Chereads / Bullets of Past / Chapter 9 - Past is past

Chapter 9 - Past is past

Mabilis lumipas ang araw. Friday na ngayon at abala ako sa pag-aayos ng aking gamit. Balak ko sanang umuwi.

I already tried to call Kuya Luke so many times but he is not answering his phone.

Hindi pa kami nagkakausap ni Hugh simula pa noong binanggit niya sa akin ang deal. At kapag naman nakakasalubong ko ito ay matigas ang kanyang leeg at ni-minsan ay hindi ako tinangkang lingunin.

Siguro nga ay binibigyan niya ako ng time na makapag isip.

Well, I've already decide what to do about that. Hindi ko lang alam kung tama o mali ang desisyon ko.

Weird pero kaklase ko rin si Hugh sa isa kong subject.

As for Damon, I did what he ordered me to do; to stay away.

Iniiwasan ko ito hanggang sa abot ng aking makakaya. There are also times na nakakasalubong ko siya pero mas pinipili ko nalang na ibaling sa iba ang aking atensyon.

Nakikita ko rin ito minsan na nakatingin sa akin mula sa malayo. Pero tulad nga ng sinabi niya, I should stay away. Well, masunurin naman akong bata. And after all, I really hate war. Madalas matigas ang leeg ko kapag magkatabi kami o magkasama sa isang subject. I didn't even dare to look at him even just a glimpse.

Pakiramdam ko kasi kapag tumingin ako hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na baliin pa ang tingin na ibinigay ko. I don't even know why. Kaya minsan natatawa nalang ako sa sarili ko sa mga nararamdaman ko.

Para kasi siyang droga, nakakasira ng mata. Hala! Saan ko nahugot 'yon? baliw na siguro ako.

Inayos ko ang bed sheet. Mag-isa lang ako ngayon dito sa dorm. PE time kasi ngayon kaya wala si Ana. Ang alam ko ay may laban sila sa volleyball kaya walang masyadong tao ngayon dito sa dorm.

Kaya pinili kong mag-ayos nalang ng gamit para mamaya ay uuwi nalang ako.

Dinalaw ako ng pagod hustong matapos. I slowly lay in my bed and stare at the supporting bars beneath Ana's bed.

Habang nakahiga ako ay may isang ibon na pumasok mula sa bintana. I thought it's just some ordinary bird.

Pero nang mapansin ko ang hubog nito ay mabilis akong napa upo at halos pumakat sa pader kakaatras nang makitang patungo ito sa aking direksyon.

I immediately grab my pillow to hide behind it.

Ngunit bago pa ito tuluyang tumama ay bigla itong lumihis at dumapo sa lamesa.

Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ang ibon para paalisin sana ngunit napansin kong hindi ito isang ordinaryong hayop.

"A falcon?"

Anong ginagawa nito dito at papaanong napapadpad ito mismo sa aking dorm?

Sa pagkakaalam ko ay madalas itong ginagamit para makapag padala ng pangmalayuan na mensahe noong unang panahon.

Itim ang kulay nito. At hindi na rin ako nagulat nang maaninag ang isang naka rolyong itim na papel sa paanan.

Maingat kong kinuha ang papel. Noong una ay nag-aalangan pa ako dahil baka bigla nalang ako nitong tukain.

Ngunit hustong pagkahugot ko ay kaagad na itong lumibas palabas ng bintana. Sa sobrang gulat ay nabitiwan ko ang papel sa ere at bumagsak iyon sa lamesa.

Kinuha ko agad 'yon at napagtantong isa pala itong maliit na sobreng may nakatatak na isang pamilyar na logo.

It's too familiar but I'm more curious about what's inside the black envelope.

Walang pag-aalinlangan ko itong binuksan at kaagad na nanlaki ang mga mata sa mensaheng naka paloob rito.

"Elle Sophia Interior"

Tiningnan ko ang likuran ng papel pero wala nang iba pang nakalagay doon. Tanging ang pangalan ko lang!

Kunot noo akong tumungo sa covered court ng volleyball. Luckily, the game has just begun.

Si Ana ang captain ball ng Team A habang si Jane naman ang sa Team B. Malakas ang hiyawan ng mga tao nang magsimulang magserve si Ana. Mabilis agad itong naka puntos dahil sa service ace.

