Chereads / Bullets of Past / Chapter 26 - Whatever

Chapter 26 - Whatever

Natulala ako sa kawalan.

Tila may kung anong kumukurot sa aking sistema. Sari-saring pakiramdam ang siyang namamayani. Nakakapagod. Nakakawala ng lakas ang mga nangyayari.

Posible kayang isa si Damon... pero hindi! It's impossible! I don't... I can't understand. But right now I have no choice but point everything to him.

Maybe He's the reason why Hugh chose him to pursue this role.

Pilit ko mang itanggi sa aking isipan ay hindi ko maiwasang isipin si Damon... at ang kanyang pamilya.

May kung anong bumubulong sa akin na posible nga ito...

Sa gabing iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag isip ng mga posibleng mangyari. At ang mga posibleng logic ng mga nangyayari ngayon.

Hindi ko maiwasang isipin na baka totoo ang hinala ni Hugh. Takot lamang ang aking nadarama sa bagay na iyon.

Paano kaya kung totoo na si Damon ay isa sa kanila?

What am I going to do?

What if he pointed his gun to me dahil nalaman niya ang aking pakay?

Papalag ba ako? Itututok ko rin ba ang baril ko?

Kakayanin ko ba kalabitin ang... gatilyo?

Gosh! I can't even imagine myself pointing a gun on his head.

Mabilis akong bumangon. I can't just murmur here. I need to atleast create a plan. But before that, I'm going to clean myself first.

Dahan-dahan akong bumaba sa grand stairs. Ang chandelier sa itaas ay laging pinupukaw ang aking paningin.

Wala akong nakasalubong na maid kaya naman tinungo ko nalang agad ang kitchen.

Hindi pa ako lubusang nakakalapit ay bumungad na ang napaka bangong amoy ng nilulutong Teriyaki. Sa aking pagliko ay ang siyang pagbungad ng malaki at makisig na pangangatawan ng isang matangkad na lalaki.

He's wearing a blue faded jeans. His body becomes more defined due to what its wearing, a maroon colored polo. The way his muscle flex. My ghad! This guy is husband material. He looks so perfect standing there! Sharpshooter. Knows how to cook. Good looking. Every lady's dream to see.

"Why are you standing ther? Are you fantasizing me?

I almost jumped when Hugh talks. Heat automatically flushed in my entire system.

Bahagya naman sumulyap si Hugh. Doon ay nakita kong napipigil ito na tumawa at idinadaan na lamang sa pagnguso.

Napailing nalang ako at nangapa ng salita.

"Si... Manang? Sila Kuya? and what brings you here?" medyo nautal pa ako sa pagsasalita kaya naman umiwas na lang ako ng tingin.

Isinalin nito sa isang mangkok ang nilutong teriyaki. He actually looks so amazing while doing it. Walang tingin naman nitong sinagot ang aking tanong.

"I don't know... just..." maka ilang beses na bumukas ang labi ni Hugh na tila may gusto pang sabihin.

Hinintay ko ang sasabihin niya ngunit wala padin kaya naman kumuha muna ako ng pinggan na kakainan namin.

"Are you free today?" Sa wakas ay nasabi rin nito.

Nilingon ko ito at sandaling nag isip bago sumagot.

"Nope. Siguro gym lang." Ngiti ko at umakmang uupo na nang itukod nito ang kanang braso sa lamesa.

"Then, can I take you out on a friendly date?" Hugh smiled gently. His handsomeness made my heart bounce a little.

Pansamantala akong hindi nakahinga at napatitig na lamang. Naka taas naman ang kilay nito habang hinihintay ang aking magiging kasagutan.

"Ahmm.. Sige. Where are we going then?"

He moved a bit and shows a big smile.

"A mall... nearby." An evil smirk is now plastered in Hugh's handsome face.

After our conversation Manang finally arrived. I went upstairs again to wear something that will look good at me.

Purple hanging blouse looks good on me. Ripped jeans creates a mood in my outfit. And of course, every lady's favorite pick, a deadly stilettos.

I think this outfit will slay my day with Hugh.

