Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Maging ang tatlo ay tumatawa rin.
Nanggilid ang aking luha ngunit pinigilan kong mamuo ito.
May humawak sa braso ko at pinilit akong tumayo.
"Elle... Elle..." boses nila Pristine, Irish at Ericka
Nilingon ko si Ana at Jane na tinutulungan akong makatayo. Hindi ko manlang namalayan ang paglapit nila.
Hinawi ko ang kanilang mga braso at nagsikap na tumayo kahit na nanunuot ang sakit sa aking braso.
"Oh my! Nasugatan ka!" gulat na sinabi ni Joy habang hinahawakan ang aking braso.
Bahagya kong nilingon ang aking braso at nakita ang pag-agos ng dugo.
Mas lumapit sa akin ang squad ni Pristine para alalayan ako ngunit muli ko silang hinawi at hinarap ang tatlo na tumatawa pa rin.
Nagdilim ang na ang aking paningin. If they only know kung gaano ka-importante sa akin ang pag maintain ng makinis na balat. Tapos ganito lang ang mangyayari.
Mabilis at malalim ang bawat bagsak ng aking hininga. I will not forgive them.
Nagtatawanan parin sila at nagbubulungan.
"Tss... galing mo talaga.." sabi noong Foxes sa chinita.
Nilingon ko ang chinita na ngayon ay bumelat pa.
"You ugly woman..." sabi ko at nagsimulang sugurin ang chinita ngunit pinigilan ako ni Jane.
Kitang-kita ko ang pagguhit ng galit sa mukha ng chinita. Umamba narin itong susugod sa akin ngunit pinigilan siya noong nerd girl na walang salamin.
"Oh my gosh, Jolly! Stop it! Hayaan mo si CJ!" maarte namang sigaw noong Foxes
"No way, Fox! Cj! Stop it!" sigaw naman noong Jolly
Bahagyang kumalma 'yong CJ na kaagad hinawi ni Foxes para dumaan.
Ramdam ko ang pag higpit ng hawak nila Jane sa akin.
"How dare you call her ugly..." may halo ng pagkainis sa kaniyang tono.
At talagang tinanong mo pa ako huh?
"Then how dare you call me slut?! You mud like woman full of funeral make up!!" I said it with clarity in my voice. I can't control myself.
Napa singhap ang mga tao sa paligid. Yes, hindi pa ako ganoong na c-carried away sa flow kaya alam ko pa ang nangyayari sa paligid.
Naramdaman ko rin ang pagka bigla nila Ana.
"Ano? Masakit ano? Makapagsalita ka diyan parang ang linis-linis mo." Nangibabaw ang boses ko
Panandaliang katahimikan ang bumalot.
Nabasag iyon nang tumawa siya.
Nagulat ang lahat maging ako.
"Ahahaha!...hay...grabe... At least hindi ako katulad mo na hindi na birhen!" sigaw niya
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nanlamig naman ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o mababaliw.
Nagsimula na ang pagbubulungan ng mga tao sa paligid.
Tuluyan ring natanggal ang pagkakahawak nila Ana sa akin.
Really? Am I facing a story maker?
"Paano mo naman nasabi? Baka nga sarili mo ang sinasabihan mo eh..." umalingawngaw ang boses ko.
Muli nanaman siyang tumawa.
"You can't lie to us! May nangyari sa inyo ni Da...mon" binalewala niya ang aking sinabi
Now what are you trying to say.
"Like what?" balik ko naman
I hate liars.
Ngumisi siya.
"You're not a virgin. May nangyari na sa inyo ni Damon." Nilingon niya ang mga nanunuod. "She is not a virgin! May nangyari sa kanila ni Damon." Sigaw niya at muling tumawa
Nag alab ang aking kamay at kaagad na lumandas sa kanyang pisngi.
"A! How dare you---" umamba siyang gaganti kaya inunahan ko na sa pamamagitan ng pagtulak.
Natapilok siya at napasadlak sa sahig.
"Anong karapatan mong ipagsigawan ang isang bagay na walang katotohanan? Anong alam mo?! Paano mo nasabi na may nangyari nga sa amin ni Damon? May ebidensya ka ba? Or you're just jealous?" inis kong tanong
Tinulungan siyang itayo ng dalawa niyang kasama.
