Chereads / Bullets of Past / Chapter 15 - Something in there

Chapter 15 - Something in there

Nang matapos ang last subject ko ay nagbasa muna ako ng story sa pocket book. Patungkol ito sa hindi pantay na pagtrato sa lipunan at ang pag ibig ng isang dalagita na naudyok sa paghihiwalayan. Medyo naaliw rin ako kaya naman hindi ko namalayan ang oras.

Dumating si Ana at niyaya akong mag dinner.

Matapos ang dinner ay nag-aya ulit sila Ana para mag stargazing.

This time I'm with them.

Nakahiga ako ngayon sa field ng soccer. Walang masyadong ulap kaya naman kitang-kita ng malinaw ang mga kumukutitap na bituin sa kalangitan ng gabi.

"Ano ang type niyo sa lalaki?" Tanong ni Jane habang nakaupo at yakap yakap ang mga tuhod.

"Hmm... Ako simple lang. Dapat may respeto at resposable. Bonus na rin 'yong looks at toned body kung sakali." Sagot ni Pristine na ngayon ay nakangiti at nakatingala sa kalangitan.

"Ikaw, Ana?" Pagtatanong naman ni pristine na mabilis sinagot ni Ana.

"May takot kay God at hindi ako ikahihiya." Ngumisi si Ana

Nilingon ko ito at tinanong.

"Bakit naman ikahihiya, eh, you are pretty naman and kind?" tanong ko

"Wala lang..." nangingisi parin niyang sagot.

"Ako gwapo at hot syempr---" binatukan ni Ericka si Irish.

"Wow! Parang ang ganda mo naman. Syempre hot din ang hanap ng mga 'yon—" pinutol ni Irish si Ericka.

"Grabe ah! Dadating 'yon. I-wi-wish ko sa shooting star--- teka ayun shooting star!" ani Irish at pansamantalang tumahimik

"Ikaw, Elle, anong type mo?" singit ni Jane.

Ano nga ba?

Syempre dapat maunawain, loyal, malambing, may respeto,may takot kay God... ah basta 'yong perpekto.

Pero saan kaya ako makakahanap ng ganoong lalaki? Saka baka wala nang nag e-exist na perpekto sa mundo. Lahat tayo may kanya-kanyang pagkukulang. But, I believe in God that he will give me my perfect match. My partner in crime.

"'Yong lalaking handa akong ipaglaban hanggang sa huli. Saka hindi ako kayang tiisin." Sagot ko nang nakatingin sa isang malaking bituin malapit sa buwan.

Inabot kami ng alas diyes kakatingin sa shooting star. Nagpasya na silang bumalik ngunit nagpaiwan ako.

Gusto ko munang mapag-isa.

Naalala ko nanaman kasi ang huling pag s-stargazing ko with my Mom.

Tear starts rolling from my eyes. I can still feel the pain and loneliness inside my heart.

Ang hirap pala kapag gusto mong makita ang isang tao. Sa tuwing naiisip mo ang nakaraan bigla ka na lang sasampalin ng katotohanan. 'Yong pakiramdam na wala ka nang ibang magagawa kung hindi ang magmukmok.

Hindi ko naiwasan ang paghikbi. My tear is like a river. I can't even control it. My chest is continuously aching. My feeling is so heavy. And my hands are shaking.

Isang oras rin akong nanatili sa pagmumukmok kung kaya't naisipan kong maglibot libot muna sa kabuuan ng soccer field.

Tahimik at malamig ang simoy ng hangin. Hindi ko maiwasan ang hindi pag ngiti ng malapad. Ganitong-ganito kasi ang naging trato sa akin ng lahat bukod kay Daddy at sa dalawa kong Kuya, noong mamatay si Mommy.

Mas gusto nilang mabuhay si Mommy kaysa sa akin, pero hindi naman 'yon nagtagal. Unti-unti nilang natanggap ang nangyari at kalaunan ay naging maayos na ang lahat.

But you can't fix the scar.

*BANG*

Halos mapatalon ako sa putok na aking narinig. Nanggaling 'yon sa kung saan. Putok 'yon ng baril, kung hindi ako nagkakamali.

Nakakasiguro akong malapit lang dito ang pinanggaling non.

Naglakad ako patungo sa madilim na parte. Hindi ko alam kung dito talaga nanggaling. Delikado itong ginagawa ko lalo na't hating gabi.

Tiyak na gwardiya na lang ang gising.

Parang takbo ng kabayo ang pintig ng puso ko. The sound of the shot is familiar. Huli ko 'yong narinig nang ma-ambush kami.

Masyado pang maaga para maniwala ako pero pakiramdam ko ay isa nga si Damon sa kasapi. But I can't tell that. It's impossible dahil baka inosenteng bata pa lang siya ng mga oras na 'yon.

