa gasoline muna tayo tapos diretso na." Pristine is looking great in her bohemian dress.

"Sure! Wahhh! I can't wait na." Ana giggled

Sumang-ayon lamang ako habang pinakikiramdaman ang aking cellphone na kanina pa nagv-vibrate. I'm sure it's Kuya Luke again.

I failed to convince him to allow me. And I'm running out of time kanina bago tumungo rito. He kept on disregarding me to be with my friends so I have no choice but to leave. He even told me that it's very dangerous.

What's so dangerous with this? Come on, it's just a trip. And My georgina! He's just over reacting! At sinabi din niyang kung kay Kuya Asher ako magpapaalam ay ganoon din ang gagawin ni Kuya Ash.

I just can't understand why he's acting like this. I'm not a kid anymore and for pete's sake! I'm turning 21! Hindi ko maintindihan ang pinanggagalingan niya.

Tapos ngayon ay panay naman ang tawag. Hayss

"We're here!!!" kaagad kaming napalingon sa sumigaw na si Irish, sa gilid niya ay si Ericka na may buhat na plastic bags. Inilagay ko ang aking maleta at nilingon ulit ang mga dumating.

"Ayos! Gora na us!" Mabilis na tumakbo si Jane sa loob ng van kasunod ni Ana na nagsipuntahan agad sa bintana. Mabilis kong ibinalibag ang aking bag sa pwesto na kung saan ay may bintana rin.

"Ang daya!!" sigaw nila Irish na tumatakbo na ngayon.

Hindi ko maiwasang matawa nang tumakbo rin si Ericka at naabutan ito. Doon ay binatukan niya si Irish dahilan para bumagal ito.

Pumasok na ako sa van at hindi na hinintay ang pagbabangayan ng dalawa sa labas.

Nang makarating ay tila sumabak sa giyera ang dalawa habang nagtatawanan. Kaagad na binuhay ng driver ang makina at doon ay nagtilian ang lahat sa sobrang excitement.

Dalawang oras kaming nagke-kwentuhan ng mga gagawin naming pose sa gilid ng dagat. Si Irish ay proud na ipinagsigawan na paborito niya ang seafoods pwera lamang sa hipon. Doon ay kaagad siya binara ni Ericka. Na nagpatawa sa aming lahat. Ana shared her thoughts. Nagsagawa pa daw siya ng matinding pagre-research sa isla. And as usual, she find Calaguas island an adventurous island. And she can't wait to roam with us.

Mag a-alas siete na nang huminto kami sa isang kainan sa Turbina. Pristine and Jane were sleeping like a dead oil. Kahit anong yugyog ang gawin namin ay hindi agad ito nagigising kaya bahagya kaming natagalan sa loob.

Inabot kami ng halos isang oras sa restaurant. Bukod sa matagal ang serving ay matagal din ang pila sa banyo kaya naman nang matapos akong sumalang ay lumabas na muna ako para magpahangin.

Hinugot ko ang aking cellphone at binuksan. Pumapaibabaw ang pagtadtad ng mensahe sakin ni Kuya Luke. Sumunod ay ang mga mensahe naman sa iba kong kaklase. Muli akong nag scroll at doon ay nakita ko na nagmessage din si Kuya Asher.

Kaagad na sumipa sa aking dibdib ang kaba. Sa huli ay ang pagkairita.

I feel horrible. Their over protectiveness is not healthy anymore. Ako dapat ang humihingi ng valid reason dahil doon.

I tap Kuya Luke's messages and read it slowly.

"Come back home." - 3:16 pm

"Princess, I have something to tell you. So come back." - 3:19 pm

"Kuya Asher will be fuming mad at me." - 3:32 pm

"Come on. Answer my call." - 3:33 pm

"You don't understand why we're doing this. If you only knew." - 3:40 pm

Kunot noo kong minadaling ibaba ang mga mensahe sa pinaka recent.

"Wtf. Why did you left your car? Where are you now?" - 6:33 pm

"You are being monitored by the bodyguards but they lost their access to you. Where are you?" - 6:49 pm

My phone beeped. Don ay lumitaw ang isang makabagong mensahe galing kay Kuya Luke.

"ELLE! THIS IS URGENT. TELL ME WHERE EXACTLY YOU ARE! ANSWER MY CALL!"

