Since I have Hugh's phone number, pagkalabas ko pa lang ng restaurant ay nag message na ako ng explanation.
I don't want him to think that there's something going on between us. That's why I need to leave... for show. Don't worry. I can handle myself. And may bibilhin din kasi ako. Let's meet each other next time! Thank you for the treat. :)
Sent
I went to the comfort room to apply a polbo. Pakiramdam ko ay nagpawis ako kakaisip na baka may iniisip nang iba si Damon. My cheeks were a bit pinkish, as usual.
The comfort room isn't that crowded at all. Kaya naman comportable akong nakakaharap sa salamin ng hindi nakikipagsiksikan. Labas pasok ang mga tao sa pinto ng kada cubicle.
I stare at the mirror. Hollowness filled my heart as I look at the girl that resembles its mother. The beauty and kindness on her eyes is what I'm seeing in my reflection.
I still remeber what happened that day na inilibing na si Mommy.
A little girl on a black dress. Crying. Completely broken. Begging for its mother to come back. A little girl... alive but barely breathing while hugging her pillow on the bed.
And that girl is the girl I'm staring at the mirror. But unlike the past, she's all grown up now. Stronger. Braver. Fiercer. And she's now ready to face and deal with what happened in the past. Going beyond everything else will be her first move.
I guess the drama is over for the mean time.
Since I'm done eating... Maybe I can go shopping and spoil myself.
I spent an hour shopping. At sa awa ng diyos, tanging flat shoes at off shoulder na damit lang ang nagustuhan ko. Unlike my brothers, ako itong hindi masyadong magastos. Siguro dahil hindi ko forte ang bagay na iyon. Mabuti na lang at ang bunso naming kapatid ay masinop sa pera at hindi mahilig magwaldas katulad ni Kuya Luke.
"Thank you." Nginitian ko muna ang cashier bago lumabas dala ang nagustuhan kong damit.
Paliko na ako nang makita ko si Damon na naka sandal sa pader. Naka kibit balikat ito habang naka tingin sa akin.
Halos magtatakbo naman ang kaluluwa ko sa bahagyang pagkabigla. Maraming tanong ang pumalibot sa aking ulo tulad nalang ng...
Anong ginagawa niya? Bakit ganyan siya makatitig? Nasaan ang mga kasama niya? Nasaan yung haliparot?
Or baka naman... Oh my georgina!
Is he going to kill me?
Kinunot ko ang aking noo at nag-iba ng direksyon na pupuntahan.
What the hell is his problem? And why am I feeling flushed here. He's really giving me a heart attack. Although I know that he's here, it's just so irritating.
Kahit sa sarili ko ay naiirita din ako. I always have this creepy feeling whenever he's around.
Still... I kinda missed him.
Muli akong lumiko at mas binilisan ang paglalakad. I don't know if he's following me. Pero I just really want to stay away. From him and everyone else.
Nang makalabas na ako ng mall ay napakamot na lamang ako ng batok. My car isn't with me nga pala! My georgina!
Okay then... I'll wait for my car since kanina pa naman ako nag text sa driver.
Isang hakbang ko ay ang pagpasa ere kong bigla. Napatili ako ng wala sa oras at tila naubusan ng dugo. Mahigpit akong napayakap sa kung sino mang bumuhat sa akin.
Abot langit ang gulat at takot ko sa nangyari.
Tinignan ko ng masama ang gumawa noon sa akin. I was already thinking of pinching Hugh. But when I saw Damon's handsome face. Tuluyan na ngang naglaho ang aking kaluluwa.
Sa halip na magalit ay tila parang nabuo ang araw ko.
Ang mga tao sa paligid ay mga naka ngiti. May ilang mga babae pang kumuha ng litrato at nagtilian.
Sa aming harapan ay ang paghinto ng isang kulay pulang sports car. At ang pagbaba ng isang lalaking naka suit at black shades. Inilahad nito ang front door.
Nagtataka akong lumingon kay Damon at nagulat na kanina pa pala ako nitong tinititigan. Pakiramdam ko ay nalusaw na ako sa paninitig ng misteryoso at malalalim nitong mga mata.
"What do you think you are doing, Damon?" I tried to sound like I'm mad, but my voice ended up like I'm confused.
Why is he doing this when I thought all this time he's mad because of my slaps. I know that he's mad when he left me in the bench. And speaking of that scene, he apologized nga din pala no'n!
Tamad lamang ako nitong tinignan bago unti-unting yumuko, dahilan para mas higpitan ko ang kapit ko.
"I-I still have somewhere else to go! And I'm not going with yo--" walang modo ako nitong iniupo sa front seat.
Nag iinit ang aking mukha nang hinarap ko ito. I'm so mad with his actions. I can't breathe normally. Parang gusto kong sumabog.
"Then, I'll bring you there." Tamad na sagot ni Damon at nagsquat sa aking harapan na tila ba inaasahan na nito ang mga sasabihin ko.
Mas nag init ang aking buong katawan sa pagkairita. What the hell is he thinking? And why... why... Mygeorgina!!
"You don't have to. In a minute, my car will arrive." Taas noo kong paliwanag at umakmang bababa nang bigla nitong itukod ang kanang braso sa pintuan.
"It's gone." Mas tamad nitong utas na nakapagpalaglag ng aking panga.
