Nang lumabas ako ng banyo ay nakita ko kaagad si Hugh na naka sandal sa pader. Nakatingin at tila naninimbang ang ekspresyon ng mukha.
Umayos agad ito pagkakatayo nang makitang papunta ako sa kanya.
"Why are you here?" I asked.
"Call me Hugh Imperial kapag nandito sa school. No one knows about my real background. Only you who knows me." matigas na pagkakasabi ni Hugh bago ako nilagpasan.
Nilingon ko ito at napagtantong pumunta lang siya sa aking likuran.
"Walk. I'll follow. You'll tell me what happened inside." ani Hugh
Is it really okay to trust a guy like him? Well sigiro nga dahil pinagkakatiwalaan naman siya ng kumpanya namin.
Tumango ako at unti-unting naglakad.
"Hmm... I think things are going to be easy if I accept the deal." Panimula ko nang hindi ito nililingon.
May mga nakakasalubong akong mga estudyanteng babae na papunta rin yata sa banyo. Tumitingin sila sa akin at sa aking kasunod.
"Why?" tanong ni Hugh nang lumagpas ang mga kababaihan.
"Nagpapansin siya sa akin eh. He wants us to be okay." sabi ko at lumilinga-linga sa lawak ng court.
Ang kaninang punuang bleachers ay unti-unti ng nalalagasan ng mga manonood. Damon's troops were gone too. Siguro matatapos na ang game.
"Then." matipid na tanong ni Hugh.
Nilingon ko ito at nakitang naka yuko habang nakapamulsa ang dalawang kamay.
"He apologized bago umalis." pagpapatuloy ko at tumungo sa daan palabas ng court para makapunta sa canteen.
"Good. Bukas magkita tayo sa party." Muli kong nilingon si Hugh.
Humiwalay na ito ng direksyon pabalik ng court.
Napailing na lamang ako at tumungo na sa aking pupuntahan.
Um-order ako ng isang Avocado shake at dumiretso sa dorm para maka pagligpit. Tatawagan ko rin si Kuya Luke para sunduin ako.
Bago ko pa maakyat ang huling palapag ay may ilang lalaki akong naabutan. Ang iba ay miyembro ng gang ni Damon. Naka sandal ang mga ito habang may hawak na sigarilyo.
Wala ring mga babae na naglalakad papunta sa floor na aking tinutunguan.
Gumuhit ang kaba sa aking dibdib.
Natigilan ako sa paglalakad nang humarang ang tatlo sa aking dadaanan.
I don't know why they are doing this right now.
Hindi kaya pakulo lang ni Damon ang paghingi ng tawad kanina? Kasama lang ba ang lahat ng iyon sa plano?
Bahagya akong napaatras nang maglakad palapit sa akin ang nasa gitnang lalaki.
Matangkad ito at halata ang pagka maskulado ng katawan nito. Kumikinang ang piercing nito sa kanang tainga. May tattoo rin ito sa leeg. Halatang-halata ang pagka bad boy nito sa panlabas na anyo pa lamang ng katawan.
Binigyan ko siya ng matalim na tingin nang bigla niyang hawakan ang aking kaliwang braso. Sinubukan kong bawiin ito ngunit masyadong matigas ang pagkakahawak nito.
Gustong-gusto kong gawin sa lalaking ito ang itinuro sa akin ni Kuya Asher pagdating sa self defense. Ngunit nagbigay pa ako ng kaunting pasensya.
"Bitawan.mo.ako." banta ko at sinubukang bawiin ang aking braso.
Hindi parin ito natinag.
Huminga ako ng malalim at pinalipas ang ilang segundo.
Unti-unting lumuwag ang kanyang pagkakahawak hanggang sa tuluyan na itong naalis.
"Tapang mo rin ah. Dapat patay ka na noong gabi ng araw na 'yon." malalim ang kanyang boses
Hindi natitinag ang matutulis na tingin ko sa kanya.
"Nakakapagtaka at hinayaan kalang ni Damon na mag enjoy." pagpapatuloy pa nito at naglakad-lakad paikot sa akin.
"O baka naman isa ka sa paglalaruan niyang tauhan sa chess." muli nitong sabi at huminga ng malalim
Chess. Really? Then why did he apologized to me if that was his plan at the very first place? Or this is also part of everything.
If it's a game, then I'm in.
"I love chess. He will not win against me. I'm a good player." Sarkastiko kong sagot
Tumawa ito pati narin ang dalawa sa aking harapan.
"He is a clean player." balik naman ng lalaki na nagpatindig sa aking balahibo.
Ngumisi ako.
"Then it'll be a Do or Die game." diretsahan kong sagot
"Tapang ah. Good luck. Sana magtagal ka." banta nito at nagmartsa paalis . Sumunod naman ang dalawa sa aking harapan na nilgpasan ako.
Mabilis kong tinungo ang dorm.
Nang makarating ay nagmamadali akong nagkulong sa kwarto.
Abot langit ang kaba ko at hindi ko alam kung para saan ang mga sinabi ng mga lalaking 'yon. Hindi ko na rin alam kung may totoo pa ba sa mga nangyayari.
Sa tingin ko hindi na 'yon banta. Pakiramdam ko ay nasa isang laro na nga talaga ako. Laro na kung saan ay ako ang pawn na nagsisilbing taga sulong ng laban. Sa kabila ay ang mga nagsisilbing harang para ipagtatanggol ang hari.
