Chereads / Bullets of Past / Chapter 18 - Kadiri

Chapter 18 - Kadiri

After what happened ay hindi na ako pinansin ni Damon. Para lang akong multo sa tabi iya. Hindi man lang siya nagpaalam o nag sabi na aalis na siya. At hinayaan lang ako the whole time sa library.

Nang magising ako ay medyo madilim na at tanging ang liwanag na lamang na nanggagaling sa labas ng bintana ang nagpapaliwanang sa loob ng library.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng konting takot.

The whole time mag-isa lang ako sa library. Walang teacher na nagbabantay.

Kung pala may nagtangkang gahasain ako dito sa library ay walang makakaalam.

Tss... That guy.

I stretched my arms and yawn.

Nakakabingi at nakakakilabot ang katahimikan na bumabalot dito sa loob ng library.

Wala narin dito ang mga libro na ginamit para sa thesis. Wala narin ang gamit ni Damon.

Malinis ang lamesa.

Umirap ako sa kawalan bago kinuha ang aking bag at tumungo sa pinto at lumabas.

Papunta ako ngayon sa dorm building ng girls. Medyo mahaba pa ang lalakarin ko kaya naman nilibang ko muna ang aking sarili sa landscape ng paligid.

Nang marating ko na ang dorm building ay kaagad ko nang tinungo ang hagdan papunta sa taas. Nakakapag taka dahil halos lahat ay pinagtitinginan ako. Hindi ko alam kung anong meron sa mukha ko. Pero hindi lang naman ang mukha ko ang tinitingnan nila.

Mula ulo hanggang paa.

Ang iba ay nanlalaki ang mga mata at bumubulong sa mga katabi. Magiging iritado naman ang itsura ng binulungan nila.

I don't even know why...

Mabilis akong naglakad nang sa wakas ay narating ko na ang floor ng kwarto ko.

Pabagsak kong isinara ang pinto at kaagad na tinakbo ang banyo para tingnan ang aking mukha.

Nang hinarap ko naman ang aking mukha sa salamin ay wala namang sulat o kung ano pa man.

Biglang kumalabog ang pinto sa labas ng kwarto. Siguro ay dumating si Ana.

Mabilis akong naghilamos at kaagad na lumabas sa banyo.

Naabutan ko si Ana, na nakadapa sa higaan niya.

Balak ko sanang magtanong kaya lang nakita kong naka pikit ang kanyang mga mata kaya naman pinagpaliban ko nalang.

Hinarap ko ang salamin at nagsuklay.

"Grabe! Talagang doon pa!" halos mapatalon ako sa biglaang pagsasalita ni Ana.

Sa pagkagulat ay natabig ko ang lipbalm at gumulong ito papunta sa ilalim ng double deck.

"H-Huh?" nagtataka kong sinabi at yumuko para kunin ang lip balm.

"Yung ano! Grabe ka talaga! Ba't ginawa mo 'yon?" iritadong sinabi ni Ana

Nang maabot ko ang lip balm ay kaagad ako tumayo. Kunot ang aking noo at walang maintindihan sa kanyang sinasabi.

"Huh? Ang ano ba??" iritado kong tanong.

Gumulong si Ana sa kama at tinalikuran ako para harapin ang pader.

Hindi siya sumagot.

Kinamot ko ang aking ulo.

Ano bang ginawa ko? At saan?

Hindi ko maintindihan.

Noong papunta ako dito sa dorm pinagtitinginan ako. Tapos ngayon may sinasabi naman si Ana na... ginawa ko raw?

I can't understand!!

"Ana, what is it? Ano'ng ibig mong sabihin na ginawa ko? Ano 'yon??" pangungulit ko

Hindi ako mapakali. Wala parin akong idea kung ano 'yon. Hindi parin sumasagot si Ana.

Ginulo ko ang aking buhok at nilapitan ang kama ni Ana at lumuhod doon.

"Hoy! Babae! Ano nga ba kasi 'yon??" niyugyog ko ang kanyang balakang.

Umungol lamang siya.

"I can't understand. Ano ba kasi 'yon??" iritado kong tanong

Bahagyang gumalaw si Ana at hinarap ako.

