Chereads / Bullets of Past / Chapter 28 - Nothing but mystery

Chapter 28 - Nothing but mystery

Mainit na palad ang bumalot sa aking pisngi na siyang gumising sa akin. In my blurry vision, I saw light. Seconds later, I saw his genuine smile.

Behind him is a house. Old but still has a touch of modernity. There's also a woman watering the plants nearby.

"How are you feeling, Elle?" His baritone voice filled my ears while I'm accessing my shits na nawala kanina...

And speaking of... what just happened earlier? Sa pagkaka alam ko ay tinakpan ko ang aking mukha sa takot then seconds later may naamoy na lamang ako na mabango at nag black out na ang paningin ko.

Sinubukan kong tumingin sakanya ng diretso ngunit nanlalabo pa ang aking paningin. Ang aking buong katawan ay tila nawalan ng lakas. Nararamdaman ko ang pagpitik ng sakit sa aking ulo.

Really? What the hell just happened to me? And where the hell am I?

"I... I'm dizzy" I said as I touch my head with my two hands.

Pakiramdam ko ay kulang na kulang pa ako sa tulog at sobrang inaantok ako. Kaya naman isinandal ko ang aking ulo sa headrest at pumikit.

Kaagad din akong napadilat nang maramdaman paghapit ng mainit na braso sa aking baywang. At ang paghawak naman sa aking binti.

Bago pa ako makapag react ay naramdaman ko na ang pagpasaere ko palabas ng sasakyan. Sa sobrang bilis ay napakapit na lamang ako sa leeg ni Damon.

I don't know how I'm going to gather all these words inside my mind para sabihin. All I know is I'm tired enough to talk.

"Damon, anak. Kumain na kayo doon. Nauna na kami ni 'Tay Fernando mo kanina e." Boses ng isang ginang

Nay? Tay Fernando? Who are these people? What's the bond between Damon and them? And what is this place? His home? Impossible! Why did he bring me with him? And where are the bodyguards? Those men in black with guns.

Or maybe all this time... I was wrong? Way too far from what I'm expecting?

"Nay, we'll be having our picnic later. Please prepare some foods doon sa hill." Damon's authorative tone filled my ears.

Sa halip na ipikit ang aking mga mata ay pinilit kong labanan ang antok upang kumpirmahin ang paligid.

Sa harap ay isang may kalakihang bahay. Sa labas nito ay iba't ibang klaseng halaman na nasa malalaking banga. Properly shaved plants forming a figure of circle were present nearby. Isang babae na sa tingin ko'y nasa edad 80, ang kausap ni Damon.

I also tried to check for bodyguards. Pero bigo ako nang walang nakita kahit isa.

"Sige lang. Tawagin mo nalang si Ineng para asikasuhin kayo." Maamong utas noong matandang babae.

Ang maputlang kulay ng kutis nito ay mas tumingkad nang tamaan ng sinag ng araw.

Huminto sa paglalakad si Damon at hinarap ang matanda. Mas malinaw kong nakita ang maamong mukha ng matanda.

"I can handle this, Nay. Besides, dapat nga po si Ineng na ang gumagawa niyan." Halakhak ni Damon.

Tinitigan ko ang perpektong pagkakapantay ng ngipin nito habang nakangiti. Ang pag igting ng panga. Ang pag pungay ng mga mata. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. I don't understand why I'm here with him.

"Oh no, no, no. Heto na nga lang ang libangan ko." Halakhak rin ng matanda na nilingon ko. Searching for similarities.

Nang mapansin ng matanda ang paninitig ko ay ngumiti ito. She looks so stunning even when she's old. How I wish na sana ganyan rin ako pagdating ko sa kanyang edad.

"Who's this pretty girl you're carrying? Is there something bad happened to her? Is she sick?" Tuloy tuloy na pagtatanong ng matanda kay Damon gamit ang maamong pananalita.

Nagkatinginan kami ni Damon. Umamba agad akong bababa pero hinigpitan nito ang paghawak. Enough to tell that He won't let me to.

He then laughed mockingly.

"She's just tired, Nay. She wants to go to places that's relaxing so I'm planning to bring her at my favorite place." Makahulugan itong ngumiti sa matanda bago tumango at naglakad papasok sa double doors.

Pagkabukas pa lamang ng pinto ay bumungad ang klasikong estilo ng buong bahay. The whole theme of the place is shouting sophistication. Ang mga golden lining at mga inukit na pigura ay mabilis na nakakaakit ng atensiyon.

Although our house is grand enough to feel comfortable, but for me, just seeing this place makes me feel comfortable to the point that I'd like to live in here.

Dahan-dahan ako ibinaba ni Damon sa isang malambot na sofa. Nang makaupo ako ng maayos ay suplado naman itong naglakad palayo. Tatawagin ko sana pero hinayaan ko nalang. At isa pa, kailangan ko munang pagisipan ang lahat lahat. Kung bakit ako narito. Kung bakit niya ako isinama rito. Kung anong lugar ito. Kung bakit taliwas ang lahat sa mga naging expectation ko. Kailangan kong pag isipan ng masinsinan ang lahat. Kahit na sumasakit ang aking sentido tuwing iniisip ang lahat.

Inilibot ko ang aking mga mata. Ang mga muwebles at mismong mga gamit ay nagsusumigaw ng yaman. Sa itaas ay ang mga litrato ng kung sino sino na tila may mga tikas na parehong pareho sa tikas ni Damon. Sa pinaka taas ay ang litrato noong matanda kanina kasama ang isang matipunong matanda.

