Chereads / Bullets of Past / Chapter 17 - Naka Drugs

Chapter 17 - Naka Drugs

"Oh God! What the hell!? Oh my gosh, oh my gosh! I'm sorry, Lord!"

Pareho kaming napalayo sa isa't isa ng wala sa oras nang marinig namin ang nagsalita.

Natauhan rin ako sa sitwasyon.

Damon and I stared at her. She's alone. A nerdy type. Pabalik balik ang kanyang tingin sa amin ni Damon.

"I-It's not what you—"sasabihin ko sana kaso biglang sumingit si Damon

"We're just practicing." Matigas nitong sinabi.

Nanlaki ang aking mata at napatingin sa kanya. Ang akala ko ay gagawa siya ng palusot pero bakit parang mas lumala pa.

Seryoso si Damon habang naka salampak sa tiles.

"P-Practicing... what??" nalilitong tanong ng nerd girl.

Nilingon ko naman ngayon ang nerd sa harapan namin.

Nanlalaki ang mga mata nito, siguro ay may iniisip.

"Practicing our role play." Simpleng sagot ni Damon.

Halos pasalamatan ko na ang lahat ng santo dahil sa kanyang isinagot.

Tumikhim ako at tumango. I need to act decent.

Nilingon ko ngayon si Damon at nakitang seryoso itong nakatingin sa akin.

"Ah.. Pasensya na at naistorbo ko kayo. Sorry talaga." Anang nerd type at mabilis na tumakbo palayo.

Naiwan naman kami ni Damon.

Katahimikan ang panandaliang bumalot bago niya ito putulin.

"You said..." sabi niya at tumayo mula sa pagkakasalampak sa tiles.

Napatingin ako sa labi niya na ilang beses bumukas pero walang nasasabi.

"A-Ah... Sige tuloy na natin ang thesis." Pag-iwas ko

I can't believe na nasabi ko sa kanyang pinatay niya ako.

What the hell is wrong with me. What kind of dream is that?

Tumayo ako at inayos ang libro na medyo magulo. Naiilang ako. Gustong gusto kong batukan ang sarili ko.

"You said... I killed you?" sa wakas ay nasabi na niya.

Napapikit ako nang mariin at huminga ng malalim.

"What do you mean by that?" seyoso nitong tanong.

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Nah.. It's just a bad dream... Tsaka baka siguro hanggang ngayon may trauma pa ako sa nangyaring barilan. Teka, bakit? 'di ba noong una pa lamang gusto mo na 'yon mangyari?" sagot ko naman.

Bumuga siya ng isang mabigat na hininga.

"Oo nga. Kaya nga kung sakali hindi na kita ka-partner. But, I know there's a right time for that." kalmante naman nitong sinabi at bumalik sa kinauupuan niya at muling hinarap ang mga gawain.

"Go on. Take your lunch." Sabi pa nito bago tuluyang nag seryoso.

Tumango ako.

Saka pa lamang ako naka ramdam ng gutom habang patungo akong canteen.

I just can't believe of what happened earlier. Magkayakap kami ni Damon nang makita kami noong nerdy type. I'm sure na baka dahil sa background ni Damon ay may iba na 'yong inisip.

Nakakatawa lang kasi hindi ko alam kung pang saang level na ang ginawa niya. I don't know because it's considered as PDA. Wala na 'yon sa level one kahit na magkaibigan lang kami.

But who says na bawal magyakapan ang magkaibigan.

I can't help but smile habang nakapila.

Mabilis akong nag lunch at kaagad na bumalik sa library.

Naabutan ko si Damon na nakaupo at seryosong nakaharap sa kanyang laptop.

Dahan-dahan akong humakbang... I want to be childish this time.

Malapad ang akin ngisi habang humahakbang.

I can almost see what he is typing. It's the significance of our study.

I bit my lower lip and take more steps. Hindi ko alam kung naka tira ng droga, weeds, shabu... ah basta! Lahat ata na tira ko ngayon. O siguro dahil adobo ang inulam ko?

I made my last step. My hands are ready to cover his eyes.

Ayos! Mukhang makakagawa ako ngayon ng kagagahan!

Dahan-dahan kong iniamba ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng kanyang ulo. I'm a meter away from him.

Pero bago pa ako tuluyang magtagumpay sa binabalak ko ay kaagad na hinawakan ni Damon ang palapulsuhan ko maging ang sa kabila rin.

Paano niya nalaman?

"What are you trying to do, Elle Sophia Interior?" mataray nitong tinanong bago ako nilingon.

Panandalian akong napatitig sa nanunuri nitong mga mata. 'Di ko maipagkakailang malakas ang dating nito. Sobrang misteryoso, hindi ko mabasa ng diretso.

Ngumisi ako. Ramadam ko ang tatag ng pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan.

"Wala! Trip kita! Gwapo mo eh! Hehe!" childish ang aking pananalita.

Kumunot ang kanyang noo sa inasta ko kaya mas lalo akong natawa.

"O! Sobrang misteryoso! Mr Antipatiko! Haha!" nabubugak akong tumawa.

