Nagtataka kong nilingon si Hugh, na ngayon ay hinuhubad sa kanyang braso ang suot na jacket. Bago pa ako makapag react ay isinuot niya na iyon sa aking balikat.
May kung anong init at lamig na nagsalubong sa aking sistema sa kanyang ginawa.
"I-I'm fine. I don't need---"
"Wear that, or else you'll catch cold." Matigas na utas nito.
Hindi ko na napigilan ang hindi pagtawa at isinuot ng maayos ang jacket na tila imported pa galing sa ibang bansa.
Kaagad na nanuot sa aking ilong ang nakakaakit na amoy ng pabangong panlalaki.
"Hmmm.. Bango ah..."
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagsilay ng nakakapanibagong ngiti sa kanyang labi. Masyadong nakakapanibago at nakakapanindig ng balahibo ang ngiting 'yon. Ngayon ko lamang 'yon nakita.
"Why are you smiling?" tanong niya
Umiling ako at hindi ko naiwasang matawa. I just can't believe in everything. I don't know kung papaano ako napunta sa sitwasyon ko ngayon. Too many surprises. Well, I guess, I'm just shocked. Na dapat noon ko pa alam ang lahat.
This....
Ang negosyo ng aming pamilya.
"Now, why are you laughing?" naguguluhang tanong ni Hugh
Bakit nga ba ako natatawa. There's no reason for me to laugh though.
"Wala..."
He is now the real Hugh. Hindi na siya 'yong nakausap ko noon sa club. Ito na yun. This is now the beginning of the maturer level of my life. I'm being surrounded by matured people like him. Nakakakilabot mang isipin na ganoon nga, pero wala akong magagawa. Everything has its own destination, and this is my destination. I am destined to do dangerous things such as investigating the deepest ocean of knowing the person behind that ambush. I wouldn't mind if I'm destined to be broken in to pieces. Dahil nakapila na sa listahan ang mga mangyayari sa buhay ng lahat.
"Tara na sa sasakyan. Baka magulpi pa ako ni Luke kapag na-late ka." Halakhak ni Hugh at kaagad na naglakad
"Okay." Sumunod na ako.
Tila medyo malayo rin ata ang lugar kung saan naka park ang sasakyan ni Hugh kaya medyo matagalan pa kami sa paglalakad.
Hindi ko naiwasang ilibot ang aking mga mata sa buong lugar. It was unique. Maliwanag ang paligid. May fountain na nag-iiba ang kulay. Ang mga puno ay punong-puno ng maliliit na bumbilya. Maging ang hallway ay napalilibutan ng mililiit na bumbilya. At sa halip na simento ay pebbles ang aking inaapakan.
The whole place turns magical when the sun is out and the moon is in.
Hindi mo aakalain na training ground pala ito ng mga matitinik na secret agents.
Habang papalapit kami ni Hugh sa isang puting sasakyan na may tatak na Pajero ay panay naman ang bati ni Hugh sa mga lalaking naka itim na sa tingin ko ay taga pagmasid sa lugar.
Kaagad na pinatunog ni Hugh ang alarm ng sasakyan at tinakbo ang front seat para pagbuksan ako ng pinto.
"Thank you." I smiled at him.
He then smiled back.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ay kaagad na bumungad sa akin ang amoy ng pabangong lalaki na sa tingin ko ay pabango ni Hugh.
Mabilis kong hinagilap ang seatbelt at isinaksak sa kabilang gilid.
Habang ginagawa iyon ay naagaw ang aking atensyon ng isang kumikinang na bala sa rear view. Sa una ay inisip kong keychain lamang iyon. Ngunit nang umikot ang bagay na 'yon at nag pakita ang pamilyar na logong 'yon ay kaagad akong sinipa ng kaba. Sa itaas ng logo ay naka ukit ang isang king's crown.
Bumukas ang pinto ng driver's seat at pumasok si Hugh hawak ang kanyang Iphone.
Malamig ko siyang tinititigan habang isinasara ang pinto at nag aayos ng seat belt.
I want an explanation about that thing. I want to know what's with that thing. I want to know if it's... real. I badly want to know and I don't even know what kind of feeling I have this time.
"Why are you staring?" walang lingon nitong tanong.
Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nagtanong.
"Saan galing ang balang iyan? Bakit meron niyan dito?" pauna kong tanong
Sandali niya akong tinapunan ng tingin bago isinaksak ang susi ng sasakyan at pinaandar.
