Chapter 7
- Cade's POV -
Lunch break na at palabas na sana ako ng biglang makita ko si Luna. Hindi ako mapakali dahil nakita ko kanina si Luna na may kausap na lalaki.
(ー_ー)
Ano kayang meron?
"Bakit ngayon ka lang?" Rinig kong tanong ni Angel.
"Kinausap ako ni Joshua?"
Sino naman ang Joshua na yon?
"Bakit? May ginawa ba ang g*gong iyon sayo?" Tanong ni Angel.
"Wala. Nagpaalam lang. Sumuko na, ehh." Walang kasing lamig na sagot ni Luna. Pumalakpak naman si Angel kaya may mga napatingin sa kanya.
"Iba talaga kapag maganda." Nakangising sabi ni Angel. "Titigil ka na rin ba?" Tanong pa ni Angel.
"Babalik na ako ng spain. Tapos na ako dito." Sagot pa ni Luna.
Tapos daw?
"Sayang hindi ka man lang namin nakabonding." Malungkot na sabi ni Angel.
"Tsk. Pwede ba? Ang dami mong daldal. Kung salpakan mo kaya yan ng pagkain ng manahimik ka na?" Walang emosyon pang sabi ni Luna.
"Wag ka nalang umuwi... Please.... Nakasimula ka na dito, ehh..." Parang batang sabi ni Angel.
"Ayoko dito, masyadong toxic." Sabi pa ni Luna.
"Sige na, please." Parang batang nagmamakaawang sabi pa nito.
"Bahala na. Sabihin mo kayla lolo."
"Yes!" Sigaw ni Angel.
Bata? Kailangan pang magpaalam.
"Nakikinig ka ba sa akin, Cade?" Biglang tanong ni Scarlett. Napakurap-kurap ako at napalunok saka nag-iwas ng tingin. "I was calling you for so many times. Hindi ka parin sumasagot, ano bang problema?" Tanong pa nya.
"I'm sorry, Scar. May iniiisip lang ako." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya. Tumitig naman sya sa akin na parang binabasa ako at sya din ang unang nag-iwas ng tingin.
"Sino naman ang iniisip mo? Si Luna?" Mataray nitong tanong. Napakunot naman ang noo ko.
"Paano nanaman napunta sa kanya ang usapan?" Tanong ko habang nakakunot parin ang noo ko.
"Don't make me a fool. Alam kong may something ka kay Luna. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit at bakit sya pa." Emosyonal nyang sabi saka tumayo at iniwan akong makatulala.
Hindi ko alam kung dapat ba akong humingi ng tawad, dahil alam ko sa sarili kong ako ang mali.
Dahil sa naisip ko ay mapait akong napangiti. Wala sa sariling napalingon ako sa gawi nila at napatulala at nanlaki din ang mata ko ng makitang tumatawa ito.
(⇀‸↼‶)
Napapikit din ako bigla at napalunok.
What's happening to me?!!!!
Wala ulit sa sariling tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad palabas. Narinig ko pang tinawag ako nila Jaylen pero hindi ko na talaga magawang humarap doon.
- Luna's POV -
"Natawagan ko na sila Lolo. Pwede ka na daw dito mag-stay." Nakangiting sabi ni Angel. Bumuntong-hininga naman ako.
"Sige na. Basta mamaya hindi ako pupunta. Pinag-aawayan ka na ng mga lalaki mo." Sabi ko pa.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong nya pa.
"Ahh... Uuwi. Ayoko kasi dito, hindi ako sanay sa environment." Sagot ko.
"Gusto mo bang magpahatid kay Adrian? Wala kang dalang car, right?"
"Ok lang. Mag-ta-taxi nalang ako." Sagot ko at saka sya tinalikuran at hindi na humarap pa ulit. Naglalakad na ako ng biglang makita ko si Cade na nakatingin nanaman sa akin. Parang nagtataka.
( ̄ヘ ̄;)
"Staring is rude." Sabi ko.
"A-Anong.... H-Hindi naman kita tinitingnan, ahh? Tyaka pano mo naman nalamang ako yon? Nakita mo ba ako?" Nauutal na tanong nito.
"I'm blind, remember? I don't see you, I feel you." Sagot ko saka naglakad ulit.
"A-Ahh, Luna... S-Sandali..." Pagpigil nya sa akin at hinawakan pa ang mga balikat ko.
"Bakit?" Inosenteng tanong ko.
