Chereads / Bullets of Past / Chapter 21 - Try mong tanungin

Chapter 21 - Try mong tanungin

"That's the bullet. Meron din 'yang marka na katulad ng scar sa dibdib ni Willard. I smell something fishy about this. I have so many thoughts. Like, he betrayed his gang that's why his gang killed him or he was just killed by his own gun." Hinawakan ni Detective ang bala at itinutok sa ilaw.

Kapansin-pansin ang pag kinang nito. It's a gold, if I'm not wrong.

"Is that a gold bullet?" tanong ko

I'm just checking. Kung kasi kamukha nito ang physical appearance ng bala na nakuha sa katawan ni Mommy ay baka sa pagiging ginto at peke malaman ko ang pinagkaiba.

Nilingon ako ni Detective.

Kinakabahan sa isasagot niya.

"Yes, it is." A simple answer that makes the flesh all over my body awakens.

Nanunuyo at mabigat ang pakiradaman ko. Gusto kong ngumiwi at magwala ngunit hindi pwede... I still need a lot of information. This is just the start.

There is a wider world behind all of this.

Matapos ang pag-uusap tungkol sa bala ay nagpaalam narin si Detective Giorgio. It's weird. Bakit hindi niya ako tinatanong. Iniiwasan kaya ako? I don't know why.

O baka naman alam na niya ang background ko, pero it's impossible for him to find out our business... Well, I guess that's possible. Afterall he's a detective.

Papunta na ako ngayon sa canteen nang makasalubong ko nanaman si Foxes at ang chinita.

Wala akong balak na makipag talakan sa kanya ngayon. Besides, I'm hungry. Masyadong naging matagal ang pag-uusap namin ni Detective Giorgio kaya inabot na kami ng free time ko which is snack time. Isang oras bago magsimula ang susunod kong subject.

Diretso lang ang aking paglalakad maging ang aking tingin.

"Oh my gosh girl! Bakit ba ang liit ng mundo!" parinig naman noong chinita.

"Elle Sophia Interior" may bahid ng arte ang boses ni Foxes

Hindi ko siya tinitingnan at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Sampung metro mula sa distansya ko ang sa kanila.

Lalagpasan ko na sana sila nang biglang humarang si Foxes sa aking dadaanan.

Napahinto ako at tamad silang tiningnan.

Nakataas ang kilay ni Foxes na ngayon ay mataray na nakatindig sa aking daraanan.

Huminga ako ng malalim bago nagtanong.

"What's your problem, Foxes?" tamad kong tanong

I'm tired. There is no reason for me to fight back. They only want attention... badly.

Nagpamaywang si Foxes at tumawa bago sumagot.

"HAHAHA! Duh! Don't talk to us." Sagot nito at binunggo ang aking balikat para dumaan.

Naiwan akong nakaawang ang labi.

I don't know how to react on what she did. I don't know kung bakit ganoon ang ugali niya.

Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako magtitimpi.

Nagpakawala ako ng mabigat na hininga at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang marating ko ang canteen ay lumapit muna ako sa pinaka malapit na table para ilagay ang aking bag. Kaagad narin akong dumiretso sa counter.

Abala ako ngayon sa pagpili kung ano ang pwedeng meryendahin.

"Ikaw ano'ng sa'yo?" tanong ng tindera nang sumunod na ako.

"Ahmm.. Mango shake.. Hawaiin pizza and... Buko pandan."

Tumango lang ang tindera at kinuha ang aking order. Saglit pa akong naghintay bago nakuha ang tray.

Nang malingunan ko ang table kung nasaan ang aking bag ay nakita ko nanaman si Foxes na nandidiring hinahawakan ang strap ng aking bag. Kasama niya ang chinita at ang nerd girl.

Nagulat ako at nagtatakang pinuntahan ang table dala ang tray kung nasaan ang aking mga in-order.

"That's my bag---" pinutol agad ako noong chinita

"Yeah we know... bitch" matulis na pagkakasabi nito.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

God... Are they triggering me again. Nakakapagod nang magtimpi.

"Then go away..." bugaw ko naman at inilapag ang tray sa lamesa.

Hindi na ako nagulat sa biglang pag ngiti ni Foxes. I know na may plano nanaman ito. At isa pa medyo sanay na ako sa nangyari.

Ngumit si Foxes at marahan na binitawan ang strap ng aking Louis Vuitton bag. Bigla namang naging maamo ang pagmumukha noong chinita pwera lang sa nerd girl na nananatiling blangko ang itsura.

I gave them a fake smile too.

I'm expecting na aalis sila ng padabog but I'm wrong.

"I'm sorry, Elle. Very... Very sorry." Salitang lumabas sa bibig ni Foxes na siyang gumulat sa akin bago ito tuluyang umalis.

