Chereads / THE BOYISH AND THE PLAYBOY / Chapter 14 - CHAPTER 13

Chapter 14 - CHAPTER 13

"Girls... Look" Sabi nang isang artistang babae sa mga kasama nito sa table at itinuro ang couple na kakapasok lamang sa entrance ng function hall sa Maharlika Hotel. "That's Francis and his girlfriend" Dagdag pa ng artistang si Erica.

"Oo nga girl, mas maganda pala in person ang girlfriend nya" Komento ng isa ring artista na si Mae. "Kainggit di'ba girls? She's so lucky for having Francis"

"Yeh right, swerte talaga, pinost pa talaga ni Francis ang sweet moments nila in his fb account, at yung caption.." Kinikilig na wika ni Erica. "Sobrang sweet"

"Francis have no choice, kumalat sa social media ang photos nila together, so para iwas issue ginawa niya yun, but I'm pretty sure na hindi talaga serious si Francis sa girl na yan" Protesta ng isa namang modelo na si Jessica.

"Ang bitter mo girl, hindi mo parin ba tanggap na hindi naging kayo ni Francis?" Tanong ni Mae.

"Misunderstanding lang ang nangyari samin, and I'm sure one of this days babalik sakin si Francis" Confident na sagot ni Jessica.

"Wow ha, confident ka talaga na babalikan kapa niya?" Nakangising tanong ni Erica.

"Ofcourse, he's mine. Only mine" Desperadang sagot ni Jessica.

*****

8:30 pm na nang makarating sa party sina Francis at Reyann, dumaan pa sila sa Salon kaya bahagyang na late sa party, marami nang tao ang nandoon ng makarating sila.

"Ang daming tao, nakakahiya" Ani Reyann at hinigpitan ang kapit niya sa braso ni Francis.

"Don't be shy, kasama mo naman ako, be confident" Alam ng binata na hindi sanay sa ganitong mga party si Reyann, kung kaya't pinapalakas nito ang loob ng dalaga. "Wala kang dapat ikahiya, you're so gorgeous and stunning tonight" Sinserong sabi ni Francis na siyang nagpapula sa mukha ni Reyann.

"Lakas mo rin mambola  'no?" Biro ni Reyann kahit na halata namang naapektuhan siya sa pagpuri sa kanya ng binata.

"I'm just telling the truth, sino ba naman ang mag-aakala na tibo ka pala sa ganda mong yan" Matamis ang pagkakangiting sabi ni Francis.

"Ewan ko sayo!" Napangiti narin si Reyann.

Bago maupo sa reserved table sin a Francis ay pinakilala muna nya si Reyann sa mga kakilala at kaibigan niya sa showbiz.

"Sobrang ganda talaga ng girlfriend mo Francis, pwedeng pwede siya sa showbiz" Nakangiting wika ng isang gay talent manager kay Francis.

"Hindi sya pwede sa showbiz mamu Showie, masyado siyang mahiyain" Nakangiting tugon ni Francis. "Tsaka di ko rin sya papayagan"

Nagtagal pa ng ilang minuto ang pakikipag kwentuhan ni Francis sa mga kakilala, nang makakuha ng tiyempo ay nagpaalam na siya dahil halata na sa mukha ni Reyann ang pagkainip. Naupo na sila sa kanilang reserved table.

"Ok lang ba kung iwan muna kita? May kakausapin lang ako" Pagpapaalam ni Francis.

"Dalian mo ah, alam mo namang hindi ako komportable sa mga ganitong party" Bilin ni Reyann.

"Yes, yes..I know that, saglit lang ako" Tumango lang si Reyann at tumalikod narin si Francis paalis.

Habang hinihintay ni Reyann ang binata ay pinagdiskitahan nalang muna nito ang pagkain na nasa table nila, makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ni Reyann na may lumapit sa kanya.

"Ang bilis-" Hindi naituloy ni Reyann ang sasabihin ng magsalita ang taong lumapit sa kanya.

"Hi miss, pwede bang makipagkilala?" Anang isang lalake na sa itsura nito ay halatang lango na sa alak.

"I'm not talking to strangers" Sabi ni Reyann.

"Makikipagkilala lang naman miss..Anong pangalan mo?" Pangungulit pa ng lalake at biglang hinawakan ang kamay ni Reyann sa bandang pulso.

"Huwag mo nga akong mahawak-hawakan" Inis na sabi ni Reyann at hinila niya ang sariling kamay.

"Wag kanang maarte miss" Muling hinawakan ng lalake ang kamay ni Reyann.

Sorry Francis, mukhang masisira ang pangalan mo nang dahil sakin. Sabi ni Reyann sa sarili, dahil di na siya makapagpigil, siguradong bali ang braso ng lalake sa gagawin niya, pipilipitin na sana niya ang braso ng lalake ng isang boses ang nagpapigil sa kanya.

"Take your hands off to her" Madiing sabi ni Francis sa lalake at sapilitang inalis ang kamay nito sa pagkakahawak kay Reyann. Naagaw na nila ang atensyon ng ibang mga bisita.

"I'm sorry bro, kasama mo pala siya" Wika ng lalake at kusang lumayo na sa kanila.

"Let's go" Ani Francis at hinila palabas ng function hall si Reyann.

"Bakit hinayaan mong gawin sayo yun ng sira ulong lalakeng yon?" Himutok ni Francis ng makarating sila sa parking lot. "Hindi ba kaya mong makipag bugbugan? Pero bakit wala kang ginawa?!"

