Chereads / Bullets of Past / Chapter 31 - Good care

Chapter 31 - Good care

"Elle! Tara panuorin natin yung band na magpeperform mamaya!" Naghihisterikal na sigaw ni Joy

"Oo nga naman, Elle. Napansin ko kasi medyo busy ka this past few weeks so kahit itong ara lang sana na ito ay mag enjoy ka!" Si Irish na ngayon ay pinaglalaruan ang bagong gupit nitong bangs.

"Naku Irish. Wag mo nga idamay si Elle sa kabugakan mo." Singit naman ni Ericka

I sighed heavily. I guess I have no choice. At isa pa, masyado nga akong nagiging abala nitong mga nakaraang linggo. And for pete's sake, hanggang ngayon ay tila ang laki parin ng galit sa akin ni Foxes! Pero mabuti na lamang at hindi na siya gumagawa ng mga stunts tulad noong mga nakaraang buwan.

Ilang oras nalang ay magsisimula na ang event na kung saan ay dadaluhan ng isang sikat at pinaka kontrobersyal na banda.

Sa pagkakaalam ko ay pupunta rin ang isa sa pinaka maningning na loveteam ngayon kaya naman balisa ang lahat kahit nung last week.

Sa katunayan ay may naka alsa na agad na fandom para sa sikat na love team.

Hinawi ko ang aking buhok sa sobrang init. Ang pawis ay tumatagiktik sa aking noo. Hindi ko inakala na ganito pala kahirap magbantay sa booth na naka atas sa'yo. Samahan pa ng maiingay at bugak mong kabarkada.

Hayss. Sakit sa ulo.

Ang bawat courses at mga mas mababang year ay may kanya kanyang naka atas na booth. Mayroong para sa pagkain. Mayroon din namang pada sa souvenirs at kung ano-ano pang mga gamit na naimpluwensyahan ng mga artistang darating mamaya.

"Ano Elle? What's your plan? And pwede ba mag bihis ka na! You literally looks like binagyo sa sobrang haggardness!" Si Pristine na ngayon ay preskong nagpapaypay.

Tinignan ko ang damit ko na may mga parteng basa na ng pawis. Maging ang buhok ko na sabog sabog na at hindi na maayos ang pagkakatali. She's right.

"Later, girls. Tapusin ko lang itong ino-organize kong souvenirs." Ngisi ko habang inilalagay ang mga keychains.

"Hay nako. Tulungan ka na namin jan girl! Nasaan naba kasi ang kasama mo dito?" Concern na tanong ni Ana habang inaayos na ang mga t-shirts sa hanger.

Huminga ako ng malalim at muling hinawi ang takas kong buhok na basa na ng pawis. I feel like I'm going to collapse anytime.

Kinuha ko ang bottled water sa aking bag at kaagad na inubos. I guess I will need to refill this or buy juices from the other booths. At isa pa gutom na din ako. I skipped breakfast. Nalipasan na din ako ng lunch sa sobrang abal sa paghahanda dito sa booth. Mabuti nalang at nagbibigay ng libreng snacks sa bawat bantay ng booth.

Pumihit ako para harapin ang aking mga kaibigan nang makaramdam ako ng panandalian pagdidilim ng paningin.

Nang maayos na ako ay nakita ko sila na may pinagtatawanan.

Lumapit ako para silipin din iyon.

Nakita ko na ang booth sa di kalayuan ay tila nagkakatuwaan. Ang kababaihan ay nagkakagulo at panay ang tili. Siguro ay mga fans iyon na nag-uusap.

"O pano, Elle? Mauna na kami." Si Ericka na kaagad kong nilingon

"Basta mamaya ah! Sunduin ka namin dito." pagingit naman ni Joy

I give them a wide assuring smile at tumango. Tinapik nalamang ako ni Ana at Pristine bago sila naglakad palayo.

Pagod akong umupo sa monoblock. Thanks to them at natapos kaagad ang sana ay ioorganize ko palang na mga souvenirs.