Class. Ang unang salitang maiisip mo sa litrato.

Abala ako sa paghahanap ng litrato ni Damon nang bigla itong dumating dala ang isang malaking tsinelas sa kamay.

Halos malusaw naman ako sa aking kinauupuan dahil sa titig ng misteryoso nitong mga mata. Kasabay pa ng mabagal nitong paglalakad.

He's like a lazy Lion gliding slowly on the floor towards me.

"What is this place? Why did you bring me here? And at the very first place, what is you reaso-"

Bigla itong nag squat sa aking harapan at tinitigan ako gamit ang mga mata nitong tila may sinusuri. Itinikom ko naman ang aking bibig. Maybe this isn't the right time to ask.

Pero bakit ba ganito ang pakikitungo niya sa akin? para saan ba ang lahat ng ito? Yung pagkikita ba sa restaurant kanina ay coincident lang? Or maybe it's also part of the plan to kidnap me.

I kept on thinking why, pero sa tuwing iuugnay ko kung bakit nandito ako sa bahay ng tinawag niyang "Nay" kanina.

Ay mas nakakapagpagulo ng sitwasyon.

"I don't understand...why..." he muttered in the air.

Tinitigan ko lamang ito habang kunot ang noo, tulala at tila may bumabagabag na kung ano.

He then stare at me for a moment. Nakaawang ang labi nito na tila may gustong sabihin pero walang lumalabas. Nang sa wakas ay umiling na lamang ito.

Nagulat ako nang hawakan niya ang parte ng aking paa na masakit. He then lift my right feet and caressed the painfull part. Sinilip ko ang parteng iyon at nakitang sa ilalim ng strap ay medyo namumula.

Walang pag aalinlangan itong tinanggal ni Damon.

Heat hysterically filled my system. Why is he acting like this?

I'm so confused.

"A girl like you doesn't deserve pain, even the minor one, you deserve nothing but the best of the best." He says it while slowly caressing the pinkish skin.

Wala pang kahit na sinong lalaki ang nakagawa nito sa akin. I've never been involve with guys. School at bahay lang ang routine ko sa buhay dati. Kaya naman nakakalito ang bagay na ito. Ang nararamdaman ko.

I shouldn't feel this way. Sa sobrang bilis ata ng pintig ng puso ko ay parang aatakehin na ako. I can't understand! He's confusing me! Why is he acting like this? I should be mad at him pero bakit iba ang nangyayari! This is so unfair!

Or baka naman parte lang din ito ng plano niya?

May kung anong kumukurot sa aking sistema sa tuwing iniisip ko ang tungkol sa deal.

No! I can't just melt like this when it comes to this guy! I'm here for my Mom's justice!

If this is part of his plan to destroy me, then I need to brace myself. No feelings shall be involve in this matter.

"Pain isn't the problem. Pain is just a temporary feeling. There are lots of feelings who has the power to totally destroy a person. Physically and mentally." Ngiti ko naman

His eyes drifted on mine. I saw different reaction on it. But in the end, there's nothing but mystery.

"You..." paulit ulit muling umawang ang labi niya dahilan para mapatingin ako rito. Kaagad ko ring iniwas ang aking mga mata.

May kung ano sa aking tiyan na tila lumulutang. Naghuhuramentado na ang aking sistema sa kakaibang hangin na namamayani sa aking katawan.

Bumukas ang isa sa mga pinto sa double doors at kaagad ko itong nilingon.

Nakangiting pumasok ang matandang lalaki na naka hat habang sa kamay naman nito ay ang pang tukod, sa tabi nito ay ang asawa na kanina ay naabutan naming nagdidilig ng halaman.

"Magandang tanghali, Tay Fernando." Bati ni Damon na ngayon ay nakatayo na pala sa aking gilid.

Tumango ang matanda kay Damon bago lumipat ang mga mata nito sa akin.

"Hello, beautiful Lady." Ngiti ng matanda

Tatayo na sana ako para bumati nang biglang humarang ang malapad na katawan ni Damon sa aking harapan. Narinig ko ang paghalakhak ng matanda sa ginawa ni Damon.

"O come on, hijo! Matanda na ako." Halakhak pa noon matanda na nagdulot sa akin ng kahihiyan.

Now I realized that... this is their house. At baka iba na ang iniisip ng Nay at Tay Fernando niya dahil narito ako! Oh my georgina! This can't be happening.

"Pabayaan mo nalang sila, Hon. Halika na" Halakhak naman ng asawa nito.

Nagpamaywang naman ang matangkad na lalaki sa aking harapan.

"No, Tay." Iling pa ni Damon

"Hon, this is a rare scene to me." The old man laughed heartily.

"Come on, Hijo. Ipakilala mo naman ako. Is it her?" Ngisi ng matanda na ipinagkibit balikat na lamang ni Damon.

"Hon! Naiistorbo na natin sila." Saway ng asawa nito at hinila na ang matanda lalaki na ngayon ay tumatawa.

Sabay kaming nagpakawala ng malalim at mabigat na hangin ni Damon. Napakamot na lamang ako ng ulo at umupo. Nakapamaywang naman akong hinarap ni Damon.

"Are they your parents?" Patikhim kong tanong.

"Nope. They're my Mom's parents." Matigas at mabilis nitong balik.

Napalunok na lamang ako sa isang tabi at nanahimik kahit na ramdam ko ang paninitig nito.