"Oh c'mon! Stop acting like you are so innocent. You did it. You lost it. So how come na ikaw pa ang mag react ng ganyan. Tss. Sa canteen nalang tayo mag-usap. Mag re-relax lang ako." Iritadong sagot naman ni Ana

Kinagat ko ang aking labi at umalis sa kama. Huminga ako ng malalim.

I know nothing at all.

Ano nga ba kasi 'yon?

Wala akong maalala na ginawa sa buong araw kung hindi ang thesis at managinip.

Hinintay kong sumapit ang alas sais bago ko ginising si Ana.

May ilang text rin akong na-receive mula kay Desteen na nangangamusta kung anong pakiramdam ko. Kung may masakit ba.

Nag text rin si Irish, ang sabi naman niya ay napakatindi ko raw.

I'm so clueless. Hindi ko alam kung pinag t-trip-an lang nila ako.

May text rin si Joy. Hindi na daw siya makapaghintay na mag dinner. Mag kuwento naman daw ako.

Saan?? What's happening? Am I dreaming again??

Medyo matagal akong naghintay para gumising si Ana. Halos mabaliw naman ako sa kakaisip kung anong nangyayari.

I can't understand the situation. 'Yong feeling na kinakabahan ka dahil sa hindi mo malaman kung ano talaga ang nangyayari.

Feeling ko tuloy may mangyayari na hindi ko inaasahan. But that's very impossible. Wala akong ibang ginagawa. I don't know. I will just watch kung anong mangyayari.

Nang magising si Ana ay dumiretso kaagad ito sa banyo. Tulala parin ako at malalim ang iniisip.

Nang lumabas na si Ana sa banyo ay kaagad na niya akong inaya para mag-dinner

Habang papunta kami ay patuloy ang pagpapakawala ni Ana ng mabibigat na hangin. Ako naman ay iritadong tinitingnan pabalik ang mga nakakasalubong namin.

Malagkit ang mga matang nakatingin sa akin ng lahat.

Nakakairita ang kanilang tawanan. May meaning. Ang iba naman ay may pinaririnig.

"Yuck! Grabe! I thought she was good! But I was wrong!

"Masyado siyang na excite!"

"She really like it, I think."

Umirap na lamang ako at binilisan ang paglalakad.

Tahimik naman si Ana na sumusunod sa aking likuran.

Hanggang sa marating namin ang canteen ay nananatili parin ang ganoong sitwasyon.

Bad mood narin ako.

Kaagad kong hinanap sila Desteen at nakita na nakapila sa counter kasama si Jane.

Nakarinig naman ako ng hiyaw mula sa di kalayuan.

"Elle! Dito!" boses ni Irish na kaagad kong hinanap.

"Oy! Sige wait lang!" sigaw ko pabalik

Biglang tumahimik ang paligid. Napansin ko ang paglingon sa akin ng mga estudyanteng kumakain. May iba na nagbulungan. Ang mga nakatayo naman ay naka kunot ang noo habang iritado ang mukha.

Oh. What is happeing. I feel like I'm a cancer na kanina lang nagsimulang kumalat.

Naka ramdam ako ng ilang kalabit mula sa aking likod. Hindi ko 'yon pinansin at pinagpatuloy lang ang paglibot ng mata sa paligid.

Tiningnan ko ang likuran ko sa pag aakalang baka si Damon ang tinitingnan nila at hindi ako. Ngunit wala namang bakas ng Damon. Si Ana lang.

Tunog ng takong ang papalakas na naririnig ko sa kung saan.

Dahan-dahaan ko 'yong nilingon. Nakita ko ang tatlong naglalakihang babae na papalapit sa aking kinaroroonan.

Hinintay ko ang tuluyang paglapit nila.

Ang nasa kaliwang gilid ay mukhang pamilyar. Matangkad, buhaghag ang buhok at simple lang ang itsura. She looks familiar... Ah! She's the nerd girl. Kaya lang wala siya ngayong glasses.

Ang nasa gitna naman ay medyo mataas sa akin ng kaunti. Maputi siya at sobrang pula ng labi. Kumpleto rin ang make-up niya. High ang cheek bones niya na siyang mas nagpaganda sa pigura ng kanyang mukha. Mestiza at mapanga siya. Parang buhok ni Ariana Grande ang kanyang buhok. Medyo pamilyar rin siya.

