Athena's PoV:
Argh! I really hate that freaking girl's guts. How dare her para gawin sa akin 'yon?! Nakakadalawa na sya sa akin ha. Hindi nya ba ako kilala ha? Pwes, makikita nya talaga kung sino si Athena Louise Sarxel. Damn it!
[F L A S H B A C K]
What a great day! I'm so gorgeous talaga.
Masigla akong gumising at nag-ayos para sa school. I don't rush myself. Duh. Kapg maganda, hindi nagmamadali. Besides, sa amin naman 'yung University.
After kong gawin kung ano ang gagawin ko ay umalis na ako agad. Pero hindi mawawala ang huling tingin sa salamin. Tsk. Iba talaga kapag dyosa. Wala akong nakikitang pangit na parte sa akin.
Since medyo maaga pa naman, I decided to go to shop muna and buy a coffee. And yes, mahilig ako sa kape. I think, I cannot live without coffee.
'Nahiya naman 'yung Oxygen sayo, diba?' Sabat naman ni mahaderang mind.
'Oh shut up!' Kahit kelan talaga ay hindi nagsusupport sakin ang isang 'to. Hmp.
Ininom ko na ang kapeng inorder ko but I didn't forget to take a photo of it. Pinost ko 'to sa FB with a caption na...
'A coffee to start your day.' And done!!
Ang dami na agad na naglikes at comment. Well, I'm super fabulous and famous *with matching hairflip*. Sa sobrang dami ay hindi ko na binasa isa-isa. Ayokong mapagod.
Dumiretso na ako ng school at kakaunti na lamang ang makikita ko sa hallway. Nagstart na kasi ang klase. Pumunta na ako ng conference room para makita ang aking section at malaman kung saan ang room ko.
Gosh. Sana naman ay maayos ang section at kaklase ko. Last year kasi, ang mga naging kaklase ko ay ang aking mga die hard fan.
And to tell you guys honestly, sobrang nakakaurat! 'Yung tipong gagalaw ka lang ng kaunti ay nakatingin na sila agad. Parang minamanmanan nila ako. Geez. So creepy. Alam ko naman na maganda ako eh.
May nakita akong babaeng nakatalikod. Mukhang hinahanap nya ang pangalan nya. Nasa likuran nya ako because I think, parehas kami ng year and course. I'm currently taking a Business Ad. Ako kasi ang tagapagmana ng company namin. I'm aware of that. By the way, this is my 3rd year.
Nang humarap sya, she quickly bumped into me. Nasilayan kong muli ang pagmumukha ni Brownie. Baka akalain nyo na 'yung aso sa kanto ang tinutukoy ko. Si Brownie ang babaeng nakasagupa ko kahapon sa mall. I call her brownie because of her eyes. Ang ganda kasi nung mata nya. Iyon pa naman ang parte kung saan ako naaattract sa isang tao.
Pagkakataon nga naman at nabunggo nya na naman ako. Wala bang alam tong babaitang 'tlo kung hindi mambanggaa lang? Tsk. Infairness, ang bango nya ha. She smells so damn good.
Mas lalong sumama ang timpla ng mukha at pakiramdam ko nang sabihin nyang hindi nya ako kilala. Nakuha nya pang magmaang-maangan ha. Hindi nya ako maloloko.
"Hey, stop being clueless! I know that you remember me. Siguro, isa ka sa mga stalker ko noh? Is that your tactics? Well, sorry to say this pero hindi ako pumapatol sa babae." Maarte kong saad.
Napatawa naman bigla ang babaeng kaharap ko. Is she crazy? Or siguro, psychopath 'to at gusto nya akong patayin? Hindi ko maiwasang matakot sa naisip ko.
Unti-unti syang lumapit habang ako naman ay umaatras. At shit lang dahil pader na 'tong nasa likod ko. Wala na, nacorner nya na ako.
Kahit kinakabahan, pinanatili ko ang kalmado kong postura.
Hinawakan nya ang dalawa kong kamay. Agad na nagpumiglas ako. Akala ko ay sa movie ko lang 'to nakikita. Ngayon nya na ba ako hahalikan? Ay este, papatayin?
Kahit kinakabahan, hindi ako nagpatinag sa isang 'to at nakipaglabanan ng tingin sa kanya. Malaya kong napagmamasdan ang kanyang mukha. Infairness, ang ganda ng mata nya.
Bumaba ang aking tingin at napadako iyon sa kanyang labi. I unconciously my lips. Parang malambot ang lips nya. Ano kayang lasa non? And damn, ang bango nya talaga. Nakaka-addict.
I mentally slapped myself. Hindi ito ang oras para sa kapokpokan. Stop na sa pagiging maharot.
Natigil lang ang aking pag-iisip nang magsalita sya.
"Hindi mo ako stalker, okay? I don't even know who you are. And..." Pinutol nya ang kanyang sasabihin. She leaned closer.
Nahigit ko ang aking paghinga nang makita ko ang napakaliit na distansya namin sa isa't isa. "You're not my type." She whispered.
Tila natulala ako. Hindi ko man lang namalayan na nakaalis na pala sya. Mas lalong nadagdagan ang inis ko kay Brownie.
Argh. Hinanap ko muna ang pangalan at section ko. Pagkatapos non ay umalis na ako. Damn her.
[ E N D ]
I decided na wag na munang pumasok today. Nakakawalang gana. Nakakabadtrip. Gagawa ako ng research about that girl. Kilalanin nya muna kung sinong binabangga nya ha. Paniguradong magsisisi sa mga ginawa nya sa akin.
"Alex, do some research about that girl who bumped into me a while ago." Maawtoridad kong turan kay Alex. Isa syang nerd na magaling sa paghahanap ng mga information.
"Pero, Queen...hindi ko po kilala kung sinong nakabanggaan nyo kani--" Hindi ko na pinatapos pa ang kanyang balak na sabihin at sumabat na agad.
"I don't care!!! Then kilalanin mo sya. I need the information tomorrow at 6:30am sharp. Now, get out of my sight!" Kitang-kita ko kung paano sya nanginig sa takot. He bowed down at mabilis na nawala sa aking harapan.
That's how my power works. I decided to take a rest and relax myself. Just wait, Brownie and you'll see my sweet revenge.
Hindi ko maiwasang mapatawa. Makikita ko rin kung paano sya manginig sa takot at lumuhod sa harapan ko.