Chereads / Bullets of Past / Chapter 6 - Damon the Demon

Chapter 6 - Damon the Demon

Bago ako tumungo sa locker ng mga lalaki ay tinungo ko muna ang amin. Nasa harap ko ngayon ang locker ko. Nag-iisip ako kung paano ko sisimulan ang apology kong gagawin. I want it to look decent and formal. Ayokong maging bastos at wala rin akong plano na makipag sagutan. Handa akong tanggapin ang masasakit na salita pero hindi ako handang tumanggap nang masakit na suntok. If ever na may natitira pa sa kanya na pursyento ng pagiging gentleman.

Pagkabukas ko ng locker ay tumapon sa aking harapan ang sangkatutak na sobre. Ang karamihan ay kulay pink. Ibinaba ko sa bench ang bag ko bago ako lumuhod para pulutin ang mga letter. Nakuha ng atensyon ko ang isang letter na doble ang kapal kumpara sa mga ordinaryo na mga kasama nito. Mayroon pa itong nakalagay na 'I love you' sa harapan. Natatawa akong umupo para basahin 'yon.

Pagkabukas ko palang ng letter ay isang kulay asul na paru-paro ang lumipad, natawa ako nang dumapo 'yon sa aking kamay.

Inabot ako ng halos isang oras sa kakabasa ng mga letter. Nakararanas naman ako ng mga ganitong scene pero feeling ko malala ngayon dahil una't higit sa lahat ay first day ko palang dito sa school.

May ilan na namangha sa ginawa ko kay Damon at ang iba naman ay natatakot na daw sa akin at may ilan rin na nagsasabing nakaka love at first sight daw ako. Sa sobrang libang ko ay nawala na sa isip ko ang puntahan si Damon.

Naalala ko nalang nang makalabas ako ng locker room. Medyo madilim na kasi kaya mabilis kong tinungo ang panglalaking locker room. Napansin kong may iilan nalang ang lumalabas mula sa kwartong 'yon.

Naisip ko tuloy kung nandoon pa si Damon. Hindi ko rin naman alam kung saan siya hahanapin kaya tinungo ko na muna ang locker room.

Kinakabahan akong lumapit sa pinto. Hindi ko na muna ito binuksan para mapakiramdaman ko kung may tao pa o wala. Alam ko rin kasi na delikado para sakin ang pumasok dito dahil hindi ko alam kung makakalabas pa ako dito ng buhay. At isa pa sino ba naman ang makalilimot sa nagawa kong eksena kanina.

I slowly placed my rght ear on the door. As I expected, there's no noise at all.

Tahimik sa loob kaya unti-unti kong binuksan ang pinto. Amoy ng sigarilyo ang bumungad sa akin.

Nagkamali ako sa pag-iisip na walang tao dahil meron at napaka dami pala nila!

May mga lalaking nakasandal sa pader at ang iba ay nakikipag halikan sa kasamang babae.

May tatlong naka upo sa bench na naka topless at naka bulagta ang mga guhit na matagal nilang pinaghirapan. Sa gilid ng pinto ay naka sandal si Owen habang kagat ang kanyang sigarilyo.

Tinaasan ako nito ng kilay bago tinuro si Damon na ngayon ay nakahiga habang ang mga braso ay nakatakip sa mga mata.

Unti-unti akong humakbang papasok.

Dama ko ang malamig na titig sa akin ng lahat. Tahimik at tanging ang yapak lang ng aking sapatos ang gumagawa ng ingay. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nawalan na ako ng dugo at namanhid.

Huminto ako sa harap niya.

Naka earphones siya at natutulog.

Biglang nagsalita si Owen.

"Dude, ayan na siya. Kusang lumapit." Nilingon ko si Owen na ngayon ay humahakbang palapit sa amin.

Sa gilid ng aking mata napansin ko ang paggalaw ni Damon. Nilingon ko ito at nakita ang malalalim niyang mga mata na diretsong nakatingin sa akin. Umayos ako ng tayo at hinarap siya.