Ang isa namang nasa gilid ay hindi ganoon katangkad ngunit chinita at morena.

Matataray ang tingin nila sa akin. Maging ang pagtayo nila sa aking harapan ay may halong arte.

Diretso ang tingin sa akin ng dalawa pwera lang sa nerd girl na ngayon ay palibot-libot ang tingin.

Ang mga mata ng nasa gitna ay nanlilisik habang ang isa naman ay mataray na nakangiti.

Nilingon ko si Ana. Blangko lang ang kanyang ekpresyon. Iginala ko naman ang tingin ko kela Jane at Pristine na ngayon ay natigilan at nanunuod lang sa amin. Tiningnan ko naman ang table nila Irish. Naka tayo si Joy habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa tatlo sa aking harapan, si Irish naman ay gulat ang ekspresyon ng mukha.

Muli kong ibinaling ang aking tingin sa tatlong nasa harapan ko.

Nananatiling mataray ang tingin nila.

I don't know why they are in front of me. I don't know what is happening.

But if they are asking for something that is full of scandal and action, well, I can't give them that. Not until they trigger my blood pressure.

Binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti bago itinaas ang aking isang kilay at nagtanong.

"What is it---" they cut me

"Duh!! Stop talking to us! Yuck!" sabi ng nasa gitna na babae.

Huminga ako ng malalim. Trying to control myself.

Edi wow! Kayo pa may ganang mangdiri sa akin.

"Okay, then..." sabi ko at kaagad silang nilagpasan...

Pero bago ko pa sila tuluyang malagpasan ay marahas na hinahawakan noong nasa gitna ang aking braso at muli akong iniharap sa kanila.

Ngayon ay tumaas na ang presyon ng dugo ko. I hate what she did. Nakakabastos.

Siguro kaunting-kaunti nalang ang pasensya ko sasabog na ako.

Well... Don't ever try to push my red button, girl. Coz you'll not like what I will do.

"Ano ba??" may bahid ng galit ang aking pagtatanong

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso.

Calm down, Elle. Calm down!

She flips her hair at hinarap ako.

Teka may bigla akong naalala... Is she Damon's...

"Nakakadiri ka! Grabe! Nakakairita! Linta!" sigaw nito na siyang nagpabagsak ng aking panga.

I didn't expect na sasabihin niya sa akin 'yon ng harapan.

Nakatayo na ang mga kumakain na estudyante sa paligid habang nanunuod sa papainit na eskandalo nitong babae sa aking harapan. Ang iba ay itinutok na ang kani-kaniyang cell phone sa amin. Damn!

I really want to punch her. But still, I'm trying to calm down the beast inside me.

Dahan-dahan kong tinikom ang aking bibig. I clench my jaw.

Nanliliit naman ang aking mga mata na nakatingin sa kanya.

"Excuse me..." naghanap ako ng salita "Do I know you, Miss?" I tried to sound formal pero wala eh... halatang-halata ang pagkainsulto ko.

Nagpakawala siya ng isang napaka sarkastikang tawa at pabagsak na binitiwan ang aking braso.

Really, woman? What is your problem?

I'm so pissed... I wish I'm holding a gun so that I can shut her down.

"Well... I AM... FOXES---" I cut her

"Well, Miss Foxes, I don't know what your problem is... I don't even know you. So stop making scandal. And if you want to. Don't choose me coz I have no time for this---" siya naman ang pumutol

"Because you are so kadiri! You didn't even pick a right place! You're a slut---" muli ko siyang pinutol

This time I'm pissed off. She pushed my button just like that.

"Wala kang pakealam kung ano ang gusto ko at kung ano ang desisyon ko! At teka, ano ba ang ipinuputok ng butse mo!?" galit kong sinabi na mas nagpakunot ng mukha nito.

Hindi siya naka sagot.

"O ano? Anong rason mo?! Ganon nalang?" inis kong tanong

Saglit ko pa siyang tinitigan bago ko tuluyang inirapan at nilagpasan. Ngunit bago pa ako makalagpas ay tinisod ako ng isa sa kanila, dahilan para masubsob ako at tumama ang kanang braso sa isang upuan.