Hindi ko pa natatapos basahin ay kaagad nang nagflash sa screen ang tawag. Umirap ako sa kawalan at sinagot ang tawag.

"Kuy--"

"THANK GOD SHE ANSWERED!" sigaw ni Kuya Luke sa kabilang linya

"Sinagot na ba ni Elle." dinig ko ang mabigat na boses ni Kuya Asher sa kabilang linya pati narin ang kakaibang ingay na tila may pagkasa ng kung ano.

"YES, DUDE--- ELLE? CAN YOU HEAR ME?-- IF YOU ARE THERE. PLEASE BE CAREFUL!" Si Kuya Luke na tila hindi mapakali

Be careful? from what? And what's with that kind of voice. Bakit parang may kakaiba.

"Why?" naguguluhan kong tanong.

"COME ON, PRINCESS. TELL ME YOUR EXACT LOCATION. NOW!" Kuya Luke's panicking voice filled my poor ear.

Kakaibang kaba ang namayani sa aking sistema.

"H-Huh? I don't understand, Kuya." naguguluhan kong tanong. Bahagya narin akong nakaramdam ng pagpapanic.

"JUST TELL ME WHERE YOU'RE FUCKING PLACE---I'm sorry for the curse--Listen carefully." nakinig ako. Ang kabilang linya ay masyadong maingay. Siguro ay tumatakbo si Kuya Luke.

A small smash of something made me look around. Madilim ngunit kung may tao man ay kaagad kong makikita dahil sa mga dumadaan na mga sasakyan.

Muli akong bumaling sa cellphone nang walang nakitang tao sa paligid.

"Listen. We can't access you. We can't also access the bodyguards. But we received a text message that they got ambushed before they reach Turbina. So I'm asking where you are, right now." Kuya Luke Authoritative voice made my knees tremble.

Muli akong nakarinig ng ingay na tila ba may natapakan na dahon sa paligid.

Binalewala ko na lamang ito dahil baka aso lang ang gumagawa ng ingay na iyon. Kanina ko pa kasi napapansin na maraming aso na palisaw-lisaw sa paligid bago kami huminto rito sa restaurant.

Takot at kaba ang unti unting namayani sa aking sistema nang malamang may naambush na tauhan. Ang marinig ang ganoong klase ng balita mula pa sa aking kapatid ay labis na nagdudulot sa akin ng sobra sobrang takot at pangamba.

"What-- Ahmm--N-nasa restaurant ako."

Isa pang kaparehong ingay ang narinig ko at kaagad itong nilingon bago nagdilim ang buong paligid kasabay ng pag tutol ng mga tao sa paligid. Nawalan ng power.

Tanging ang bundok na may mumunting ilaw ang aking nakikita at ang mga sasakyan na dumadaan lamang ang gumagawa ng panandaliang liwanag.

"Prepare the helicopter!" dinig kong sigaw ni Kuya Luke sa kabilang linya. Kaagad kong isinandal ang aking cellphone sa tiyan para hindi gumawa ng liwanag.

Mabilis akong umupo at gumapang papunta sa kinaroroonan ng aming sinasakyang van. Ang pagkakasa ng baril ang aking narinig sa di kalayuan, nanggilid ang aking luha. I'm so confused yet the feeling of hatred, anger, and upset is flowing in my system.

Hindi ko maintindihan. I think this now has something to do with the past.

Hindi ko maiwasang mapasinghap.

Is it me now? Am I their target now? For what? Who are these people? Anong gusto nilang mangyari naman ngayon? Fucking ambush me?

Kung sino man sila. At kapag may nangyaring masama pagbabayarin ko sila. Magbabayad sila!

Isang maliwanag na ilaw ang dumaan dahilan para makita ko ang paligid. Sa di kalayuan ay ang mga unipormadong lalaki na may hawak na baril. Naka salamin ang mga ito at sa posisyon pa lamang ng pagtatago sa likod ng mga sasakyan ay malalaman mo na kung gaano kaasensado ang kanilang braso.

Nangangatog na ang aking tuhod sa takot nang mapasandal sa isang sasakyan. Gumawa ito ng maliit na ingay na nagpalingon sa kanila sa aking direksyon. Mabuti na lamang at mabilis akong nakapagtago sa gilid.

