Gosh... so hindi rin talaga sinabi ni Hugh kay Kuya Luke.
"Ahh... Hindi naman masyado! We only know each other by names." Singit ko.
Tumango-tango si Kuya Luke.
"So... mag pa-practice ka rin ba bumaril?" Tanong ni Hugh kay Kuya Luke.
Tumawa si Kuya Luke.
"Oh... Yes!! Pati si Elle tuturuan ko..." pagyayabang nanaman ni Kuya Luke kaya hinampas ko.
"Yabang ah.. Baka nga mas magaling pa ako sa'yo eh!" Sagot ko..
"Tss... We'll see..."
Hawak ko na ngayon ang pistol. Meron naman akong ear protector at shades.
Busy ang dalawa sa pagku-kwentuhan tungkol sa business kaya naman nauna na akong pumunta sa shooting place at ikinasa ang baril bago itinutok sa target.
Kahit papaano ay may alam ako pagdating rito. Hindi nga lang ako sanay sa pag sipat.
Sa unang putok ay tumama ang bala sa balikat ng target.
Muli kong ikinasa ang baril at sa pangalawang beses ay tumama naman sa tagiliran ng target.
Nakaramdam ako ng ilang tapik mula sa aking kanang balikat kaya naman nilingon ko kung sino ito.
Nakita ko sila Hugh at Kuya Luke na nakakibit balikat sa aking likuran at seryosong nakatingin sa aking ginawa.
Tinanggal ko ang ear protector para magtanong.
"Yes, why?"
"Not bad.." boses ni Kuya Luke at siya ring pumwesto para bumaril.
Kaagad kong inayos ang aking ear protector.
Mabilis na ikinasa ni Kuya Luke ang pistol at paulit-ulit iyong ginawa habang bumabaril hanggang sa naubos na ang walong bala sa ulo ng target.
And I just can't believe na ipinakita niya sa akin ang kanyang shooting skill.
Natatawa naman si Kuya Luke na bumaling sa amin ni Hugh.
"See? Ang layo ng dipirensya ko sa'yo." Pagmamayabang ni Kuya Luke.
"Edi ikaw na... Well.. Isa lang naman akong baguhan."
Napansin kong sa lahat ng nandito sa shooting center na nagpa-practice at sa aming tatlo ay ako lamang ang may ear protector.
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang biglaang pagtawa ni Hugh.
"Why are you laughing, Bro?" tanong ni Kuya Luke habang nag re-reload ng bala.
"Wala lang.. Napaka harsh mo kasi, Bro!" Diretsahang sagot ni Hugh.
Mas lalong lumakas ang pagtawa ni Kuya Luke.
"Ano namang harsh dun? It's normal" sagot ni Kuya Luke.
"Mali... Dapat ganito"
Kaagad na pumwesto si Hugh sa aking kaliwa.
Ang dalawang kamay nito ay parehong may hawak na baril habang ikinakasa sa target.
Sabay niyang pinaulan ang bala sa target hanggang sa maubos ito.
Kapansin-pansin ang ginawa niyang hugis ng puso sa chest part ng target.
Napaawang ang aking bibig sa sobrang pagka mangha.
Ano pa nga ba ang dapat kong ikagulat sa dalawang ito? Eh sila lang naman ang nagma-manage ng kumpanya.
"O sige... Tama na ang pagpapasikat. Shoo! Doon kayo sa kanya-kanyang cubicle niyo." Pagtataboy ko habang itinutulak si Kuya Luke na ngayon ay mayabang na tumatawa.
"Ayy... nagpapasikat daw.." singit naman ni Hugh na nag punta sa katabing cubicle.
Matapos ang pagtutulak ko kay Kuya Luke ay muli na akong nag focus at muling sinimulan ang pagbaril.
Puro daplis at dalawa lamang ang bala na sumakto sa bandang tiyan.
I can hear the annoying laugh of Kuya Luke on the other side.
Kung ikukumpara ko ang aking target board sa kanila ay...
Masasabi kong napaka worst ng sa akin.
Ang board ni Hugh ay may iisang tama lang ng bala sa ulo.
Pero saan napunta ang ilan pang bala kung ganoon? Knowing na nakita ko ang iilang pag kislap ng baril mula sa pagputok.
"Tss... Yabang mo Hugh!" Ani ng maliit na boses ni Kuya Luke kasabay non ang tawa ni Hugh.
Then I realized na... ang lahat ng bala ay lumandas sa iisang target.
Wow..
Just wow..
Sumunod namang nakita ko ang pagbakat ng smiley face sa target board ni Kuya Luke.
"Mas mayabang 'yan!!" Dinig kong sigaw ni Hugh.
Napailing nalang ako at nag focus sa aking target board.
Edi sila na ang magaling. Sila na ang marunong mag drawing sa board gamit ang bala.
EDI WOW!!
Sinimulan kong kalabitin ang gatilyo. I can't help but close my eyes habang bumabaril.
Nagpatuloy ako hanggang sa wala ng lumalabas na bala sa baril.
Muli ko nanamang narinig ang tawa ng dalawa.
"Now.. That's the art!" Sigaw ni Hugh
Nang tingnan ko ang board ay bahagya akong nagulat sa resulta.
