Chereads / Bullets of Past / Chapter 16 - You

Chapter 16 - You

Iritado ako habang patungong canteen. Halos lahat kasi ay nakatingin sa akin. Ang iba ay nagbubulungan na baka target na raw ako ni Damon.

Tss. If they only know kung paano nag apologize si Damon sa akin.

Tamad akong lumapit sa good for two table dala ang tray na may mga laman na sisig, avocado shake, rice, at crema de fruta.

Nakarating narin siguro kela Kuya Luke at Asher ang nangyari kagabi. I'm afraid na baka i-pull out nila ako sa school na ito dahil sa nangyari.

Sinimulan ko na ang pagkain.

Sa gilid ng aking mata ay naaninag ko ang pagpasok ni Hugh na ngayon ay patungo sa aking table.

Oh come on.. iaatras na ba niya ang offer? No. Way.

Umupo ito sa isang bakanteng upuan sa aking harapan. Patuloy lang ako sa pag kain.

Nagkitbit balikat ito. Ramdam ko ang tabang sa kanyang paninitig.

"What is it?" tanong ko habang panay ang pag-kain.

Nagpakawala ito ng isang mabigat na hininga.

"I can see that you are not that affected to what happened." ngumisi siya

Tumango lamang ako at inirapan ito bago muling sumubo.

"Well, how are you feeling? Empty? Scared? Exhausted...? what?" pangungulit nito

Kinuha ko ang napkin at pinunasan ang aking labi.

"I'm fine. It's nothing. Yes, at first I was so scared. I didn't expected it anyway." Sagot ko naman at humigop sa shake.

Umayos siya ng pagkakaupo at pumangalumbaba sa aking harapan.

"I can see that... you are in a great start. When the day come, violence will not affect you anymore." Puri ni Hugh

Ngumisi ako at inihanda ang crema de fruta sa aking harapan.

"Tss. Wala naman kasing binatbat 'yon kung ikukumpara sa past ko. Besides, wala na sigurong hihigit pa sa nakaraan ko. Naroon na ang lahat ng sakit eh." May halo ng tabang ang aking boses.

Tumaas ang kilay ni Hugh sa sinabi ko at tumawa.

"Oh? Are you a God? How can you consider that one as the worst ever? Well, you still don't know what might happen next." Natatawa nitong wika

"Kung mayroon pang mas malalang mangyayari doon ay siguro pagdating ng araw na 'yon handa na ako." Nakangisi kong sagot.

Tumuwid si Hugh ng pagkakaupo at huminga ng malalaim.

"O sige. Aalis na ako. Mahirap na at baka kung ano pa ang isipin ng iba." Ani Hugh at tumayo.

Bago pa ito tuluyang maka alis ay nagawa ko pang sabihin sa kanya ng harapan ang kung ano talaga ang gusto kong mangyari.

"I'll win this game, Hugh. So I'm telling you to brace yourself because anytime it can happen."

Tumawa lamang ito.

"Well then... Good luck, Miss Interior. Anyway, your brother knows nothing about what happened." Ani Hugh at tuluyang umalis.

Kinabukasan ay napagdesisyunan ko nang pumasok.

Tumahimik ang lahat ng kaklase ko sa first subject nang makita nila ako. I don't know why pero para sa akin natural lang naman ang nangyari.

I'm just being targeted or the man who died that night is just being targeted tapos nadamay lang ako. Kumbaga extra lang ako.

Wala pa si Damon at ang mga miyembro niya. Pero bago dumating ang professor ay nagsidatingan na ang mga ito.

Katulad ng dati. Malamig parin ang mga tingin sa akin ni Damon. I just really don't know kung paano ko ito sisimulang ispelling-in. We're friends but I don't think if he still thinks that way.

Nagsimula ang klase at kaagad kong naaninag ang blangkong tingin nito sa akin. Nilingon ko ito ngunit hindi ko ito nahuling nakatingin sa akin.

Napailing nalang ako at nakinig sa topic.

Medyo interesado ako sa topic kaya naman hindi ako tinamad. Mabilis ring natapos ang pag d-discuss ng professor.

Sa pangalawang subject naman ay nag assign ng magkapareha ang professor para sa thesis.