Naiwan akong gulat nang umalis ang tatlo. Hindi ako makapaniwala at hindi ko inaasahan ang sinabi ni Foxes. Nananatiling nakaawang ang aking bibig. Nakatitig parin ang aking mga mata sa counter. Kung nasaan ang tatlo.

Napakunot ang aking noo. Hindi narin maipinta ang aking mukha dahil sa papalit palit na itsura.

I can't feel her sorry.

Umupo ako at napatingin na lamang sa mango shake.

Nag p-palpitate ang aking kilay. Naguguluhan ako. Kanina nakita ko silang nandidiri sa aking bag tapos noong nilapitan ko naman sila eh biglang ganoon. Nag sorry?

Napailing na lang ako at kumain.

Sa aking pag kagat sa pizza ay nakatuon parin ang aking paningin sa tatlo na ngayon ay naka pwesto sa di kalayuang table.

Kumaway pa sa akin si Foxes nang namataan ang aking pagtingin sa kanilang table.

Ngumiti ako pabalik.

I really can't feel her sorry. Pakiramdam ko may mali.

Kalagitnaan palang ng aking pagkain ng buko pandan. It was good. Very tasty. Naalala ko tuloy ang Nueva Ecija. Buko pandan and other desserts are their all time favourite. How I miss that province. Well... It's been 3 years ago nang huli kong mapuntahan ang Sitio, Bacao. That place is the explanation of environment. Peaceful and green.

Doon ko nakilala si Elsie. It's their recollection that day. Nagkabunggo kami and that's the start.

Tss... That girl really loves stargazing.

Sa kabila ng kaingayan sa buong canteen ay biglang nangibabaw ang boses ni Foxes.

"Maja! You looked like you're in trouble." Tumayo si Foxes

Napalingon ako sa tinawag niyang Maja, na ngayon ay lumapit sa kanya.

She's beautiful. She's wearing a pink jacket. She has a big expressive eyes, a thin lip, a flawless eyebrows, a blonde long hair and a heart shaped face.

"Yes, Foxes. Please help me. My necklace is missing... Please!" hindi mapakaling sinabi noong Maja kay Foxes.

"Don't worry. Mababalik rin 'yon sa'yo..." biglang niyakap noong Maja si Foxes.

Ngumit si Foxes at nagulat ako nang titigan niya ako habang tinatahan si Maja. Binigyan niya ako ng isang nakakakilabot na ngiti.

"Baka nawala na 'yon. Lagot ako kay Dad!" binalinggan na ni Foxes si Maja. Still wearing that smile.

Hindi ko alam pero kaagad akong nakaramdam ng pangamba sa ngiting 'yon. I don't know why.

Matapos yakapin noong Maja si Foxes ay kaagad na nag anunsyo si Foxes.

"Kung sino man sa inyo ang nakapulot o nakakuha ng silver necklace na may diamond sa gitna ay umamin na."

Hindi ko alam pero unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko sa term na ginamit ni Foxes. I really don't know why, pero pakiramdam ko may mangyayari nanaman.

Knowing Foxes...

"Wala eh.." sagot ng kung sino

Tinanguan lamang ito ni Foxes

"Oh... How about their bags???" muling tanong ni Foxes kay Maja.

Napairap ako at huminga ng malalim bago ipinagpatuloy ang pag kain ng buko pandan.

"Oh no... No need for that." Dinig kong sinabi noong Maja

"Oh... you sure?" balik naman ni Foxes

Huminga ulit ako ng malalim at napangiti na lang. Foxes is not a bad girl at all. I just realized. Now I can feel her sorry. It's heartwarming. Gusto kong magsorry kay Lord dahil sa pagpatol ko. I've been a bad girl din kasi. Siguro ay nag selos lang si Foxes kaya nagawa niya akong sugurin.

I can't help but smile.

Pero si Damon lang talaga... well... siguro dahil ayaw niyang ipahiya si Foxes at baka may namamagitan narin sa... Dalawa. Kaya mas pinili niya akong ipahiya.

Muli akong sumubo ng pandan.. It was really good. I love it...

Sa aking pagnamnam ay bigla na lamang may humablot ng aking bag sa aking harapan.

Marahas at wala itong galang kaya naman iritado akong napa tingin kung sino ang gumawa non.

"Hey... That's my bag---" biglang nagsalita si Foxes

"Shut up, bitch." Putol nito

Nagulat ako sa kanyang sinabi. She called me... bitch.

So that's it... Her sorry is not real.

Kunot noo akong napatayo.