Hindi ko na pinaghintay pa ng matagal si Hugh. Pagkababa ko ay naabutan ko itong nakasandal sa kanyang Ford habang pinaglalaruan ang susi sa kanyang daliri.

When he recognize my presence ay napatayo ito ng maayos.

He then guided me to enter his car by opening the door in front.

Nang makasakay ako ay kaagad naman itong umikot sa driver's seat.

Hindi ko parin maiwasang tumitig sa bala na nakasabit sa rearview.

Mas malinaw ko itong napagmasdan ngayon compared last night.

I'm not sure if its just coated with gold or purely ay ginto talaga. Ang logo ay maayos ang bawat detalye ng pagkakaukit. It doesn't look normal. It's way too different compared to an ordinary bullet.

Medyo naging matagal ang pag usad ng traffic papunta sa mall dahil may naaksidenteng SUV, isang kilometro ang layo.

Nang makapasok ako sa mall ay kaagad kong naaninag ang isa sa malalaking tao na kakilala ko, si Marc Chanel. Na ngayon ay may kausap sa telepono.

Hindi ko na hinintay si Hugh na ngayon ay kinakapkapan. Kaagad kong nilapitan si Mr. Chanel. He's already successful at a very young age. And mina-manage na nito ang isa sa malalaking business ng kanilang pamilya.

Kilala ang kanilang pangalan sa fashiom industry noon pa man. Kaya naman di ko rin inaasahan na makikita ko ang isang tao na tulad ni Mr. Chanel sa ganitong lugar.

"What a coincidence. I never thought that I'll see you in public places like this, Mr. Chanel."

Mr Chanel looked at me. A bit shocked.

"Miss Interior!" ngiti ni Mr Chanel. Ngunit ang mga mata nito ay bumaling naman sa aking likuran.

"Hey Bro!" Tawa nito kay Hugh na nasa likuran ko na pala.

Nag apir fist bump pa ang dalawa at nagtatawanan habang nagkakamustahan.

"So... What's the meaning of this?" Pagtukoy ni Mr Chanel sa pagiging magkasama namin.

Mr. Chanel looks amuse habang nakataas ang isang kilay. Umiling naman si Hugh na tila ba naiintindihan ang pinararating nito.

"Okay, then... I'll leave now. Mr Salazar. Ms Interior. I still have some business to sort out." Mr Chanel nods as he tap my shoulder.

Hugh and I both smiled as we watch him leave.

After that meet ay dumiretso na kami sa isang sikat at mamahaling restaurant. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago naserve ang mga potahe na aming in-order.

Habang kumakain kami ay patuloy parin kami ni Hugh sa pag uusap. Kung kaya't mabagal ang naging pagkain namin.

Napag uusapan din namin ang tungkol sa deal. He is also giving me tips if ever na malagay ako sa isang situation. And as usual ay kung ano ano din ang nababanggit niya kay Damon na minsan ay itinatama ko.

"Are you in love with Damon?" Mariin at may pagdududa nitong tanong.

Halos mailuwa ko lahat ng kinain ko sa tanong nito. Ang aking kaluluwa ay tila nagtatakbo kung saan. May kung ano naman akobg nararamdaman na lumilipad sa aking tiyan.

Napainom ako ng wala sa oras dahil sa nararamdaman kon pangingilabot.

"What?! Hell no! And as far as I can remember, wala naman sa deal na ma-inlove ako." May bahid ng iritasyon ang aking boses.

Nanliliit naman ang mga mata ni Hugh na tila hindi kumbinsido at may malalim na iniisip.

Bago pa ito magsalita ay pinangunahan ko na ng aking kutob.

"No...No...No... Don't you ever tell me na idadagdag mo 'yon sa deal. Oh my georgina! I swear! I'm not a good actress para ipush ang isang bagay na hindi dapat---"

"What are you talking about? Isa nga dapat iyon sa pinaka iiwasan mong mangyari." He sip on his coffee

"Pero sa nakikita k--" I cut him.

"You see... What?" Mataray kong tanong. "Hindi ako mababaw, Hugh"

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa sariling katarayan. I'm a bit confused of what's going on inside my nerves.

