Chereads / Bullets of Past / Chapter 20 - The bullet

Chapter 20 - The bullet

Kinabukasan ay tamad akong pumasok.

Nakaupo ako ngayon sa pwesto ko. Waiting for the prof.

Wala rin akong pakealam kung makakatabi ko ngayon si Damon. I will never forget what he and that bitch did to me.

Masakit pa ang braso ko hanggang ngayon dahil sa sugat na tinamo ko.

Wala sana talaga akong balak na pumasok, pero pinilit lang ako nila Ana.

Ganoon parin ang sitwasyon. Pinagtitinginan at pinagbubulungan ako ng mga estudyanteng nakakakita sa akin.

Of course it affects me. Sa buong buhay ko ay ngayon lang nangyari sa akin ito.

It's a history.

Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Pumasok ang gang ni Damon. Ang iba ay napa whistle nang malingunan ako.

I'm just wearing a cold face. Naiinis ako and at the same time parang gusto ko nanamang maiyak. So I just bit my lips and shut up. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko.

If they only know kung gaano ko ka gustong kumuha ng upuan at ibalibag sa kanila.

Huling pumasok ay si Damon. Wearing a playful smile. It annoys my spine kaya ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa white board.

Nang dumaan ito sa aking harapan ay bumulong pa ito. Habang may halong pang-iinis ang pananalita.

"What a great morning."

Tinapunan ko siya ng isang matulis na tingin.

Nag puppy face siya bago ipinakita ang kanyang killer smile.

Muli nanamang namayani ang kagabi lang nakapag pahingang galit sa aking pakiramdam.

"Ms. Interior.." kaagad akong napalingon kay Prof. Didn't know na nandito narin siya.

"Yes, Prof?" tanong ko

"Go to the Principal's office." Striktong sinabi naman ni Prof.

Kinabahan ako.

Tumango ako at kaagad na kinuha ang aking bag.

Mabilis akong naglakad patungo sa Principal's office. Medyo malayo dahil sa kabilang building pa.

Habang naglalakad ako ay kaagad kong naaninag si Foxes kasama ang chinita na pasalubong naman sa akin.

Mariin kong itinikom ang aking bibig. Unti-unti ring bumilis ang pag hinga ko. Sinubukan kong tigasan leeg ko lalo na nang magkakasalubong na kami.

Kitang-kita ko sa gilid ng aking mata ang pagkunot ng kanyang noo at pagtingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Nagparinig rin siya.

"Hu-Hu-Hu! Cj, ngayon ko lang nalaman na iyakin ka pala!"

Sandali akong natigilan at matulis natinitigan sila na ngayon ay diretso ang paglalakad.

"And ow! Mahina ka rin pala, CJ! Sira narin ang pangalan mo kaya wala ka nang mukhang maihaharap." Kung kanina ay nagpipigil pa ako ngayon ay hindi na.

"Kung gusto mong maki pag balikan ng masasakit na salita ayos lang sa akin. Atleast alam ko sa sarili ko na malinis ako." Napahinto sila sa paglalakad. Marahas akong nilingon ni Foxes maging si Cj rin ay napa lingon.

Tinaasan ko sila ng kilay.

I can feel my blood pressure.

Biglang tumawa si Foxes.

"Oh my gosh, Cj! The slut is talking to u---" bigla ko siyang pinutol

"What do you think you are? Queen of Drama Foxes." Ngumisi ako

I'm just being fair. Tinawag niya akong slut kaya ibabalik ko lang. No more foul languages.

Kitang-kita o ang pagguhit ng galit sa kanyang mukha at pag angat ng kanyang labi.

"You coward devirginized woman---" muli ko siyang pinutol sa pamamagitan ng pagtawa

"Oh me???? Really?? A Coward?? Then, ano ka estupidong attention seeker?" muli akong tumawa bago napatuloy "And how's last night with Damon? Did you enjoy it?" Triple kong balik sa kanya.

Umamba siyang susugurin ako pero pinigilan siya noong chinita.

