Chereads / Bullets of Past / Chapter 12 - Panic

Chapter 12 - Panic

Naramdaman ko ang paggalaw niya. Ang akala ko at tatanggalin na niya ang video pero umayos lang pala ito ng pagkakaupo.

"Oh come on. It's only a video." Iritadong boses ni Hugh habang nagsasalin ng beer sa kanyang baso.

Binigyan ko siya nang isang matulis na tingin. Nakaiwas parin ang aking paningin sa laptop.

"I don't care." Sabi ko at mabilis na iniyuko ang laptop.

Ngayon ay nakakatitig na ako sa kanya ng maayos. Walang ilang.

Humalukipkip si Hugh sa kinauupuan hawak ang baso na pinangalhatian ng beer.

"Okay. If that's what you want." Ibinaba niya nang todo ang laptop at hinarap ako ng maayos.

"Hindi ko na rin ibibigay ang ilan pang mga file about sa background ng target. If ever na tatanggapin mo ang aking offer, bahala ka nang gumawa ng step para alamin ang mga pagkatao nila." Malamig ang kanyang tono. Mabilis rin nitong nilagok ang beer.

Yes, I'll accept the deal. And that's final. I don't mind if this might result the worst happening in my life. I don't care if I start digging my own grave. Besides, this is not only for me. It is also for my mother who died in the ambush.

I want justice for what happened a decade and a year ago.

"I am impressed, Mr Salazar. I am accepting your offer. When can I start?" pormal kong pahayag na siyang medyo gumulat kay Hugh.

Muling umayos sa pagkakaupo si Hugh at pumalakpak bago naglahad ng kanang kamay.

"Well then... Thank you, Miss Interior. The deal is closed. I'm so glad that you are impressed---well this is a great opportunity to my company."pormal ang kanyang tono habang nakalahad ang kamay.

Ngumiti ako nang malapad at nakipagkamayan.

Finally, I've started a step tonight. I just don't know how I'll begin.

Now it's time for me to do my part. I'll hunt the person behind that ambush. I'm going to make them pay for what they did. Alam kong marami sila. Uunti-untiin ko sila at pipira pirasuhin. I want them to feel what I felt that day.

Isasauli ko sa kanila ang ibinigay nila sa akin na marka. Markang kahit mamatay ako ay hindi mawawala. Sugat na hanggang ngayon ay sariwa pa.

I will not stop until the day come. The day I wake up seeing their sinful blood in my precious hand.

Wala akong pakealam kahit na ang mafia boss pa ang humarang sa aking daan o kahit na si Damon pa 'yan. Sukdulang maging criminal ako gagawin ko.

I'm the cat here. And I'll be hunting down the naughty murderer mouse in its hidden place.

Pero I'm not sure kung tama ba na si Damon agad ang target. But... We'll know.

"You can start anytime.." ani Hugh sabay nguso sa isang direksyon. Nagtataka kong nilingon ang direksyon na iyon.

Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng atmosphere ang pumalit sa aking tiyan nang nahagilap ng aking paningin si Damon na nagsasayaw sa dance floor kaharap ang isang morenang babae na halos wala nang takip ang katawan dahil sa suot nitong dress.

Walang reaksyon kong ibinalik ang aking tingin kay Hugh na ngayon ay pinaglalaruan ang hawak nitong baso na may laman na alak.

"Alam ba ni Kuya Luke o ni Kuya asher ang tungkol sa bagay na ito?" tanong ko

I just want to know. Para makagawa na rin ako ng plano kung sakaling hindi pa alam.

Nilagok nito ang hawak niyang baso na may alak. Bago ako sinagot.

"Nope. Why? Do you want them to know about thi-" pinutol ko siya

"Don't tell them. I want to keep this thing from them. From my family. Hindi kasi ako makakagalaw ng maayos kung sakali. And surely hindi papayag ang dalawang kumag na 'yon.." diretsa ang aking pananalita

That's it. I don't want to get bothered by my brothers. I want to do this on my own. Nasa tamang edad na rin naman ako para gawin ang mga bagay na ito.

Tumango tango lamang si Hugh sa aking mga sinabi.

"You sure you can handle this all by your self? It's not that easy if you think it is. This is a do or die deal. It's like a chess---" muli ko siyang pinutol

"Yes, I can. And in the game of chess I'll be the pawn. No, I'll choose the pawn as disguise or one of my clone." Bigla akong tumayo. "And I'll start now."

Kumunot ang noo ni Hugh.

Hindi ko na siya hinitay na makapag komento sa aking desisyon at kaagad na akong rumampa papunta sa dance floor.

Nang makapunta na ako sa gitna ay mabilis kong hinanap si Damon. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Luminga-linga ako sa paligid ngunit walang bakas ng Damon akong nakita.

Habang abala ako sa paghahanap ay isang mainit na braso ang yumakap sa aking baywang mula sa likod. Naramdaman ko rin ang pagdikit ng katawan ng taong gumawa noon sa aking likod. Matangkad ito at ang ulo nito ay nakayuko sa aking balikat.

