Chereads / Bullets of Past / Chapter 23 - You know

Chapter 23 - You know

Sa buong maghapon ay ni isang tapon ng tingin ay wala akong nakuha mula kay Damon. Hindi narin ako pinansin nila Foxes. Nakita ko nalang ang dalawa na magkasamang nanunuod ng volleyball.

Nang tumunog ang bell ay umuwi narin ako.

Naabutan ko sila Max at Kuya Luke na nag v-video game.

"Good afternoon." Bati ko at walang lingon na umakyat sa hagdan para pumunta sa aking kwarto.

Binuksan ko ang pinto at kaagad na tumakbo papunta sa aking kulay violet na kama at patalon na dumapa.

I felt so tired and at the same time depressed. Sobrang nanghihinayang ako.

There's a certain part of my body na gustong gumuho.

I just really can't believe sa mga nangyayari sa buong linggong ito.

Parang imposible pero totoong nangyari.

Worst week of my life. My history.

Biglang may kumatok sa pinto kasabay non ay ang pagbukas. Nilingon ko ang pinto na ngayon ay nakabukas and I saw Kuya Luke standing in there.

"You look tired, Elle. I heard what happened." Natatawang sinabi ni Kuya Luke na ngayon ay naglalakad papunta sa aking kama.

"Trespassing ka nanaman, Kuya Luke."

Kumunot ang kanyang noo bago umupo sa aking kama.

"Nah.. This is also my house—" I cut him

"Not your room" mataray kong sagot

Humagikhik ito at tumayo.

"Well... tara." Nanunuyang alok nito.

Kunot noo ko siyang nilingon.

"Saan naman." Tanong ko

"Tara mag shooting tayo... Doon mo ilabas ang galit mo kay Foxes." Lumapad ang ngiti ni Kuya Luke.

Well I guess... He's right. Hindi ko dapat kinikimkim ang bagay na pwedeng makasama sa akin.

"Yeah... Why not."

Nakasakay na ako ngayon sa Camaro SS, isa sa mga sasakyan ni Kuya Luke.

I'm wearing a mint green v-neck t-shirt and a faded black jeans.

Bumalik si Kuya Luke sa loob ng bahay kaya naman naiwan ako dito sa loob ng sasakyan.

I got tired kaya naman kinuha ko ang aking iphone para mag sound trip, then suddenly a text message flashed in my phone's screen.

Galing iyon sa unknown number.

Noong una ay ayaw ko pa 'yong buksan dahil baka si Foxes nanaman 'yon.

But then I think wala naman mawawala kung babasahin ko. Baka nga lang ma bad trip ako.

I tap the screen then it flashes.

Natulala ako sa aking nakita. Pansamantalang tumakbo ang aking kaluluwa mula sa aking katawan sa nabasa.

Bumukas ang pinto ng driver's seat tanda ng pagpasok ni Kuya Luke.

"Let's go." Dinig kong sinabi ni Kuya Luke.

Nanatili lamang ang aking mga mata sa screen. Reading the 6 scary words texted by an unkown number.

'I got my eyes on you.'

Hindi ko alam kung positive o negative ba ang text na ito.

Biglang pumreno ang sasakyan ni Kuya Luke at may kung anong dumaan sa harap ng salamin.

Nilingon ko si Kuya Luke.

"Ano ba yan, Kuya Luke. Aba ayoko pang mamatay---" pinutol niya ako

"May dumaan na Falcon eh" matabang na pananalita ni Kuya Luke.

Nanlaki ang aking mga mata at napa lunok na lamang. It means... I'm being followed. Targeted.

Dapat ko bang sabihin kay Kuya Luke ang bagay na 'yon. Well... I guess not. Siguro mas okay na si Hugh ang makaalam.

Pero teka... Kung alam ni Kuya Luke ang tungkol kay Foxes... Alam niya rin 'yon tungkol sa nabaril.

Tanungin ko kaya?

"Kuya Luke..."

"Hmmm?" sagot naman nito

Pero baka mabuking ang deal kung ganoon. Masasayang lang ang pinagirapan ko at mga kahihiyan ko.

"ah... nevermind.."

