"Hey! Wake up!" Malakas na sabi ni Francis sa nahihimbing na si Reyann. Nadatnan ni Francis na natutulog sa sofa ang dalaga.
"Hmmm" Ito lang ang isinagot ng dalaga.
"I said wake up" Bahagya nang niyugyog ni Francis ang mga balikat nito.
"Ano ba? Natutulog ang tao eh" Nakapikit pang sabi Reyann.
"May pupuntahan tayo, bumangon ka na diyan" Anang binata.
"Importante ba yan? Inaantok pa'ko eh"
"Napuyat ka kagabi noh?" Pag-iiba ni Francis sa usapan
Bumangon si Reyann. "kagabi lang naman, di na nga ako masyadong nakakalabas pag gabi"
"Dapat lang, dapat nga iwasan mo na yang motor racing na yan, isipin mo rin yung mga taong nag-aalala sayo" Sermon ni Francis.
"Umiral na naman yang pagiging isip pari mo, makasermon wa-" Hindi naituloy ni Reyann ang sasabihin dahil tinakpan ni Francis ang bibig niya.
"Wag ka nang magsalita! Tumayo kana at magbihis" Utos ni Francis.
"Sa'n ba kasi tayo pupunta?" Tanong ng dalaga.
"Sa mall, ide-date kita"
"Ginising mo'ko para lang jan? May ibang araw naman ah" Reklamo ni Reyann at nahiga ulit ito.
"Ngayon ang gusto ko, wag ka na ngang magreklamo, magreklamo kapa, babawasan ko sweldo mo!" Inis na sabi ni Francis.
"Eto naman highblood agad, eto na nga oh magbibihis na" Ani Reyann at halos patakbong pumunta sa kanyang kwarto.
Napangiti naman si Francis sa naging reaksyon ng dalaga.
*****
Halos tanghali na nang marating nila Francis at Reyann ang The Saints Square, sa dinami-rami ng Malls sa Sampaloc, ang The Saints Square ang paboritong puntahan ni Francis.
"Ano ba kasing gagawin natin dito?" pangungulit na naman ni Reyann
"Magde-date nga tayo" Sagot ni Francis.
"Alam mo ikaw puro ka kalokohan, upakan na ata kita eh" Wika ng dalaga.
"Subukan mo, hahalikan kita jan" Pananakot ni Francis.
Natahimik si Reyann, alam kasi niyang hindi nagbibiro ang binata. Pumasok sila sa isang department store, kung saan sila namili ng mga damit noon. Tumingin si Reyann kay Francis dala ng pagtataka.
"We need to buy a new clothes for you, may dadaluhan tayong party" Kusang pagpapaliwanag ni Francis sa nagtatakang mukha ni Reyann.
"Eh di'ba may mga dress pa'ko na hindi nasusuot, pwede na siguro yun"
"No, hindi yun pwede, masyadong simple, formal attire dapat, pumili kana" Sagot ni Francis.
"Bakit ako? Anong malay ko sa formal attire na yan, ikaw na" Wika ng dalaga.
Walang nagawa si Francis, siya na ang pumili, hinawi niya isa-isa ang mga mamahaling damit.
"Here, try this one" iniabot ni Francis kay Reyann ang isang yellow sleeveless dress na hanggang tuhod ang haba
"Sleeveless na naman? Di ako comportable sa ganyan, tsaka dilaw talaga? Magmumukha akong maitim diyan, alam mo namang di ako tisay" Reklamo na ni Reyann.
"Ang dami mong reklamo, ikaw na kaya?" Iritang sabi ulit ni Francis.
"Ikaw na"
Itinuloy na ni Francis ang pagpili, hanggang sa napukay ang atensyon niya sa isang dress na kulay pula, mahaba ang manggas, litaw ang balikat at kaunting parte ng likod kapag isinuot, abot naman ng bukong-bukong ang haba ng dress, napaka elegante nitong tingnan, at very attractive.
"Isukat mo 'to, wala nang reklamo ok? May sleeve na yan" Utos ni Francis.
Walang nagawa si Reyann kundi isukat ang damit. Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ng fitting room ang dalaga.
Bahagyang napaawang ang bibig ni Francis ng makita si Reyann na suot na ang damit, lumitaw na naman ang magandang hubog ng katawan ng dalaga, bumagay dito ang damit, napaka elegante nitong tingnan.
"Ano? Bagay ba?" Nahihiyang tanong ni Reyann.
"Bagay na bagay" anang binata at ngumiti ito ng malapad. "Bibilhin na natin yan"
Pagkatapos hubarin ni Reyann ang damit ay binayaran na nila ito sa counter.
"San mo gustong kumain?" Tanong ni Francis.
"Syempre dun sa masarap" Sagot ni Reyann.
"Ako ayaw mo? Masarap ako" Tugon ni Francis, kumindat kindat pa ito.
Sinamaan naman ito ng tingin ng dalaga. "Ang manyak mo!"
"Biro lang" Natatawang wika ni Francis.
Pumunta sila sa isang japanese restaurant.
"Ano kayang masarap?" Tiningnan ni Reyann ang menu. "Gusto ko nitong pork tonkatsu, shrimp tempura, chicken teriyaki at siomai"
"Di ka naman gutom sa lagay na yan" Nakangising sabi ni Francis.
