Chereads / Bullets of Past / Chapter 32 - Rest

Chapter 32 - Rest

Masaya akong nagkakandirit habang naglalakad sa hallway ng ospital. Si Damon ay abala sa pagbubuhat ng lahat ng gamit.

Laki parin talaga ng pasasalamat ko dahil hindi ako pinalitan ng hospital gown. Mabuti na iyon dahil walang nakitang parte ng aking katawan. Sa banyo narin ako nagpalit ng damit na suot ko kanina pa. I didn't know na pati gamit ko ay dinala ni Damon.

Nilingon ko si Damon at nakita ang pagmamasid nito sa aking kilos.

I stopped walking. Nagtataka ako nitong tinitigan.

"Tanong ko lang..."

He tilted his head and raise of his eyebrows.

"How did you get there? As far as I can remember din ay.. Two months na noong huli tayong nagkausap sa isang subject. I thought you quit school." tanong ko na kanina pa bumabagabag sa akin.

Mabibigat ang titig na iginawad nito sa akin. He sighed heavily again. Kanina pa niya iyon ginagawa. Siguro ay may gagawin pa siyang importante at naiistorbo ko na.

I pouted because of my idea why he's being like this.

He sighed again.

"You got me worried big time, Miss." nilagpasan niya ako.

For some reasons ay nakaramdam ako ng kaunting init na humaplos sa aking puso dahil sa sinabi niya.

Tahimik akong sumakay sa loob ng mazda. Maging sa biyahe ay binalot kami ng katahimikan. Kakaibang saya naman ang nararamdaman ko. Na para bangsa wakas ay muli ko iyong naramdaman. Saya na minsan nang nabura sa bokabularyo ng aking buhay simula noong naganap ang ambush. Saya na malalim ang pinanggagalingan.

After all these years of both sadness and loneliness, pakiramdam ko ngayon lang ako nakawala sa hawla nito.

"You... Why are you acting like this?" Nilingon ko si Damon. The way his jaw tightly clenched on my question.

He remains silent. So he doesn't have an answer?

"I see... It's just really confusing." ngumiti ako sa kawalan at naramdamnan ang bigat ng kalooban.

Isinandal ko ang aking ulo sa headrest.

"You should be upset to me. Acting like you don't care. Showing nothing but the roughness of your behavior. But... Why... It's confusing you know." I said weakly.

Maybe I'm just over reacting right now.

But damn! Aminin ko man at hindi ay nararamdaman ko. I missed... him. Namiss ko siya sa loob ng dalawang buwan na hindi pagpapakita. Tapos biglang magkikita kami sa ganitong sitwasyon pa.

Nagkita kami because of my unconsciousness! My georgina!

I just really can't understand his logic.

Kunghindi ba ako nawalan ng malay makikita ko ba siya?

Siguro hindi...

Siguro nga gusto lang talaga niyang maging maayos kami. Just like what he said noong nasa Tagaytay kami.

Why am I being so emotional anyway...

"Stop overthinking, Dapat kasi ay nagpahinga ka nalang muna sa ospital." he said calmly bago iniliko sa entrance gate ng school.

"No. I don't break promises. I promised my friends that I'll be there." hindi nakatakas ang pait sa aking boses.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Christmas is approaching. Colorful lights are shining brightly everywhere.

"Don't you think it's late? The event is about to end." his husky voice caught my attention

Nang maipark ang sasakyan ay kaagad na akong bumaba sa pagmamadali. Damon is already standing by my side. Siguro ay para pagbuksan sana ako.

We started to walk papunta sa lugar kung saan kasalukuyang ginaganap ang event. Malayo pa lamang ay naririnig na ang sigawan na tiyak ay nanggagaling sa big stage.

Nang marating ang booth station ay nag half run na ako patungo sa daan papuntang audience. Nilingon ko si Damon na ngayon ay abala sa pakikipag-usap sa cell phone habang nakabuntot sa aking likuran.

Huminto ako at pinanuod ang pagwawala ng buong audience habang isinisigaw ang pangalan ng banda.

Sa stage ay ang pagse-set ng mga instrument na gagamitin ng isa sa pinaka sikat na banda ngayong taon.

The problem is, hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang mga kaibigan ko kung ganito kagugulo ang mga nanunuod. I'm sure mabubugbog ako kapag dito ako dumaan. Hindi naman pwede na sa backstage ako dumaan dahil paniguradong bantay sarado iyon. At isa pa, SSC officers at mga profs lang ang ia-allow na makadaan.

Nagaalala kong nilingon si Damon at nagulat nang makita ang buong gang nito na nasa likod. Looking formal in a black suit.

"You are making me laugh, Miss." Seryosong utas ni Damon

Sa isang iglap ay nauna nang sumugod sa crowd ang mga nakaitim na lalaki. Nabigla ako nang hawakan ni Damon ang aking palapulsuhan at kaagad na nakisabay sa paghawi sa mga tao.

