Chereads / Bullets of Past / Chapter 33 - Bird

Chapter 33 - Bird

Abala ako sa pagbabantay ng booth nang mapadaan si Foxes. Sa likod nito ay ang dalawa na may pinagtatawanan sa cellphone.

Maarteng lumapit si Foxes at sinuyod ng tingin ang lahat ng souvenirs ago lumipad ang mga mata sa akin.

Tumayo ako at nilapitan ito.

She looked at me. Head to foot. At umirap bago itinuro ang isa sa pinakamahal na keychains. Kumuha ito ng tatlo at inilapag sa aking harapan.

"Girls? Anong sa inyo?"mataray nitong tanong sa dalawang nagtatawanan.

Mabilis na nakapili ang dalawa at pagkatapos magbayad ay nakakapagtaka itong umalis ng hindi gumagawa ng gulo.

Well, ayoko nang mag-assume na disiplinado na ang mga ito dahil noong huli kong ginawa iyon ay may masama pala silang balak. Kaya kung ano man ang binabalak ng mga babaeng iyon ay hindi ko na alam kung ano ang maaari kong gawin. It's been months ago kaya baka hindi na mangyari iyon.

"Aba! Himala! Hindi ka na inaway ng mga iyon." Gulat kong nilingon si Jane. Sa likod nito ay sina Ana at Joy.

"Oo nga... Fishy, hmmm." nanliliit na mga mata ni Joy habang nakatingin sa lugar kung saan naglaho sila Foxes.

Inilingan ko na lamang ang mga ito at inayos ang mga souvenirs na nagulo. Kahit naman may gawin na kakaiba si Foxes ay nasa akin parin ang simpatya dahil kilala siya sa kanyang ugali.

"Nga pala, bat parang wala ka kagabi? Nanuod ka ba?" si Ana habang inaayos ang earphones sa leeg.

Nilingon ko ito at nakitang pati sila Jane at Joy ay nakapokus din.

Huminga ako ng malalim at tumango.

"Oo, kaso di ko na natapos kasi medyo late narin."

Joy's suspicious eyes caught my attention. She's smirking like a creepy witch. I gave her an emotionless look. Kadalasan kasi ay may kalokohan itong iniisp lalo na kapag magkasama sila ni Irish.

Humaakhak si Joy at pumasok para lapitan ako sa aking kinaroroonan.

Kaagad ako nitong inakbayan.

"Hmmm... May hindi ka ba sinasabi? Share mo naman." she said with a half concerned tone.

Si Ana at Jane ay palipat lipat lamang ang tingin sa aming dalawa.

"Hindi sinasabi?" Jane looks so confused.

"Is there something bad happened?" si Ana naman na naghihintay ng sagot.

Tumawa si Joy at bahagyang niyugyog ang aking balikat.

"Come on, Elle! Alam mo namang huge fan ako ni Damon. Malay mo maging shipper niyo ako!" tumalon talon si Joy kahit na naka akbay sa akin.

Nilingon ko si Ana at Jane na tila naguguluhan padin kahit na naka half smile na sa narinig.

I guess, I have no choice. At isa pa, hindi naman iyon big deal. Hindi naman bigdeal ang nangyari.

"Myghad, Elle! O sige. Why is he carrying you? What the hell happened? Nakita kong wala kang malay noong buhat ka niya!" bulalas ni Joy nang hindi na mapigilan ang sarili.

Both Ana and Jane's jaw literally dropped. Tamad kong pinanuod ang paghihisterya ni Joy.

Si Jane ay mabilis na nakabawi sa sitwasyon at ngayon ay napangisi na lamang. Habang si Ana naman ay mukhang wala pa din naiintindihan.

Huminga ako ng malalim at sinimulang idetalye ang lahat. Kung ano ang tunay na nangyari. Nang sa ganoon ay maliwanagan sila, lalong lalo na si Joy.

Joy's reaction is priceless. She keeps on jumping nang ikwento ko ang parte na ipinagbalat ako ni Damon ng prutas. What's with that scene, by the way?

Hindi ko na ikinwento ang pagpalupot ng braso ni Damon sa aking baywang. Pakiramdam ko kasi ay hindi na dapat iyon sinasabi. So, sasarilihin ko nalang. Hihihi

"Myghad! I ship you both" si Joy na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka move on.

Sumadlak ako sa monoblock.

Jane is looking at me with a smile plastered on her face. Ang mga mata naman ni Ana may bahid ng pangangantsaw.

"You're getting it wrong guys. We're just friends. He's just being kind. Come on!" I reasoned out. Pero mukhang mas lumla lang ang mga iniisip nila.

I rolled my eyes.

Hindi ko pa pala sa kanila naik-kwento yung sa Tagaytay.

The three crossed their arms. Proving that they still can't believe of what I'm saying.

"Still, ang masasabi ko lang ay mag-ingat ka. Damon and his gang are mysterious people. Although, he's your friend, hindi mo parin masasabi kung tunay na siya nga ang kaharap mo at kung mananatiling siya parin kapag nakatalikod ka na." si Jane na sinang ayunan lamang nila Ana at Joy.

I know where she's coming. Kahit ako ay nalilito din sa mga ikinikilos ni Damon. Whenever he's around, all I know is I'm confused. And what I'm feeling is mischievous to my real plans. I can't lose. I won't accept another defeat. I know there's something beyond all of this.

