"Okay, turn the lights on!" boses ng lalaking nagsalita kanina bago tuluyang magdilim ang paligid.
What. The. Hell. Is... Happening?? Lights? what's the meaning of this? Nandito pa ba ako sa club? Hindi ba nila ako dinukot o ano?
Isa lang bang pakulo ang lahat? I can't understand! Papaano?
Gosh! I though I'm going to die! This isn't funny! Yet.. I find this school full of thrill.
Sa likod ng blind fold sa aking mata ay ang bahagyang pagliwanag. Hindi ako nagkamali. Nandito pa ako sa club.
Muling nagsalita 'yong lalaki mula sa microphone.
"Alam kong nagtataka kayong lahat." Medyo malambing na nagagalak ang kanyang boses. " We are now officially opening the 'weekend party' of the school!! And I'll be the host, Levi." sigaw nito kasabay ang sunod sunod na palakpakan sa harapan at ilang hiyaw at pag pito ng mga kalalakihan.
Am I in front???
In the stage??
What the! I look crazy here. Oh my Georgina! It's embarrassing!
Pagkatapos ng palakpakan ay muling nagsalita ang host na ngayon ay isa namang babae.
"Okay! Let's start the night." Nagagalak ang kanyang boses.
'Anong meron? Bakit nandito ako?' tanong ko sa aking isip na kaagad namang nasagot.
"Alam kong nagtataka kayo dahil may mga babae dito sa harap." Tumikhim ito bago nagpatuloy.
So nagkamali ako sa pag iisip na ako lang ang nandito.
"Well, sila po ang napili naming lumahok sa napaka gandang laro." Anong laro?
"Sila ang sampung pinakaswerteng babae na maglalaro sa ating best game!!!" excited ang kanyang pananalita.
What's with the game? What is it? I'm telling you Miss, I'm not good at it! Well if that's a game of chess, I'm in. But wait, I still have a real life game of chess that I have to finish.
Nasan na kaya si Damon? Tsk.
Tiyak nasa audience ang isang yon at pinanunuod ako.
Jusko naman! Bakit ba ako pa ang napunta rito. What am I going to do?
Ano naman kayang game ang pakulo ng mga ito.
Well... it's okay. I'm a good player.
"To start the game, kinakailangan nilang hanapin... ang kanilang magiging kapareha! At naka pili narin kami ng mga lalaking sasali sa laro!!! And thank God sumali ang isa sa kanila. Kaya magiging masaya ang larong ito!" nag hy-hysterical na tono ng host na babae.
Partner? A guy? What kind of game is that? Baka naman malaswa 'yan! I'll back out kung ganoon.
Naramdaman ko ang paglapit ng kung sino sa aking harapan.
Biglang nag click ang posas sa aking kamay at naalis. Ang takip naman sa aking bibig ay inalis rin kaya malaya na akong makakapagsalita.
Ngunit nanatili parin ang blind fold sa aking mata.
"Ayan... Free na sila. Pasensya na kayo girls dahil kinailangan lang talaga kasing gawin para may twist." Sabi nung lalaking host.
My lips were in a very thin line. I honestly want to leave the stage now.
"O sige. Bago natin simulan. Magpakilala muna kayo." Singit naman nang babaeng host.
Sinimulan na nila ang sa tingin ko'y pagtututok ng microphone sa bawat contestant. Mabilis ang pagpapakilala ng bawat isa kaya naman mabilis na dumako malapit sa aking kinatatayuan.
"I-I am Vivi." the woman beside me.
Isang kamay ang dumampi sa aking balikat na siyang gumulat sa akin.
"And for the last but not the least. What's your name, Miss beautiful?" tanong ng host na lalaki na kaagad ko namang sinagot.
"Elle." Proud kong pakilala
Muli silang nag kwentuhan ng co-host niya bago tuluyang napadpad ang kwentuhan sa mangyayaring laro.
"Sige, simulan na natin at naiinip na sila" sabi noong host na babae.
"Mag f-find your partner anywere muna tayo.. Nasa paligid lang sila chosen guy. At kayo mismo ang hahanap sa kanila mga girls. Bawal tanggalin ang blind fold. Not until you find the right guy. Mangangapa lang kayo." Humalakhak 'yong lalaking host
It's exciting naman pala. Akala ko kung ano na.. Pero kailangan hindi manyak ang mapili ko para safe ako.
Nagsimula ang game ng magkakahiwalay kaming mga kalahok na babae. Hindi ko alam kung saan banda ako idinala ng nag guide sa akin. Pero I'm sure nandito ako sa baba o dance floor.
Simple lang ang mga rules. Bawal tanggalin ang blind old at bawal magsalita ng foul language. Bawal rin mag back out kaya for sure mapapasubo ako dito. Basta kailangan ko lang mag hanap ng makakapareha, pero dapat Mr right hindi Mr Manyak na abusado.
Nagsimula akong mangapa nang marinig ko ang senyales ng mga host.
Matipid lang ang bawat hakbang ko. Gusto ko kasing makasiguro na maayos ang mapunta sa akin.
Mararamdaman mo naman kasi kung may kakaiba sa maaari mong maging kapareha.
May ilang kalahok rin akong nabubunggo na minsan ay nangyayakap. It's disgusting, lalo na 'yong huli na amoy alak.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Masyadong malinis ang bawat nadadaanan ko. Hindi ko alam kung nasa club pa ba ako o ano.
Ilang hakbang ang aking ginawa nang mabunggo ako sa isang malaking bagay. Medyo napaatras ako dahil sa impact. Tahimik rin ang mga tao dito sa club kaya mahirap makiramdam.