"We'll see then. Coz if I'm going to bet that you will fall for that guy... I can feel that I might win the bet." Mapanghamon na tawa ang pinalabas nito habang isang kilay ay proud na nakataas at ang labi nito ay nakanguso sa kung saan.

"Go and get your man." Panunukso pa ni Hugh

Umirap ako at nilingon narin ang itinuturo nito.

Parang sinipa ng kabayo ang puso ko at kaagad na nabasag nang makita ko si Damon na kakapasok lang ng restaurant. Sa likuran nito ay ang gang at ang maarteng si Foxes.

Halos hindi ko masalo ang aking panga sa pagkakalaglag dahil sa kagwapuhan na ipinamamalas nito.

Maging ang mga kumakain din na customers sa paligid ay natulala sa pagdating nila. Mayroon pang napatili sa di kalayuan.

Damon's hair is so messy. It's giving him an extreme hotness and damn.... bumagay ang lahat ng iyon sa black suit niya.

Sa kanang braso nito ay si Foxes na ubod ng ikli ang shorts at ang pang itaas ay cropped top, exposing her cleavage.

Kumukulo ang aking dugo sa pangitain. Tila gusto ko lumapit at buhusan ito ng magma para kapag tumigas ay matawag itong 'statue of kalandian'.

Sandaling nagtama ang mata namin ni Damon.

As usual, it's so cold that you will think you'll get freezed. But instead of seeing that kind of expression. A hint of tiredness is what I actually see.

Kaagad na binali ni Damon ang pagtitig at sa halip ay binalingan ang higad na nakakapit sa braso nito. May ibinulong ito na nagpatawa kay Foxes at mataray na tumingin sa aming direksyon.

Tumawa ulit ang higad at umirap.

Umirap din ako at dire-diretsong isinubo ang sweets.

Ganon na ba kaliit ang mundo at maging dito ay makikita ko ang haliparot na higad na iyon. Nakakawalang gana. To the point na sa halip masarapan ako sa kinakain ko, tila naglalasang ampalaya. Ang lakas maka bitter. Nakakakulo ng dugo.

And that guy! Oh my georgina! Baka mapatay ko talaga yon kapag nalaman ko ang katotohanan!

"Now what's with that look?" Ngisi ni Hugh

Tiningnan ko na lamang ito ng blangko. I have no time to talk back. Now that I'm pissed.

"Are you jealous?" Mas seryoso nitong tanong na mabilis kong inilingan.

"Why would I? I just hate seeing that slut. Tss. Feeling malinis e may sex tape naman."

Tinawanan lamang ako ni Hugh. Ako naman ay halos tumirik na ang mga mata kakairap sa kawalan.

Sa gilid ng aking mata ay ang pag upo ng mga kalalakihan sa isang pang maramihang table. Sa gitna ay ang nanlalandi at ang nagpapalandi. Kasunod no'n ay ang paglapit ng waiter.

"Easy there, Lady." Natatawang wika ni Hugh dahilan para pukulan ko ito ng matutulis na tingin.

"Baka lumuwa na ang mata mo kakairap. Besides, hindi na tayo dapat magtagal dito." Nakangising wika pa nito

Kunot ang aking noo.

"Oo nga eh. At saka baka pagsuspetsahan pa tayo. Mahirap na." I was pertaining on our deal.

Baka kasi mabulilyaso at lumabas na nagt-team kami ni Hugh para talunin si Damon. At baka maiugnay pa ito sa revenge at girfriend for show ni Hugh.

Tumayo ako kahit na hindi pa ako tapos na kumain. Sa gilid ng aking mga mata ay ang paninimbang ni Damon sa aking kilos.

I need to do something that will convince his eyes that there's no something between me and Hugh.

Sometimes you need to fake something in order for you tk get a good result. And for you to succeed.

"So... uh... I guess..." damn! Wala akong maisip na pwedeng sabihin.

Tinaasan lamang ako ni Hugh ng kilay. Yeah, right. Sige wag ka makisama. Pareho tayo ditong mabubuking.

"I have to go and... uh... Good luck sa inyo ni Ate Gurl" what the hell am I saying?

Whatever.