Bahagya kaming natagalan dahil sa tindi ng pagwawala ng mga fans. May iba pa na napansin si Damon kaya napa ilag. Mabuti nalang din at natatakpan ng aking buhok ang aking mukha dahil ang ilan ay mapanuring nakatitig sa akin at sa kamay namin ni Damon ngayon ay mahigpit na magkahawak.

Saktong pagdating namin sa pinaka harap ay ang paglabas ng mga miyembro ng banda.

The guitarist of the band is proudly waving his hand causing the audience to roar in wildness. Sumunod na lumabas ay ang bass at drummer na pangiti ngiti lang. And the most awaited by everyone, the vocalist of the band! He's the most serious among all of them. Siya ang natural na pinaka matinik sa fans kasunod noong guitarist.

Halos mabasag ang eardrums ko sa sobrang lakas ng hiyawan ng audience. May iilan pang nahimatay sa kakatili. At may ilan din na umiiyak na sa sobrang tuwa.

Inilibot ko ang aking mata. Nagbabaka sakaling mahanap sila Pristine o kahit na isa sa kanila. Pero mukhang malabo talaga.

Nang magsimula ang intro, bahagyang kumalma ang mga fans. The vocalist is standing meters away from me. Nakapikit ito habang dinadama ang intro ng kanta.

Nang dumilat ay mabagal nitong sinuyod ng tingin ang audience until he stopped at my eyes. He gave me a charming smile while waving his hand.

Tinanguan ko ito at nginitian rin.

Siya yung bumili ng maraming souvenirs kanina. Bago ako nawalan ng malay.

Nilingon ko si Damon na tila walang ganang nakatingiin sa stage.

Sa kalagitnaan ng kanta ay bahagya akong nakaramdam ng hilo. Damon's eye darted to me.

I smiled at him bago nilingon muli ang stage na parang wala lang nangyari.

Bigla kong naramdaman ang pagpalupot ng braso sa aking baywang at paghila palapit. Muli kong nilingon si Damon at nagulat nang makitang napaka delikado ng paninitig nito.

Binalewala ko iyon at nagpatuloy sa pag cheer. Siguro ay napansin niya ang pagkahilo ko kanina.

Nang matapos ang kanta ay unti kong naramdaman ang panghihina ng aking tuhod. Kaagad kong naramdaman ang pag alerto ng braso sa aking baywang.

Bukod sa kaba, muli nanamang namayagpag sa aking sikmura ang kung anong nagwawalang insekto sa loob nito.

"You should rest." he whispered.

Halos lumubog naman ang aking leeg sa kiliti na panandaliang naramdaman dahil sa hangin na tumama.

I pouted. I still want to look for my friends, but I know that I'm not in a good condition to do. So, I guess, I have no choice but to rest at home.

Pagod akong tumango at naglakad na pabalik ng crowd. Damon is at my back while I'm dealing with these crazy fans. Thanks to his gang mates dahil hindi ako masyadong nabugbog at mabilis na nakausad.

I sighed heavily nang sa wakas ay makaalis sa crowd. Pakiramdam ko ay naubos ang aking lakas sa sobrang pagod.

"Here. Drink it." nilingon ko si Damon na ngayon ay seryosong inilalahad ang bottled water na may asul na tatak.

Nag-init ang aking pisngi sa kahihiyan.

Nginitian ko muna ito bago kinuha. He's doing so much.

"Thank you for everything that you did." I gave him a warm smile.

Suplado lamang itong nag iwas ng tingin. "Let's go ihahatid na kita."

Mag-a-alas onse nang maka-uwi ako. Naabutan ko si Max na gising at masayang nakikipag-usap sa tablet. He's alone in the sofa kaya naman nilapitan ko ito.

"Mama! Ate Elle just arrived!" pangingibabaw ng boses nito habang ang isang kamay ay kumakaway sa akin.

Nang makalapit ako ay ibinaba nito ang gadget at kaagad na niyakap ang aking hita.

I can't help but smile sa ginawa ng aking bunsong kapatid.

Yumuko ako para buhatin ito. At mabilis na nagsisi nang maramdaman ang bigat nito.

"Big boy ka na talaga!" umupo ako sa sofa at nakitang si Mama pala niya ang kinakausap.

"Hello po!" I greeted her

Her deep dimples showed when she smiled back.

"Hija! You look tired. Late ka atang umuwi?" puna nito habang kumakain sa kabilang camera.

"Opo eh. There's an event po kasi sa school." Ngiti ko

"I see... So, hija, ikaw na muna ang bahala kay Max habang naririto ako sa US. I think sooner or later baka umuwi jan sa Pinas ang Daddy mo. I'm not yet sure about that."

Hindi masyadong naging mahaba ang naging pag-uusap dahil inaantok na si Max. Kaya naman kaunting paalala at pagbibilin nalang ang ipinahatid ni Mama.