Kalahating oras bago namin narating ang kumpanya. May dinaanan lang kasi si Kuya Luke na importanteng pirmahan.

Grabe buti pa sila sabak sa business. Samantalang ako wala man lang idea.

Kaagad narin kaming dumiretso sa pupuntahan namin na hindi naman naging ganoon katagal ang biyahe.

Sa una ay puro puno ang madadaanan. Wala rin masyadong bahay sa paligid.

It's actually my first time na pumunta rito. Ewan ko ba kung ano ang nakain nitong si Kuya Luke at ngayon ay siya na mismo ang nagsasama sa akin.

Take note.. Siya itong ayaw akong mainvolve sa kung ano-ano.

Kaya sobrang nakakapag taka na siya na mismo ang nag-aya sa akin na mag shooting.

Pagkatapos ng halos tatlong kilometrong mapuno ay huminto naman kami ngayon sa isang napaka taas na gate.

Plane black ang kulay nito at sa tingin ko ay nasa 24 feet ang taas. Sa gilid nito ay mas matataas na pader.

Bumukas ng kaunti ang gate at may lumabas na tatlong lalaki na naglalakihan ang mga katawan at may hawak na high powered gun. Mga naka shades ito at kumpleto rin ang body armour.

Nagtataka kong nilingon si Kuya Luke na ngayon ay binuksan ang bintana sa kanyang tapat.

"Kuya Luke, anong lugar 'to?" tanong ko

"Easy.. Family business." Walang lingon naman nitong sagot.

Tumango nalang ako at muling dinungaw ang aking cellphone.

"I told you. It's the boss." Dinig kong sinabi ng mabigat na boses.

"I just want to make sure." Sagot naman ng isa pang mabigat na boses.

"Nah... I'm with my younger sister. By the way, is the shooting center available?" boses ni Kuya Luke

Wala ng message na nag appear sa screen. Nakaka kaba lang dahil baka bukas makalawa may mangyari sa akin na masama at hindi ko manlang in-inform sila Kuya Luke.

Muli na ulit umandar ang sasakyan kasabay noon ang pagbubukas ng malaking gate sa aming dadaanan. Muli ay mapuno ang aming dinaanan bago nagkaroon ng mga naglalakihang sasakyan na nakakasalubong namin.

"Military camp ba ito?" hindi ko naiwasang tanong

Humalakhak si Kuya Luke sa aking tanong. Kunot noo ko ito nilingon.

Every angle of his face was perfect. His jawline is very dangerous. Masyadong nakakahiwa, tingin pa lang. He got that american pointed nose. A thin higher lip. A fair skin and a clean hair cut.

Sa aming magkakapatid ay kami lagi ni Kuya Luke ang napagkakamalan na kambal. He's my boy version. Pero ang pagkakaiba lang namin ay ang aming mga mata. Bilugan at expressive ang sa akin samantalang siya naman ay fierce.

"Nope" sagot ni Kuya Luke

Nang matanaw ko na ang shooting ay bigla akong na-excite. Parang military ang style nito. May ilang lalaki na katulad ng kanina sa gate ay mga malalaki rin ang mga katawan at mga naka shades.

Diretso ang bala sa ulo ng target. Doon lang lagi ang target nila bukod sa chest part.

Wow... Astig

Nagtaka ako nang daanan lang namin 'yon. Ang akala ko ay ipa-park lang ni Kuya Luke pero hindi, nagpatuloy lang siya.

Nagtataka kong nilingon si Kuya Luke na ngayon ay nakangisi sa kawalan.

"Huy.. ba't nilagpasan natin yung shooting??" tanong ko

Ngumuso lamang ito at tumawa.

I got pissed kaya hinampas ko ang braso niya.

"Awww." Tanging nasabi lamang nito

"Andaya mo.. Sabi mo mag sh-shootin---" pinutol niya ako

"Easy! Meron talagang nakalaan para sa atin. Saka bakit gusto mo? Marunong kaba?" pangiinis pa nito kaya kinurot ko ang tagiliran

"A-aray... wag mo nakaka kiliti."

Mas diniinan ko pa para magdusa.

"Napaka bwisit!" sigaw ko bago tinigilan.

