Chereads / Bullets of Past / Chapter 11 - Someone's scandal

Chapter 11 - Someone's scandal

Kaagad din umalis si Hugh pagkatapos niyang sabihin ang bagay na 'yon. Huminga ako ng malalim at napag-isipang umuwi na lang.

Pagkauwi ay kaagad kong hinalungkat ang cabinet ko para maghanap ng dress na gagamitin.

Pinili ko ang kulay Violet na Bling Sequin Dress. Galing pa ito sa ibang bansa at ngayon ko pa lang masusuot.

Violet ang bag na ipapareha ko at mag cu-curl ako mamayang buhok. Maybe a black stilettos will do. I like fashion though...

Nang sumapit ang alas sais ay naghanda na ako. May ilang text message din akong natanggap mula kay Ana at Joy.

Gusto nilang um-attend ako ng party para makabawi sa biglaan kong pag-alis kahapon nang hindi man lang nagsasabi.

7 pm ang pormal na pagsisimula ng party kaya naman dapat five to ten minutes before ay naroon na ako.

Althought tinatamad at gustong-gusto kong magpahinga nalang sana, ay wala akong magagawa.

Sinimulang kong ihanda ang hair curler at ilang mga kagamitan na makatutulong para ma-protektahan ang aking buhok sa pagkasira.

Nang mainit na ang curler ay kumuha na ako ng tikas ng aking buhok at ipinaikot roon.

Pagkatapos ay naglagay ako ng kaunting blush-on bago tinutukan ang aking mga mata. Smokey ang ginawa kong make-up habang ang aking labi naman ay ginamitan ko ng classic red lipstick.

Ilang accessories pa ang aking inilagay sa aking katawan bago ako lumabas at tumungo sa sasakyan.

Naabutan ko si Kuya Asher na naka upo sa sofa habang may hawak na kape.

Nagkatinginan kami. Isang mapanantsang titig ang iginawad nito sa akin.

I raise my eyebrow and give a mockig smile.

"Where are you going?" tanong ni Kuya Asher

"School. I have a very important thing to do." Sagot ko at nilagpasan ito.

"Like what?" tanong niya.

I stopped. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtayo nito.

"Club. May kakausapin lang ako. I'll bring my car para uuwi nalang ako okaya doon nalang ako matutulog sa dorm." Paliwanag ko bagot ito nilingon.

"Be careful. Don't drink liquors it's harmful to your kidneys."

Ang namumuong kaba sa aking dibdin ay naglaho nang makita ko ang makahulugang ngiti ni Kuya.

Tumango ako at naglakad na palabas ng double doors.

Pinatunog ko ang aking pula na sasakyang nagsusumigaw na Jaguar F Type- R.

I can't help but roll my eyes really hard every time I remember how Kuya Luke bought this for me.

Nag-iisa lang ang aking sasakyan hindi katulad ni Kuya Luke at Kuya Asher na marami ang sasakyan at mga nagsusumigaw ng yaman.

Well, hindi ko sila masisisi dahil isa sila sa naghirap para lang maging successful ang negosyo ng aming pamilya.

Sumakay ako at kaagad itong pinaandar.

Medyo malayo ang school ko kaya naman medyo binilisan ko ang pagmamaneho. At isa pa, baka ma-late rin ako sa opening ng party.

Mabilis naman akong nakarating dahil walang traffic at kaagad na tinungo ang parking lot.

Nang bumaba ako ng sasakyan ay kaagad akong nilapitan ng gwardiya.

I removed my sunglasses.

"Yes po?" tanong ko

"W-wala po. Akala ko hindi ka taga rito." Paliwanag nito.

Tumango ako at ngumiti.

Papunta na ako ngayon sa likod ng building ng dorm namin. Ito kasi ang itinuro ng gwardiya na daan papunta sa club.

May ilan akong nakakasalubong na third year at fourth year na couple.

Hindi ko rin naiwasang ikumpara ang aking damit sa mga naka salubong ko. Mas wild ang sakanila. Halos wala na kasing takip ang pangharap nilang damit maging ang likuran.

