Xyzrielle's PoV:
Hmmm.... Aaaaahh.
Aish. Umaga na naman pala. Parang napasarap ata ang tulog ko ah. Anong oras na ba? I lazily took a glance on my clock.
5:50 pa lang naman. Maaga pa. Itutuloy ko pa sana ang pagtulog ko nang marealize ko ang oras. Agad na napamulat muli ang aking mga mata.
Oh shoot! 5:55 na kaagad. 6:30 ang time ko. Napakabilis talaga ng oras. Mag-aayos pa ako at babyahe. Wala na akong inaksayang oras at agad-agad nang naligo. Mabilisang pagsasabon na lang at shampoo.
Habang kumakain ng agahan ay inaayos ko na ang aking sarili. Time Management kumbaga. Ang Tughray Girl. At cheereeen! Pagkaubos ng kinakain ko ay tapos na rin ako. Ganon lang, speed lang.
Bqgo umalis ay hindi ko nakalimutang magpaalam sa pusa ko na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Siguro ay buntis na naman cto at naglilihi. Ang laki na naman ng tiyan. Nako po. Lagot tayo riyan.
Sumakay na ako ng jeep. Siksikan pero keri lang. At sa kamalas-malasan ay traffic pa. 6:25 na ang oras at malayo-layo pa ang school.
Okay tanggap ko na po. Late ako sa first day of classes. Nanlulumo akong bumaba ng jeep at naglakad. Wala kasing public transportation ang nakakapasok sa SU. Mga private lang ganon. High profile kasi eh.
May mga nakikita pa naman akong estudyante ngunit kakaunti na lamang. Binilisan ko pa ang paglalakad. Nakarating na ako sa gate. Hindi na bago sa akin ang laki ng SU. Siguro kung freshman ka ay maliligaw ka sa facilities dito. Kulang ang isang araw para libutin ang buong University.
Dumiretso na sa ako sa labas ng conference room dahil doon nakapaskil ang pangalan at section ng bawat estudyante.
Bilang na lamang sa kamay ang naroroon kaya hindi na ako nahirapan pang makipagsiksikan. Napagdesisyunan kong pumasok na lang sa 2nd subject dahil anong oras naman na at 1st day pa lang naman 'to. Wala siguradong gagawin sa araw na 'to. Puro introduce yourself lang naman.
Nakita ko ang pangalan ko sa section na B.A. #1. I'm taking up Business Ad at pangatlong taon ko na 'to. Scholar ako pero hindi ako nerd tulad ng mga nakikita nyo. Kumbaga, nag-aaral ako na chill lang. Minsan, I break the rules cause I'm up to challenges. You only live once so you must enjoy your life.
I was busy looking na hindi ko alam na mayroon pa lang tao sa likuran ko. Kaya pagkatalikod ko ay nagkabanggaan kami.
Saktong-sakto!
"Ouch." She said. Yes, babae base na rin sa kanyang boses at uniporme. At guys, ang bango nya grabe. I mean, amoy na amoy kasi eh. Tapos ang lambot pa ng katawan nya. Nag-angat ako ng tingin at agad na humingi ng patawad.
"I'm sorry." Saad ko habang nakatingin sa kanya. She seems surprised. Well, me too. Ang ganda nya kasi. Gosh. Ano bang nangyayari? Anyways, makikita mo ang inis sa mukha nya.
"You again?! For pete's sake! Are you following me huh? Nananadya ka na ata? Badtrip ka talaga eh noh. Panira ng araw!" Matalim na asik ng babaeng nakabangga ko. Pero wait, ano raw? Tama ba ako ng rinig? Again?
Nagkita na ba kami? Pinagmasdan ko ang babae at pilit na inaalala sya. Pero hindi ko sya maalala. Hmm. Sino ba sya?
'Nako po, mind. Gumana ka ngayon oh.'
Mukha ngang narinig ng isip ko 'yon at naalala ang babaeng kaharap ko ngayon. Napamura ako sa aking isip. Shit. Sya pala 'yung babae sa mall. 'Yung nakabanggaan ko kahapon.
Anak ng teteng naman oh!
