Chereads / Bullets of Past / Chapter 5 - I knew

Chapter 5 - I knew

Muli siyang tumawa na para bang may mali nanaman akong nasabi. Hinihila na ako ngayon ni Ana at ngayon ko lang napansin na nakatayo na pala silang lahat.

"Elle, tara na" bulong ni Ana

Hindi ko siya pinansin at itinuon nalamang ang aking pansin sa lalaking halos hindi na makahinga sa katatawa sa aking harapan. Hinintay ko itong magsalita.

"Woah! ganoon na ba ako kasikat at pati ang baguhang basurang katulad mo ay kilala na ako? Well mga basura nga naman nandyan lang sa paligid." nilingon nito ang mga kasamang nakangisi. "Miss, wala akong oras na makipagtawanan sa mga basuran--" sinampal ko siya

Hindi ko sukat akalain na may makakapagsasabi sa akin ng ganyang salita. Sa buong buhay ko ay ni minsan wala akong nakausap na nagsalita sa akin ng ganito. Well kasalanan ko nga at kinausap ko siya at isa pa alam ko namang gangster ang isang 'to.

Ikinuyom ko ang aking nanginginig na palad. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakitang maging sila ay nagulat sa aking ginawa.

Bakas sa mukha ng mga miyembro ang pagkamangha at biglaang blangko ng mga mukha. Muli kong ibinalik ang aking tingin sa mga mata ni Damon na ngayon ay nagliliyab sa galit. Hindi ko na rin narinig pang magsalita ang ni-isa sa mga kaibigan ko.

Kinilabutan ako sa aking nagawa. Damn, Elle! bakit hindi mo nagawang kontrolin ang sarili mo? ayan tuloy napa sabak ka ng wala sa oras sa gulo. Tandaan mo pinalaki ka ng marangal ng pamilya mo! At isa pa baguhan ka pa lang. Hindi mo pa lubos na kilala ang kinakalaban mo. Hindi mo man lang naisip na sundin na lang ang inuutos ng lalaki sa harapan mo at hayaang mag mukhang tanga sa harap ng maraming tao. Pero anong ginawa mo? Kinalaban mo parin!!

Kinagat ni Damon ang kanyang labi na tila nanginginig. Ang kanyang panga ay nagtatangis. Ang kanyang mga kamao ay nakakuyom.

Ano ba 'tong pinasok ko?! Baka bukas makalawa makita sa pasig river ang bangkay ko.

Kinilabutan ako sariling naisip. Damn! what should I do?

"H-hindi ako basura, Mr Ortega." pinilit kong huwag mabulol

Blangko ang ibinigay niyang ekspresyon ng mukha habang unti-unting itinatagilid ang ulo.

Tahimik ang paligid at tila nagpipigil huminga ang mga tao. Habang ang mga kasama ko naman ay panay ang singhap.

Bigla niyang hinampas ang lamesa na nagpagulat sa akin at maging sa mga kasama ko. Nag-crack ang glass cover nito.

"Bakit mo ako sinampal! Anong karapatan mo?!" sigaw niya at umambang susugurin ako. Mabilis siyang pinigilan ng kanyang miyembro.

Nagulat ako dahil kahit pala babae ay lalabanan niya.

Now you see what you are looking for, Elle. Bulong ng isip ko.

Sasagot pa sana ako nang bigla akong kinaladkad nila Ana paalis.

Nandito kami ngayong lahat sa loob ng dorm namin ni Ana. Pabalik-balik ang lakad ni Jane at maya't maya naman ang kamot sa ulo ni Ana. Si Joy naman ay nakangiti sa kawalan at tila masaya pa sa nangyari.

Tulala lang akong nakaupo sa kama iniisip kung anong klaseng gulo ang napasukan. Tahimik kaming lahat at walang nagtatangkang magsalita kaya naman huminga ako ng malalim at sinikap na basagin ang nakabibinging katahimikan.

Gusto kong magpaliwanag. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi lang ako sanay na nasasabihan ng mga ganoong salita. Gusto ko rin magtanong kung ano ang nangyari. Gusto kong sabihin na hindi ko inakalang ganoon pala ang patutunguhan ng usapan.

Ngunit sa dinami-dami ng gusto kong sabihin ay tanging ang nasabi ko lang ay ang salitang "Sorry".

Narinig ko ang sabay-sabay nilang pagpapakawala ng mabibigat na hininga. Napayuko ako.

Sinimulan ni Irish ang usapan.

"Eh bakit mo kasi sinapak? Ayan tuloy napa double, triple trouble ka.. tsk!" sermon ni Irish

Nanatili akong nakayuko habang nakatingin sa aking mga paa at pinaglalaruan ito. Hindi ako makahanap ng tamang salita para sabihin sa kanila kaya naman pinili ko nalang na manahimik at tanggapin ang sermon na sasabihin nila.

Tumawa si Joy at nagsalita. "Pero napa high blood mo si Damon ah? galing mo! First slap ata niya 'yon sa buong buhay niya."

"Gaga! Baka sa isang araw makita nalang namin na naka bigti ka na sa likod ng manggahan." banta ni Jane na ngayon ay patuloy sa pabalik-balik na paglalakad.

Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayoko pang mamatay! I swear! Humingi kaya ako ng tawad? Pero sa tingin ko baka lalo lang magliyab ang galit non sa akin.