Umiling ako at lumiko. Kaagad akong niyakap ng malamig na hangin. Nasa likod na ako ngayon ng dorm namin. Kaharap ko ang manggahan.

Nagtataka kong inilibot ang aking mga mata. It's like I'm looking in a forest. Puro puno at napaka dilim ng paligid. Nasaan ang club?

Naglakad lakad pa ako sa pagbabaka sakaling nandito lang 'yon sa paligid.

The squeaking of leaves is making me shiver. Walang bakas ng club akong nakita.

Huminto ako at nagdalawang isip kung tutuloy pa ako sa aking ginagawa. Hindi ko kasi kabisado ang buong campus kaya baka kapag ipinagpatuloy ko pa ito ay baka mawala ako.

I was in the verge of breaking down until I saw Owen nearby. May kasama itong meztizang babae na naka pulang dress.

Kaagad niya rin akong namataan. Huminto siya sa paglalakad bago iniwan ang kasamang mestizang babae para lang lapitan ako.

"Oh men! Is that you, Elle?!" namamangha nitong tanong at inikutan ako.

Tumawa ako.

"Yes, why?" tanong ko

Matapos ang pag-ikot ay huminto siya sa aking harapan. Dala parin ang namamanghang ekspresyon sa mukha.

"Damn that drop dead gorgeous body!" namamangha parin ang kanyang tono

Napatingin ako sa kasama niyang mestizang babae na ngayon ay nakakibit balikat at mataray na naka tingin sa akin.

"L-leche! May pa drop dead gorgeous body kapang nalalaman jan! Mataba kaya ako kumpara sa mestizang kasama mo" nilingon ko ang kasama niya na ngayon ay gulat at namumula.

Ibinalik ko ang aking tingin kay Owen na ngayon ay nakatingin sa kasama niya habang kagat ang kanyang pang-ibabang labi.

'OH MY G! ang hot ni Owen' bulong ng isip ko.

Tumikhim ako at nagsalita.

"Ah.. sige! Mauna na ako sa club---teka saan ba 'yong daan papuntang club?" tanong ko

Nilingon ako ni Owen.

"Diretso ka lang diyan sa manggahan at may makikita kang pathway at mga lights." Ani Owen

"Sige! Mauna na ako!" sabi ko at mabilis na lumayo sa dalawa.

Hindi pa ako nakakalayo ay muli ko silang nilingon. Nakita kong marahan na hinihila ni Owen ang kanyang kasama pabalik.

Hindi ko na sila pinansin at kaagad na tinungo ang manggahan. Diretso lang ang aking lakad dahil hindi ko alam kung saan talaga ang daanan. Medyo matagal rin akong naglakad sa loob ng manggahan kaya nagulat ako nang bigla kong makapa ang isang malaki at madulas na bagay.

Kinilabutan ako at bahagyang napaatras.

Ano kaya 'yon?

Muli akong humakbang para lapitan ang bagay na 'yon. Nakapa ko ito pero this time malakas na ang aking loob na itulak ito.

Nang itulak ay bumungad sa aking paningin ang pathway na may red lights sa gilid at mga kumikinang kinang na lights sa sanga ng manga.

Namangha ako sa nakita at awtomatiko ang paglaglag ng aking panga.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa namataan ko ang isang makapal na usok sa di kalayuan.

Ngumisi ako. Sigurado akong isa nanaman ito sa pakulo ng school.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang unti-unting pagkapit ng lamig sa aking braso...

It's a dried ice. Sabi ko na nga ba isa itong pakulo.

Unti-unting kumapal ang usok. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa isang nakasisilaw na ilaw ang dumaan sa aking mga mata. Napapikit ako.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at napagtantong nasa harapan ko na pala ang club.

Maingay at mausok ang loob ng club. Maraming nagsasayaw sa dance floor habang wild naman ang tugtog.

Naglakad ako sa gitna ng baha ng tao sa loob. Hindi ko alam kung saan ko hahagilapin si Hugh.

Wild ang mga tao dito sa loob ng club. Well, I expected it. After all iba na ang generation ng mga teens ngayon.

Amoy ng sigarilyo at alak ang aking nahahagilap sa pagdaan sa dance floor.

