Chereads / Bullets of Past / Chapter 7 - A deal

Chapter 7 - A deal

Tulala akong bumalik sa Dorm. Nagulat ako nang maabutan ko sila Jane, Joy, Ana, Ericka, Pristine at Irish. Bakas sa kanilang mga mukha ang labis na pag-aalala kaya naman nang malingunan ang aking pagpasok ay mabilis nila akong sinalubong at pinaulanan ng tanong.

"Buhay ka pa?" si Pristine na may halong pang-aasar ang tono.

"Anyare? akala namin namatay ka n-" nagsasalita pa si Irish ay pinutol na siya ni Ericka

"Hindi Irish! Hindi! Multo lang 'yang nasa harapan mo!" pambabara ni nito kay Irish.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin! Ang sinasabi ko lang ay kung namatay siya sa kilig! Hay naku Ericka!" inis na balik ni Irish habang marahang kinikilig sa isang tabi.

Isinara ko ang pinto at umupo sa pang ibabang kama katabi si Ana at Joy. Umiling lamang ako at humiga.

Naramdaman ko agad ang kaunting kirot sa aking likod. Napakagat ako ng labi. Iniisip ang kanyang mga sinabi.

That Damon isn't really a demon, I guess. It's just that I can't believe all of this!

My first day of school is ruined just because of my actions. He's right. This just the beginning. I still don't know what will or what might happen next. That's why all I can do for now is observe and stay away.

"Ano na? Kwento ka naman." pangungulit ni Joy

I sighed and look at the light bulb.

That guy... his eyes are so mysterious. His actions. His choice of words. Every thing.

Every single thing about him feels so unknown. I don't know why.

Humilig ako at natulala sa isang tabi.

"He told me to stay away. 'Yon lang." wala sa sarili kong nasabi.

Lumapit si Pristine at umupo rin sa kama.

"I heard may kumalabog daw sa loob ng locker while you two are talking. At may ilang sigaw daw ni Damon ang narinig. That's why we thought he really finished your life." paliwanag ni Pristine

The sincerity of her face and voice made me tell the entire detail of what happened earlier.

Simple lang at napaka natural ng kanilang mga naging reaksiyon na para bang sanay na sila at expected na ganoon ang mangyayari.

Pero nagulat parin sila sa parte na sinabi ni Damon na hindi raw niya ako pwedeng patayin. Kahit ako ay naguluhan rin at hindi matantsa kung ano ang mga nangyayari.

Pagkatapos kong ipaliwanag sa kanila ay tumungo na muna kami sa canteen para mag dinner. Kinakabahan ako na baka magkita o magkasulbong kami ni Damon kaya naman hindi ako nakakain nang maayos.

Pagkatapos ng dinner ay nag-aya pa sila Jane na mag stargazing sa roof top pero hindi na ako sumama at nagdahilan na magpapahinga na lang.

Nakatulog na lamang ako habang iniinda ang sakit sa aking likuran.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tulog pa si Ana kaya naman napag isipan ko na bumaba muna para kumain. Alas singko pa lang kasi kaya naman wala akong masyadong naka salubong papunta sa canteen. Nasa ground floor ito kaya medyo nakakapagod bumaba mula 3rd floor kung saan naroroon ang aking dorm.

Maging sa canteen ay kakaunti pa lang ang mga tao.

Um-order ako ng hot chocolate at saka pancake. 'Yon lang kasi ang natipuhan kong bilhin bukod sa mas marami pang masasarap na pagkain na nakahain.

Umupo ako sa malapit na table na limang tao ang kayang i-okupa.

Dinampot ko ang mga kubyertos sa gilid ng aking plato. Kumuha rin ako ng extra tissue kanina bago ako maka alis sa counter. Pinunasan ko ang aking kubyertos gamit iyon.

Unti-unti kong ini-slice ang pancake gamit ang bread knife.

Pero habang ginagawa ko 'yon ay bigla nalang may humila ng upuan sa aking harapan kya kaagad na gumuhit ang kaba sa aking dibdib at napatingin ng wala sa oras.

It was a guy stranger with a punch mark in his face.

"Can I?" tanong nito dala ang sariling tray.

He's familiar. Nakita ko na ba siya?

Tumango ako at sumagot.

"Yes" sagot ko at nginitian ito.

Ngumiti siya at umupo sa aking tapat.

Wait...

I've already seen his face!

Siya 'yong gwapong lalaki na kinawawa ni Damon! Ngayon ko lang siya nakaharap ng malapitan kaya naman masasabi kong may itsura siya.

"So... You are?" tanong ko at isinubo ang pancake.

Ngumiti ito at humilig sa kanyang kina uupuan.

"I'm Hugh Salazar." nakangiti niyang sinabi bago inilahad ang sariling kamay.

Matangos ang kanyang ilong na may band-aid. Malalalim ang mata habang perpekto ang pagkakahugis ng kanyang panga. Manipis ang kanyang higher lip. Taglay niya rin ang isang mapanuksong ngiti na bihirang-bihira sa mga lalaki at tanging ang mga nag-aral lang na gawin ito ang mga may alam.

I slowly give my hand and shake his before introducing myself.

"Elle Sophia Interior." matipid kong sinabi at kaagad na bumaling sa aking pancake.