Mukha na siguro akong nanggaling sa mental dahil sa inaasta ko! Pero... I don't care! I want Damon to see a little part of me. Well, little lang ba talaga? Bakit di nalang aminin na whole?

Nanatiling ganoon ang kanyang emosyon. Ngumuso ako.

"Oh... Let me go! And stop staring like that! Baka ma-fall ako! Haha!" muli nanaman akong tumawa na para bang taga mental na ako.

Hindi ko alam pero sinisisi ko na 'yong adobo! Parang na sobrahan sa soy sauce, ayan tuloy tinotoyo ako.

"Ba't ang saya mo? Nakita mo nanaman 'yong crush mo---" pinutol ko siya

"Ahahaha... crush? Sino? 'yon bang anak ni David Beckham? Ah! Oo! Sa picture lang, one year ago na ang nakakalipas." Humalakhak ako.

Seryoso parin ang tingin niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

Showing my real identity in front of Damon is an evidence na hindi kami magkakasundo. Parang paskong hininga ni Damon, laban sa bagyong dala ko na umaabot ang bugso sa isang milyon. Wow! Meron pa kayang makakasurvive sa bagyo namin ni Damon?

"Ano ba'ng kinain mo?" tanong ni Damon bago binitiwan ang magkabila kong braso.

Ngumisi ako at kaagad na umupo sa bakanteng upuan sa kanyang kanan.

Iritado naman niya akong tinitingnan habang ginagawa 'yon.

"Adobo, bakit? Gust mo? Ibibili kit---" pinutol niya ako

"No, thanks. Just shut your big mouth. You're so noisy. We're inside the library" galit na sinabi ni Damon.

Sumimangot ako at hinawakan ang aking labi. Hinarap na niya ang laptop at nagpatuloy sa ginagawa.

Muli akong ngumisi at humagikhik. Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin kahit sa gilid manlang ng mga mata.

"Big mouth daw!" parinig ko at hinawi ang kaunting buhok na tumapon sa aking mukha bago muling ibinalik ang mga daliri sa aking labi at pinisil pisil.

"Hindi naman... Tss napaka OA, hindi naman malaki." Nakangisi kong sinabi sa kawalan.

Hindi parin ako nililingon ni Damon.

"Paano mo sinukat?" tanong ko. Muli akong nagpapansin ngunit wala paring epekto.

Suplado...

"Hindi naman malaki... Cute nga eh... Pouty." Muli kong parinig at ngumuso nguso sa kawalan.

"Hoy Damon! Napaka sama nito oh! Mamansin ka naman!" pangungulit ko at hinipan ang tumapon na buhok sa aking ilong.

Kumunot lamang ang noo nito at nagpatuloy sa pag t-type.

"Ano ba! Huy! Pahiyang-pahiya na ako dito oh---" bigla siyang nagsalita

"Bakit ba ayaw mong manahimik!?"

Natulala ako, hindi dahil sa galit niya, kundi sa ka gwapuhan niya.

Teka naka isang drum ng droga ata ang tinira ko dahil nasabi ko ang bagay na 'yon.

"Isa pa, Ms Interior---" kaagad ko siyang pinutol

"Mali!"

Ginulo niya ang kanyang buhok at bumaling sa akin.

"Ang ano? 'yong ginagawa ko!?" iritado niyang tanong

Humagikhik ako.

Oo, Damon. Ganito ako ka kulit. Kaya masanay kana at hinding hindi kita titigilan hanggang sa may malaman ako or mapatunayan ko na wala kang kinalaman sa ambush.

"Dapat Mrs!" sigaw ko at lumagapak ng katatawa.

Halos umabot na sa ilong ang pagkakahugis V ng kilay ni Damon kaya mas lumagapak ako ng katatawa.

"Mrs? Why? Are you married with Mr Imperial?" tamad niya akong tiningnan.

Halos bumagsak ang panga ko nang banggitin niya ang nagpapanggap na apelyido ni Hugh.

Muli akong bumawi ng tawa bago pa niya makita ang reaksyon ko.

"Mali! Dapat Mrs Ortega!"

Halos gusto kong tumalon mula sa tuktok ng Mt Everest nang sabihin ko 'yon.

Naka fierce na ngayon ang mata ni Damon habang ang labi naman niya ay napaawang.

Patuloy lang ako sa pagtawa, hindi ko alam kung ilang truck ng droga ang inihalo sa adobo at nagkakaganito ako ngayon.

"Seriously, are you on drugs? Ilang sachet? Ilang kilo or what?" nahimigan ko ang sobrang pag kairita sa boses ni Damon.

Tumawa ako dahil meron nanaman akong naisip.

"Haha! Hindi noh! Ikaw lang sapat na!" hirit ko at muling lumagapak sa katatawa.

"Ah ganon..." patuloy lamang ako sa pagtawa.

"Edi hayaan mo akong baliwin ka pa lalo.." sumilay ang mala demonyong ngiti sa kanyang labi.

Halos mapatili ako sa biglaang paglapit ng kanyang mukha sa akin. Ang pagtawa ko ng walang bukas ay napalitan ng pagkataranta.