Tahimik akong humikbi habang pinipilit na alisin ang mga luhang nakatakas sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano hihinga ng maayos sa sobrang bilis ng pintig ng aking puso.

Isang silip ay halos tawagin ko na ang lahat ng santo dahil sa nakita.

They are all coming with their guns pointed in the car, where I'm hiding.

Muling lumiwanag at nakita kong pati sa gilid ay may mga tao ring papunta sa aking direksyon. I can't just hide underneath this car. They'll find it out anyway.

What should I do? Where am I going? Am I going to die now?

Panibagong luha ang tumulo sa aking pisngi. Nanginginig na ang aking kamay sa sobrang takot. Hindi ko napigilang humikbi.

Mabilis kong tinakpan ang aking bibig at walang pag-aalinlangan na ipinasok ang aking sarili sa ilalim ng sasakyan.

Ang dami nila. Paano ako papalag? Damn! They are all trained. Wala naba talagang ibang paraan?

Ito na ba ang katapusan ko? Dito na ba ako magtatapos? Pero bakit ako? Dahil ba mahina ako? Dahil ba ako ang pinaka madaling atakehin?

Fuck you, Elle! You're so damn useless! You never use your fucking brain!

I could've listen to Kuya. Damn... Damn... Damn... But it's too late now.

Hindi ko na matatapos ang mission kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mommy. Hindi ko na magagawa ang lahat ng gusto ko. Hindi ko na ulit makikita si Kuya Asher at ang ngiti niya. Hindi ko na mabubully si Kuya Luke. Hindi ko na mararamdaman ang yakap ni Max sa aking hita. Hindi ko na mayayakap si Daddy.

At higit sa lahat, si Damon. Si Damon na napaka lupit noong una. Si Damon na suplado. Si Damon na idinala ako sa pinaka magandang lugar na nakita ko. Si Damon na laging nagpapakaba sa akin. Siya na pinag-iisipan ko ng masama. Siya na pinagdududahan ko. Ang pamilya niya. Ang grupo niya. It's so funny to think that he said that He'll be the one to kill me anytime he wanted to. Pero iba pala ang gagawa noon.

Isang marahas na braso ang humila sa aking braso na nagpa iyak sa akin sa sakit.

Sayang. Hindi ko masasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Pero di bale na. Ang mahalaga siya lang ang kaisa-isang lalaki na nagparamdam sa akin ng mga kakaibang boltahe. Mga paru-paro sa tiyan. Mala-kabayong bilis ng pintig ng puso. It was all because of him.

I guess, may utang ako na sorry kay Hugh. I failed his one biggest rule.

I fell in love... with Damon.

And I see nothing wrong with it at all.

"We got her!" sigaw ng lalaking humihila sa aking braso.

I guess, this is going to be the end of my story. I'm so disappointed. Akala ko magiging maganda yung pagtatapos ko. Pero hindi pala. Kailangan pala talagang madugo.

Matagumpay nila akong nahila sa ilalim ng sasakyan. Masakit at kumikirot na mga galos ang natamo ng aking braso.

No, mamamatay nalang din naman ako. Bakit hindi pa ako lalaban kung ganoon.

Walang tingin kong sinipa ang lalaking humihila sa akin. Narinig ko ang pagbagsak ng katawan nito. Kaagad akong bumangon at sinubukang makatakbo. Ngunit hindi ko nagawa dahil sa mga karagdagang braso na humawak sa akin.

Nagwala ako. I tried to move using my full strength. Pero wala iyong nagawa sa tila pader na nakakapit sa aking braso.

"Help!" napapaos kong sigaw

Nakita ko ang unti-unting pagtayo noong lalaking sinipa ko kanina.

I don't know what he looks like. I can't clearly see because of the darkness.

Isang kamao ang tumama sa aking tiyan na siyang tumaboy sa natitirang lakas na mayroon ako.

Kasabay ng pagtulo ng aking luha ay ang mabilis na panghihina ng aking katawan.

Sa gilid ng aking mga mata ay ang paghugot ng baril ng mga lalaking humahawak sa aking braso. Itinutok nila iyon sa aking sentido.

I guess, this is it.