"I-I'd like to apo---" naputol ako sa biglaan niyang pagsigaw

"All of you! Get out of this room! Now!" galit nitong utas

Napatingin ako sa kanyang panga na nagtatangis. Huminga ako ng malalim habang pinakikiramdaman ang isa-isang paglabas ng mga tao na nagpapahinga dito sa locker room. Ilang singhap ang narinig ko sa mga lumabas. Maging si Owen ay lumabas din hanggang sa kami nalang ang natira sa loob.

"Now what?" matigas na tanong niya sa akin

Tila nagbara ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Naramdaman ko rin ang pag-ngatog ng aking mga tuhod sa kaba.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Pakiramdam ko katapusan ko na.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya dala ang matutulis niyang tingin na para bang puwing ako sa kanyang mga mata.

Napaatras ako nang magsimula itong maglakad at kainin ang natatanging distansya naming dalawa.

Sumilay ang nakakakilabot na ngiti sa kanyang mga labi. Isang ngiti na may pagbabanta.

Patuloy akong umaatras. Gusto kong tumakbo palabas ng pinto pero alam kong wala akong pag-asa.

Patuloy naman ang pagsilay ng mga pilyong ngiti sa kanyang labi at ang kanyang mga mata ay may mapaglarong ekspresyon.

Mabilis ang aking pag-atras ngunit siya naman ay mabagal na para bang isang gagamba na nakahuli ng prey at walang pangambang makawawala pa ito mula sa kanyang sapot.

"D-Damon... I just want to say sorry about w-what happened earli-lier" bakas sa aking boses ang pangangamba. Tama nga sila Ana. Buwis buhay ang simple kong paglapit at paghingi ng paumanhin kay Damon.

Kumunot ang kanyang noo sa aking sinabi at tila nag-aalab ang kanyang mga mata na mas dumilim ngayon.

Inatake ako ng kaba nang mapasandal ako sa pader malapit sa pinto. Nanginginig at nanlalamig ang aking mga kamay. Napayuko nalang ako at hinintay ang patuloy niyang pag lapit.

Huminto siya sa aking harapan. Ramdam ko sa aking noo ang pagtama ng kanyang hininga. Amoy pinaghalu-halong pagkain tulad nalang ng green apple, Leche Flan, ham etc. Tila maaga ang pasko ng tiyan nitong lalaking 'to.

Naramdaman ko ang mabilis na pagyakap ng isa niyang braso sa aking baywang.

Explosion of fire burned my cheeks.

Hinarap ko ang kanyang mukha kahit na alam ko namang napaka lapit niya sa akin.

Gulat at hindi matuliro ang aking mga mata kung saan titingin kaya mas pinili kong ikunot nalang ang noo upang ipakita ang natitirang tapang ng aking sistema.

Malapit at halos two inches nalang magkakadikit na ang aming mga labi.

He knew it that's why he bites his lower lip and let a smile hang on it for a moment.

Muli ko na namang naamoy ang pasko niyang hininga.

Naramdaman ko ang unti-unting pag diin ng kanyang mga palad sa aking baywang. Ang sakit ay unti-unting nanuot sa aking balakang.

Kinagat ko ang aking labi at umambang itutulak ko sana siya nang bigla itong magsalita.

"Push me and I will fucking break your hips using my right arm." banta nito

Nanlalambot ang aking mga braso ng aking ibaba. Nagsimula naring mangatog ang aking tuhod. Muli ko nanamang naramdaman ang unti-unting pagtaas ng aking dugo.

Gustong-gusto ko siyang pagsasapakin pero hindi ko magawa dahil simula't simula binantaan ko na ang aking sarili na mangyayari ito at sinabihang walang ibang gagawin kung hindi ay tanggapin ang lahat, kung gusto ko pang magtagal dito sa mundo.