"If you only know kung gaano ako nanggigigil sa'yo. You left a scar in my elbow. And a history in my life. So how come na hindi kita patulan. Besides, ikaw ang nagsimulang magparinig. But, I still have a drop of mercy left inside me, so you're lucky." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Narinig kong may sinabi siya.

"You wait woman! Just wait! Kung may lamat ka na ngayon asahan mo dadagdagan ko pa 'yan!" sigaw nito.

I clench my jaw tightly.

I really hate having a war... I'm not a bad person.

Nang marating ko ang Principal's office ay kaagad akong sinipa ng kaba.

I'll be facing the Principal. What a big opportunity!

Kumatok ako.

"Come in!" boses ni Mrs Principal

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto.

"Good morning, Ma'am!" bungad ko

Sandali akong tinapunan ng tingin ni Mrs Zaño bago nag salita. She's busy working on her laptop.

"She's here, Detective Giorgio" sabi ni Mrs Zaño

Kaagad akong napalingon sa likuran kung nasaan ang sofa. There is a guy sitting in there. He is also working on his laptop.

He is wearing a blue coat. His skin color is fair. He has deep eyes, pointed nose, clean hair cut and a kissable lips. Siguro ay nasa around 30 na ang kanyang edad.

"Good morning, Mister!" bati ko

He stares at me and smile.

"Good morning, Elle. I'm Detective Giorgio." Bati at pakilala nito.

I smiled at him.

Mabigat ang kanyang boses and at the same time ang gandang pakinggan.

"Please seat, Ms Interior" sabi naman ni Mrs Zaño na kaagad kong sinunod.

"So.. Why'd you call, Ma'am?" tanong ko na ang detective ang sumagot

"It is because I want to ask you something that is very weird." Nilingon ko si Detective Giorgio

Huminga ako ng malalim.

"What is it, Detective?" tanong ko

"First of all... I studied the background of the person who died that night, you know what I mean?" tumango ako "This guy is Named Willard Freeman." Iniharap niya sa akin ang kanyang laptop.

Bumungad sa akin ang litrato ng lalaking naka hubad at puno ng tattoo ang katawan.

"He is 33 years old. He's a drug pusher and a murderer. Dati na siyang nag-aral dito, kaya lang na drop siya. It's been 3 years nang huli siyang makita at ngayon nga ay tinapos na ng kung sino ang buhay niya..." madami pa ang sinasabi ni Detective Giorgio tungkol sa lalaking iyon.

Abala naman ako sa pag tingin sa mga tattoo nitong Willard sa katawan.

Kapansin pansin ang malaking tattoo nito na baril sa dibdib na may papalabas pa lamang na bala sa dulo. Nakatutok 'yon sa isang ibon na papalabas na ng kanyang kulungan.

Wild naman ang apoy sa braso nito na may nakasulat na....

Itinagilid ko ang aking ulo para mabasa.

Obiverunt... a primo...geni...to

Ano yun?

"Obiverunt a primogenito" hindi ko naiwasang basahin

"He's--- Ahmm.. Miss Interior, are you still listening?" kaagad akong natauhan at constipated na nilingon si Detective Giorgio na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin..

"Ye.. oh yeah!.. Nakuha lang ng atensyon ko 'yung tattoo... Obiverunt a prim ba 'yun... ah basta! Ano ba yun, Detective?"

Ngumiti ako habang si Detective naman ay tamad na naka tingin sa akin.

"Dead since born. 'Yon ang ibig sabihin ng tattoo niya."

Tumango-tango ako at muling napa tingin sa screen nang mahagilap ang isang pamilyar na pilat sa dibdib nitong Willard.

Nagbara ang aking lalamunan sa nakita.

Isa 'yong logo. Yung logo na madalas naka lagay sa envelope na dinadala ng falcon.