Muli kong nilapitan ang bagay na nabunggo ko at kinapa.
May ilang tili akong naririnig sa kung saan na masayang isinisigaw na nakahanap na sila ng kapareha.
Medyo nagulat at natawa ako nang mapagtanto kong tao pala ang bagay na nabunggo ko. Nakarinig rin ako ng ilang whistle sa kung saan.
Hindi ko ito pinansin at nanatili lamang ang atensyon sa estranghero sa aking harapan.
Nagpatuloy ako sa pangangapa mula baywang pataas. Para alamin kung ano ang suot nito. At para narin makasiguro kung lalaki ba ito.
Magaspang ang damit nito. Now that's a sign that he's a guy. But wait, kailangan kong alamin kung payat ba ito o mataba. Because you'll know kapag payat ang isang tao ay posibleng lulong ito sa masasamang bisyo. But I'm not judgemental. At Mahirap narin kasi baka manyak o malala pa sa iniisip ko ang isang ito.
Dumampi ang aking mga kamay sa wrist nitong estranghero. Dahan-dahan kong itong hinimas pataas sa biceps. Pinakikiramdaman ang bawat pag alon ng aking kamay sa mga muscles. Naka long sleeve siya, hindi katulad ng karamihan na kapag na sa isang club ay naka ¾ ang sleeve.
He's a guy. A real one. But I will not know if he's a play boy or a pervert.
Alam kong ako na ang nagmumukang manyak sa sitwasyong ito, pero... I won't stop.
Nagpatuloy ang paglalakbay ng aking kamay mula leeg hanggang sa buhok. Messy at bagsak ang kanyang buhok. Madulas at masarap hagurin nang pauli-ulit.
Mabilis kong inalis ang aking mga kamay sa kanyang buhok. Ewan ko pero bakit tila pakiramdam ko ay pamilyar itong masyado.
Inamoy ko rin ang aking kamay at napagtantong tama ako ng hinala. It was Damon. This is Damon. He's Damon.
Napaawang ang aking bibig at napailing. Is this also part of the game na sinabi sa akin ng kanyang miyembro? Siya naba ang naunang mag move ng pawn sa laro? Siya ba ang kulay white?
I didn't see this twist coming to the game!
No, aatras ako. Hindi maaaring siya ang mauna. Hindi ako papayag. I have to choose another guy. Not him. Not now, but next time.
Unti unti akong umatras. Hindi ko isisigaw na may nahanap ako. I have to choose another one. Because in this real life game dapat ako ang maunang mag move. Dehado ka kapag ikaw lang ang pangalawa.
Nagpatuloy ako sa pag-atras nang may isang mainit na braso ang humapit sa aking baywang at isang pamilyar na boses ang sumigaw sa aking likuran.
"I got her! No... She got me!" sigaw ni Damon
"Sorry, Bro. Go get your own. Think you got her? She's mine now." sarkastiko ang kanyang pananalita sa estranghero.
Wait... WHAT???????
Mabilis at kabado kong nilingon ang lalaking yumakap sa akin at napagtantong si Damon nga ang isang ito.
If he's Damon? Then, who's that other guy?
Pero sigurado ako na parang si Damon ang isang 'yon dahil sa pananamit niya at sa amoy ng buhok niya. Nanlamig ako.
Isang nakakabinging tili ang narinig ko sa aking harapan.
"I got my partner!" sigaw nang isa sa kalahok. Well, yeah. Nakuha na niya ang lalaking in-x-ray ko kanina.
Now I'm dead. But no! I need to do this for the sake of the deal! It's just a game.
"Okay! Naka kuha na ng kanya-kanyang partner ang lahat! Now let us announce the game!" maligayang wika ng babaeng host
Nananatili parin ang braso ni Damon sa aking baywang. Naririnig ko rin ang mga tili nila Ana malapit sa amin.
Oh my Georgina! Pag pi-piyestahan nanaman ako ng tanong ng mga 'yon.
"The game is entitled 'Hottie Sticker in My Paps!' isang laro na magpapainit sa inyong lahat!" maligayang maligaya ang pagkaka anunsyo ng dalawang host.
Huh? Anong laro naman ang isang 'yon?? Magpapainit?
Pumili ng unang tatlong magkakapareha ang mga host at pina pwesto sa harap ng stage. Nandito ako ngayon sa backstage katabi si Damon. The blind fold remained in my eyes.
Patuloy ang paghihiyawan nang mga nanunuod. Clueless ako sa game at hindi ko rin alam kung para saan 'yon. But I have to do great. Baka ito na ang maging way para maging close kami ni Damon na ngayon ay tahimik lang sa aking tabi at nananatili ang brasong nakahapit sa aking baywang.
Nang matapos ang 1st batch ay sumunod ang 2nd batch. Hindi parin kami kasama ni Damon kaya paniguradong 3rd kami.
Malakas ang hiyawan sa 2nd batch may ilang sumisigaw nang mga lines na hindi ko inaakala. Katulad nalamang nito:
"Sige hawakan mo na! walang malisya 'yan! Laro lang naman!" sigaw ng babae na siyang binawal ng mga host dahil sa clue.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang hahawakan. Medyo nag iiba na ang kulay ng utak ko.
Ano ba talaga ang hahawakan? Matigas bang bagay o malambot? Paling ba o dirteso?
Sh*t na malupet!
Well, kung ano man 'yon hinding-hindi ko hahawakan 'yon!