Napatingin ako sa isang magkapartner na magkadikit ang katawan at naghahalikan.

Umirap ako sa kawalan at nilagpasan ang mga ito.

Nang makalagpas na ako sa baha ay kaagad kong nahagilap si Hugh na nakaupo sa isang sofa katabi ang mga hindi kilalang lalaki na masayang umiinom ng shots ng alak.

Malalim at blangko ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.

Kaagad akong tumungo sa kanya.

Tumuwid siya sa pagkakaupo nang makitang papalapit ako.

"Hi! Sorry medyo na late ako." Bungad ko

Umiling siya. "Yeah. Five minutes late. Sit here." Malamig nitong utas at marahan na inilahad ang espasyo sa kanyang tabi. Tumango ako at umupo roon.

Inayos niya ang apple na laptop sa aming harapan. Mabilis na nagflash sa screen ang litrato niyang naka topless habang ang background ay ang sunrise. Hindi ko naiwasang hindi mapatingin sa abs niya na perpekto ang pagkakaguhit.

In-open niya ang isang isang file na may naka caption na "Black file". Marami ang nakalagay na file sa loob noon.

Isa pang file ang kanyang in-open na may nakalagay ng "soon".

Mabilis na nag flush sa screen ang simbolo ng chess na may naka title sa gitna na 'Do or Die'. Napalunok ako sa aking nabasa dahil naalala ko roon ang kahapon.

"Before we start this, I just want to ask what your answer to my offer is. If you are going to accept it, then I want you determined. If not, then you are free to leave." Pormal nitong panimula.

Tumikhim ako at umupo nang matuwid.

"I want to know the details, conditions, needs, etc. Before I make decisions." Seryoso kong sagot sakanya.

Sa gilid ng aking mga mata nakita ko ang pag smirk niya.

Sa totoo lang ay wala na akong pakealam sa mga conditions o ano pa man 'yan. I just really want to find out if Damon and his clan are responsible sa ambush.

I'm willing to do everything just to find out the truth. I want justice so bad for my Mom. Oo, matagal akong nanahimik pero this time may kakayanan na akong gawin ang mga bagay.

"Well, it's up to you naman kung anong klaseng flow ang gusto mong simulan. But one thing for sure..." seryoso ang kanyang tono.

I look at him seriously.

"There are levels 1, level 2, 3 and 4." pormal na muli ang kanyang tono

"What are those?" Tanong ko

Kinuha niya ang isang wine sa gilid ng kanyang laptop at sumimsim ng kaonti.

"Level 1. Maglalaro lang ang lahat sa kwentuhan at tawanan. Nothing involve at all. Only friends. Level 2, You'll be aiming for another level of friendship. A serious one but it's just pretend. No feelings involve. Only for the sake of the deal. Level 3, 1 and 2 are into it, but it involves diferent affection such as kissing and hugging. Still, no feelings are involve..." hindi niya itinuloy ang sinasabi. Nagsalin siya ng beer sa isang baso at pinangalhatian bago kaagad na nilagok.

Nanatili akong tahimik at naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

Tumikhim si Hugh bago nagpatuloy.

"Finally, the level 4. The intense level. You are giving your whole self for the sake of the deal. You are willing to do everything even the worsts. You are going to give your life in order for you to know the truth. The persons behind that ambush. You are risking everything. You are focused and your goal is to give your mother's death a justice." Matigas ang bawat kataga ni Hugh na siyang nagpaalab nanaman ng galit sa aking puso na matagal ko nang kinalimutan.

Nakatingin ako sa isang shot glass sa aking harapan. Gusto ko itong ibalibag sa kung saan.

Mabigat ang pakiramdam ko. Gusto kong sumigaw pero pinipigilan ko ang aking sarili. Not now. I can't have this kind of feeling. I have no right. I still don't know what's their side. But I don't care. I'll do everything whatever it takes. I'll find a way. A hole. And If ever na walang way out, sasadyain kong magdala ng isang patalim at gumawa ng isang butas palabas.

"That's all?" tanong ko kay Hugh

I've already made my decision. I don't need to choose. I will start at 1 and reach the 4, if needed.

