"Tell me... is there something that's bothering you from the very start?" His authoritative and manly voice echoed in my entire system.
Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig. Tila naubusan ako ng dugo dahil sa narinig. Ang tanging naramdaman ko ay takot. Takot na baka may alam na siya. Takot na baka mabuking ako.
"Tell me..." his voice becomes weaker.
Even his voice is causing an unfamiliar pain inside me. What the hell is happening with me? Why do I have to feel this way?
"Is it because of... the bad beginning? My actions? What?" He pleaded.
Kaagad ko itong nilingon at nakita ang nag aalala nitong mukha na gumulat sa akin. I never expected him na maging ganito kahina sa aking harapan.
"No... Hindi sa ganon." Sinubukan kong mangalap ng salita
Ngunit umiling lamang ito at binitawan ang aking balikat. Tumayo at naglakad patungo sa ihaw-ihaw.
"Forget it. I just want us to be okay." His manly voice is back again.
My heart beats faster as I watch him confidently grill. Ultimo ang pawis na dumulas sa kanyang panga ay hindi nakatalas sa aking paningin.
Hindi ako makapaniwala sa nga nakikita. Sa likid ng aking pag aalinlangan dahil sa deal ay nangingubabaw ang kung anong insekto sa aking tiyan.
Tumayo ako. His eyes darted on me.
Para akong kinuryente ngunit nagpatuloy ako sa paglapit.
Who cares about the deal when you have this beautiful moment in your life. Hindi ko alam pero napaka kampante ng pakiramdam ko ngayon.
The feeling of comfort that I never felt in years, hits me like crazy.
"B-Bakit?" kunit noo nito "Umupo ka nga jan."
Umawang ang kanyang labi nang bigla ko siyang kinindatan bago dumiretso sa basket. Isa isa kong inilabas ang mga naroon.
Halos mapatalon ako nang bigla siya bumagsak sa gilid.
Parang slow motion kong nakita ang pagkakagulo ng buhok nito pati narin ang paraan kung paano niya dinilaan ang kanyang labi.
Oh my georgina! Bat ang sarap?
A ghost smile painted in his lips when he caught me internally praising him.
Matapos niyang maluto ang mga barbecues ay kaagad na siyang naagyaya kumain.
We ate more than we talked. Tanging mga basic questions lamang ang mga nabitiwan namin sa isa't isa bago pa siya tinawag ng kanyang Lolo.
Alas dies na ng gabi nang ako'y makauwi. Hindi ako pumayag na ihatid ni Damon dahil baka magkalintikan ang lahat. Ihinatid na lamang ako nito sa fastfood malapit sa amin. Nagpasundo nalang ako sa driver na available.
Sa sofa ay naabutan ko si Kuya Asher na nanunuod at si Max na natutulog sa hita nito. Sa glass table ay ang mga mamahaling alak at isang maliit na basket na puno ng yelo.
Nilingon ako ni Kuya Asher. Dahil naka dim na ang ilaw ay hindi ko masyadong naaninag ang mukha nito ngunit hindi naka ligtas sa aking paningin ang pagkislap ng mga mata nito.
I quickly walk towards my big bro. I wasn't able to talk. Seeing him this broke surprised me big time.
Tamad itong nakasandal sa sofa habang hinihimas ang buhok ni Max. Tila hangin lamang akong nakatayo sa harapan nito.
He then finally move, but only to fill his glass with alcohol. Tamad din nitong ibinagsak ang yelo sa loob ng baso bago kinuha at nilagok ng mabilisan.
Kunot noo ko itong pinanuod.
Suddenly, a news flashed in the wide screen of our television. Nilingon ko ito saglit.
"Narito na ang nagbabagang balita..." utas ng babaeng reporter
Muli kong ibinaling ang aking atensyon kay Kuya Asher na ngayon ay walang kasing tigas ang ekspresyong ng mukha.
"What's happening to you, Kuya? Why are you drinking to death here?"
Diretso lamang ang tingin nito sa telebisyon. Tila may inaabangan. Hindi man lang pinansin ang mga tanong ko. Nilingon ko ang telebisyon para panuorin ang balita.
"Isang babae ang natagpuang palutang lutang sa Pasig City River. Puno ito ng pasa at duguan. Ayon sa mga nakakita ay may dumaan daw na itim na van kaninang alas otso lamang..."