"Teka nga muna, bakit kaba naninigaw? Di ako bingi" Inis na ring sabi ni Reyann. "Dapat nga magpasalamat kapa at wala akong nagawa, e pano kung nabalian ko nang buto yung ungas na yun? Sigurado headline tayo bukas"

Napaisip si Francis sa sinabi ng dalaga. "Ok fine, that's enough, get inside the car" Utos ng binata, sumunod naman agad si Reyann. "Wait for me, magpapaalam lang ako sa loob" Tango lang ang isinagot ni Reyann.

"My God! Reyann, what did you do to me? Makita ko lang na may ibang lalakeng humawak sayo para nakong mamamatay sa selos". Sabi ni Francis sa kanyang sarili habang pabalik sa loob ng function hall. Gustung-gusto niyang ilampaso sa sahig ang pagmumukha ng lalakeng bumastos kay Reyann kanina, pero hindi niya magawa dahil maraming mata ang nakatingin sa kanila kung kaya't hinila nalang niya palabas ang dalaga.

*****

Mabilis lumipas ang mga araw, kasalukuyang naglalakad si Reyann pauwi ng bahay niya galing siya sa malapit na grocery store, tatlong araw na ang lumipas mula nang pumunta sila ni Francis sa isang party. Sa kasagsagan ng paglalakad niya ay may humintong kulay silver na kotse malapit sa kanya, nagkataon pa na sa may bakanteng lote na siya, hindi pinansin ni Reyann ang kotse at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Naramdaman niyang may bumaba mula sa kotse.

"Snob ka talaga miss beautiful" Napahinto si Reyann sa paglalakad ng magsalita ang taong bumaba mula sa kotse.

"Hanggang dito pala e talagang snob ka" Pagpapatuloy ng lalakeng nagngangalang Jordan.

Hinarap ni Reyann ang lalake. "Actually hindi naman ako snob eh, nagkataon lang na nasa party tayo, natutuwa nga ako at nagkita ulit tayo" Nakangising sabi ni Reyann sa lalake. Kahit nagtataka sya kung paano sya natunton ng mga ito, masaya sya dahil makakaganti narin sya. "Makakaganti narin ako sayo ungas ka" Dagdag ni Reyann sa kanyang isipan.

"Mukhang exciting 'to ah, oh guys labas na" Ani Jordan at pagkasabi nito ay may lumabas na dalawa pang lalake mula sa kotse. "Kunin niyo na yan" Utos ni Jordan.

Lumapit ang dalawang lalake kay Reyann at akmang hahawakan siya sa magkabilang braso, pero maliksing nakaiwas ang dalaga.

"Gusto nyo talaga ng trouble noh?" Tanong ni Reyann, binitawan nya muna sa isang tabi ang pinamiling groceries.

Muling sumugod ang mga lalake pero kagaya ng unang atake ay nakaiwas lang si Reyann, pagkatapos ay ang dalaga naman ang sumugod, sinuntok niya sa sikmura ang isa sa mga lalake, namilipit ito sa sakit, sinugod naman ni Reyann ang isa pang lalake, sinipa niya ito ng ubod-lakas dahilan upang bumagsak ito sa sementadong daan.

"Ikaw naman ngayon" Wika ni Reyann at tiningnan ng masama si Jordan.

Tila naging tuod naman si Jordan sa kinatatayuan, hindi ito makapaniwala sa nakikita.

"Don't hurt me..napag-utusan lang ako" Pakiusap ni Jordan.

Napahinto sa paglapit si Reyann dahil sa narinig. "Ano kamo? Napag-utusan?" Naniningkit ang mga matang tanong ng dalaga.

"O-oo..si..si Jessica, siya may pakana nito" Nauutal na paliwanag ni Jordan. "Kahit yung sa may party, siya nag-utos sakin na gawin yun, gusto niyang palabasin na kinakaliwa mo si Francis" Kusang paliwanag pa ni Jordan, dala marahil ng takot.

"Sino ba yang Jessica na yan?" Curious na tanong ni Reyann. "Mukhang malaki ang galit niya sakin ah!"

"Ex-girlfriend siya ni Francis, at hanggang ngayon ay obssess parin siya kay Francis, pinangakuan niya akong bibigyan ng mas magandang trabaho kapag napaghiwalay ko kayo" Paliwanag pa ni Jordan.

"A ganon ba? palalampasin ko 'to ngayon, pero sa susunod na lapitan nyo pa kami ni Francis, di ako magdadalawang isip na durugin ang mga buto nyo! Klaro ba?!" Sigaw ni Reyann. "At sabihin mo diyan sa Jessica na yan na kung ayaw niyang samain sakin, tigilan nya ako!"

"Oo..makakarating sa kanya!" Sagot ni Jordan. "Tara na!" Sigaw nito sa dalawang kasama. Mabilis pa sa alas-kwatrong pumasok sa loob ng kotse ang mga kalalakihang umatake kay Reyann, naging mabilis din ang pagharurot ng kotse ng mga ito.

"Mga duwag!" - Sigaw ni Reyann nang makaalis ang mga lalake. Pinagpagan ni Reyann ang duming kumapit sa damit nya, at pagkatapos ay dinampot ang pinamiling groceries, at itinuloy na nito ang paglalakad pauwi sa kanyang bahay.

To be continue