"O siya. We're heading. Always be careful, sis." Si Ana na nagbeso sa akin bago umalis kasunod sila Jane at Joy na kumaway na lamang.

Hindi pa ito lubusang nakakalayo ay kaagad naman may umeksena sa aking paningin ang isang matangkad at may tamang pangangatawan na lalaki.

May hagod ang bawat yapak at hakbang nito sa lupa.

He's wearing a faded denims and cowboy boots. His body posture is shouting manliness. Maangas itong nagpamaywang at luminga linga na para bang may hinahanap sa mga booth.

Tatlong beses nitong pinasadahan ang paligid bago tumalon ang tingin sa booth na aking kinaroroonan. Kaagad nitong pinasa ere ang hawak na susi at sinalo para paikutin sa daliri bago nagsimulang maglakad patungo sa mga gamit na aking itinitinda.

Huminga ako ng malalim at kaagad na tumayo sa aking kinauupuan para asistihan ito.

Mataray nitong tinanggal ang aviator glasses at taas noo akong tinitigan. Tamad din akong nakipag titigan.

His fair skin is looking great in his... costume? I guess. Or fashion outfit.

Matangkad ito at hindi ko maipagkakaila ang pagiging magandang lalaki nito. Walang duda na modelo ang isang ito.

"Souvenir items po, Sir!" ngiti ko rito pero tinaasan lamang ako nito ng isang kilay.

Bahagya akong nagulat nang malingunan ang pulang LV pouch na hawak nito. Maybe its his girlfriend's puch. How sweet!

Muli kong ibinalik ang aking tingin sa kanya at nagulat ng ito'y umirap. Ngumiti ulit ako kahit na medyo nawe-weirduhan sa ikinikilos nito.

Until I notice what's on his face. False eyelashes. Well-contoured eyelids and brows.

Itinikom ko ang aking bibig na muntik nang umawang.

I'm still trying to convince myself that maybe because he's a model and maybe he'll be walking with what he's wearing in a fashion stage.

My georgina! Sayang ang lahi ng lalaking ito kung totoo nga ang naiisip ko.

Boses nalang. Boses nalang ang hinihintayko for proof.

"Ahmm..." pinasa nito ang lahat ng items. Wala naman akong narinig na kakaiba doon.

Isa-isa kong ipinaliwanag ang bawat item. Patango-tango lamang ito.

I'm doing my best para magsalita ito pero wala parin. I've never been this curious before.

Isang hawi ko sa keychain ay lumitaw ang isa sa pinaka rare na keychain. Ang kitten style na kulay pink.

Nagulat ako nang bigla iyong hablutin ng lalaki sa aking harapan at niyakap. Nakita ko rin ang pamumula ng pisngi nito.

"Ahmm... Sir?" I asked awkwardly. while watching him hug and kiss the item.

He then looked at me. Namumula parin ang pisngi.

"I want this. How much?" mataray nitong tanong sa di makilalang boses.

Hindi ko na napigilang tumawa ng pabiro. I expected it to come.

My day ends really fast. Who would've known that I'll met this GAY named Devon.

Yes. He introduced himself after buying all of the items related to cats. He even told to me how much he love cats. Ikinwento din nito ang paboritong breed na siya namang konektado sa pangalan na mayroon siya.

Weird. Pero nagkasundo agad kami and I felt so comfortable.

And oh! He also gave me his calling card for nothing. He said in case lang na kailanganin ko ang kanyang tulong. That's why I accepted it.

Bumungad sa aking paningin ang mga maleta.

"Anong meron?" wala sa sarili kong sinabi

Ang mga katulong ay abala sa pag-aalis ng mga damit sa loob nito. Si max ay masayang nilalaro ang bago nitong laruan na robot. Ang kusina ay napupuno ng tawanan.

Tila may umilaw na bumbilya sa aking ulo at mabilis na kumaripas ng takbo patungo rito.

Tumambad sa aking harapan sila Kuya Ash at Kuya Luke na nagtatawanan.

Mabilis kong tinakbo ang direksyon ni Kuya Ash at kaagad itong niyakap ng mahigpit.

Finally, after how many months of sadness, he's being himself na. I missed his smile for a little long amount of time. And now that I see it again. My heart literally melts.

He kissed my cheeks and give a warm and tight hug. Kuya Luke is laughing.

Pagkatapos kong yumakap ay kaagad kong nilingon si Kuya Luke na ngayon ay nakalahad na ang mga braso at naghihintay ng paglapit ko.

Sinimangutan ko ito at kaagad na sinuntok sa tila bato nitong tiyan. Si Kuya Ash naman ang tumawa.

"Aw... What was that for?" tumatawang utas nito.

I rolled my eyes and walk away.

He's just so annoying. I hate his aura.

Palapit pa lamang ako sa pintuan ng aking kwarto nang maramdaman ang pagsalubong ng malamig na hangin sa aking binti. Binalewala ko ang bagay na iyo at naglakad nalang.

Nang makalapit ay mas naramdaman ko ang lamig na tila hindi normal.

Kaagad kong binuksan ang pinto at nagulat nang makitang bukas ang isang bintana ng aking kwarto. Ang kurtina ay hindi kumakalma dahil sa pagpasok ng may kalakasan na hangin. Ang mga scratch ko ay nagkalat sa sahig.

Muli kong nilingon ang aking bintana at halos matumba nang makitang may ibon na diretso ang lipad patungo sa aking kinaroroonan. Napasigaw ako sa sobrang takot.