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay nagdatingan na ang mga bibili ng souvenirs. Ang iba ay maraming nagugustuhan at kaagad na binibili. Ang ilan naman ay tinitignan lang lahat ng souvenirs at aalis na.

Muli akong umupo nang maubos na ang mga tao. I'm just so tired to even think where my teammates are. Kung sabagay. Mamaya pa naman kasi ang duty nila. Ako lang itong nagpresinta agad para mamaya ay wala na akong gagawin.

Siguro by 4 pm ay papalitan na nila ako. And it's already 2:36 in the afternoon. Konting sakripisyo nalang at magagawa ko na ang gusto ko.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang maaninag ko ang pagdating ng isang matangkad at naka mask na lalaki. He's also wearing a big sunglasses.

Nakahinto ito at nakalingon sa kinaroroonan ko.

Pagod akong tumayo nang makaramdam nanaman ng bahagyang pagkahilo.

Nang makabawi ay isang malaking ngiti ang aking ginawa habang naglalakad palapit.

Inch by inch ay unti unti kong namumukhaan ito. Even with his sunglasses and mask... pakiramdam ko ay nakita ko na siya kung saan.

Nang makalapit ay naamoy ko ang halimuyak ng pabango nito. Literal na makalaglagpuso ang amoy nito.

He removed his sunglasses. Kumunot ang aking noo dahil hindi ko parin mahinuha kung saan ko nakita ang taong ito.

"Hi!" His muffled voice

Ilang segundo ko pa ito tinitigan bago nanlaki ang mga mata sa gulat.

Awtomatiko akong napatakip ng bibig nang marealize na ang pamilyar na lalaki sa aking harapan ay ang vocalist ng isa sa pinaka sikat na banda sa buong pilipinas.

Even if his mouth is covered by mask. I can still see through his eyes that he's smiling.

"S-Souvenirs, Sir!" Ngiti ko kahit na pakiramdam ko ay dinudurog na ang aking utak sa sobrang sakit ng ulo.

He looked at the souvenir items, then looks at me after it. Medyo kumunot ang noo nito

"Miss, are you okay? Ang putla mo kasi." Pagtatanong nito na ipinagtaka ko.

Tumango lamang ako at ngumiti. Ngumiti din ito mula sa mata bago binalingan ang mga souvenirs. Surprisingly, he bought a lot.

Bago ito umalis ay tinaggal muna nito as mask at ngumiti.

"Nuod ka mamaya, Miss." Huling sinabi nito bago isinuot ng mabilisan ang mask at sunglasses.

Pinanuod ko ang bokalista hanggang sa makalayo na ito. Ang sakit na naradamdaman ko sa aking ulo ay walang kapantay.

Bago pa ako pumihit pabalik sa monoblock ay biglang umikot ang aking paningin. Nanlambot ang aking tuhod at tila nawalan ako ng balanse. Pero bago pa ako matumba ay may mainit na braso akong naramdaman na pumulupot sa aking baywang.

Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. All I know is I'm being carried by someone at nagmamadali itong tumakbo papunta sa kung saan.

The pain I'm feeling is slowly spreading inside my head. Tila mababaliw ako sa sobrang sakit nito. I can feel my body trembles. Even my breathing is getting fast at parang kinakapos ako sa paghinga. My lips were dry and longing for water.

The next thing I saw is an extreme light in front of me. Quiet surroundings.

My head is completely fine. My breathing is in control compared earlier. Iyon nga lang ay may dextrose at oxygen na.

Sa di kalayuan ay isang lamesa na may mga prutas at bulaklak. May refrigerator at flatscreen din.

Am I in a hospital? What happened? Oh my georgina!

I was about to move when I realize that there's a man holding my hand while asleep.

Gulat ko itong tinitigan.

His hair is a bit messy. He's only wearing a folded long sleeve. Sa likod ng kaniyang upuan nakalagay ang black suit. Siguro ay nanggaling pa ito sa trabaho.

Pero... how the hell did he get here? I mean, it's been two months since the last time we talked to each other.

