Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Hidden (Tagalog)

🇵🇭Gummy_Sunny
17
Completed
--
NOT RATINGS
27.3k
Views
Synopsis
Are you going to believe me when I tell you that a blind girl is a great pretender? She is Luna Camilla Sofia Samantha Stella Angelita Amos del Lozano. Also known as 'Luna Amos' or 'blind girl' Started: Sun, May 9, 2021 Finished: Sat, June 5, 2021
VIEW MORE

Chapter 1 - 1

Prologue

- Luna's POV -

Habang nag-uusap ang highest counselors, nakaupo at nakikinig sa kanila. Nandito ako ngayon sa harap nila habang sila ay nagsasagutan.

"¿Cómo puede liderar un país si no sabe nada?" Sigaw ng isang mtandang lalaki, ang pangalawa sa pinakamataas.

(Translation: How can she lead a country if she doesn't know anything?)

"¡Ella no está lista todavía! ¡Ella era solo una adolescente!" Isang pa ng isa.

(Translation: She is not ready yet. She was just a teenager!)

"También hay muchos que quieren usurpar su puesto, sugiero que escondamos a la querida princesa en algún otro lugar, querida más alta." Magalang na sabi ng lolo ko.

(Translation: There are also many who want to usurp her position, I suggest we hide the dear princess somewhere else, dear highest.)

Sya ang pangatlo sa pinakamataas. Tatlo silang lolo ko, ang pangalawa ay lolo ko din pero ang biological lolo ko ay ang pinakamataas.

Masyado kasi silang advance, kaka-16 ko palang pero pinagpla-planuhan na nila agad ang pagiging tagapagmana ko. Mas bagay naman kasi talaga si Kuya, kaya nagagalit ang pangalawa kong lolo dahil gusto nyang si Kuya ang maging hari.

Mababait ang pamilya namin. Walang lamangan, lahat bigayan. Ang nag-aaway lang talaga ay ang tatlong matatanda. Mga isip-bata kasi, pero malapit na silang mag-80. By the way, triplets nga pala silang tatlo.

"¿Por qué eres tan travieso? ¿Cuántas veces tengo que decir que solo mi hermano mayor será rey? Y eso no me interesa, quiero vivir como una persona común." Inis kong sabi.

(Translation: Why are you so naughty? How many times do I have to say that only my older brother will be king? And I'm not interested in that, I want to live like an ordinary person.)

"¡Esa es mi chica!"Sigaw ng pangalawang pinakamataas. Napairap naman ako sa hangin!

(Translation: That's my girl!)

"Me voy. Arreglaré mi vuelo. ¿A dónde voy?" Tanong ko. Alam kong masungit ako. Para lang hindi ako lapitan ng mga tao dito.

(Translation: I'm leaving. I will arrange my flight. Where am I going?)

"En Filipinas." Nakangiting sagot nila.

(Translation: In the Philippines.)

Tsk. Pwede naman kasi sila magtagalog, ehh. Mga abnoy talaga.

Napapailing akong lumabas ng private library nila habang nag-aargumento nanaman sila, pero hindi na dahil sa kung sino ang magiging tagapagmana. Ang pinag-aawayan na nila ay kung ano ang pinakamasarap na ulam mamayang hapunan.

- Cade's POV -

"I'm home!!" Masayang sigaw ko. Nandito ako ngayon sa pinto, kakauwi ko palang galing sa trip ko sa Japan.

"Hi, baby!!" Sigaw ni Mommy at agad akong sinalubong ng yakap.

"Mom, wag nyo na nga po kasi akong tawaging baby. Malaki na po ako." Nakangusong sabi ko. Natawa naman sya sa akin.

"Hi, Dad." Nakangiting kong bati sa Daddy ko. Yumakap din sya at tinapik pa ang balikat ko. Ganon din ang ginawa ko sa ibang myembro ng pamilya namin.

"How's your trip?" Tanong ni Granma.

"Ok naman po. Pero medyo na home sick ako kasi hindi ako sanay na hindi kayo kasama, lalo na sa mga ganitong trip na out of the country." Nakangiting sagot ko.

"That's good. It's a sign na nagbibinata ka na talaga." Natatawang sabi ni Granpa. Ako naman ay napanguso.

"Granpa naman." Nakangusong ko pang sabi pero tinawanan lang nila akong lahat.

- To Be Continued -

(Sun, May 9, 2021)