Huminga ito ng malalim bago nagsalita. Bakas sa ekspresyon ng mukha ni Hugh ang hindi pagkagulat. Kaagad kong naramdaman ang lamig na nagmula sa aircon ng sasakyan na isa rin sa nagpalamig ng sitwasyon.
Hindi ko inaasahan ang lumabas sa kanyang bibig.
"That's the bullet that almost got me killed."
Pansamantala akong natigilan sa aking narinig at hindi naiwasan ang pag ngiwi. May kung anong unti-unting namamayani sa aking pakiramdam. Para itong apoy na nagsisimulang umusbong kasabay ang mabilis na agos ng aking dugo.
Hindi ko alam pero nagkaroon na agad ako ng instinct na sinasabi niyang naging biktima rin siya ng isang madilim na nakaraan.
Hindi ko alam pero gusto kong malaman ang buong kwento. Ngunit napayuko na lamang ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. Ayokong magtanong kung ano o anong klaseng sitwasyon o kung saan naganap. Gusto kong sakanyan mismo magmula.
Katahimikan ang panandaliang bumalot...
"Nabaril din ako... noong mga oras na iyon."
Mula sa kamay ay nagawa kong tumingin sa marahang umiigting na panga ni Hugh.
Hindi ko alam kung paano mag re-react sa mga sinabi nito. Napagdesisyunan ko nalang din na huwag munang magtanong at hayaan nalang siya sa pagsasalita.
"Tinamaan ako niyan sa puso..." dama ko ang bahagyang pagkakapaos ng boses ni Hugh. Patuloy sa pag galaw ang kanyang adams apple.
"Pero bago ako ay tinamaan muna ang kapatid ko." Napaawang ang aking labi sa aking narinig.
Gusto kong magsalita. Gusto kong patigilin na si Hugh sa kanyang pag ki-kwento, dahil, ramdam ko. Ramdam ko ang sakit at poot sa bawat pagbigkas niya.
"Sa sobrang lakas ng gamit nilang baril ay tumagos 'yan mula sa dibdib ni Kuya Hugo, ang rason kaya namatay siya..." Humugot ng malalim na hininga si Hugh
Mariin akong napapikit ng dahil sa kung ano-anong namamayaning salita sa aking ulo.
Na kung hindi dahil sa pamilya namin ay walang madadamay. Walang mamamatayan. Walang magsasakripisyo. Walang masasaktan. Walang maaapektuhan. Walang luha. Walang dugong dadaloy. But then again, kahit na anong gawin ay hindi na maibabalik ang nakaraan. Dahil ang nakaraan ay nakaraan na. Masakit man o hindi ay dapat tanggapin nalang. Ngunit kasabay ng pagtanggap na iyon ay ang pagkakatuto sa mga pagkakamali.
Let's say... Experience. Experience is the best teacher among all.
"I don't want you to think that I'm gay, but, Kuya Hugo, siya nalang ang natitira sa akin na pamilya noong panahon na iyon. Kaya naman nang mamatay siya ay mag-isa nalang ako. Though it will be good for me if I will grab a girl para may mag-alaga sa akin, kaya lang, ayokong may madamay dahil sa ginagawa ko." Then I saw a bitter smile on his lips
Para akong nabilaukan sa mga narinig ko. Wala akong maramdaman. I don't know what to feel.
To realize that I'm not the only one that is affected by the situation of the past.
Hindi lang ako ang nangulila. Hindi lang pala ako ang nasaktan. Hindi lang ako ang nag dusa. Si Hugh din.
Ngunit hindi ko maipagkakailang mas mahirap ang kanyang sitwasyon.
"Alam mo ba yung pakiramdam na ..." naghintay ako sa susunod niyang sasabihin ngunit wala.
Napatingin ako sa kanya dahil sa katahimikan.
And what I see is pure hatred in his eyes. Nakita ko ang pait. Hapdi. Kawalan. At sobrang galit.
"Parang... ang bawat araw ay hindi totoo... na panaginip lang." unti-unting nanggilid ang mga luha sa sulok ng aking mga mata.
"Iyong pinipilit mo ang sarili mong kumbinsihin ang sarili mo na darating siya... Na maaayos ang lahat." Ramdam ko ang bigat sa kanyang pananalita.
Nakalingon ito sa view sa labas.
Hindi ako nagdalawang isip na yakapin si Hugh. Kaagad kong naramdaman ang panginginig ng kanyang braso at ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
"And you know what..." bulong nito.
"May 'ORTEGA BOSS' na naka lagay sa bala." ani Hugh