Nanggigigil ko itong nilingon. Gustong gusto ko itong pagsasapakin pero baka mas lalo lang akong mapahamak kapag ginawa ko iyon.
"You... what?" Nagtitimpi kong tanong.
Bumuntong hininga lamang ito
"I don't do explanations. I told you, I have my way of doing things."
What kind of answer is that? Pinabalik niya ang kotse ko tapos ganito lang ang maririnig ko? How will I know kung ano ano ang mga pinagsasabi niya!
"And what do you think you are doing right now? Do you think I'm an easy to get girl? I don't ride with guys that I don't k-"
"Yeah, right." Tamad na sagot nito at muli akong pinanuod na tila ba may kasunod pa ang paghihimutok ko.
"And besides, kasama mo yung drama queen na yon! Ano nalang gagawin no'n kapag nakita tayong magkasam-" muli nanaman ako nitong pinutol .
"She has nothing to do with it. So please?" Pagsusuplado nito habang nakasimangot na.
Tinitigan ko ito ng saglit. Madami akong gustong sabihin pa pero sigufo sa ngayon dapat ko munang sarilihin ang mga bagay na iyon. And besides, maybe being with him today is an advantage to me and to my secret mission.
"Okay, then!" Nakasimangot akong sumuko at sumandal sa backrest.
"Bring me to the park!" Utos ko.
Bahagya pang tumawa si Damon bago kinuha sa aking kamay ang mga binili ko kanina.
"Good girl." Ngisi nito bago isinara ang pinto.
Now what?
What am I going to do at the park? With... him.
Well, bahala siya! Kasalanan niya naman at isinakay niya ako rito. At isa pa, hindi ako pwedeng umuwi ng kasama siya. Ano nalang magiging reaction ng mga Kuya ko kapag nangyari iyon.
Iginala ko ang aking mata sa kabuuan ng sasakyan ni Damon. Walang duda. Mula sa pananamit, amoy ng pabango, at tindig pa lamang ay makikitaan mo na ng taste. Ang unique na pagkakadisenyo sa loob ng sports car ay nakakamangya at sobrang manly. I've been in my kuyas sports car, but having this experience with Damon is way too different.
Bumukas ang kabilang pinto at pumasok si Damon. Muli nanamang namayani ang manly scent nito sa aking ilong. He then makes the car roar to life. My face is still the same. Blank.
"Where do you want to go again?" Nilingon ako nito while stripping his black suit. I kinda feel embarassed for a moment.
The way his huge biceps flex. Made me think of how fragile my entire body is. Tila kayang kaya ako nitong durugin anumang oras nito gustuhin.
"Park." Tipid kong sagot at umiwas na ng tingin.
I can still see him look at me habang niluluwagan nito ang necktie. I'm starting to wonder what's on his mind.
"Sure!" Bahagya akong nagulat sa nagagalak nitong utas.
He then starts to drive the car with a smile plastered on his face. Weird.
I'm starting to think that he's got a plan. I guess, I have to beware while going with the flow. Whatever happens. My mindset right now is the deal... nothing more. Only what matters.
"So, why are you doing this?" I'm trying to act cool.
He looked at me for a moment. I can see it even when my eye focus is at the road.
"Gusto ko." Malamig nitong sagot na medyo nagpakirot sa aking sistema.
"What are you planning to do?" I asked. Trying to stay cool.
He didn't give a glimpse and just continue driving the car. Silently.
Doon na ako sinimulang kabahan. What's on his mind? Why did he... kidnapped me? Ano ang binabalak niya? Para saan ang mga ito? Is he... is... he... going to kill me?
No! It can't be! It's too early for me to think about that thing. But right now, maybe all I can is to stay alerted.
"O come on! why didn't you go in that way?" Nagtataka kong tanong nang hindi nito iniliko at nilagpasan lamang ang road na patungo sana sa park.
Kunot na ang aking noo nang lingunin ito. He still have that same serious looking face. His deep set of eyes, pointed nose, thin upper lip and chiseled jaw caught my attention.
Even when I'm in this kind of situation, I still admire those perfect feature of his face.
Bumalik ang aking atensyon sa harapan nang mapansin ang unti unting pagbilis ng pagmamaneho nito.
Napasandal na lamang ako habang kinakapa ang mga seatbelts sa aking likuran.
Mabilis kong pinagkabit ang seatbelt at napahawak na lamang sa aking dibdib sa sobrang kaba.
"What the hell, Damon!" Sigaw ko nang muntik na kaming mahagip noong kasalubong dahil sa biglaang pag overtake.
This guy is totally insane! If I only knew that this is going to happen edi sana ay nagstay na lamang ako sa bahay!
Isa pang overtake ang ginawa ni Damon ng mismong harapan ay halos hablutin ko na ang braso nito sa takot.
My georgina! I still want to live my life to the fullest! Kung hindi ako mamamatay sa aksidente ay baka sa atake sa puso ako mamatay nito!
Nagpatuloy kaming ganoon ng mga nasa sampung minuto. Wala na akon ibang nagawa kung hindi ang magtakip na lamang ng mata at magdasal na sana ay humaba pa ang aking buhay.
Mainit na palad ang bumalot sa aking pisngi ang siyang gumising sa akin. In my blurry vision, I saw light. Seconds later, I saw his genuine smile.