Umalis din kaagad si Hugh nang masabi ang mga nalalaman nito. Naiwan ako sa table na nag-iisp. Iniisip kung tama ba na harapin ko siya 2 weeks from now.
Naiintindihan ko rin ang galit niya pero pakiramdam ko tama lang ang gusto niyang mangyari. Gusto ko rin 'yon malaman. Gusto kong malaman ang katotohanan.
Nagbabaka sakali ako na sana ang planong 'yon ang makakasagot sa mga tanong ko mula pa noong ambush.
Tulala akong bumalik ng dorm. Naabutan ko si Ana na kinukusot ang kanyang mga mata. Kagigising pa lang yata.
"Oh? Kanina ka pa gising? Teka anong oras na ba..." ani Ana at hinagilap ang wall clock. "5:52.. " pansamantala itong natulala.
Mabilis kong kinuha ang twalya na na nakasabit sa likod ng pintuan bago tamad na tumungo sa banyo.
Pinaandar ko ang shower at pinanuod ang unti-unting pagpatak ng tubig sa maliliit nitong butas. Malamig na tubig ang siyang gumapang sa aking balat.
Buong oras na nasa loob ako nang banyo ay puro 'yon lang ang tanging umiikot sa aking isipan.
Tatanggapin ko ba? Hindi ba masyado namang mababaw ang mga kadahilanan? Kapag tinanggap ko ba magiging maganda naman ba ang kahihinatnan ng lahat? Hindi ba masyadong mapanganib kapag ginawa ko 'yon? Magbabago ba ang takbo ng lahat? Makakatulong ba talaga ako? Kakayanin ko ba? Malalaman ko ba ang katotohanan?
Siguro nga may mga desisyon talagang mahirap pagpasyahan kung tatanggapin o hindi. Pero paano kung ito pala talaga ang nakatadhanang gawin? Dapat ba hangga't maaga ay maghanda na ako? Pero bakit pakiramdam ko napaka big deal nito sa akin.
"Elle, huy!. Ma le-late tayo pag hindi ka pa natapos diyan. Bilisan mo." sabi ni Ana mula sa labas ng pinto.
"S-sige!" sigaw ko at kaagad na hinablot ang towel.
Lumabas ako ng banyo at naabutan si Ana na nagsusuklay sa harap ng salamin. Nilingon ko ang wall clock sa gilid ng pinto ng banyo at napag tanto na naka isang oras at higit na ako sa loob. Isang oras nalang ang nalalabi bago magsimula ang klase namin.
Mabuti nalang at mabilis natapos si Ana sa paliligo kaya naman nakababa agad kami papuntang canteen. Naabutan namin sila Desteen na sumisimsim sa mga kanya-kanyang kape.
Umupo kami sa dalawang bakanteng upuan.
Di pa man ako nakaka-ayos ay nagpipigil na ng tili si Joy sa topic.
"Grabe! Nag wish ako kagabi sa shooting star na maging kami ni Damon!!" kinikilig na utas ni Joy
I can't help but roll my eyes really hard.
Ke-aga-aga love life ang iniisip.
"Eh wala ka sakin. Ako nag wish na maikama ni Damon." pagyayabang pa ni Ericka
Jusko naman.
"Eh mas wala kayo sa akin." nagkibit balikat si Irish.
"Ano nanaman?!" iritadong tanong ni Ericka
"Simple lang. Nag wish ako na pakasalan niya ako at patayin niya ako sa pagmamahal" sabi ni Irish at binelat-an si Joy at Ericka.
Lumagapak naman kakatawa si Ericka at pagkatapos ay nagkomento sa sinabi ni Irish.
"Eh sino ba kasing nagsabi na buhay ka pa-- hahah!" tumatawang sambit ni Ericka na nagpatawa sa lahat.
Habang sila'y nagtatawanan ay hindi ko naiwasang hindi maalala ang sinabi sa akin ni Hugh kanina.
"I have a deal" ani Hugh
Awtomatikong kumunot ang aking noo.
"What deal?" matigas kong tanong
Nagkibit balikat siya at nagpakawala ng isang malalim na hininga.
"A deal to make him feel how it feels to be betrayed by someone you love ... only you can do that." seryoso nitong utas.
Tinaas ko ang isa kong kilay at bahagyang itinagilid ang ulo.
Bakit ako ang gusto niyang gumawa nito gayong napaka dami namang babae na mas may kakayanang gawin ang bagay na iyon?
"What do you mean?" tanong ko
"I want to make a deal." he let a mocking smile out. "An offer." determinado nitong sagot
Nanliit ang aking mga mata. I'm wondering why he suddenly run unto me just to offer this kind of stuff.
"Ano 'to business? No way, I'm out. I'm not good when it comes to businesses." diretso kong sagot sa kanya.
Humilig siya sa pagkakaupo. Malalim parin ang mga matang nakatitig sa akin ng diretso.
"Oh men. You're the daughter, the one and only girl of the Interior's. Your parents are one of the biggest tycoon in Asia."
My jaw dropped.
"So how come na hindi ka marunong mag handle?" bigo ang ekspresyon ng kanyang mukha pero nananatili parin ang determinasyon sa kanyang boses.
Kinagat ko ang aking labi at umiwas ng tingin. Para akong sinampal ng realidad sa narinig.