Kinuha ko ang honey at nilagyan ang pancake. Patuloy naman ito sa pagsimsim ng kape.

May pasa ang gilid ng kanyang labi. Gawa ito ni Damon kahapon. Pero kahit na ganoon ay masasabi kong gwapo pa rin itong si Hugh kahit na may galos ang kanyang mukha. Hindi ko rin alam kung ano at bakit nag-away sila ni Damon kahapon kaya naman gusto kong magtanong kahit paunti-unti lang.

"Bakit nga pala kayo nag-away ni Damon kahapon?" tanong ko habang nag i-slice ng pancake

Tiningnan niya ako at muling sumimsim ng kape.

Kaagad na nilamon ng kahihiyan ang aking sistema bago napanguso at hindi na inasahan ang magiging sagot.

Ibinaba naman nito ang hawak na kape at nagkibit balikat.

Muli akong nag-angat ng tingin rito. I saw him sexily twitching his lip with a really dark complexion of face.

Now what, Elle? Manghihimasok ka nanaman?

"Okay. Never mind." naka nguso kong sinabi habang nakatingin sa pancake na nasa aking plato.

Makalipas ang ilang segundo ay nagpakawala ito ng isang mabigat na hangin bago nagsalita.

"Simple. He stole my girlfriend when I was at the states. Noong una hindi ako naniniwala sa mga kaibigan ko dito sa Pilipinas na sinasabing may ibang kasama si Celine sa bar. Umuwi ako last week dito sa Pilipinas. I told my friends that I'm back pero isang mensahe lang ang ibinalik nila sa akin at 'yon ay ang pumunta sa club kung saan sila naroroon."Ngumiwi siya at kinuha ang mug ng kape at sumimsim ng kaunti.

"From that very point, alam ko ng may gusto silang ipakita sa akin. Kaya naman kahit kakagaling ko lang sa flight ay dumiretso ako sa Bar na 'yon. Sinabi ko sa sarili ko na hindi totoo ang mga paratang nila pero nang makita mismo ng aking mga mata kung paano sila maghalikan ni Celine..." kinagat niya ang kanyang mga labi na tila ayaw nang sabihin ang mga sumunod na nangyari.

Kumuyom ang kanyang kamao at pumikit ng mariin. Pabulong siyang nagmura bago ipinagpatuloy ang sinasabi.

"After that scene pinili ko na lang na umuwi. Kinabukasan ay nakipagkita ako kay Celine." Hugh let a mocking laugh out. "She was totally shocked that time. Hindi ako nagtagal nang mga oras na 'yon at kaagad na nakipag break. Kaya naman dito ako nag-aral para makilala 'yong lalaking 'yon. At nang makita ko siya kahapon, 'di ko napigilan ang sarili ko. Nilamon ako ng galit at sakit at hindi ko inaasahang magkakaganoon. Then kanina ko lang nalaman na he's part of mafia kaya naman nasagot ang ilang tanong sa isip ko." tumawa siya ng mahina sa sinabi niya sa bandang huli.

"I'm sorry." tanging nasabi ko

Nagulat siya at pumangalumbaba sa lamesa.

"Sorry? aghh it's nothing. Ako nga dapat ang mag sorry dahil mukhang lumamig na 'yang hot chocolate mo" natatawa nitong sambit.

Nagulat ako at nilingon ang hot chocolate sa aking harapan. Hinawakan ko ito at mabilis na sumimsim.

Tumatawa siya habang pinanonood ako kaya naman tinaasan ko ito ng isang kilay.

"Aww you're so cute" natatawa niya sinabi

"Letse! playboy." sagot ko bago nilagok ang hot chocolate

Mula pagtawaay bigla nalamang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito kaya naman ganoon rin ako.

"I heard what happened kahapon." seryoso nitong sinabi

Tiningnan ko siya ng diretso. Hindi ko alam kung ang ibig niya bang sabihin ay ang nangyari noong lunch o yung nangyari nong hapon sa locker.

"The slap." ngisi pa nito

Hindi ko nagawang ngumisi dahil naalala ko nanaman ang pangyayaring 'yon.

"What's with the slap?" naka ngiwi kong tanong

"You're so famous because of it. But I know what happened after that." his dangerously handsome face looks so scary with its dark mood.

Hindi na ako umimik dahil alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito.

"Nagustuhan ko ang lakas ng loob mong pumunta sa locker room namin. And I also heard what happened in there." itinagilid niya ang kanyang ulo

Umayos ako sa pagkakaupo at binigyan siya ng isang mapanuring tingin.

Hindi ko maintindihan kung may ipinupunto ba siya o wala. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin na kanina niya pa pinipigil.

Hindi ko na naiwasang pagtagpi-tagpiin ang mga sinasabi at ginawa nito.

Naki table siya para kausapin ako. Nagkwento siya ng hindi manlang iniisip na baka ito ang ikasira ng privacy niya. Sinimulan niyang buksan ang topic sa sampal na ginawa ko kay Damon. At ngayon ang topic naman ay ang pagpunta ko sa locker room.

"What is your purpose?" Nanunuri kong tanong

Pinigilan niya ang pagngiti sa pamamagitan ng pag-nguso.

"I have a deal." diretsahan sagot nito.