"Kase may nakakita sa inyo! Sa library!" muli niyang nilingon ang mga tao sa paligid "Sa library!---" pinutol ko siya
"Eh ikaw? Sa kwarto ni Damon? Kailan? Last year? Pwede ba huwag mo ako idamay sa mga ginagawa mo! We were just working for our thesis that time." Bunyag ko na siyang nagpalaki sa mga mata ng lahat ng nakiki usyoso sa nangyayari.
Oo, naaalala ko na. Siya yung nasa video na ipinapanuod ni Hugh sa akin. The girl!
"How dare you- Guys! Gumagawa siya ng kwento! H-hindi totoo 'yon!" pangungumbinsi niya sa lahat ng nakakapanood.
"O ano ka ngayon—" naputol ako sa biglang pagsulpot ni Damon.
"Anong nangyayari dito?" malamig nitong tanong
Nang makita ni Foxes ang pagdating ni Damon ay kaagad itong tumakbo.
And... hell yeah! Nagdrama pa sa pagtakbo.
Umamba itong babagsak kaya naman mabilis na ipinalupot ni Damon ang kanyang mga braso sa kanyang baywang.
Look at the logic, guys!
Kunot noo akong nilingon ni Damon habang si Foxes naman ay umiiyak sa braso niya.
"What did you do to her? Hindi ka pa ba nakuntento sa akin at pati si Foxes dinamay mo pa???" galit na tanong ni Damon.
Oh shit!
"Wala kang alam, Damon." Sagot ko naman
Bigla nanamang sumingit ang best in drama.
"Sinaktan niya ako, Damon, Itinatanggi niya na hindi na siya virgin." Hinarap ako ni Foxes
"Tell us, Damon. Diba you devirginized her--- ahuhuhu!" muli siyang humagulhol.
Drama queen ang putek.
Nilingon ko si Damon na ngayon ay hindi mapakali kung paano patatahanin si... Foxes.
Mas lalong kumulo ang dugo ko sa nakita ko.
Naiinis ako sa gustong palabasin ng actress sa harapan ko.
Nothing happened between us! And that'll never happen... Hell No!!
"Oh c'mon dude! Patatagalin mo pa ba ang drama?" napalingon ako sa nagsalita. Isa siya sa mga miyembro ni Damon na ngayon ay nanunuod. Katabi siya ni Owen.
Bad boy ang kanyang dating. His eyes were surrounded by big eye bags. Plus, the mustache.
Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa nag da dramang si Foxes.
Nakakairita na! Putek!
"Oh Damon! My only one, My only love! Please tell us the truth!" ani Foxes habang kinikwelyohan si Damon.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang sinungaling.
Sobrang kumukulo na ang dugo ko.
Tinitigan ko si Damon, na ngayon ay naka tingin sa akin habang may isang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.
What...is...the...meaning...of...that?
Kinagat niya ang kanyang lower lip at nagsalita.
"Yes, she is a horny one. A very horny one." Mayabang na anunsyo ni Damon
And I was like...
Halos gusto kong bumuhat ng upuan at ibalibag kay Damon na ngayon ay naka ngiti habang tinatahan si Foxes.
Ang mga tao sa paligid ay nagtatawanan.
"H-huh..." tanging lumabas sa bibig ko
Naririnig ko ang mga bulungan sa paligid.
"Ay... totoo pala 'yung sinasabi ni Foxes.. Ayus din siya ah!" boses ng lalaki
"Oh gosh! Ang sarap nitong i-download sa fb."
"Ay.. laspag na pala siya."
"Grabe... Yuck!"
"Ewww may experience na siya."
"Horny, edi ibig sabihin sanay."
"Yuck. Pwede nang G.R.O."
Marami pa ang mga nagkokomento ng masasakit na salita kaya naman sinikap ko nalang na huwag makinig.
Nanginginig na ang aking mga kamay sa sobrang inis. Nananatiling nakaawanag ang aking bibig. Samut saring pakiramadam naman ang dumadaloy sa aking sistema.
"You mean naka shoot ka bro?" tanong ni Owen.
Tumawa si Damon.
"Oo naman, Bro! Anong klaseng tanong 'yan?! Of course, makukuha ko kung ano ang gusto ko." Biglang lumamig ang boses ni Damon sa huli niyang sinabi
Tumawa na lamang si Owen at hindi na nagsalita pa. Sandali niya rin akong tinapunan ng tingin.