He's actually right. Wala akong alam sa business namin. Hindi ako marunong maghandle. Parati kasing sila Kuya ang sumasalo kapag magbibigay sa akin si Dad ng task. My older brothers specially Luke, is not letting me hold anything about our business. He said he wants me to enjoy my life.
"How'd you know about my family? Our business?" tanong ko. Hindi makatingin.
"Oh.. And you also don't know who I am. Your company and ours are one of the closest company. We empower yours and yours empowers ours. I am the one who runs the company named "Black Ops Assassination Company" preskong boses nito.
Napalunok ako. 'Yon ang isa sa pinaka mapanganib na business sa buong mundo. I know because Kuya Asher often say its name everytime na may family dinner kami.
Hindi ito kilala ng isang ordinaryong tao at tanging matataas lamang na mga tao ang nakakaalam sa existence nito. Sa kanila rin nanggaling ang mga body guards at secret agents ni Daddy. Lahat ng agents nila ay mga certified na veterans at ni minsan ay hindi pa pumalya.
Ang kumpanya naman namin ang nag su-supply ng mga high powered guns na ine-export pa mula sa factory namin sa ibang bansa.
Aaminin kong noong una ko lang narinig ang kanyang pangalan ay nakaramdam ako ng pagiging pamilyar sa kanyang apelyido na nabasa ko ata noon sa isang clear folder sa desk ni Daddy.
"I know nothing about businesses. That's why I don't know who you are. I didn't even notice that you are the big boss because you didn't even fight back that day you and Damon fought. All I know is that you're an ordinary person who received too much punch from Him." tumingin ako sa kanya at napansin ang paglamig ng kanyang ekspresyon nang ipasok ko nanaman si Damon sa usapan.
"I didn't know that he's part of that gang. If I only know baka isinama ko na ang lahat ng agents ko at ipinabugbog na 'yong lalaking 'yon" matabang ang kanyang tono habang sinasabi ang mga salitang 'yon.
"Yeah, right" wala sa sarili kong sinabi
"And I found out something that you will never want to remember in your whole life. The day you really wished to know who are the people... or 'person' behind that ambush." seryoso nitong pagpasok ng panibagong topic.
Napatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Ang galit ay bahagyang nag-alab sa aking puso.
I know what he's trying to point out.
Unti-unti kong itinikom ang aking bibig. Nanunuyo na ang aking lalamunan. Bumibilis na rin ang aking paghinga. Pero kinakaya ko parin na ikalma ang aking sarili.
Gustong-gusto kong magsalita at tanungin siya kung anong alam niya.
At hindi ko rin alam kung anong magagawa ko kapag nalaman ko kung sino ang taong may pakana ng lahat ng iyon. Ilang taon ko narin kinalimutan at itinigil ang paghahanap kung sino ang mga tao sa likod ng ambush.
Tinitigan ko lamang si Hugh ng walang imik.
Muli ay nagbuntong hininga ito at nagsalita.
"Damon is also involved in that ambush." Isang pangungusap na nagpa-alab ng galit na nararamdaman ko.
Ibinukas ko ang aking bibig at nagtangkang magsalita ngunit nanatili lamang 'yon na nakaawang at nanginginig.
I... I don't ... What?
Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong nagtangka ngunit wala paring lumabas na salita.
Gustong-gusto kong magtanong. Napaka daming tanong na nabuo sa utak ko matapos niyang sabihin na involve si Damon sa ambush. Madami akong gustong sabihin ngunit isang salita lang ang nasabi ko.
"Paano."
"Alam ko kasing nasa tamang edad ka na rin para malaman and I don't care kung maniniwala ka o hindi dahil ngayon lang tayo nagkakilala." seryoso nitong utas
Wala na akong ibang naisip. Tanging ang mga kataga niya lang ang nanatili sa utak ko. Hindi ko alam kung joke lang ito. Pero ang impact sa akin ay napaka seryoso. Wala na akong time para magpaliguy-ligoy pa. Gusto kong malaman ang deal. Hindi na ako magtatanong pa sa kanya kung paano niya nalaman at nasabi ang bagay na 'yon.
"What's the deal?" seryoso kong tanong.
"Ang kilalanin si Damon John Ortega at ang misteryo sa likod ng kanyang pangalan. And for you to be able to discover the truth of who are the people behind that ambush." determinadong sagot nito sa akin.
My arms shivered with what he said.
"Anong gagawin ko?" malamig kong tanong
"I'll tell you if you accept my offer officially. But I'm not going to ask what your answer is. For now, I will be giving you 2 weeks to think about it because it will going to be the biggest task for the company." aniya at tumayo
"When?"tanong ko
"Saturday night at the club of this school." aniya at umalis
"Huy Elle, kanina ka pa tulala dyan? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Ericka na nakapagpabalik sa aking isipan sa realidad.
Umiling ako at nagsalita.
"Wala. Naiimagine ko lang na narinig kayo ni Damon na pinagpapantasyahan niyo siya tapos totohanin niya." palusot ko
"Tapos ano???" kinikilig na tanong ni Irish
"Tapos papatayin kayo pagkatapos." nalugi ang mga mukha nila sa sinabi ko kaya naman natawa si Ana. I can't help but laugh too.
I guess, this is going to be a new black file kapag tinanggap ko ang deal.
Deal na isasakripisyo ko ang buhay ko malaman lang ang katotohanan at ang kung ano ang nasa likod ng pangalan ni Damon.