Amoy na amoy ko ang amoy ng tresemme sa ulo nito. Wala akong clue kung sino ang taong ito. At isa pa, May hinahanap ako.

"Get off me." Iritado kong sinabi rito at hinawi ang kanyang braso. Kaagad ko itong hinarap at napagtantong si Damon pala 'yon.

Gulat na gulat ako habang siya naman ay naka kagat labing nakatingin sa akin.

Naka two button wool tuxedo siya na nagsusumigaw ng Giorgio Armani. Medyo lukot narin 'yon dahil siguro sa kakasayaw niya.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Now what, Elle? You are looking for this man and now he's in front of you. Ano na'ng plano mo? Tatayo ka nalang ba diyan at magiging estatwa habang buhay?

Mabilis akong nag-isip ng gagawin and thank you Lord at nakisama naman ang aking utak.

Umayos ako ng pagkakatayo pagkatapos ay nag s-shape body ako.

"Oh! Damon! Nandito ka pala? Sinong kasama mo?!" sigaw ko para marinig niya. Alam kong medyo feeling close ang naging dating noon sa kanya.

Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok. May kung anong kuryente ang dumaloy sa aking spinal cord nang makita ko ang kanyang ginawa. I don't know. Siguro ay dahil sa sobrang pagkasabik kong malaman ang katotohanan kaya ganoon.

"Stop asking. Just dance with me." Utos nito

For now, hahayaan kong utos-utusan mo ako. Syempre it's also part of the deal at para narin mabilis kong mapagaan ang kanyang loob. I can be his slave or toy, if that's what he want. But nothing lasts forever. I know when to stop.

I'll stop kapag nakuha ko na ang kailangan ko. Then, I will leave for the mean time. And return with a bomb behind my back and squad of cats. Blow them all using the remote of bomb in just a second. No mercy.

Siguro sa mga oras na 'yon isa nalang sugar coated word ang salitang 'awa'.

Hindi pa kami nagtatagal ni Damon sa pagsasayaw ay bigla na lang nawala ang musikang sinasabayan ng lahat at pumalit ang nakakarinding ingay ng microphone kasunod noon ang isang boses mula sa kung saan.

"Now."

Biglang nagdilim ang buong lugar. Namayani ang pag-angal ng karamihan. Masyadong madilim, wala akong makit na kahit na ano.

Makalipas ang ilang segundo matapos magdilim ang paligid, isang tili ng babae ang narinig ko sa paligid na siyang nagpatahimik sa lahat. May ilan na nag panic. May ilan rin na umuungol na sa pag-iyak.

Kinabahan ako. Mabilis akong nangapa sa paligid.

"D-Damon, you still there?" maliit ang aking boses habang nangangapa.

Ngunit walang Damon ang sumagot. Mayroon ulit sumigaw na babae malapit sa aking kinaroroonan.

Damn! What's happening?

Isa pa ang sumigaw mula sa malayo kasunod noon ang pagdaan ng kung sino sa aking harapan.

"D-Damon?" medyo napa taas ang aking boses.

Baka may masama nang nangyayari. Baka napasok kami ng hold-up-er. Baka may na-rape na o kaya nakidnap. O baka naman may ambush na magaganap. Sh*t! kung ano-ano na ang naiisip ko! Ano ba kasing nangyayari?!

"Ayun siya..." boses ng lalaki

Lumipas ang tatlong segundo ay may naramdaman nanaman akong dumaan sa aking harapan. Nanatili akong tahimik sa aking kinatatayuan. Hindi ko na rin alam kung nasaan si Damon. Eh si Hugh kaya? May alam ba siya tungkol dito? Pero kung sakaling may alam siya dito sana hindi na siya nag-set ngayon para sa aming meeting.

Nagpapanic na ang lahat sa nangyayari. Ilang minuto pa ang lumipas, isang nakakarinding tili ang narinig ko ilang distansya mula sa akin.

Nangatog ang aking binti at unti-unting napaatras nang biglang isang malakas na braso ang humila sa aking balikat. Sisigaw sana ako pero bigla nitong tinakpan ang aking bibig kasunod noon ang pag b-blind fold sa aking mga mata. Hindi ko rin namalayan na naka posas na pala ang aking mga kamay.

Hinigit ako nito papunta sa kung saan. Naiiyak ako dahil hindi ko alam ang nangyayari.

Muntik na akong masubsob nang tumama ang aking paa sa isang mataas na bagay. Kaagad kong naramdaman ang isang malambot ngunit malamig na kamay sa aking braso.

It's a girl. I'm sure of it.

Ilang hakbang sa hagdan ang aking ginawa bago ang malawak na kapatagan. Pakiramdam ko ay isang kahoy ang aking tinatapakan.

Hindi ko namalayan na huminto ang taong humihila sa akin kaya naman nauntog ako rito.

Malambot at makinis ang kanyang balat.

Muli itong naglakad. Ang akala ko ay hihilahin paulit ako nito ngunit nagkamali ako. Naramdaman ko ang papalayong hakbang nito mula sa akin. Naiwan akong nakatayo kung saan ako nito iniwan.

"Nakapili na kami." Ani ng isang mabigat na boses.

Who is he? What's going on?