"Hindi mo pa nga alam kung anong kaya niyang gawin lalo na sa mga babae. Kung alam mo lang ang nangyari sa dalawang magkaibigan na babae dito last year baka tumakbo ka ngayon sa kanya at lumuhod at magmakaawa na huwag niyang gagagwin 'yon sa'yo." humahalakhak na sinabi ni Irish

Napatingin ako kay Irish. Tingin na may kahulugan. Tingin na may bakas ng pangangamba.

"Bakit anong nangyari sa magkaibigan?" diretso kong tanong.

Humilig silang lahat sa kama bago sinimulan ni Irish ang pag k-kwento.

"Mga baguhan lang din ang mga 'yon at walang alam sa paligid. They didn't even know who Damon is. Simple lang ang dahilan. Nasa Cafeteria sila tapos nagtatawanan nang mabunggo nila si Damon. Nabasa si Damon ng shake sa damit. Sa halip na mag-sorry sila ay tinawanan lang nila at dinilaan pa bago sabihang 'Haha Loser!' Tinawanan nila si Damon tapos nilagpasan. Walang reaksyon na ipinakita si Damon at wala ring bakas ng galit sa mukha. Pero nang mag gabi nalaman namin na nawawala 'yong magkaibigan. Dalawang araw nawala 'yong magkaibigan tapos isang araw ay gumulat nalang sa aming lahat ang isang nakakadiring amo'y mula sa isang lumang classroom na matagal nang hindi ginagamit. Naka lock ang pinto at naka kadena." tumikhim si Irish bago nag patuloy

"Kaagad nilang pinatawag ang mga gwardya at inutusang sirain ang pinto. Nang mabuksan ang pinto ay bumungad sa amin ang masangsang na amoy. Nakita namin ang isang pamilyar na babae na nakagapos ang dalawang braso pataas. May takip ang mata. Wala itong damit at puro sugat ang katawan na para bang kinalmot. Habang ang kaibigan naman nito ay naka gapos sa kama ang dalawang kamay at paa. Naka blind fold din. May damit pa ang pang itaas pero ang pang ibaba wala at bakas doon ang natuyong dugo. Pinaimbestigahan nila sa SOCO ang nangyari pero katulad ng mga previous investigation na ginawa sa mga nakaraang krimen ay nananatili paring misteryo at malinis ang pagkakagawa. No trace at all." ani Irish

"Meron silang itinuturo na lead, ang Mafia. Ibinabase nila sa malinis na pagkakagawa pero hindi sila makagawa ng hakbang dahil wala naman silang hawak na katibayan na ang Mafia nga ang may pakana ng mga nangyayari." paliwanag naman ni Pristine.

Huminga ako ng malalim at paulit na inisip ang mga sinasabi nila.

"So anong gusto niyong gawin ko?" tanong ko

Nagtanong ako kahit na may naisip na akong paraan para maka hingi ng tawad.

"Well alam kong delikado itong isa-suggest ko pero kailangan mong gawin." tumikhim si Ericka bago nag patuloy "You'll need to talk to him one.on.one."

My jaw literally drop.

That's it! that's my plan. But how?

Nilingon ko sina Joy na tumatango lamang sa sinabi ni Ericka.

Wala na akong ibang naisip hanggang sa matapos ang last subject ko. Nilapitan rin ako ng isa sa mga miyembro niya pagkatapos ma dismiss ang klase.

"So you're the greatest Elle?" panimula nito

"Yes and you are?" tanong ko habang inaayos ang mga notebooks ko.

"Owen. Call me Owen." sabi niya

Pinasok ko ang aking notebooks sa bag at inayos ito. Bago ko nilingon si Owen na ngayon ay naka sandal sa upuan ko.

He's tall and handsome, I can't deny that thing. With his perfectly messy hair, bakas na bakas sa kanya ang pagiging gangster. Siya rin ang isa sa pumigil sa nagwawalang si Damon kaninang lunch. Well, Thanks to him. Siguro baka namatay na ako kanina.

"Owen." matipid kong sinabi at tamad siyang tiningnan.

Humilig siya at ngumisi.

"I'm sure that you are aware naman sa attitude si Damon. Pero ang lakas ng loob mong gawin sa kanya 'yon" malamig niyang utas. Tinutukoy ang pangyayari kanina.

"Well kahit sino namang babae na mabastos gagawin 'yon eh. And I just want you to know na hindi ako ang tipo ng babae na basta nalang magpapatalo sa bagay na kaya ko namang ipanalo." sinabi ko sa sarkastikong paraan

Bahagya siyang tumawa bago nagsalita. "I knew already that you will cause a trouble the moment walked in this campus. Mukhang nakahanap ngayon ng katapat si Damon." tumayo siya at umambang aalis.

Nanliliit ang mga mata kong tinitigan ito. Sandali akong napaisip. Ako katapat ni Damon? Paano naman nangyari 'yon.

Papaalis na si Owen nang magtanong ako.

"Owen, Where's your boss?" Naisip kong itanong sa kanya kung nasaan si Damon para naman makahingi ako ng paumanhin. I really hate war pero kung susubukan ako ibibigay ko ang hamon.

"Nasa locker.Mag-ingat ka pagpasok mo doon. Baka kahit ako makalimutan kong nagkakilala tayo kapag nagkamali ka ng isang beses. High blood 'yon sa'yo kaya baka hindi ka namakalabas ng locker." banta niya habang hindi ako nililingon at tuluyang umalis.