Hindi parin ako natitinag kakaisip kung saan nanggaling ang letter na 'yon. May parte ng sistema ko ang nagsasabing baka si Damon ang nagpadala non okaya naman si Hugh, na ipinapaalala sa akin ang tungkol sa deal. May parte rin na nagsasabing love letter lang 'yon o isa sa pakulo ng school para sa mga baguhan.

Nilingon ko ngayon si Damon na nasa di kalayuan. Seryoso itong nanunuod habang may babae na naka upo sa hita at hinahalikan ang kanyang leeg. Minsan ay abala ito sa pakikipagkwentuhan sa mga miyembro niya.

May ibinulong din si Owen na nagpatawa sa kanya.

Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa laban na ngayon ay patuloy ang pag-iinit.

Si Jane ngayon ang service kaya naghihiyawan ang mga lalaki sa aking likuran.

Jane's fair skin is glowing like a snow. Her lips are pouty and naturally redish. No wonder why she's popular.

Mabilis na ni-receive ng team ni Ana ang bola at pinasa ere. Tumakbo si Ana mula sa outside ng court at binangag ang bola.

Pumunta ang bola sa stopper. Hindi 'yon kinayang saluhin ng stopper kaya naman napunta sa Team A ang score.

Na-inip ako sa sumunod na set dahil tila napanghihinaan na ng loob ang mga players. Patuloy ang Team A sa pag score habang ang Team B naman ay parang mga pagod na.

Saktong kumalam ang aking sikmura kaya naman naisipan kong umalis muna at dumaan sa banyo bago magpunta ng canteen.

Tumayo ako at kaagad na naaninag ang pagtingin ni Damon sa aking direksyon. Seryoso at nanunuri ang kanyang mga mata habang ang ulo ay nakatagilid. May ibinubulong sakanya ang nakakandong na babae sa hita pero iniilingan lang nito.

Walang lingon akong bumaba ng bleacher.

Some men even stands up and offer their hands. Tinanggihan ko lamang ang apat na mga lalaking galing pa sa magkakaibang course bago mabilis na tinungo ang banyo.

Walang tao sa loob kaya naman kumportable akong makapag-aayos. Naglagay ako ng kaunting polbo sa aking mukha at lip balm para sa aking labi.

Naramdaman kong bumukas ang pintuan kasabay ng mabibigat na yapak.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-aayos ng aking buhok.

I was busy planning what to do this weekend until I saw Damon's reflection in the mirror.

My jaw hanged in the air as I accidentally pushes my lip balm, leaving it in a bouncy state and making it fall on the floor.

"B-ba't nandito ka?!" gulat kong tanong

Tinagilid niya ang kanyang ulo. Lumitaw ang mga kiss mark sa kanyang leeg. Nakatingin sa akin ang kanyang malalalim na mga mata. Mas kita ngayon ang pagka gray nito kumpara noong nasa Boy's locker room kami.

"Bakit masama ba? I can do what I want." malamig niyang balik sa akin.

Suminghap ako at yumuko para kuhanin ang lip balm na gumulong patungo sa kanyang sapatos.

"Yeah, whatever." malamig kong sambit habang inaabot ang lip balm

Bigla niya itong tinapakan kaya naman nilingon ko siya ng marahas.

"Alisin mo nga 'yang paa mo!" sabi ko sa iritadong tono habang hinahampas ang kanyang binti.

Kinagat niya ang kanyang labi bago nagsalita.

"Easy girl. I can almost see your cleavage from here." Ngumisi siya

Bigla kong sinilip ang aking dibdib at kaagad na nahiya at iniharang ang mga kamay para hindi masilipan.

Mabilis na nag-init ang aking mukha nang makitang halos lumitaw ang aking buong pagkatao.

Nahihiya akong tumayo at nag-iwas ng tingin. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pag ngisi niya.

Kinagat ko ang aking labi. Wala akong panahon para makipag away sa isang 'to.

But wait...Isa narin siguro ito sa first step kung sakaling tanggapin ko ang deal. Ang una ay mapalapit sa kanya kahit na pinapalayo niya ako.

"Your face turned red. Is there something wrong?" tanong niya na may halong pang-iinis sa tono.