Isang hikbi ang narinig ko kasabay nito ang pagsaere ng baso sa pader.
Gulat kong nilingon si Kuya Asher na ngayon ay taas baba ang dibdib sa bigat ng paghinga. Si Max ay gising na habang kinukuskos ang mga mata. Mabilis na dumalo ang naka atas na katulong rito para ilayo ang bata at hilahin sa taas. Walang kamalay malay na sumama ang bata.
Binalingan ko si Kuya Asher na ngayon ay namumula habang nilalagok ang isang buong bote ng beer.
What the hell is happening to my Kuya? Never ko pa siyang nakita ng ganito sa buong buhay ko!
"Kuya, stop it! Oh my georgina!" Sigaw ko at inilayo na ang ibang alak.
His bloodshot eyes are dangerous. Arched brows. Clenched jaw. Everything about him says nothing but anger.
Isang hawi nito ay na wiped out ang mga alak na nasa mesa. Kasabay ng pagtayo at lapit sa pader. Walang awa nitong ipinukol ang kamao hanggang sa nagdurugo na.
"Kuya Ash! No! Kuya!" I shout as I ran towards him.
He didn't stop. At sa halip ay mas sinuntok pa nito ang pader. Ramdam ko ang bawat pag yanig ng pader sa suntok nito.
"DAMN! WHY! AH! FUCK! WHY HER?!" He's cursing so bad while punching the wall
Nanggigilid na ang aking luha sa pag hawak sa braso ni Kuya pero patuloy parin ito sa pagsuntok. Pilit ko itong pinipigilan habang tinatawag ang mga kasambahay para tulungan ako.
"Kuya please stop!! Manang! Help! Kuya Luke! Dad! Please, Kuya, stop!" I keep on calling everyone even if they aren't around.
Ang aking damit ay natitilamsikan narin ng dugo.
I cried when I saw Kuya's face full of tears with a shade of his blood.
What the hell is happening to my brother? Bakit siya nag kakaganito? Bakit ko siya naabutan na umiinom? Bakit siya umiiyak? Bakit nabahiran ng labis na galit ang pagkatao niya? Why? Why!
Huminto si Kuya. Akala ko'y titigil na siya dahil isinandal nalamang nito ang ulo sa pader. Pero bigla nanaman itong nagsimula sa pagsuntok.
Bumukas ang pinto at preskong pumasok si Kuya Luke ng naka earphones. Pumipito pa ito habang inililibot ang mga mata.
"WHAT THE FUCK KUYA LUKE? HELP ME! KUYA ASHER IS LOSING HIS MIND!!"" Sigaw ko dahilan para lingunin ako nito.
Nanlaki ang mga mata ni Kuya Luke nang mahagilap ng tingin si Kuya Asher. Kumaripas ito ng takbo sa amin.
"FUCK! BAKIT SIYA PA! HOW CAN YOU DO THIS TO ME? I THOUGHT YOU LOVE ME! W-WHY DO YOU HAVE TO BE ONE OF TH--- LET ME FUCKING GO! LUKE!!!" Sigaw ni Kuya Asher habang pinipigilan siya ni Kuya Luke sa braso.
Hindi ako mapakali habang nakatayo sa gilid nila. I really dom't know what to do and I can't understand what is happening.
Kuya Asher never act this way eversince! Seeing him broke down like this in front of us is shocking!
"What the fuck is your problem, Dude! Why are you acting this way?" Tanong ni Kuya Luke nang medyo kalmado na si Kuya Asher sa upuan.
Lumipas ang ilang minuto ay tuluyan nang nanghina si Kuya Asher.
Abala ako sa paglalagay ng benda sa kamao nito. Mabuti na lamang ay maliit na sugat lang ang nangyari. Kung medyo lumaki ito ay baka nagpatawag na ng duktor. Salamat at maidadaan pa ang sugat sa betadine.
Kuya Asher's jaw is tightly clenched. He's a little bit calmer compared earlier na halos basagin na nito ang pader.
"That woman..." ramdam ko ang panginginig ni kuya sa galit.
Kuya luke is just standing right there habang nakapamaywang. Kunot noong nanunuod sa amin.
"Who's woman you are talking about? Via? Nejie?" Pagbabanggit ni Kuya Luke sa mga pangalang hindi ko kilala.
