Xyzrielle's PoV:
Andito ako ngayon at nakahilata sa aking kama. Nakatingin sa kawalan at nag-iisip.
Argh! Bakit ganon huhuhu? Last day na ng bakasyon ngayon pero wala man lang naging ganap sa buhay ko. Kulang pa 'yung araw. Hindi ko pa nasusulit.
Matapos kong mag-emote ay bumangon na ako agad at nag-ayos ng sarili. Ako lang ang nakatira rito sa bahay ako. Tamang rent-rent lang ang peg ko. Hindi naman 'to masyadong maliit. Sakto lang sa akin at may pa-sobra pa nga.
Kung tinatanong nyo kung nasaan ang magulang ko, well hindi ko alam. Ang cliche man pero wala eh, ganon talaga. Iniwan lang ako sa bahay-ampunan. Ang tangi kong palatandaan noon ay kwintas na hanggang ngayon ay suot-suot ko. Kasi malay mo diba, makasalubong ko sila bigla.
Kanina pa pala ako nagkukwento pero hindi nyo pa rin alam ang pangalan ko. Ako nga pala si Xyzrille Cameron Garcel. Opo, mahirap po talagang basahin ang pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit ganon. Kayo na ang bahala kung paano nyo bibigkasin.
Matapos kong makapag-ayos at makapagbihis ay dumiretso na ako sa mall. Magliliwaliw muna ako tutal last day naman na ng bakasyon. Wala rin naman akong pasok sa bar.
Hep! Hep! Wait a minute.
Baka isipin nyo stripper ako ha. Isa akong waitress/server doon. Sapat naman ang sweldo ko. Minsan ay umi-extra ako bilang singer don. May lahi rin kasi akong songerist.
_____//_____
When I reached the mall, pinuntahan ko agad ang pet shop. May alaga kasi akong pusa na love na love ko. Si Buricat. Bakit Buricat? Maharot kasi ang pusa ko na 'yun. Laging buntis. Hmp. Hindi naman pinapanagutan nung nakabuntis. Pinapamigay ko na lang 'yug ibang kuting sa kakilala ko. Kawawa naman 'yung mga kuting pero kailangan eh.
Nag ikot-ikot muna ako sa mall. Ikot lang walang bili-bili. Ang mahal eh. Tamang window shopping muna si aketch. Binili ko lang 'yung mga kailangan para bukas.
Noong nakaramdam ako ng pagod ay pumasok ako sa isang coffee shop na ang pangalan ay CuTea. Infairness, ang witty naman ng name. Ang galing. I like it dahil isa akong cutie pie.
I bought my foods. Might as well, tumambay muna rito. Pampatay oras na rin. Isang Frappe at Blueberry Cheesecake ang inorder ko.
Habang kumakain ay nagtitingin-tingin ako sa labas. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Bakit parang ang daming magjowa ngayon? As far as I remember ay hindi naman araw ng mga puso ngayon. Nahiya naman kaming mga single.
If you guys are wondering kung anong status ng lovelife ko, I'm NBSB. Wala lang, trip ko lang. Just kidding. Marami akong manliligaw. Maganda naman ako. Pero kasi... wala pa akong natitipuhan sa mga lalaking nakikilala ko.
'Baka naman kasi babae ang para sayo.' Sabat ni mahaderang mind.
What the? Hindi naman ako homophobic. Pero alam ko kasi ay straight as a ruler ako eh. Wala lang talagang bumihag sa mga mata ko na lalaki.
'May bendable ruler, remember?' Sabat uli ni mind. Papansin talaga kahit kelan.
Hindi ko na lang sya inisip pa at itinuloy na lang ang pagtingin sa mga taong nasa mall. Nang matapos na akong kumain at satisfied na ay tumayo na ako dala-dala ang frappe na inorder ko kanina. For take-out para mamaya sa bahay or iinumin ko habang naglalakad.
Nasa bandang pintuan na ako ngayon and wow, sobrang bilis ng pangyayari.
Nanlaki ang aking mata at napanganga. I'm stunned in my spot. Tumapon lang naman ang frappe na dala-dala ko sa isang babae. Hindi ko makita ang mukha nya pero masasabi kong anak-mayaman sya. Kutis pa lang at way ng pagdadala nya ng damit.
We have the same reaction. Nagulat kaming dalawa.
"Shit." We both said in unison. We are now the center of attraction. Buti na lang kakaunti pa lang ang tao rito sa loob.
I bit my lips. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon but I need to relax myself and stay cool.
"Hey! Look what you've done with my dress. Are you blind? Bakit hindi ka man lang tumitingin sa dinadaanan mo? For fuck sake, my outfit is now ruined because of you?!" Saad nya ng napakabilis ngunit kineri ko naman intindihin. And wow, may paduro-duro effect pa sya.
Tulad nga nang sinabi ko kanina, I need to relax and calm myself. Walang mangyayari kapag parehas kaming galit o kaya maman, sasabayan ko sya. I heaved a deep sigh.
"Hey, lower your voice and calm down for a bit." Mahinahon kong saad sa kanya.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil na rin sa nangyari. Mabuti na lang at nagspill sa damit nya ang frappe at hindi sa sahig dahil baka paglinisin pa ako rito. Kung tutuusin, maliit lang naman ang stain sa clothes nya.
"The fuck?! How can I calm myself if you ruined my outfit? Do you know how much it cost huh? Damn you! It's your fault!" Galit pa ring saad nitong babaeng kaharap ko. She's raging mad.
Imbes na matakot, I just found myself staring at her. Infairness, ang ganda nya ha. Ang puti nya rin at halatang alaga ang kutis. Clear skin pa. Medyo perfect na sya. Sumablay lang ata sa ugali.
I snapped into reality when I realized something. Wait lang. Bakit ko ba sya cinocomplement in the first place? I faked a cough.
"First of all, I don't know how much it cost at hindi ko na gustong alamin pa. Second, it's not my fault because it's OUR fault. Hindi naman 'to mangyayari kung nakatingin ka rin diba?" I said while emphasizing the word 'OUR'. Duh. Kapag nasa tama, ipaglaban.
After that ay walang lingon-lingon akong kumaripas ng takbo papalayo sa pinangyarihan ng krimen. Sorry, guys. Hindi na ako nakapagpigil sa kanya.
Narinig ko pa ang impit nyang tili na halatang inis na inis. Bahala sya dyan. Hmp. Hindi kami bati, ble!
Chos. Sana ay hindi na kami magkita pa dahil paniguradong lagot ako. Parang hindi pa naman tumatanggap ang babaeng 'yun ng pagkatalo.
After what happened, dumiretso na ako ng uwi sa bahay ko. Hindi na ako naggala pa dahil baka madagdagan pa ang masamang nangyari sa akin ngayon. Mahirap na. Tama na sa akin ang isa lang.
Mabilis na napasapo ako sa aking noo nang may maalala ako. Fudgee bar! Yung pusa ko, hindi ko pa napapakain. Kawawa naman sya.