"Wala ba ang mga manliligaw mo?" Tanong nito. Napatitig ako sa kanya tapos biglang kumunot ang noo ko.
"Sinong manliligaw?" Kunot-noong tanong ko.
"Y-Yung mga lalaking nakikita kong kasama mo. K-Kaninang umaga ibang l-lalaki ang kasama mo, t-tapos nung l-lunch break iba din." Nauutal nyang sabi.
(⊙_◎)
"Anong sinasabi mo?" Tanong ko. "Hindi ko naman manliligaw ang dalawang iyon, pinsan ko yung isa. Yung isa kaaway ko." Dagdag ko pa.
"T-Talaga?" Tanong nito. Ewan ko kung ano lang pero parang nagliwanag ang muhka nya.
(ಠಿ_ಠ)?
"Bakit? Nagseselos ka?" Tanong ko.
"Hah!" Biglang sigaw na. "Hindi, no?! Bakit naman ako magseselos?!" Sigaw parin nya.
(ಠ_ಠ)
Kailangan ba nya talagang sumigaw?
"Ehh, bakit sumisigaw ka?"
"Hindi naman, ehh."
(・_・;)
Ano to? Ako pa sinungaling?
"Ehh, bakit nauutal ka kanina?"
"Sinong nauutal?! Hoy! Wag kang masyadong malisyosa! Masyadong mataas ang pangarap mo para isiping may gusto ako sayo! Lumayo ka nga sa akin!" Sigaw pa nito.
¯\_(ツ)_/¯
"Ikaw nga tong lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin."
"Paano mo nalamang ako nga yon? Nakita mo ba?"
(ー_ー)
"Natural, hindi. Bulag nga ako, hindi ba?"
(ー_ー)
"Ehh, paano mo nalaman akong yon?"
"Naramdaman ko."
"Tsk! Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw nya pa. Nagsimula na itong maglakad paalis.
(・_・;)
"Aalis na ako. Hindi ka ba magpapaalam?" Tanong ko habang nakangiti sa kawalan.
(ಠ_ಠ)
"Edi, bye. See you tomorrow." Sabi nya at nagsimula ulit maglakad.
(ー_ー)
"Hindi mo na ako makikita bukas." Pahabol ko pa. Dahan-dahan itong humarap at kunot-noong humarap sa akin. Tapos dahan-dahang bumalik sa harap ko.
¯\_(ツ)_/¯
"Anong hindi na kita makikita bukas?" Tanong nya pa. Kunot na kunot ang noo.
"Babalik na ako ng Spain." Sagot ko.
"Bakit?!" Sigaw nya bigla.
(・_・;)
(⇀‸↼‶)
Bakit ba sigaw ng sigaw to?
"Uuwi na ako, ehh." Sagot ko pa.
"Bakit nag-aral ka pa dito?" Tanong nya pa.
(ಠ_ಠ)
Ang daming tanong.
"Umuwi ka na." Sabi ko.
"Hindi." Pagmamatigas nya.
(ಠ_ಠ)
Punyeta, hindi naman kasi bagay sayo, mag-inarte.
"Umuwi ka na. Uuwi na ako." Sabi ko at saka na ako nagsimulang mag-lakad ulit.
"Sabay ka na sakin. Wala kang kasama, ehh." Biglang sabi nya at hinila ang braso ko at inakay ako. Hanggang sa makarating kami ng parking lot ay inaakay nya parin ako.
Inalalayan nya din akong sumakay sa kotse at saka sya umikot at sumakay sa driver's seat. Pagpasok nya ay susuotan nya sana ako ng seatbelt pero naisuot ko iyon.
"Saan nga pala ang bahay nyo?" Tanong nya nang nasa kalsada na kami.
"Ko lang. Bahay ko lang. Ako lang kasi ang nakatira doon. At tyaka, hindi pa ako aalis bukas. Sa 2 weeks vacation natin, doon na ko pupunta ng Thailand. May gagawin kasi ako doon." Sabi ko pa.
"Sigurado ka?" Tanong nya.
(⇀‸↼‶)
"Hehe. Joke lang. May susundo sa akin, pupunta na talaga ako ng Spain. Pero hindi bukas." Sabi ko pa.
"Ok." Maikling sagot nya. Nag-iwas nalang ako ng tingin.
Baka mahalata pa ako ng lalaking to.
- To Be Continued -
(Tue, May 18, 2021)