Nagkibit balikat siya at may pinindot sa kanyang laptop.

Mabilis na nagflash ang imahe ni Damon na kausap ang mga hindi kilalang lalaki. Nakikipagkamayan ito.

Tumaas ang aking kilay.

"What's with that photo?" iritado kong tanong kay Hugh

Tumawa siya bago nagsalita.

"Look at his hand" ani hugh at sabay pinindot ang mouse.

Nag-zoom ang picture sa kamay ni Damon. Nakita ko ang isang puting sachet. Noong una ay naguluhan ako. But I realized that it was a drug.

Noong bata ako ay inakala ko iyong asukal pero ngayon hindi na ako maloloko nito. Kabisado ko na ang itsura nito. Isang tingin ko palang ay alam ko na.

"A drug. Bakit hindi mo ibigay ang litratong ito sa pulis?" tanong ko at nilingon ang paligid para maghanap ng waiter para makahingi ng shots ng whiskey.

"No way. We are higher than the government. We don't need them. They are just a piece of sh*t. They don't know the word 'JUSTICE'. Well, it's just a sugar coated word. It doesn't exist in this world. Sa mundong ito hindi ka mabubuhay kung hindi ka magiging matibay." Medyo husky na ang pananalita ni Hugh. Siguro ay dahil narin sa napaparami na ang kanyang inom.

Hindi na ako nakaimik dahil sa mga pinakawalan niyang salita. That's it. If I'm going to accept the deal, then that means para ko naring tinabihan ang sarili kong hukay.

Dumaan ang isang waiter sa aming harapan. Kaagad ko itong tinawag.

"5 shots of whiskey-" pinutol ako ni Hugh

"And a beer, please."

Tumango ang waiter at kaagad na umalis. Umalis narin ang mga lalaki na ka table namin at sumugod sa dance floor.

Sumunod na nag flash sa screen ay isang video. Nanatili lamang ito na naka pause. Nilingon ko si Hugh na ngayon ay nakatingin sa akin.

"I want you to open your mind." Ani Hugh

Nanliit ang aking mga mata.

"Huh?" tanong ko

"Luke told me that you are innocent and doesn't know the word 'sex'" matabang ang tono ni Hugh

Pakiramdam ko ay sinampal ako ng mga salita ni Hugh. I can't believe Kuya Luke said that!

It's like... Like... What the hell?! Edi ibig sabihin na x-ray na ni Hugh ang pagkatao ko?

Oh my georgina! what would I expect. He's the CEO of an elite company.

"Sex... ah mga porn" tamad akong pumangalumbaba

Kinagat ni Hugh ang kanyang lower lip at saka umiling.

"Then watch this.. Bravely." Ani Hugh

Nag play sa screen ng laptop ang isang video. Medyo Malabo ito dahil mukhang nakuha ito mula sa malayo. Nakuhanan sa labas ng bintana.

Sa unang sampung segundo ay walang bakas ng tao.

Dumating ang waiter dala ang shots at isang alak.

Nang mailapag ng waiter ang isang whiskey sa aking harapan ay kaagad ko itong kinuha at nilagok. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagguhit nito sa aking lalamunan. Muli akong bumaling sa video.

Ngayon ay bumukas na ang pinto. Lumipas ang ilang segundo bago may pumasok doon.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong si Damon iyon kasama ang isang babae. Marahas na naghahalikan ang dalawa at ang sumunod na nangyari ay nag-aalis na ang mga ito ng pang itaas na damit.

Umiwas ako ng tingin.

"Stop it... I already know what will happen." Mariin kong sinabi kay Hugh ngunit hindi niya iyon ginawa.

"I want you to watch it." Malamig na sinabi ni Hugh

Me? Watching someone's scandal?! Gosh! Baka masuka ako sa tuwing makakasalubong ko ang taong 'yan. And for Pete's sake! Kaklase ko ang taong 'yan sa tatlong sunud-sunod na subject! Baka hindi ako makatulog nito pag pinanuod ko 'yan.

"Skip the video, Hugh" banta ko. Hindi parin nililingon ang laptop.