Chereads / THE BOYISH AND THE PLAYBOY / Chapter 9 - CHAPTER 8

Chapter 9 - CHAPTER 8

Alas sais nang umaga at katatapos lamang mag jogging ni Francis, pagkatapos maghanda ng almusal kanina ay naisipan niya munang mag jogging habang di pa ito nakakaramdam ng antok.

Kinuha niya sa mesa ang ginawa niyang sandwich at tinungo ang bahay ng kapitbahay, di na sya kumatok, meron naman kasi siyang duplicate key ng bahay, ganun din si Reyann, may duplicate key din ito ng bahay niya.

Dumiretso si Francis sa kusina upang ihanda ang sandwich, nilagay niya ito sa tray at sinamahan na niya ng kape. Pagkatapos ihanda ay umakyat siya sa kwarto ni Reyann.

"Reyann, gising na, your breakfast is ready" Umupo sa gilid ng kama si Francis at banayad na ginigising ang dalagang tibo.

"Hmmmm..antok pa'ko" Mahinang sabi nang tibo.

"Kumain kana, iinom kapa ng gamot" Naupo si Francis sa gilid ng kama ni Reyann.

Pabalikwas na bumangon si Reyann, sa gulat ay napatayo si Francis.

"May lagnat kaba? Oh baka naman na engkanto ka?!" Pamulagat na tanong ni Reyann sa binata.

"Why?!" Naguguluhang tanong ng binata.

"Ilang araw kana kasing mabait sakin, nakakapanibago ka" Sagot ni Reyann.

"Mabait naman talaga ako, ano ba ako sa akala mo?" Tanong ni Francis.

"Mas bet ko yung masungit na english boy, sarap asarin" Nakangising sabi ni Reyann

Nagsalubong ang kilay ni Francis, natanong tuloy niya sa sarili kung masyado na ba siyang obvious. "Kumain kana nga, kesa kung anu-anong dinadaldal mo jan" Tumalikod na si Francis at akmang aalis.

"San ka pupunta?" Tanong ni Reyann.

"Sa living room, alangan naman na bantayan pa kita sa pagkain" Pagsusungit ni Francis.

"Ayun nagsungit na" Sumimangot si Reyann, tumuloy na sa paglabas si Francis at sinimulan naman ni Reyann ang pagkain.

*****

Nang matapos kumain si Reyann ay pinilit niyang makatayo upang iligpit ang pinagkainan, ayaw niyang iasa pa ito sa pekeng kasintahan.

"Ang tahimik naman, umuwi na kaya ang mokong?" Tanong ni Reyann sa sarili habang pababa ng hagdan.

Nadatnan ni Reyann sa sala si Francis, tulog na tulog ito sa sofa, nakalaylay ang isang kamay at paa, binitawan muna ni Reyann ang tray na dala at inayos sa pagkakahiga ang binata, kumuha rin ito ng kumot at ikinumot kay Francis.

Pagkatapos iligpit at hugasan ang mga pinagkainan, ay muling umakyat ng kwarto si Reyann at muling natulog, kailangan niyang bumawi mula sa nawalang lakas nitong mga nakaraang araw.

*****

Liwanag mula sa bintana ang nagpagising kay Francis, tumingin sya sa kanyang risk watch. "11 o'clock na pala" Bulong nito sa sarili.

"Uy gising kana pala, tamang tama nakapagluto na'ko, dito kana kumain" Ani Reyann, naglilinis siya ng mga sandaling iyon.

"Anong ginagawa mo?!" Gulat na tanong ni Francis. "Di kapa magaling, tigilan mo yan!" Bumangon si Francis at nilapitan nito si Reyann at hinablot ang hawak na walis.

"Ang O.A mo talaga!" Hinablot pabalik ni Reyann ang walis. "Di naman malala ang injury ko"

"Kahit na, you need to rest" Wika ni Francis. "Napaka stubborn mo talaga!" Kinuha ulit ni Francis ang walis at siya ang nagpatuloy sa winawalisan ni Reyann.

*****

Pagkatapos mananghalian ay nagpaalam na si Francis. Umuwi ito ng bahay, naligo at nagbihis, pupunta siya sa kanyang gym, ilang araw na niya itong hindi napapasyalan.

Pagkatapos kumustahin ang gym ay tumuloy si Francis sa kanyang talent manager, noong isang araw pa siya kinukulit nito.

"Nagpakita kana rin sa wakas, alam mo bang pinagpipyestahan kana sa social media?" Bungad ni Mr. Lee.