"But I can't do that." naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng kanyang pagkakahapit sa aking baywang hanggang sa tuluyan itong naalis.

Unti-unti siyang humakbang palayo. Nakakuyom ang mga kamao. Naiwan akong bagsak ang panga.

"I thought you are going to kill be just because of that... slap." mahina kong sinabi.

Umupo siya sa bench sa aking gilid. Naka kunot parin ang kanyang noo, madilim at malalim parin ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Tinagilid niya ang kanyang ulo habang tinitingnan ako na nakatayo parin sa aking posisyon.

"I really, really want to kill you now and watch your blood flows out in that door beside you." mariiin niyang sabi

"Then what's the point of sparing me, huh?" mariin na sagot ko sa kanya at naglakas loob na lapitan ito.

Nababaliw na yata ako.

His deep set of eyes hits mine with pure hatred inside.

"I don't really understand the point of apologizing here. When what I did earlier is just and rightful thing to do to a rude man like you." I twitched my lips.

Huminto ako sa kanyang harapan. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang lakas ng loob kong ito.

Tumingin lang ito sa akin. Ang labi ay nakangisi at tila natatawa.

Tumayo siya at hindi nagsalita.

"Now what? Did I already push your button?" tamad kong tanong

He's towering over me like an eiffel tower.

Tumawa ito at nagulat ako nang bigla niya akong itulak ng malakas sa pader.

"You really want to die, huh?"

Napasandal ako. Naramdaman ko ang pagtunog ng aking balikat kasabay non ang unti-unting pagbadya ng sakit. Di ko mapigilang mapangiwi.

Sinugod niya ako at muling hinawakan sa balikat. Ramdam ko ang panggigigil nito.

Pumikit ako nang mariin at naghanda sa muli niyang pagtulak.

That's it. Papatayin niya ako sa pamamagitan ng pagdurog sa aking mga buto sa likod. He is really a trained one when it comes to this.

"You freaking newbie..."

Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Ayaw ko itong idilat dahil alam kong may nagbabadyang luha sa loob nito.

Ilang sandali akong nanatiling ganoon ngunit walang tulak ang nangyari.

Ramdam ko parin ang madiin niyang hawak sa aking balikat. May kaonting kirot naring namamayani sa aking likuran.

I slowly open my eyes.

Bumungad sa akin ang kanyang kulay abo at nanlilisik na mga mata

Hindi na ako nakapagsalita kahit na gustong-gusto ko. Hindi ako pwedeng umalma dahil ito ang pinili ko. Ang sagarin ang kanyang pasensya.

"You think hindi ko kayang gawin? Well ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo na kaya kong gawin ang lahat ng gusto kong gawin. If I tell Owen to break your fucking neck then he will do it. Kung gustuhin kong bukas na bukas makita ng lahat ang bangkay mo gagawin ko. Kung gusto kong patayin ka sa loob ng classroom kahit maraming tao, magagawa ko nang hindi nila namamalayan na isa ka nalang palang malamig na bangkay habang naka dukdok." He stop just to bite his own lips. "You fucking don't know me, Elle Sophia Interior! Ang alam mo palang ay mga sabi sabi tungkol sa akin. Tandaan mo kakatapak mo palang sa mundo ko at malayo-layo pa ang lalakbayin mo. Pero kung gusto mong makilala agad ako ipapakita ko sa'yo ngayon din." huminga siya at nagpatuloy "Para sa dagdag mong kaalaman. Everyone calls me Damon the Demon. So next time learn how to stay away." Nakangiting banta nito bago nagmartsa palabas ng pinto.

Naiwan akong laglag ang panga at nakatulala. Hindi makapaniwala sa lahat ng kanyang sinabi. Really? Damon tinanggap mo ang bansag na 'yon? I can't believe it! He really shows me that he is a demon. The demon everyone called.

And this is just the beginning of my life here in hell.