"Mr. Romeo and Ms. Slaughter, Mr. Rayo and Ms. Tolentino, Mr. Ortega and.." tiningnan ng professor ang aming name list sa kanyang laptop.

Wala pa akong kapareha kaya naman isa rin ako sa nag aabang sa sasabihing pangalan.

"That's it." Bulong ng professor at muling nag announce.

"Mr. Ramos and Ms. Clemente, Mr. Ortega and Ms. Interior.."

Para akong nanlamig na bangkay sa aking kinauupuan nang marinig ko kung sino ang makakapareha ko. Unti-unti ko itong nilingon at nahuli ag kanyang tamad na tingin sa akin. Napatingin ako sa kanyang labi nang kinagat niya 'yon. Nahuli niya ang pagtingin ko kaya nagpakita ito ng isang nakakamatay na ngisi.

Naramdaman ko ang pag init ng aking mukha at kaagad na ibinalik ang tingin sa professor namin na patuloy ang pag-aanunsiyo.

Oh yeah, right. He's my partner. Kailangan ko na ba ulit du-ma-moves? But I think this isn't the right time. But... Okay I'll go with the level 1, which is friends.

"Okay. Very simple. All you have to do is work together as partners in crime."

Sinabi ni Professor Kim kung ano ang topic namin. Not bad at all. All we need to do is to start our research and finish it as early as we can, so that we can only look back if we want to review it over and over

"By the end of the month you'll pass that." Tumikihm ito. "Okay, class dismiss." Anang professor at umalis

Nagsimula na akong ayusin ang aking gamit. I didn't know when to start. Siguro ay ako nalang ang dapat na kumausap kay Damon. Tss. Ang snub kasi. Supladong gangster na anak ng isang mafia boss.

"Elle Sophia Interior. I want us to start now."

Halos tumakbo ang aking kaluluwa nang marinig kong magsalita si Damon mula sa aking likuran. Suminghap ako at napa face palm bago ito hinarap.

"What? E may susunod pa akong subj—"

"Are you deaf? Didn't you hear what I said?" he says those words in a very sarcastic way.

Oh yeah. What the hell is your problem. Ano nanaman ang pinuputok nang butso mong lalaki ka?

"Mamaya nalang. Major 'yon e. Kung gusto mo ikaw na muna ang gumawa. Iwan mo nalang yung part ko." Medyo iritado kong sagot sakanya.

I don't know, everytime I talk to Damon I easily get irritated. Pakiramdam ko tuloy baka walang mangyayari sa deal kung ganito ako. But, Hugh can't blame me kasi it's my first time to work on my own.

Isinukbit ko ang Louis Vuitton bag sa aking kanang braso.

"I. Want. It. Now." Mas malamig nitong utas.

Kumunot ang aking noo dahil doon.

"What's your problem? I said later." Iritado kong balik

Hindi ko matantsa kung bakit ganito ang inaasta niya sa aking harapan. Hindi ko narin alam kung ano na ang itsura ng pagmumukha ko habang kaharap siya.

Sarkastiko itong tumawa kaya naman mas naguluhan ako. I only have 5-10 minutes bago magsimula ang susunod na subject. Kaklase ko doon si Hugh.

"Bakit ayaw mo? Dahil ba kaklse mo ang lalaking 'yon sa susunod na subject?" ramdam ko ang tabang sa boses ni Damon

Natagalan bago nagproseso ang utak ko sa sinabi niya. Kung ano ano ring reaksyon ang namayani sa mukha ko.

Sino naman ang lalaki na tinutukoy niya? Tungkol pa ba ito sa thesis? What's wrong with him?

Nagkibit balikat ako, wearing a blank face.

"What do you mean, Mr Ortega?" matabang kong tanong

Tumayo ito ng maayos. He has a black bag in his shoulder. His hair is a little bit messy. His eyes were staring at me blankly.

"Well, If you don't like to help. Then, it would be better if I am going to inform the professor that I don't need a partner like you." Natatawa nyang sinabi at nilagpasan ako.

Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang inis. Gustong-gusto kong sigawan si Damon na patungo na ngayon sa pinto ng classroom.