"Giv---" bigla nanamang nagsalita si Foxes

"Go on, Maja. Check it on her bag... I'm sure nandyan ang necklace." Sinabi ni Foxes kay Maja na ngayon ay nagbago narin ang itsura.

Unti-unting bumilis ang pintig ng aking puso sa umaapaw na inis. Meron nanaman siyang gustong palabasin.

"Give me my bag---"

"Maja, tingnan mo na... Kanina kasi parang may pamilyar akong natanaw diyan." Singit ni Foxes at iniabot ang aking bag kay Maja

Oh yeah... Paano naman mapupunta diyan ang necklace? Eh hindi ko nga alam ang itsura nun.

"I said give me my bag!" sigaw ko at pilit na inabot ang aking bag ngunit iniwas 'yon ni Foxes.

My Georgina! Sasabog na ata ako.

"Bakit ba, Elle?" hinarap ako ni Foxes, wearing that bitchy smile.

"Bakit? Siguro na sa'yo ano? Ano??" tanong pa nito at pabagsak na inilapag ang aking bag sa table. Tumaob naman ang aking mango shake.

What the hell! My latest Iphone is inside that bag and my Ipad too! Damn you girl!!

Nagliyab ang aking kani-kanina lang nagsimula na galit. Mula usok hanggang sa apoy.

"Baka nga nandito, Maja!" sarkastikang sigaw ni Foxes at marahas na binuksan ang aking bag

"I. said. Give. Me. My. Louis Vuitton Bag!!!" sigaw ko at hinablot ang strap ng aking bag.

"What the hell?!" sabi naman ni Foxes at nakipag hablutan sa akin ng bag.

Hawak niya ang gilid ng bag, samantalang hawak ko naman ang strap.

"Let... Go!!" sigaw ko at nilakasan ang pagkakahila.

"Ayan nanaman sila.." boses ng mga nakaka kita.

Bumilis ang aking paghinga sa pakikipaghilahan kay Foxes.

"Andito 'yon! I'm sure! Maja, andito 'yon!" sigaw ni Foxes

Mas nilakasan ko ang paghila kaya naman nabitawan ni Foxes ang aking bag.

Tulala at bagsak ang panga noong Maja na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Foxes.

"Ano ba! Bakit ba kasi hindi mo nalang ilabas---" pinutol ko si Foxes

"Sinabing wala nga! Bakit? Gusto mong palabasin na kinuha ko? Na ninakaw ko!??" huminga ako "Pwede ba Foxes. Tumigil ka na! At para saan naman ang sorry mo. Just for the show---"

"Teka baka ayun ang hinahanap niyo" nilingon ko ang nagsalita at nakitang nakanguso ito sa kung saan.

Nagtama ang paningin namin ni Foxes at sabay na yumuko.

"Oh my gosh! My necklace!" sigaw ni Maja na lumuhod para kuhanin ang necklace sa floor.

"Oh my! Buti nahanap ko na!" sigaw ni Maja at kaagad na sinuot ang necklace

"Saan mo nakitang nanggaling?" tanong ni Foxes sa nagturo na kaagad namang nasagot.

At gumulat sa akin.

"Doon sa bag. Tumilapon." Inosenteng sagot nito

Nanlaki ang aking mata sa gulat at mas kumunot ang aking noo.

"See! See guys!!! Galing sa bag---" pinutol ko si Foxes

Damn! I'm Pissed!!! Di ko na kayang mag timpi.

"At ano naman ang gusto mong palabasin?! Na mag nanakaw ako!? Ni ngayon ko pa nga lang nakita 'yang necklace na 'yan. And for your information. Hindi ko papapangitin ang pangalan ko para lang sa pagkuha ng bagay na 'yan, dahil kaya ko! Kaya kong bumili kahit ilan pa 'yan!!" napatikom ang bibig ng lahat at nanggalaiti naman sa galit si Foxes.

I clench my jaw.

That's it... Pinangunahan ko na ang gusto niyang mangyari. I hate liars. I really do.

Sa kabila ng katahimikan na panandaliang bumalot ay boses ni Maja ang bumasag rito.

"E bakit nasa iyo 'to?"

Nagtataka ko siyang nilingon.

"Saka gusto lang naman namin i-check ang bag mo ah?" muling tanong ni Maja.

Ngumiti ako.

"Nagkakamali ka sa iniisip mo. Ngayon ko lang nakita ang bagay na 'yan." Nilingon ko si Foxes na halata ang pagtitimpi sa mukha.

"Try mong tanungin 'yang katabi mo. Baka may alam. Tutal siya naman ang nag bigay sa'yo ng idea na nasa akin." Sagot ko at isinukbit ang bag sa aking balikat at tumalikod.

Bago pa ako maka gawa ng hakbang ay may marahas na humablot sa aking buhok.