Lumiko ako ngunit masyado nang madilim ang parte.

Hindi ako mapakali. It's very familiar. The sound is very familiar.

Nakarinig ako ng yapak mula sa kinaroroonan ko kanina.

Mabilis ko 'yong tinakbo ngunit nang makarating ako ay wala namang tao.

Kinilabutan ako. May kakaiba akong kutob.

Nakarinig ako ng alulong ng aso sa kung saan. Ayokong bumalik ngunit napilitan ako.

Kaagad kong tinahak ang direksyon pabalik.

Hindi ko narin nilingon ang bakuran na pinasok ko. Diretso ang aking lakad.

Medyo madilim narin ang daan pabalik dahil iilang ilaw nalang ang nananatiling bukas.

Sa bilis ng aking lakad ay may nasipa ako na muntik nang maging dahilan ng pagkasubsob ko.

Nilapitan ko 'yon at pinulot. Hindi ko inaasahang isa pala 'yon kutsilyo. Matalim at tila bagong hasa lang ito.

"Bakit kaya meron nito dito..."

Dinala ko ang kutsilyo. Medyo tanaw ko na ang soccer field mula dito.

Hindi parin naaalis ang pangamba ko.

Isa nanamang putok ng baril ang narinig ko. Hindi ako nagkamali sa pinuntahan ko kanina. Doon ulit nanggaling ang putok.

Tumakbo na ako. Nanginginig na ang aking sistema. Malayo pa ang soccer field.

Isang tahol ng aso ang aking narinig.

Fuck! Am I their main target!?

Muli ay isa nanamang putok ng baril ang narinig ko. Nilingon ko ito habang tumatakbo.

Nakita ko ang anino ng isang lalaki na tumatakbo dala ang mahabang baril.

Nang ibaling ko pabalik ang aking tingin ay nagulat ako at hindi kaagad naiwasan ang nakahilata na tao sa aking dadaanan.

Natisod ako ng mga binti nito at nagpagulong gulong ako sa damuhan.

Kaagad na namayani ang sakit sa aking tuhod. Nawala rin naman kaagad ito. Umiikot pa ang aking paningin nang ako'y umupo.

Nang maging maayos na ang aking paningin ay kaagad kong binalingan ang nakatisod sa akin.

Pinilit kong lapitan ito ngunit mabilis na nakuha ang atensyon ko nang makaramdam ako ng basa. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang dugong rumaragasa mula sa parte ng katawan ng lalaki.

Awtomatiko akong napatili sa nakita.

Tunog ng ambulansya at wangwang ng pulis ang nangingibabaw na ingay sa lugar.

Wala paring gumagalaw sa katawan ng lalaki. Nananatili parin ang kalat na internal organs nito sa paligid.

Tulala ako habang ang oxygen ay nakatutok sa aking bibig. Hinika ako kanina kaya buti nalang at kaagad na dumating ang mga guards kasama ang mga pulis. Baka hindi na nila ako inabutang buhay.

Abala ang mga pulis sa paglalagay ng dilaw na tape sa lugar. Papunta narin ang SOCO dito.

Ngayon ko lang napansin na puro dugo pala ang aking suot.

Kaharap ko ngayon ang babaeng detective. Tahimik lamang itong nakatingin sa akin. Sinubukan na nitong magtanong sa aking kanina ngunit hindi ko ito nagawang sagutin sa sobrang trauma.

Paulit-ulit sa isip ko ang nangyari. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat maramdaman. Natatakot ako pero parang wala lang ang lahat ng nangyari.

"Miss Interior, can you tell me what happened?" muling tanong ng babaeng detective.

Nang sa wakas ay nakaroon na ako ng lakas na i-kwento ang lahat.

Nang matapos ako ay nag paalam na muna ang babaeng detective at sinabing babalik daw ulit siya para magtanong matapos ma-review ang mga sinabi ko.

Natulog ako buong araw. Hindi narin ako inabala ni Ana sa pagtulog. Nagising nalang ako ng alas singko dahil sa gutom.

Nang bumangon ako ay naabutan ko ang Falcon sa bintana. Nakatingin ito sa akin. Kaagad ko ring nakita ang nakarolyong itim na sobre sa lamesa. Siguro ay dala ng Falcon. Bumaba ako at kinuha ang sobre.

Parang normal at wala lang ang nangyari kagabi. Siguro ay dahil mas malala pa doon ang napagdaanan ko.

Binuksan ko ang sobre at nakita ang isang kulay maroon na papel. Hinila ko 'yon at nanlaki ang aking mga mata sa nabasa.

"I'M WATCHING YOU."

Sa baba noon ay isang pamilyar na logo.

Hindi ko alam kung saan at kailan ko 'yon nakita ngunit nararamdaman kong may kakaiba doon.

I'm sure of it. There is something in there.