Sa dinami-dami ng school, dito pala nag-aaral ng babaeng iyon. Lagot ako nito huhuhu. Mukha pa naman syang mataray at nakakatakot. Pero nagsorry naman ako ngayon diba. Hindii naman siguro valid yung kahapon. Baka nakalimutan nya na 'yung kahapon.
"Uhm... sorry, Miss but I think you've mistaken me as someone else." Maang-maangan ko pa. Baka kasi kagatin nya ang pag-acting ko.
"Hey, stop being clueless! I know that you remember me. Wait. Siguro, isa ka sa mga stalker ko noh? Is that your tactics? Well, sorry to say this pero hindi ako pumapatol sa babae." Maarte nitong saad habang nakatingin sa mahahabang kuko nito.
Hindi ko maiwasang mapatawa sa sinabi nya. Nahintakutan naman ang Arts. Inshort po sa maarte, dinagdagan ko lang ng s para maganda pakinggan. Unti-unti akong lumapit sa kanya. Sya naman ay umaatras hanggang nacorner ko sya sa isang pader. Alam kong kinakabahan din sya katulad ko but she's trying to act cool.
Hinawakan ko ang dalawa nyang kamay para hindi na sya makapagpumiglas. Mahirap na at baka mamaya ay sampalin nya ako bigla. Kawawa naman ang precious face ko.
Napalunok ako nang mapagmasdan ang mukha nya. Ang ganda nya. Nakaarko ng kaunti ang kilay nya na nakakadagdag sa kanyang appeal. Napadako ang tingin ko sa kanyang mga labi na parang sobrang lambot. Agad kong inalis ang ideyang iyon.
Nakatitig sya sa akin. Hinihintay nya ang susunod kong sasabihin at gagawin. Nakakatunaw ang klase ng tingin na ipinupukol nya sa akin.
"Hindi mo ako stalker, okay? I don't even know who you are. And..." Pinutol ko ang aking sasabihin.
Dumukwang ako papalapit. Iilang centimeter na lang ang layo namin sa isa't isa. "You're not my type." I whispered to her ear.
Pagkatapos non ay iniwan ko sya at kumaripas ng takbo papunta sa aking classroom. Sobrang lagot na talaga ako sa kanya huhuhu. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para sabihin at gawin 'yon sa kanya.
Nasa labas na akong ng aking classroom. Tamang-tama naman na palabas na rin ang aking unang subject teacher.
"Ang aga mo pa para sa susunod na subject, Hija." Saad nito. Tanging ngiti na lang ang naisagot ko sa kanya bago pumasok na sa room.
Pinagtitinginan ako marahil ngayong subject pa lang ako pumasok. Dumiretso ako sa likod dahil may 2 magkatabing upuan ang naroroon at 'yon na lamang ang bakante. Pumwesto ako sa tapat ng bintana.
Nawili akong tumingin sa labas at hindi ko namalayan na may umupo na pala sa aking tabi. Isang babaeng maganda ang nakita ko.
"Hello! Ako ng pala si Erin Oizuma. I'm pleased to meet you! Ikaw, anong pangalan mo?" Aba. May pagkaenergetic pala ang babaeng ito. Bet ko 'yung mga ganto.
"Ako si Xyzrielle Garcel." Matipid kong sabi. Syempre, sa simula lang dapat.
Nakita ko ang paghanga sa kanyang mga mata.
"Wow... Ang cool naman ng name mo. Parang sa mga wattpad lang ganon. Ang astig. Pwede bang makipagkaibigan?" Inabot nya ang kanyang kamay. Ano 'yung wattpad? Laro ba 'yon?
Pero wala naman sigurong masama kung makipagkaibigan ako sa kanya diba?
"Yeah, friends." I said while smiling widely. Kinuha ko ang kanyang kamay.
Napatili naman sya at nagsimula nang magkwento. Ang daldal pala nitong babaeng ito. Naputol lamang ang kanyang pagsasaita nang dumating na ang aming guro. Bumalik na sya sa kanyang upuan.
Natapos ang klase at hindi tala dumating ang katabi ko. Mas lalo tuloy akong nacurious. Sino kaya 'yon? Hmm... Sana ay mabait sya at nang maging kaclose ko.