Siguro nga ay nakatadhana ang lahat ng ito para mangyari.
Isa akong prey na mahigpit na binabantayan ng isang Leon sa kung saang lugar. Hinihintay ang pagkakamali ko bago ako sugurin.
Naghihintay ng magandang pagkakataon. Isang gutom na leon na handang tapakan ang lahat makuha lamang ang kagustuhan.
Isang pamilyar na tunog ang aking narinig mula sa bulsa.
Kinuha ko ang kulay puti kong phone at nakita ang mensahe ni Kuya Luke. Binuksan ko ang lock at tiningnan 'yon.
"I'm here." - Kuya Luke
Halos mabunutan ako ng tinik sa aking nakita. Finally pansamantala akong makakaalis sa impyernong paaralan na ito. Pero babalik rin kaagad ako bukas ng hapon para makipag kita kay Hugh at para makausap ko ito tungkol sa deal.
Mabilis akong nag reply sa text ni Kuya Luke.
"I'll be there."
Bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ay sumilip muna ako. Baka kasi nag-aabang ang mga lalaking 'yon sa paligid. Mahirap na at wala akong mahihingan ng tulong at walang makakaalam ng mangyayari bukod sa CCTV cameras sa mga hallways dito sa school.
Mas maganda kasing mag expect ng unexpected para mas maging handa sa mga posibleng mangyari.
Nang makita kong walang lalaki sa paligid ay saka pa lamang ako naging kampante na maglakad papunta sa stairs. Dito kasi sa third floor naka locate ang aking kwarto. Kaya naman medyo matagal bago ako makababa sa ground floor.
Muli akong nagtago sa pader at sinilip kung may lalaki sa paligid.
Ang building na ito ay para lamang sa dorm ng mga babae. Hindi ko alam kung bakit o paano nakapunta ang mga lalaking 'yon dito sa second floor.
Ang dorm naman ng mga lalaki ay katabi lamang ng building ng babae kaya siguro dapat na akong masanay kung sakali mang may maligaw na lalaki rito.
After the breathtaking walk ay sa wakas naka apak na rin ako sa ground floor. May ilan narin akong mga nakakasalubong na estudyante. Karamihan sa kanila ay babae. Kaunti pa lang ang lalaki and thank God hindi sila miyembro ni Damon.
Dumiretso ako sa pinaka malapit na daanan papuntang parking lot. Kaagad kong naaninag ang black BMW Alpina B7, isa sa paboritong sakyan ni Kuya Luke.
Naka ngisi akong tumungo doon.
Habang ako'y papalapit ay bumukas ang pinto at nakita ko si Kuya Luke na naka shades at black tuxedo.
Hmm... Business again.
"Meeting?" tanong ko
Tinaggal niya ang kanyang shades na nagsusumigaw na 'RayBan'. Rich kid ang peg na naman nito. Well, bakit nga ba hindi pa ako nasasanay eh lagi ko naman 'tong nakikita na ganito.
Minsan naka Chanel special designed coats, Louis Vuitton bags, Gucci, etc. Fan ata 'tong lalaki na 'to ng fashion. Palaging updated sa mga latest design.
"Nope!" maligaya nitong sagot.
Tinaasan ko siya ng kilay at muling tinanong.
"A date?" nanunuri kong tanong habang nanlilisik ang aking mga mata.
Ni minsan kasi hindi ko pa ito nakitang umibig. Although, mahilig siyang makipag date pero hanggang doon lang 'yon at wala nang hihigit pa. Though, too bad for him that he lost this mysterious girl.
"Hey! What's with that look?" ani Kuya Luke habang tumatawa
"Wala! Tara na umuwi na tayo." Tamad kong sagot at dumiretso sa kanyang sasakyan.
"Aw! My baby girl is jealous." Panunukso ng mokong.
Matalim ko siyang tiningnan at nahuli ang kanyang pag nguso.
"Shut up, Luke Harold Interior. Mananakit ka nanaman at magpapaasa." I said coldly at tuluyang binuksan ang pinto para sumakay. Narinig ko pa ang pagtawa nito bago ko isinara ang pinto.
Inihatid ako ni Kuya Luke sa bahay at kaagad ding umalis. Siguro ay dahil meron nanaman itong pinupormahan.
Nag-gym muna ako habang naghihintay na maghapunan at naligo narin pagkatapos. I even checked all my social media accounts.
Surprisingly, my followers imcreased. Sobrang daming nadagdag.
Kinabukasan ay naisipan kong mag libot sa Greenbelt and it surprised me nang maka salubong ko si Hugh. Naalala ko na may ini-o-offer pala ito sakin na magiging isang malaking misyon para sa kumpanya.
I already think about that thing.
Nilapitan niya ako. Inutusan ko ang mga body guards ko na dumistansya muna.
"Don't forget the offer. Mamaya na 'yon." He coldly said.
Naka black leather jacket siya ngayon na nagsusumigaw ng brand na Valentino habang ang pang ilalim naman niyang damit na puti ay may malaking logo ng chanel sa gitna. Ang kanyang buhok ay naka hawi sa gilid at kumukupas na pantalon ang pang ibaba.
"Don't worry. I'll go." ngisi ko.