Hindi ko siya nilingon. Nagtitimpi ako na baka masapak ko nanaman ang isang 'to.

Teka bakit ba nandito 'tong lalaki na 'to? Ano nanamang problema nito? Tss. Bwisit talaga.

Bigla niyang inalis ang sapatos na nakatapak sa aking lip balm at pinulot.

Ang akala ko ay ibibigay niya sa akin. Pero hanggang akala lang pala ako. Pinaglaruan niya ang lip balm sa pamamagitan ng pagpapasaere at pagsalo.

Sinubukan kong bawiin 'yon pero umilag siya. I pouted.

Huminga ako ng malalim. Nagpipigil sa mga bagay na posible kong gawin. Patuloy lang niyang pinaglaruan ang aking lip balm na para bang bata na namamangha sa tuwing nasasalo.

"Bakit ba nandito ka?" tanong ko na may halong tabang sa boses.

Patuloy ko lang siyang pinanonood sa ginagawa niya habang naka kibit balikat.

Hindi ko maintindihan kung bakit sinabi sa akin ni Hugh na involve siya sa ambush. Well, malalaman at malalaman ko naman kung totoo o hindi.

"Wala lang. Nagpapa-pansin." malamig niyang sagot habang nakatingin sa lip balm na pabalik-balik sa ere.

"Nagpapa-pansin saan?" nakakunot-noo kong tanong.

Tumingin siya sa akin at itinigil ang ginagawa.

"Sa'yo" matipid niyang sagot

Kung ano-anong reaksyon ang nagawa ng aking kilay ko sa sagot nito. Naguguluhan na natatawa naman ang mukha ko.

Napailing ako sa kawalan at napanguso. Pinipigilan na matawa sa narinig. It actually took a little moment until my mind finally process what he just said.

"Me? Really? bakit sakin?" sinikap kong hindi matawa. Hindi ko alam kung bakit pero mula sa pagka bad trip natawa nalang ako ng bigla sa sinabi nito.

Sumandal siya sa poste ng cubicle at nag-kibit balikat.

"Hindi ka kasi namamansin." Pamuryot na sagot nito habang naka nguso sa kawalan.

Oh yeah! what the hell, Damon?! Anyare? Looks like you forgot what you just told to me that day.

"Ano naman ngayon? Eh ikaw naman ang nagbanta na layuan kita." tinaasan ko siya ng kilay at nagpatuloy "And where is the Damon the demon they called?" humahalakhak kong tanong

"Heto sa harapan mo malapit nang mabwisit. For God's sake, Elle! Be serious! Past is past okay??? Okay?" hysterical niyang sinabi

Now I'm the one who laughs like a demon here. Tumalikod ako habang humahagikhik. What, Elle? Why are you laughing?

Humarap ako sa salamin at hinablot ang aking bag para kumuha ng powder. Natatawa parin.

Kitang-kita ko ang mukha ko sa salamin na ngayon ay pulang-pula sa hindi malaman na dahilan.

Tiningnan ko ang repleksyon ni Damon sa salamin. Nagbalik na ang seryosong pigura ng mukha nito.

So easily triggered naman this guy.

Narinig ko ang tilian at sigawan ng mga tao sa labas at kaagad na kinabahan na baka may makakita sa amin dito sa loob ng CR.

"Lumabas ka na at baka may makakita pa sa'yo dito, akina rin 'yang lip balm ko." sabi ko at nagseryoso narin.

Narinig ko ang pagbulong nito ng mura sa isang tabi. Hindi ko alam kung bakit ganito siya.

Hinarap ko siya at inilahad ang aking kamay para kuhanin ang lip balm. Umirap siya at tamad na inihagis sa akin ang lip balm bago umamba palabas ng pinto.

Huminto siya sa harap ng pinto at nagsalita.

"I.... I understand kung masama ang unang impresyon mo sa akin. But I... I just want to say sorry. Hindi talaga ako ganoon sa mga babae. Na-high blood lang talaga ako sa'yo." ani Damon at lumabas nang tuluyan.

Naiwan ako sa loob ng banyo na gulat at naguguluhan sa ikinilos nito.

Sign na ba to na dapat ko talagang tanggapin ang deal ni Hugh? Magiging madali lang ba?

What?

Wait!

Ang gulo!!