"See?" biglang nabuhayan si Foxes at hinarap ang mga nakikinig.
"See, guys?! She's not a virgin! I told you so. At ako pa ang sinasabihan niya na hindi!" nagagalak na sinabi ni Foxes kaya mas lumakas ang bulungan.
"So she's not a virgin?" tanong ng kung sino
Nilingon lamang ito ni Damon.
"Masaya siyang kasama---" umalingawngaw ang tunog ng aking pagsampal kay Damon na siyang nagpatahimik sa lahat.
May ilang nagbulungan.
"Ano ba 'yan. Bakit ba ang haba ng buhay niya. Bakit hinahayaan pa ni Damon na masampal ulit siya." Boses ng kung sino
"Ewan. Baka mamaya o bukas makalawa may mangyari na sakanya. It's a second slap though...
Lumandas ang luha sa aking kaliwang pisngi. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin.
"Napaka bakla mo para maging lalaki, Damon! Walang hiya!" sigaw ko.
Pinanuod lamang niya ako at hindi nag salita. His jaw suddenly clenched.
Pinalis ko ang isa pang luha na dumaloy sa aking pisngi at nag patuloy.
"Wala kang alam! Sinungaling!" sigaw ko pa. Bumaling naman ako sa mga nanonood na mga chismoso at chismosa.
"At wala rin kayong karapatan na pag chismisan ako tungkol sa personal kong parte! Napaka babaw niyo! Mabilis kayong lahat mapaniwala! Ni hindi niyo pa nga ako kilalang lubos." Ngayon ay nilingon ko na ang drama queen for tonight.
"At ikaw! Kung pinagseselosan mo ako! Pwes ako na mismo ang magsasabi sa'yo na walang nangyari sa amin! Kung gusto mo angkinin mo pa si Damon gabi-gabi!" umamba siyang susugod pero pinigilan siya ng dalawa niyang kaibigan.
"At pwede ba... Siguraduhin mong totoo lahat ng nalalaman mo bago ka gumawa ng eskandalo!"
Nag walk out kaagad ako pagkatapos at dumiretso na sa dorm building.
Pabagsak kong isinara ang pinto.
Inis na inis ako... Hindi ko sukat akalain na mangyayari sa akin ang lahat ng ito.
And.... Damn you Damon! Galit na galit ako sa'yo. I didn't expect na 'yon ang sasabihin mo. I though tatahimik ka na lang, but I was wrong! Siya! 'Yong babae na 'yon ang kinampihan niya porket may benefits siyang makukuha.
Pero bakit ba hindi pa ako masanay sa kanya. Ganun naman talaga siya. So why would I expect for something better.
Bumukas ang pinto. Hindi ko na nilingon kung sino-sino ang pumasok dahil sa yapak pa lamang ay alam ko na.
"Uy, ayos ka lang ba?" bungad na tanong ni Irish
"Yung sugat mo dumudugo!" sigaw naman ni Jane na ngayon ay lumuhod sa harap ko para hawakan ang aking braso.
Tulala lang ako at hindi sila iniimik.
Nakaka inis! Yung tipong gusto mong maglaho nalang kaysa maka sakit pa ng iba. Yung parang pinaglalaruan ka ng mga tao sa paligid mo. 'Yung gusto mong maging maayos kayo kaya lang lalo pang lumala ang lahat.
Masakit! Hindi ko alam kung saan nanggaling, pero isa 'yon sa nararamadaman ko sa ngayon.
Ang sakit lang ng inakala mo ayos na kayo at nag-asssume kang hindi ka niya ipapahamak, pero siya pa pala itong magpapahamak sa'yo.
Mahirap talagang mag assume. Madi disappoint ka lang at masasaktan sa huli.
Ang sakit ng... si Foxes...na mali... pa ang pinili ni Damon.
Teka bakit ba nag e-emote ako? Tss..
Pero bakit ba o paano ba nangyari 'to? Saka sino naman kaya ang story maker na 'yon. Nakaka inis siya kung sino man siya.
And... Hell! I'm a virgin. God knows! Shit! Bakit ba ang big deal ng virginity ko?
"We're about to ask you about that thing--- Oh no! Why are you crying?!" nagaalalang tanong ni ni Joy
Umiling na lamang ako at napa face palm.