Tatlong shots sa ulo, isa sa leeg at apat sa katawan.
Hell yeah!!
No Miss!
I'm a murderer
Gabi na nang matapos ang shooting. Of course I enjoyed it.
It was a great experience kahit na puro lang sa harmless part ang madalas tinatamaan ko.
Nandito ako ngayon sa labas ng shooting center. Kanina ay tinuruan nila ako kung papaano tumindig habang bumabaril. Not bad at all.
Malamig ang simoy ng hangin. Dagdagan pa ng kaluskos ng mga dahon ng puno sa paligid.
Kay gandang pagmasdan ng kalangitan.. Clear kaya naman kitang kita mo ang constellation ng mga bituin.
Naisip ko tuloy kung kasalukuyan na nanunuod ngayon si Elsie, kung nasaan man siya.
Mahirap ang sapatos niya kung tutuusin.
Mahirap.. Pero siguro baka on the process narin ang pag m-move on niya.
But those scars will remain forever.
Ang iwan ang lalaking hinangaan mo ng kay tagal at ang pag sabay ng hindi mo inaakalang mayroon ka na pala tulad ng malubhang karamdaman ay hindi katanggap-tanggap.
Tss.. Siguro kung ako si Elsie.. Baka nabaliw na ako..
Bigla akong nakarinig ng sipol mula sa aking likuran.
"What's up?" Boses ni Hugh
Nilingon ko ito..
Mas lalong dumilim ang kanyang mga mata dahil sa madilim na paligid.
Lalo namang nakita ang perpektong manly features ng kanyang mukha..
Tila parang isa siya sa paborito ng panginoon kaya ginawang parang anghel ng kagwapuhan ang kanyang itsura.
"I have something to tell you.." panimula ko
Gumuhit ang kanyang pilyong ngiti..
Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Kuya Luke habang nakatutok ang kanyang cellphone sa tainga.
"Hoy, Elle. Si Kuya Hugh mo muna--" pinutol siya ni Hugh
"Hugh lang, bro." Astig na pananalita ni Hugh
Nanliit ang mga mata ni Kuya Luke pero kaagad rin itong nagpakawala ng mabigat na hangin.
"Elle, kay.. Hugh.. Ka nalang sumabay pauwi.. Mag ingat ka sa kasama mo. Matinik yan." Banta ni Kuya Luke na siyang nagpatawa sa amin.
"Bro, ako na bahala.." natatawang wika ni Hugh
Tinaasan siya ni Kuya Luke ng kilay bago pinag alarm ang kanyang sasakyan.
Nang maka alis si Kuya Luke ay matulis kong tinitigan si Hugh.
Nagulat naman si Hugh nang bumaling sa akin.
"What??" Nagtatakang nitong itinanong.
"Bakit dapat kitang tawagin na Kuya?? How old are you?? Are you lying to me??" Mariin kong tanong.
Tinaas niya ang kanyang kamay na para bang sumusuko ito.
"Okay.. Okay.. I lied.." kumunot ang aking noo sa kanyang sagot
"Ka edad ko si Luke.. I'm 26 years old.." pagpapatuloy pa nito
"Eh paano ka naka balik sa college? Anong profile mo dun??" Tanong ko
Ibinaba niya ang kanyang kamay at nag kibit balikat.
"Tss.. Lahat naman pwedeng gawin 'yon.. Pero sa profile.. Gawa gawa lang yun.. It's fake, okay?? Kaya kapag bumagsak ako.. Wala lang.. Saka yung sa girlfriend thing na inagawan ako ni Damon.." huminga siya ng malalim bago nag patuloy "Wala lang din yun.. I'm a great actor.." pagyayabang nito..
"Hay nako.. So the main point is.. ako talaga ang pakay mo sa eskwelahang 'yon" tanging nasabi ko
Well.. Yes, He's a great actor.. Grabe, inakala ko talaga totoo.. Baliw din ang isang 'to.
Tumingala ito sandali bago ako nilingon at sinagot..
"Yup! Ayoko kasi ng ginagawa ni Luke.." kinagat ni Hugh ang kanyang lower lip.
Kumunot ang noo ko.
"Ang ano naman?" Tanong ko
Bahagya itong tumawa bago sumagot.
"Bine-baby ka eh.. You are supposed to be brave.. The bravest among all of us... Ikaw lang kaya ang nag-iisang babae sa inyong magkakapatid.. Aghh.. Bumalik na nga tayo sa topic.. What is it?" Tanong ni Hugh
Huminga ako ng malalim at nagsimulang ipaliwanag sa kanya ang lahat ng nalaman ko at sa nangyari sa amin ni Damon.
"Well.. That's a clue.. The start of everything.. Grabe. Hindi ko akalain na mabilis kang tumrabaho.. Pero nakapagtataka talaga yung sa shoot out na na-witness mo eh... Imposible namang.. Ah basta.. Saka yung sa inyo ni Damon.. It is your responsibility na bumawi. I can feel the two of you.. kaya go lang."
"Eh paano si Foxes?.. hadlang kasi eh.." matabang kong sumbong kay Hugh.
Nag pakawala ng hangin si Hugh bago sumagot.
"Don't mind Her. She's nothing.. Just focus on the deal.. Nararamdaman ko na ang climax."