Chereads / Bullets of Past / Chapter 22 - Not funny

Chapter 22 - Not funny

Napaatras ako dahil sa paghila ni Foxes. Nanuot ang sakit sa aking ulo. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa aking buhok.

"Aray!!" sigaw ko

"Bakit ba ang hilig mong magpasikat?!" sigaw rin nito at itinulak ako sa lamesa, dahilan para ang aking mukha ay masubsob sa fruit salad.

Bumilis ang aking paghinga. Unti-unti akong tumayo mula sa pagkakasubsob sa lamesa.

Nanginginig ang aking sistema at nag uumapaw ang aking galit.

Dinig ko ang tawanan sa paligid at maging ang pagsinghap ng ilan.

Nagtatangis ang aking bagang. Hindi ko na alam ang magagawa ko.

"You clumsy newbie bitch!!" sigaw pa ni Foxes

Hindi ako nakapagpigil at kaagad na dinampot ang isa pang mangkok na puno ng fruit salad at itinapon sa pagmumukha nito.

Pigil ang hininga ng lahat sa aking ginawa.

Mabilis ang aking paghinga at nanggagalaiti ako sa sobrang galit. Hindi ako pinalaki ng mga magulang at kapatid ko para maging basagulera, pero sa puntong ito sumusobra na at inaabuso na ang aking pagpapasensya.

"Oh..." Hinawi ni Foxes ang salad sa kanyang mukha at maarteng ipinahid ang kanyang panyo sa mukha. Kitang-kita ko ang pagguhit ng galit sa kanya ng mukha.

"You...bitch" tanging nasabi nito bago umambang susugod ngunit may biglang nagsalita na siyang nagpatigil sa kanyang gagawin.

"Anong kaguluhan ito? Ms Interior? Foxes?" palipat-lipat ang kanyang tingin sa amin ni Foxes

Hindi ako naka imik dahil sa bahagyang pagkagulat.

"Mom, She stole Maja's necklace." Simpleng sagot ni Foxes

Nanlaki ang aking mga mata at napatingin kay Foxes.

Mom? Hindi ba ako nakamali sa pagkakarinig ko??

"Ayaw niyang umamin kaya umabot sa ganito---" pinutol ko si Foxes

There she goes again.

"Hindi totoo yan! Ikaw ang naglagay noong necklace—" ako naman ang naputol.

"Ma'am, nagkainitan lang po. Pero si Foxes po ang naunang manakit." Paliwanag ni Maja

Kumunot ang noo ni Mrs Zaño at nilingon si Foxes.

"Pero, Mo---" pinutol si Foxes ni Mrs Zaño

Ang galit kong kanina'y nag uumapaw ay unti-unti nang nababawasan.

There's one thing for sure. I can't trust Foxes... anymore. I can't trust people like her.

"Gosh!" sigaw ni Foxes at padabog na nag walk out palabas ng canteen.

Sinundan ko ng matulis na tingin ang kanyang pagdadabog.

"I'm sorry..." kaagad kong nilingon si Mrs Zaño na pinanood rin ang ginawa ni Foxes.

"For what po?" tanong ko

Nagpakawala ito ng isang mabigat na hininga at nilingon ako.

"She's a spoiled brat. Kaya kahit mababaw lang ang dahilan ay palalakihin niya."

Kitang-kita ko ang pag pait ng ekspresyon ng mukha ni Mrs Zaño.

Pagkatapos ng nangyari sa canteen ay kaagad akong dumiretso sa pinaka malapit na banyo.

May ilan na nananalamin sa loob. Tiningnan nila ang pagpasok ko.

"Inaway ka nanaman ni Foxes ano?" tanong ng babae na kakalabas lang ng cubicle.

Bahagya pa akong nagulat sa biglaan niyang pagtatanong.

All this time inakala ko na iiwasan ako ng lahat dahil sa ginawa ni Foxes, pero meron pa naman palang mangilan-ngilan na open minded.

"Ah, oo." Tipid kong sagot at kaagad na dumiretso sa gripo para maghilamos.

Pagkalabas ko ng pinto ng banyo ay naka bungguan ko naman 'yong nerd girl.

"Ay sorry!!" sigaw ko.

Pareho sa amin tumapon ang hawak niyang juice. Napaupo naman 'yong nerd girl sa lakas ng pagbabangga namin, kaya naman yumuko ako para tulungan siyang itayo. Ngunit bigla nalamang may malamig na bumuhos sa aking ulo.

"OH..." tanging nasabi ko nang manuot ang lamig sa aking katawan.

Unti-unti kong nilingon kung sino 'yon at napagtantong si Foxes ang may gawa nito.

Nanlalaki ang aking mga mata habang siya naman ay kasabay na tumatawa 'yong chinita.

Naamoy ko ang amoy ng pineapple na ngayon ay dumadaloy narin sa aking damit.

Napaawang ang aking bibig. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Nanggigilid narin ang aking luha.

"Foxes! Ano nanaman ang ginagawa mo!" boses ni Mrs Zaño

Hindi ko na nilingon kung sino ang dumating at napayuko na lamang. Pumatak ang aking luha sa floor kasabay ng pagpatak ng pineapple juice sa aking buhok.