Natatawa parin ang kanyang ekspresyon.

Nakakapagtaka dahil hindi naman ganito si Kuya Luke. Usually kapag kinurot ko ito magkaka mens nalang ng bigla. Kaya nga tinawag ko siyang Mens King.

"Lagot ka sakin kapag natuto ak—" muli niya akong pinutol

"Kung!" muli nanaman itong tumawa.

"Kainis!"

Inirapan ko ito at bumaling nalang sa paligid na unti-unti nang nagdidilim.

"O galit na si Mens Queen!!" pangiinis pa nito

Matulis ko siyang tinitigan. At kaagad na napangisi ng nakakamatay nang may naisip.

"Eh di Mens Queen, atlest hindi tulad mo Busted King. Hahaha!" tumawa ako na parang taga mental

Kitang-kita ko ang pag ngiwi ni Kuya Luke.

"Aba beast mode na agad! Hashtag Mens King, Hashtag Busted Kin---" naputol ako sa bigla nitong pagtawa

"Ako? Busted? Ah okay I get it.. Mahilig ako mang-busted.. Sa sobrang ka gwapuhan ko, makita lang nila ako mula sa malayo ay nagbabagsakan na ang panty nila---" pinutol ko siya

"O baka naman brief mo hahaha!" Pang iinis ko.

Aba! Kung bully ka Kuya Luke.. Mas bully ako!

Sinimangutan niya ako.

"Oo na.. Ikaw na! Andito na tayo." Suko ni Kuya Luke

Nilingon ko ang paligid at nakitang naka park na pala kami.

"Okay!" sabi ko at kaagad na nag-ayos

"Tss. So ugly.." bulong ni Kuya Luke

"So gay.. nahh.." sagot ko naman at kaagad na lumabas ng sasakyan at padabog na isinara.

Padabog rin isinara ni Kuya Luke ang kanyang pinto.

"Hey. Ayusin mo naman ang pagsasara mo. Magagasgasan pa sasakyan ko sa'yo eh!" sigaw nito.

Nilingon ko ito at saka bumelat.

"You're so childish!" dinig kong sigaw nito bago ako makapasok sa pinto.

Nang malingunan ko na ang loob ay kaagad kong nakita si Hugh na may hawak na baril.

Nagtama ang aming paningin. Nagulat siya at hindi na naalis sa akin ang tingin.

"Oh right.." dinig kong sinabi ni Kuya Luke nang pumasok sa pinto.

"Hey Hugh! Dude!" bungad ni Kuya Luke at nilapitan si Hugh.

Bakit kaya nandito si Hugh--- Ah okay. Sister company.

Nag tama ang kamao nila ni Kuya Luke at sabay silang tumawa.

Sumunod ako sa likuran ni Kuya Luke.

"It's been a long time, Dude!" maligayang bati ni Kuya Luke.

"Yeah.." sagot ni Hugh

"So... How's America? Kailan ka umuwi?" tanong ni Kuya Luke

Huh?! After all this time. No one knows na nandito na si Hugh sa Pinas.

"Matagal narin, Dude.. You know.. I'm a busy person just like you kaya ngayon lang ako nakapag pakita." Paliwanag naman ni Hugh

"Ah.. Oh-Meet my sister—" pinutol ni Hugh si Kuya Luke

"Yeah.. Elle Sophia Interior.. your twin haha" natatawang wika ni Hugh

Nilingon ako ni Kuya Luke.

"Oh you know her name... By the way, it's her first time to visit here." Paliwanag ni Kuya Luke

"Hugh...Salazar." Tanging nasabi ko.

Gulat akong tiningnan ni Kuya Luke. Si Hugh naman ay normal lang.

"It's Kuya Hugh, Elle." Pagtatama ni Kuya Luke.

Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Kuya Luke.. Kuya? pero mas sanay ta ako sa Hugh.

"Oh? I'm sorry.. Kilala ko na kasi siya.." walang konek kong sinabi

Si Kuya Luke naman ngayon ang nagulat.

"Oh? You know each other? That's good." Palipat lipat ang tingin ni Kuya Luke sa amin ni Hugh..