Hindi kaya siya ang sumusubaybay sa akin. Hindi kaya balak niya talaga akong patayin noong gabi na 'yon. Kaya ba kilala niya ako. Kaya ba madali lang sakanya ang mag padala ng random message dahil sa kabisado niya ang eskwelahan na ito. Sakanya siguro 'yong kutsilyo. Hindi kaya may kasama pa siya. Sino ba ang lalaking ito?

Hindi kaya isa siya sa natapakan ng pamilya ko kaya sakin siya gaganti.

Madami kaya sila. Nasa paligid lang ba sila. Hindi kaya isa sa mga kaibigan ko ay isa sa kanila.

Nanlamig ang aking mga kamay maging ang aking mukha. Unti-unti akong dinalaw ng kaba.

"Miss Interior, are you okay?" boses ni Detective

Unti-unti ko siyang nilingon.

"Detective... What kind of scar is that.." itinuro ko ang tattoo.

"Where—Oh that.. That's the main point why I'm here." Tumango tango si Detective Giorgio "That tattoo... Nakapag research ako about that. At napag alaman kong may meaning 'yan..." tumikhim muna ito bago nag patuloy "It means strong, death and loyalty.. According to my research. Pero sa tingin ko hindi lang 'yon ang meaning nito. I think there is a deep meaning behind that logo." Tumango tango ako nang nilingon ako ni Detective Giorgio "and... I also bring the bullet na nakuha sa katawan ng taong 'yan." Kinuha ni Detective ang kanyang bag at inilabas ang isang asul na panyo. Inilapag niya 'yon sa table.

"Bakit kailangang dala po ang bullet? What's with the bullet?" nagtatakang tanong

"Because I smell something fishy from that thing..." sagot naman ni Detective Giorgio

Tinanguan ko na lang siya.

I thought napa rito siya para tanungin ako kung may kaaway ba ako o kung kilala ko ba ang lalaking 'yan. But I think I'm wrong. This guy is here for something na nakakapagpabagabag sa kanya.

I don't know kung anong meron sa bala. But I'll find it out soon.

Unti-unting binuksan ni Detective Giorgio ang panyo.

Doon ay unti-unting sumilip ang ulo ng bala na siyang gumulat sa akin.

Isa pang bukas ang ginawa ni Detective ay napatayo ako.

Unti-unting namayani ang galit na matagal ko nang ibinaon sa limot. Galit na matagal ko nang inayawan dahil sa mga possible kong magawa. Galit na pangalawang beses ko nang nararamdaman sa buong buhay ko. Galit at sakit na hanggang ngayon ay hindi pa naglalaho.

Alaala na hindi malimut limot.

Hindi ko na mahabol ang hininga ko. Pero pinilit kong huwag maluha at umakto na parang gulat lang.

Ngayon ay nakalantad na ang kabuuan ng bala. Half of it was color blue. Naka marka ang logo sa ulo ng bala.

Katulad na katulad ng bala na 'yon ang nakuha sa katawan ni Mommy. Ang kaisa-isang bala na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng aking Ina bukod sa ilan pang bala na pare-pareho lamang at ordinaryo ang kulay. 'Yon lang ang may logo sa lahat.

Should I tell Detective Giorgio about the falcon? I guess not.

Because I can't trust people even if they are kind.

I can't.

I have to tell and ask Hugh about this.

Pakiramdam ko nagsisimula na... ang alamat.

Alam kong hindi lang ang taong ito ang may kasalanan. Sayang! Sana nabuhay pa ito. Para mas napadali ang lahat.

But I know there is a big person behind all this.

Sana pala sinugod ko ang bakuran... Pero mas okay narin na hindi. Baka napadali lang ang buhay ko kung sakali.

I think I'm really their main target. At baka nagkamali lang ng nabaril ang kasama ng lalaking ito.

It's impossible din na barilin ng logo ang kapwa logo nito.

Soon. I will find out who are these people behind the mask.

I have to prepare myself now, because I can feel the climax as everything begins.

So wait for my bitter revenge kung sino ka man. Dahil masakit! Sobrang sakit ang mawalan ng taong mahalaga sa'yo.