"That Via..." nabasag ang boses ni Kuya Asher sa pagbanggit sa pangalan noong Via.
Who's Via? Why is she involved in this situation?
Unti unti kong napagtanto kung sino iyon. Nanlalaki ang aking mga mata na nilingon ulit si Kuya Asher.
Don't tell me she's Kuya Asher's...
Kuya Luke laughed mockingly. Ang mga nabasag kanina na alak ay kaagad nang naayos ng mga katulong kaya naman kaming tatlo nalang ang naririto.
"O, what's with your girl? Anong nagawa niya at nagkakaganito ka?" Halakhak ni Kuya Luke kasabay din ng pagkunot ng noo nito.
Via? Kuya Asher's girl? What!? Siya ba iyong ipapakilala niya sa amin? What happened? Nagka problema ba sila kaya nagkakaganito si Kuya Asher?
"She's dead." Mabigat na boses ni Kuya Asher
Sabay kaming agad na napalingon ni Kuya Luke. Kuya Luke's face looks horrored, as well as mine. Sa pagkagulantang ay naibuhos ko ang betadine. Mabuti na lamang at nahawakan agad ni Kuya Asher.
"Are you serious, Dude? How? Paano nangyari?" Hindi makapaniwalang utas ni Kuya Luke at nilapitan si Kuya Asher na ngayon ay pagod na nakapikit.
"She tried to assassinate me... too many times." Tamad na wika ni Kuya Asher bago ibinagsak ang katawan sa sofa.
Naestatwa ako sa kinauupuan ko habang pinanunuod ang dalawa. Hindi maproseso ng aking utak ang mga pinaguusapan nila. At hindi rin makapaniwala sa nalaman.
"Oh... fuck." Kuya Luke slowly cursed like as if he already knows the reason.
Isang hikbi ang ginawa ni Kuya Asher habang pinipilit na ikalma ang sarili. Ang kamao nito ay mahigpit na naka kuyom. Tila wala itong pakealam sa piskal na sakit.
"From the very start I knew what her purpose is, but, hell! I ignored that side of her because I know that... I can feel... her love! Damn, I'm so stupid!" Tear slowly roll on Kuya Asher's cheek.
Umiiling na tinapik ni Kuya Luke ang braso nito. Seeing Kuya Asher broken is making me sad. Remembering his happy days is all I can think of right now. I never expected him to be this down over a Girl. And the idea of him trying to be assassinated by his love is ruthless.
"Every time she attempts to kill me, I always shield myself. And instead of making a revenge... I always choose to make her feel loved! Because I know, that love is the only thing she needs! Her heart is filled of anger eversince she was a kid!" Kuya Asher stopped for a moment
"And I know that she's just being manipulated by someone to do such thing to me..." Kuya Asher sniffed.
Katahimikan ang panandaliang bumalot. Walang sino man ang nagbalak na magsalita sa aming dalawa ni Kuya Luke.
Hinayaan lamang namin siyang maglabas ng saloobin. Because I think this is the best thing that we can do right now, instead of saying a trigger pulling words, you just have to let that particular person to say what he's saying while drunk. Drunk people never lies. It's the heart who's talking to us.
Lunes nang gulatin ang lahat ng isang hindi inaasahang insidente.
Tatlong lalaki ang natagpuang walang buhay sa mapunong bahagi ng eskuwelahan. Puno ang katawan nito ng galos at pasa. Walang kahit na sino ang nakakakilala sa mga ito.
Naging matagal at mabagal ang pag usad ng imbestigasyon. Inabot na ito ng ilang buwan ngunit wala paring nahahanap na ebidensya. Malinis pa sa bago ang pagkakagawa ng murder. At kahit na ibinalita na ito ay hindi parin nagpaparamdam ang mga mahal nito sa buhay. Isa iyon sa ipinagtataka ng lahat.
Damon and his gang are linked but there's no proof so walang makakapag sabi na sila talaga.
Speaking of Damon, we rarely see each other. I don't know kung ano na ang nangyayari sa buhay niya. And I kinda miss tagaytay and his Nay and Tay.
Kuya Asher isn't here with us right now. Sa pagkakaalam ko ay may kanegosasyon ito sa ibang bansa kasama si Hugh. While Kuya Luke is busy handling our family business.