"Really?" Takang tanong ni Francis, ilang araw narin kasing hindi ito nagbubukas nang accounts sa mga social media sites.

"Ano bang nangyari sayo Francis? Ni hindi kana yata sumisilip sa social media" Takang tanong ng manager.

Kinuha ni Francis sa kanyang bulsa ang kanyang Iphone 12, in-open niya ang facebook at twitter account, bumungad sa wall ng fb account niya ang mga panakaw na picture nila ni Reyann sa racing field, marami ang nagcomment, may positive, at may mga negative comments.

"Nakita mo na? Sino na naman ba yang babaeng kasama mo jan?" Usisa ni Mr. Lee.

"Girlfriend ko" Maikling sagot ni Francis, ni hindi manlang niya tinapunan ng tingin ang manager nya.

Napamulagat si Mr. Lee sa sagot ni Francis, hindi makapaniwala ang itsura nito sa isinagot ng alaga nya, ni minsan ay wala itong inamin na girlfriend nya.

"Really? Kailan pa?" Tanong pa ng manager. "Sa tinagal-tagal na kitang kasama, wala kapang inaamin sakin na girlfriend mo"

"Actually, she's my future wife" Pagmamalaki pa ni Francis, mas magandang ito ang isagot niya, upang mas makumbinsi ang Papa niya na totoo niyang girlfriend si Reyann.

"Oh my!! Anong balak mo? Marami na ang kumakalat na chismis tungkol sayo" Wika ni Mr. Lee. "Kunsabagay, publicity din yan, it's either good or bad, publicity parin, lalo kang sisikat" Nangingiting dagdag ni Mr. Lee, ganon talaga sa showbiz, importante ang publicity.

"It's not good for Reyann, hindi sya sanay sa atensyon ng maraming tao" Biglang nag-alala si Francis para sa pekeng kasintahan, wala itong kaalamalam sa mga nangyayare.

"Anong plano mo?" Tanong ni Mr. Lee.

"Bahala na" Nalilitong sagot ni Francis, hindi nya alam ang dapat gawin. "I have to go, just call me for my sched tomorrow"

Ngumiti at tumango lang si Mr. Lee.

*****

Bago tuluyang umuwi ay dumaan muna si Francis sa isang convenient store upang bumili ng beer-in-can at pulutan, gusto niyang uminom ngayong araw, pamparelax lang, masyado na siyang stress nitong mga nakaraang araw.

Nakarating na sa bahay si Francis, bubuksan na sana niya ang pinto gamit ang sariling susi, pero hindi na ito naituloy dahil bukas pala ang pintuan, nakaawang ito ng kaunti. Alam na ni Francis kung sino ang nasa loob, ang pinagtataka lang niya ay kung bakit nandoon si Reyann, hindi naman niya ito tinext o tinawagan para papuntahin ito sa bahay niya. Marahang itinulak ni Francis ang pintuan.

"Andyan kana pala" Bungad ni Reyann, may hawak itong basahan at nagpupunas sa may cabinet sa sala ng bahay ni Francis.

"Why are you here?" Tanong ni Francis habang inilalapag ang mga dalang plastic bags sa maliit na table.

"Naisip ko kasi na marami na pala akong utang na loob sayo, kaya naisip kong ipaglinis ka ng bahay, makabawas man lang ng konti sa utang ko" Seryosong sabi ni Reyann.

"Di naman ako naniningil, tama na yan, may dala akong beer, inom tayo" Nakangiting sabi ni Francis.

"Beer? Aba gusto ko yan, matagal-tagal na'kong di umiinom" Excited na sabi naman ni Reyann.

"Wait! Hindi ka nga pala pwedeng uminom! Umiinom kapa ng gamot" Biglang naalala ni Francis na umiinom pa pala ng gamot si Reyann dahil sa natamong aksidente.

"Sus! Pain reliever lang naman yon, isa pa, ok nako. Hindi na masyadong masakit ang hita ko" Saad ni Reyann.

Hindi na kumontra pa si Francis, alam niyang hindi rin naman magpapapigil ang pasaway na tibo.

Hinanda na ni Reyann ang biniling pulutan ni Francis, sa terrace ng bahay sila nag-inuman.

"Oo nga pala, nagbukas ako ng fb account ko kanina, aba! Akalain mo sikat tayo, nagkalat ang mga pictures natin" Ani Reyann sabay inom ng beer, wala manlang kahit konting pag-aalala o disappointment na mababakas sa itsura nito.