"Libre eh, kaya lubus-lubusin ko na" Ani Reyann.
"Sinong may sabing libre?" Nang-iinis na tanong ni Francis.
"Ang sama mo! Sabi mo ide-date mo'ko, edi dapat libre mo" Maktol ni Reyann.
"So date na talaga 'to ah, sige na nga libre na kita, galante ako sa kadate ko eh" Nakangising sabi ni Francis. "Mark this day, first date natin"
"Pasalamat ka gutom ako" Sagot ng dalaga.
Nang dumating ang order nila ay agad nilantakan ni Reyann ang pagkaing inorder niya.
"Dahan-dahan naman! wala namang aagaw jan sa pagkain" - Sita ni Francis kay Reyann.
Napahinto sa pagkain si Reyann. "Ang KJ mo talaga 'noh?" Pagkasabi niyon ay kinuha ni Reyann ang tinidor at tumusok ng isang siomai, akmang magsasalita si Francis, pero bago pa ito makapag salita ay isinubo ni Reyann ang siomai sa bibig ng binata. "Wag kanang magsalita! kumain ka nalang"
Halos mabilaukan si Francis sa ginawa ni Reyann, matapos nguyain ang siomai ay napainom ng tubig si Francis. "Balak mo ba 'kong patayin?!" - Bulyaw ni Francis kay Reyann.
Bahagya namang natawa si Reyann. "Ang daldal mo kasi!"
"Lets just eat!" - Nakasimangot na sabi ni Francis.
Hindi naman mawala-wala ang ngiti ni Reyann.
"Stop smiling!" - Bulyaw ulit ni Francis.
"Eto naman! pikon!" - Natatawa paring sabi ni Reyann. Ipinagpatuloy na nito ang pagkain.
*****
"Where do you want to go next?" - Tanong ni Francis kay Reyann, kalalabas lang nila mula sa japanese restaurant na pinagkainan nila.
"Hindi paba tayo uuwi?" - Tanong naman ni Reyann.
Tiningnan naman ni Francis ang oras sa kanyang wrist watch. "1:30pm palang naman, wala ka namang lakad right?" - Ani Francis.
"Wala nga, gusto ko sanang matulog" - Sagot ni Reyann.
Napasimangot naman si Francis, hindi kasi nito namalayan na lumabas pala ng bahay kagabi si Reyann. "Anong oras ka ba umuwi?" Kunot-noong tanong ni Francis.
Napaisip ang dalaga sa tanong ni Francis. "3am ata.." - Napapakamot sa ulong sagot ni Reyann.
"What?!" - Napalakas ang boses ni Francis, dahilan para mapatingin sa kanila ang ilang taong napapadaan sa harap ng restaurant.
"Wag ka ngang O.A! makasigaw ka naman" - Wika ni Reyann.
"Isusumbong kita sa ate mo!" - Inilabas ni Francis ang cellphone, pero bago pa nito ma-dial ang number ni Ariella ay hinablot ito ni Reyann. "Hey! akin na nga yang phone ko!" - Babawiin nya sana sa kamay ni Reyann ang cellphone pero mabilis itong nailayo ng dalaga.
"Busy si ate, wag mo nang istorbohin! Lika na, nuod tayo ng sine" - Sabi ni Reyann at hinila ang kamay ni Francis, hindi na pumalag pa ang binata at nagpahila nalang ito kay Reyann.
*****
Horror-suspense ang napiling panoorin nina Reyann at Francis, hindi mahilig sa romance at drama si Reyann, ayaw naman ni Francis ng sobrang action, kaya horror-suspense ang napagkasunduan nilang panoorin.
"Sh*t!" Nagulat at napapapikit si Reyann ng biglang may lumitaw na white lady sa pinapanood nila, bigla siyang napaharap sa direksyon ni Francis, sakto namang nakaharap ang binata, halos one inch nalang ang pagitan ng mga labi nila, biglang napalunok si Francis ng matitigang maigi ang mapupulang labi ng dalaga.
"Calm down Francis! Hindi pwede yang iniisip mo!" Kausap ni Francis sa kanyang sarili, may nag-uudyok sa kanyang halikan ang dalaga.
Iminulat ni Reyann ang isang mata upang silipin kung wala na bang white lady sa screen ng sinehan, pero nagulat siya pagmulat, dahil mukha ni Francis ang nabungaran niya, sobrang lapit pala ng mga mukha nila. Bigla tuloy siyang napalayo.
Napangiti si Francis, may kinatatakutan din pala ang pasaway na tomboy. Umayos naman sa pagkakaupo si Reyann.
Pasimpleng iniunat ni Francis ang isang kamay at iniakbay ng dahan-dahan kay Reyann, hindi ito napansin ng dalaga, bahagya ding inilapit ng binata ang katawan sa dalaga. Magmula pa kaninang nagsimula ang pinapanood nila ay hindi nakafocus ang atensyon ng binata sa pelikula, madalas siyang nakatingin kay Reyann, nag-eenjoy siyang makita ang bawat reaksyon ng mukha nito. Aminado si Francis na unti-unti na siyang nahuhulog kay Reyann.
To be continue