Wala na akong maiaatras pa sa kinauupuan kong swivel chair. Ang kanyang kaliwang braso ay nasa kanang arm rest ng aking swivel chair. Mabilis rin niyang iniharap ang aking upuan sa kanya.

Ramdam ko ang pagtapon ng kanyang hininga sa aking nakaawang na labi.

Oh please don't get too close. You're driving me crazy, boy.

I can feel the rising heat all over my body.

Nagbabara ang aking lalamunan at nanunuyo. Ang aking mga mata naman ay nanlalaki at diretsong nakatingin sa kanya.

I can smell the tictac in his breath.

Para akong nanigas na bato. Hindi ko magawang itulak siya. I know this isn't the first time na nagkalapit kami.

But Damn! Wag ngayon! I feel irritated. Nasaan na ang espiritu ng droga? Bakit biglang naglaho?

I'm afraid na baka something worst ang ipaparusa niya sa aking kabugakan.

I'm telling you, Damon. Being near like this to you is like snake venom, it's very poisonous.

Seryoso at mapungay ang kanyang mga mata na tagos ang tingin sa akin.

Makalipas ang sampung segundo na katahimikan ko ay bigla na lamang itong ngumisi.

Kinilabutan ako.

"Why did you shut up? You like being noisy, right? What happened to you now?" isang nang iinis na ngisi ang muling dumalaw sa kanyang labi.

Nanatili akong tulala at walang reaksyon.

I can't talk, because I hate being near like this.

Three inches na lang ay magdidikit na ang aming labi. No I won't let that thing happen. I can't let someone like him take my first kiss... But if it's for the sake of the deal... Gagawin ko kahit na labag sa ipinangako ko sa sarili ko ay kung sino ang maging first kiss ko ay papakasalan ko.

"Tatahimik na po..." Yumuko ako at napanguso na lang sa kawalan.

Makalipas ang ilang segundo ay suminghap siya.

"Next time, you better watch out kung sino ang pag t-trip-an mo." He said coldly at lumayo sa akin.

Nagpakawala ako ng isang mabigat na hininga at hindi na umimik pa.

I don't know what exactly happened. Kanina para akong naka droga. Ngayon para akong isinumpa ng ilang beses.

Habang gumagawa si Damon ay hindi ko nanaman naiwasang hindi makatulog. Siguro ngayon palang ako nakapagbawi.

Nanaginip naman ako na naglalakad sa gitna ng kumukulong dagat hanggang sa biglang naka swimsuit ako habang naglalakad sa gitna ng isang malakas na bagyo. Sumunod naman ay tumalon ako sa bangin na ang ibaba ay puro naka tayong kutsilyo. Pero bago pa ako tuluyang bumagsak doon ay kaagad namang lumipat sa may hawak akong baril na nakatutok sa isang higanteng ampalaya. Paulit-ulit lamang 'yon na nangyari. Hanggang sa naka amoy ako ng isang napaka bangong amoy.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay tumambad ang isang Brazo de Mercedes na cake sa aking harapan. Ang toppings nito ay droga at marijuana leaves.

Mabilis akong umayos ng pagkakaupo at hinawakan agad ito. Ramdam ko ang tigas nito. Siguro ay siksik. Minasahe ko muna ito tutal hindi naman nagugulo ang toppings. Pumikit ako at kaagad itong sinunggab ng kagat.

Nakarinig ako ng sigaw.

Dumilat ako at nakitang gumagalaw ang cake at nagkukumawag sa pagkakahawak ko. Tumigil ako sa pagkagat at pansamantalang nag ipon ng lakas at muli itong sinunggaban ng kagat.

Nang makarinig ako ng malakas na mura at tawag sa aking pangalan.

"Fuck! Fuck! Ouch! Elle!!! Stop it! A-Aah! Fuck it hurts!!!" boses ni Damon.

Kaagad akong natauhan at napagtantong braso pala 'yon ni Damon.

Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking dalawang kamay at pinanood ang unti-unting pagtaas ni Damon ng kanyang polo.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o tatakbo nang Makita ko ang dalawang marka ng kagat sa kanyang braso.

Oo, abot langit ang kaba ko pero mas namayani ang paglagapak ko ng tawa.

I tried not to laugh but I can't help but burst it out.

"You still manage to laugh-ah! Fuck!" inis na sabi ni Damon habang paunti-unting hinahawakan ang namumulang braso.

I can't help but yell...

"I bit a demon! I bit a demon! I bit Damon the demon!" pagbubunyi ko.

"Fuck! Sabihin mo, may rabies ka ba?" galit na tanong nito.

"Ah ganon... Ginawa mo pa akong aso... Hetong sa'yo!" Nangibabaw ang malutong na pag hampas ko sa namumulang braso ni Damon dahilan para mas mainis ito.

"OH! Damn! You! Elle Sophia Interior!" galit nitong ininda ang sakit.

Kitang-kita ko ang pagbakat ng aking kamay sa maputi niya braso, Bukod pa sa kagat.

Naka drugs yata ako!