Pakiramdam ko ay may biglang nabuhayan na kung anong lumilipad sa loob ng aking tiyan. Hindi ko maiwasang mapangiti sa hatid na dulot nito.

Bahagyang gumalaw si Damon at kaagad kong isinara ang aking mga mata. Ngunit nagagawa ko parin naman siyang masilip.

Damon freed my hand. Only for him to be able to caress my hair. Doon ay unti-unti na akong dumilat na bahagya nitong ikinagulat.

I saw how tired his eyes were. And at the same time the concern on it. Ngunit napalitan iyon ng tuluyang saya. He smiled and sighed heavily.

"You must be hungry by now." his authoritative voice filled the silence of this room.

Tumayo ito at lumapit sa lamesa to get some food.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa nangyayari. Maybe I can ask him kung ano ang nangyari?

"Anong lugar ito? Ilang oras na akong tulog? Anong nangyari?" dire-diretso kong tanong habang pinapanuod siya sa pagbabalat ng mansanas.

"Shh... Don't pressure yourself. Just relax. You need to gain your lost strength." sagot naman nito bago lumapit dala ang tray ng pagkain.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga masasarap na prutas. Pero para naman ata masydong madami ang nakahain.

Bigo kong ibinalik ang tingin kay Damon na ngayon ay nakakibit balikat akong pinanunuod.

"What time is it?" tanong ko nang biglang sumagi sa isip ang live performance ng iniidolo kong banda. Siguro'y kanina pa ako hinahanap nila Pristine at iba pa.

Oh my gerogina! How long am I going to stay here?

Damon checked his watch.

"It's already 8:40 pm, Miss. I'm sure the live performance of your idol is about to start." An annoying smile is already plastered on his face.

Nalaglag naman ang aking panga sa pag-iisip na baka kanina pa nagkakagulo ang mga kaibigan ko sa kahahanap sa akin. No! I'm not giving up! Dadating ako kahit matapos ang live performance.

Nagmamadali kong kinain ang mga pagkain sa aking harapan. Damon is just watching me.

"I'm going." I said after eating and gaining enough energy.

His brows furrowed ng marinig ang aking sinabi.

"No, you should rest." pagpoprotesta naman nito.

Tinitigan ko ito. Trying to put all the innocent shit in my eyes. Still, his facial expression didn't change at all. Matigas na ekspresyon ang ipinakita nito.

Biglang bumukas ang pinto kasabay nito ay ang pagpasok ng isang matandang babae kasama ang nurse sa likod. The old woman smiled nang makita ako at si Damon, na ngayon ay parang pinagsakluban ng langit at lupa sa tigas ng ekspresyon.

"How are you feeling, hija?" bungad ng matandang duktor habang tinitignan ang mga aparato.

Taas noo akong ngumiti.

"I'm okay na po, Doc." nilingon ko si Damon. Halos mahulog ako sa higaan nang makitang diretso lamang sa akin ang tingin nito.

"Good. Mabuti nalang at naidala kaagad dito ng boyfriend mo. Kaya naagapan." tumawa ang duktora at ang kasama nitong nurse.

"H-Ho?" para akong nabingi sa narinig. Nilingon ko si Damon at mas kinilabutan.

He's just looking at me intently.

What the... hell? Boyfriend? Hell no! Like as if naman na ako ang body type niyan.Of course, it will always be Foxes. Big boobs and bouncy ass.

"By the way, nagkaroon ka lang ng Migraine light headedness due to too much physical activity and too much heat. Siguro by tomorrow makakalabas ka na." Ngiti ng duktor bago tumalikod.

Bago pa ito makalayo ay muli ko itong tinawag para pakiusapan na i-release na ako ngayon. But her only reply is,

"No, hija. You should rest first." muling ngumiti si Doc at umakmang aalis na ulit.

I sighed heavily at padabog na sumadlak sa higaan. Already losing my hope until Damon stands.

"Doc, release her. I'll take a good care of everything." nanlaki ang aking mga mata sa narinig.