"Oh nothing, Mom! Nakikipag bati lang." maamo ang pagkakasabi ni Foxes.

Nanginginig ang aking mga kamay. Hindi ko na alam kung ano ang susunod pang mangyayari. Hindi ko alam kung hanggang saan nalang ang hangganan ng lahat.

Pinalis ko ang isa pang luha na dumaloy sa aking pisngi at nag lakad na lamang palayo.

Kinabukasan ay Friday. It's PE day. Lahat ay busy sa kanya-kanyang sports.

I'm in our locker room. Staring at my purple colored guitar bag. Nakatatak ang aking pangalan sa gilid nito habang may high light na white . It actually reminds me of my best friend, Elsie. She's good when it comes to guitar. Really... Really good.

Kinuha ko ang gitara at isinukbit sa aking likuran. Dala ko rin ang badminton rocket ko sa kaliwang kamay.

Ako nalang ang naiwan rito sa loob ng locker room kaya naman mahirap na at baka may kung anong element rito.

Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto na ngayon ay naiwang nakaawang.

Nang marating ko ang bungad ay huminto muna ako at nilingon ang bench kung mayroon akong naiwan. Wala naman. So that means dala ko na ang kailangan ko.

Itinulak ko ang pinto at lumabas. Nang biglang bumuhos ang sangkatutak na kung ano sa aking ulo. Ang iba ay pumasok sa aking panloob na damit.

Nakaramdam ako ng kung anong gumagalaw sa aking damit.. Then I realized that... it was a worm... a lot of worms.

Awtomatiko akong napa tili at kaagada na nadulas. Nanlabo ang aking paningin at sa isang gilid ay nakita ko ang dalawang anino na tila tumatawa. Natagalan bago ko nakilala kung sino ang mga 'yon.

Si Foxes at ang chinita.

"Elle!!" boses ni Damon.

Pinilit kong tumayo ngunit mas nanuot ang sakit sa aking baywang. Nanggilid ang aking luha.

Hinawi ko ang mga makikintab na uod na light brown at pinipilit na lumapit sa akin.

Makati rin ang aking dibdib dahil sa gumagapang na superworms sa loob ng aking damit.

"Elle! Anong nangyari?!! Sinong gumawa nito? Ayos ka lang b---" sinampal ko Siya

"Kung ganito naman pala ang mangyayari sa akin, mas mabuti pang pinatay mo na lang ako! Kasi doble ang consequence eh! Saka pwede ba, Magkalimutan na lang tayo...."

Nanghina ako sa aking mga nasabi.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko mas sinaktan ko lang ang sarili ko sa sinabi ko.

Bahagyang napaatras si Damon mula sa pagkaka sampal ko. Napaawang naman ang kanyang bibig sa sinabi ko.

Ang sakit... Bakit ganito...

I will not forget the deal. I just want to stay away from this guy for now. I just want to stay away from everyone. Hindi ko na alam kung sino ang dapat na pagkatiwalaan.

Suminghot ako at hinawakan ang aking damit para hubarin. Wala akong pakealam kung makita niya ang pagkababae ko. Tutal sira narin naman ako.

Itataas ko na ang aking damit nang bigla akong buhatin ni Damon.

"H-hoy! Ibaba mo ahh!!--- ako!!" hinampas ko ang kanyang mukha . Then I realized na nandito nanaman ako sa locker room.

Tinupad niya ang hiling ko. Ibinaba niya ako sa bench sa bungad ng pinto.

Napatitig ako sa kanya.

Malamig ang mga mata niyang nakatingin sa aking.

"Don't ever do that thing in front of me. I maybe a bad boy, but I'm not a pervert." Tumalikod siya

"And I'm sorry dahil sa nangyari sa canteen, a few days ago. I didn't know na iba na pala ang situation at seryoso pa. I thought it was nothing. Ang naisip ko lang ng mga oras na 'yon ay pag trip-an ka, tulad ng ginawa mo sa braso ko." Nilingon niya ako

"Kanina ko lang nalaman kay Owen, dahil muli niya akong tinanong tungkol sa bagay na 'yon. That's why I got here. And yes, magkalimutan na tayo. Forget about the thesis, ako nalang ang bahalang mag explain. Ipapadala ko nalang sa kaibigan mo yung copy para mapag-aralan mo." Yumuko ito

"At ayos narin ang tatlong sampal para layuan ka."

Humapyaw ang hangin sa aking sistema sa mga narinig. Tuluyan namang umalis si Damon.

Naiwan akong nakatingin sa kanyang direksyon.

Hindi ko alam kung humi-hinga pa ako. Nagbabara ang aking lalamunan at muling umapaw ang luha sa aking mga mata.

P-Paano na ang deal kung tuluyan na siyang umalis.

"Anong ginawa niyo ni Damon, huh???" unti-unti akong nag taas ng tingin kay Foxes na ngayon ay naka kibit balikat sa labas ng pintuan katabi ang chinita na tumatawa parin.

Tuluyan akong namanhid sa mga nangyayari.

The feeling of emptiness though..

"O, well.. Yuck! Kadiri! Buhay ka pa lang ay inuuod ka na.. Ha-Ha-Ha" madiin na sinabi ni Foxes at tumatawang umalis.

It's not funny anymore.