Muntik nang maibuga ni Francis ang iniinom na beer pagkarinig sa sinabi ni Reyann, ang buong akala niya ay wala itong alam sa mga social media.

"May facebook account ka?" Halos mabulol-bulol at gulat na tanong ni Francis.

"Oo naman, madalang ko nga lang buksan" Sagot ni Reyann.

"Akala ko pa naman di mo na malalaman ang pagkalat ng mga pictures natin" Huminga ng malalim si Francis. "Walang magawa ang nagkalat nun, wag mo nalang pansinin ang mga bad comments"

"Bakit naman ako magpapaapekto sa mga comments? Kunwari lang naman ang relasyon natin" Tumungga ulit ng beer si Reyann. Tila may sumuntok naman sa dibdib ni Francis pagkasabi ni Reyann na kunwari lang ang relasyon nila, nakaramdam siya ng konting kirot sa dibdib. Masyado na talagang nagugulo ni Reyann ang nananahimik niyang puso.

"May naisip na'kong paraan para tumigil na ang iba sa kakacomment ng di maganda" Wika ni Francis, muli itong uminom ng beer.

"Sus! Yaan mo na yon, balewala lang sakin ang mga pinagsasabi ng ibang tao, sanay na'ko!" Wika ni Reyann, kahit na ang totoo ay nasaktan sya sa ibang comments, hindi naman sya manhid para hindi makaramdam ng kahit konting sakit man lang.

"Kung wala akong gagawin, mas lalo pang dadami ang magsi-share at magko-comment sa pictures natin, so I decided na i-a-announce ko sa fb at twitter account ko na girlfriend kita" Mahabang pahayag ni Francis.

"Bahala ka, ikaw naman ang boss" Sagot ni Reyann sa sinabi ni Francis.

"Ok then!" Nakangiting wika ni Francis at kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng kanyang jeans. "Let's take a selfie"

"Bakit kailangan nating magselfie?" Takang tanong ni Reyann.

"Ipo-post ko sa social media, proof na girlfriend kita" Ani Francis. "Come closer to me" Utos ni Francis kay Reyann.

Lumapit nga si Reyann sa tabi ni Francis. Inakbayan ng binata si Reyann, at inumpisahan nang mag take ng pictures. Sa unang picture nila ay nakaakbay si Francis kay Reyann, sa pangalawa naman ay simple lang ang posing nila, magkadikit lang ang mga braso nila, at ang pangatlo ay kasalukuyan pang kinukunan ni Francis, nagulat nalang si Reyann ng bigla siyang halikan sa pisngi ng binata.

Hindi kaagad nakapag react si Reyann ng halikan sya sa pisngi ni Francis, first time kasi nyang mahalikan sa pisngi ng ibang lalake, tatay lang nya at mga kapatid na lalake ang nakakahalik palang sa pisngi nya.

"Ang epic ng face mo dito" Tatawa-tawang sambit ni Francis, tinitignan nya ang huling picture nila ni Reyann. "Look" Pinakita niya kay Reyann ang picture nila. "Pero infairness ang cute mo dito" Ang itsura ni Reyann sa picture ay nagulat ito, habang si Francis ay nakahalik sa pisngi niya.

"Ba't kailangan mo pa 'kong halikan?" Mahinang tanong ni Reyann, napayuko rin ito dahil sa hiya.

"Friendly kiss lang naman yon, tsaka syempre kailangan yon para mas maniwala ang mga netizens na girlfriend nga kita" Paliwanag ni Francis, nawala sa isip niya na naive nga pala si Reyann.

"C.R lang muna ako" Pagpapaalam ni Reyann, hindi nya matagalan na titigan si Francis, nahihiya sya sa hindi nya malamang dahilan kaya nagpaalam muna ito na mag-c-cr. Napatango na lang si Francis.

Nang makaalis si Reyann ay muling pinagtuunan ni Francis ng atensyon ang pictures nila ni Reyann, nangingiti sya tuwing nakikita ang mga ito. Matapos tignan ang mga pictures ay nag-open siya ng kanyang fb account at ipinost na niya sa kanyang personal account ang pictures nila ni Reyann, nilagyan niya ito ng caption na: ATM. The love of my life. My sunshine. My everything. I love this girl too much.

Ilang minuto pa lang mula ng ipost ni Francis ang pictures nila ni Reyann, marami na agad ang nagreact, marami narin ang nagshare, may mga nagcomment na rin pero hinayaan lang ni Francis, in-off na niya ang mobile data ng cellphone nya at ibinulsa na ulit.

To be continue