Ngunit sa halip na ipagpatuloy ko ang nararamdamang inis ay napasinghap na lamang ako at tinawag ang kanyang pangalan.

"Damon."

Huminto ito at nilingon ako.

"Tara sa library." Malamig nitong utas

Patuloy ang pagsinghap ko habang naghahanap ng libro. Habang si Damon naman ay tahimik na nagbabasa.

Madalas nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Tinataasan ko siya ng kilay at iniirapan.

Kinuha ko ang isang libro na konektado sa thesis. Dala ko ang tatlong makakapal na libro habang patungo sa table kung nasaan si Damon.

Medyo nagulat pa ako nang makitang naglabas siya ng itim na laptop na may brand na apple. Sa kaliwang kamay naman niya ay isang itim na exclusive iphone.

Rich kid..

Namataan niya ang aking paglapit kaya umayos ito sa pagkakaupo.

Ibinagsak ko ang mga libro sa mesa. Solo lang namin ngayon ang library. May tatlong babaeng estudyante kanina na pumasok, pero nang makita nila si Damon ay kaagad na nagsilabasan.

I understand. It's really dangerous to be with a guy like Damon, kahit na hindi naman talaga siya ang pakay mo. Even seeing him in any place is like counting the last seconds of your life.

He doesn't have mercy. He is dangerous. Very dangerous.

"Ayan na ang mga kailangan. What's next?" tanong ko

Ang sabi niya kasi kanina habang patungo kami rito sa library ay siya na daw ang bahala sa lahat. Sa ibang requirements nalang daw ako. Of course umangal ako. I want to be fair. But then again, I didn't manage to win. Napaka antipatiko niya at parang laging kasing lalim ng balon ang pinaghuhugutan.

"Sit there and shut your mouth." Malamig na utos nito.

Hindi na ako umimik at sinunod nalang siya. Kailangan kong makisama nalang. Not only just for the sake of our thesis, but also for the sake of the deal.

Damon is very busy doing the thesis by his own. Kaya naman sa sobrang pagka bored ko ay dumukdok na lamang ako.

The next thing I saw nang ipikit ko ang mga mata ko habang nakadukdok ay tumatakbo na ako. Carrying a baby girl.

There are thousand guns pointed at us. Naluluha kong hinalikan ang sanggol. Bullet rains to us. Naaninag ng aking mga mata si Damon na kasama ng mga armadong lalaki na nagpapaulan ng bala. He's holding a pistol and it's exactly pointed at the baby I'm carrying.

Just before the bullets reach our location, I realized that we are surrounded of bullet proof glasses.

Thousands of bullets are wasted but only Damon's didn't.

I saw how it completely breaks the glasses around us.

He aims for another one and I saw how he slowly pointed it to the baby I'm carrying.

Before the bullet comes, I turned around and hug the baby very tight. Then suddenly, I felt something hits my back. Kasunod noon ang pagbagsak ko sa damuhan.

Matapos noon ay nakita ko ang anino ni Damon na papalapit sa aming kinaroroonan.

Nang makalapit siya ng tuluyan ay huminto siya sa aking harapan at sandaling pinagmasdan ang pag-agos ng isa kong luha mula sa mata bago hinawi ang aking kamay at kinuha ang sanggol sa aking mga braso.

Tumawa ang sanggol nang buhatin niya. Hindi niya ito pinansin at itinutok ang baril sa akin.

I'm staring at his fierceful eyes. I can see his merciless expression while preparing for his one last shot.

Bigla nalang nagdugo ang buong paligid bago niya kalabitin ang gatilyo, kasabay noon ang pagsasalita ng kung sino.

"Elle? Elle? Are you okay?" I open my eyes and saw Damon kneeling in front of me. His hands are in my shoulder. I am sitting now.

Itinulak ko siya. "Y-You killed me" sabi ko at muling naluha at napa face palm.

Pakiramdam ko ay sobrang totoong ng panaginip at ang sakit ay patuliy na namamayani sa aking dibdib.

I suddenly felt warm and tight securing hug. Nalusaw ang sakit na aking darama.

"I will never do that. Never. It's just a dream. It will always be." His words make my inner self tremble.