Chereads / Hidden (Tagalog) / Chapter 9 - 9

Chapter 9 - 9

Chapter 8

- Cade's POV -

"Pasok ka sa village na yan." Biglang turo nya sa isang gate ng isang village.

(⊙_◎)

"Dito?" Tanong ko. Tumango naman sya.

(⊙_◎)

Kapit-bahay lang namin sya?

"Dito nalang." Sabi nya at pinahinto ako sa isang spanish modern house.

"This is your house?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit parang ayaw mo?" Tanong nya.

(・_・;)

"No. Nagulat lang ako. Kapit-bahay mo kasi ang kaibigan ko." Sagot ko. Huminto ako at dali-daling naglakad palabas para pagbuksan sya pero nakababa na sya ng iikot palang ako. "Pwede ba akong pumasok?" Tanong ko.

"Hindi pwede. Hindi pa kita masyadong kilala. Wag kang umasang papapasukin agad kita ng bahay ko." Sagot nya. Napapahiya akong naman akong napakamot sa ulo ko.

"Ok lang... May point ka din naman, ehh." Napapahiyang sabi ko pa.

"Sige. Salamat sa paghatid." Sabi nya at dahan-dahan nang pumasok ng bahay nya. Hinintay ko muna syang makapasok at saka ako umalis. Pero nasapo ko ng uli dahil...

Hindi ko pala nakuha ang number nya.

"Ugh!!! Bakit yon pa ng nakalimutan ko?! Bwisit!" Sigaw ko habang hinahampas ang manobela sasakyan ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho at pagkainis sa sarili ko ng biglang tumunog ang telepono ko.

"Hello?" Tanong ko.

"Anong Hello?! Alam mo bang kanina pa kita hinihintay!!"

(⊙﹏⊙)

Si Scarlett.

(⇀‸↼‶)

Nakalimutan ko.

"Sorry, Scar. May hinatid kasi ako." Pagdadahilan ko.

"Sino naman?!"

"It's nothing. Pupuntahan nalang kita kung nasaan ka man, ok? Wait for me." Sabi ko.

"Nakauwi na ako!"

Napabuntong-hininga ako dahil binabaan nya ako ng linya.

Grabe, bakit ko ba nakalimutan yon? Bakit ko ba nakalimutang susunduin ko si Scarlett.

Nang makauwi ako ay wala akong pinansin na kahit sino. Basta dumiretso nalang ako ng kwarto ko at deritso higa. Hindi ko na pinandin kung nakauniform pa ako.

Nang magising ako ay nakauniform parin ako at madilim na sa labas. Kinusot ko ang mata ko at saka ako tumayo. Naligo ako at saka ako bumaba sa kusina. Pagbaba ko ay nandoon si Mommy at Daddy.

"Ohh, gising ka na pala?"

"Is that a sarcastic, mom?" Tanong ko.

"No. Of course." Natatawang sabi nya. Tumayo ito at yumakap sa akin.

"How's school? Muhkang bad trip ka kanina, ahh?" Biglang singit ni Dad.

"Ok lang po. And it's not about my studies, Dad. It's about me." Sabi ko.

"Bakit?"

"Ehh, kasi nga po, si Luna, ginulat ako. Sabi uuwi na daw sya ng spain tapos nagjoke lang pala. Tapos hinatid ko sya sa bahay nya tapos pagdating namin doon at pauwi na ako, tumawag si Scarlett. Galit na galit kasi hindi ko sya nasundo at nangako nga ako sa kanya." Mahaba at mabilis kong sabi.

"Sino si Luna?" Biglang tanong ni Mommy.

(⇀‸↼‶)

Sa dami kong sinabi yung pangalan lang ni Luna ang naintindihan nya.

"She's my schoolmate, Mom."

"Schoolmate lang ba talaga?" Tanong nya na parang nanunukso.

"Mommy naman, ehh. Wag mo naman akong tuksuhin!" Kunot-noo kong sigaw.

"Hindi naman kita tinutukso, ehh." Natatawang sabi nya. Ngumuso nalang ako.

"Pero bakit nga kasi inuna mo pa sya kesa kay Scar?" Biglang tanong din ni Daddy. Parang nanunukso din.

"Daddy naman, ehh!"

"Bakit? Hindi naman kita inaano?" Natatawang sabi nya din.

"She's blind po kasi." Nakangusong sagot ko.

"Talaga?" Tanong nila na parang naaawa pa kay Luna. Nakanguso parin akong tumango.

"That's sad." Malungkot na sabi ni Mommy. Tumayo na ako at uminom ng gatas tapos umakyat ulit ng kwarto ko. Sandali pa akong nagreview at saka ako natulog.

- Luna's POV -

KINABUKASAN ay wala kaming pasok. Ako ay naghintay nalang sa isang tabi habang abala sila sa booth. Nang matapos ay nagkayayaan kaming ni Cade punta sa bahay nila.

"Talaga? Hindi ka talaga bulag?" Gulat natanong ni Cade. Inalis ko naman ang shades kong itim at tinaasan sya ng kilay. Umawang naman ang labi nya. "So, all this time, nagkukunwari ka lang na bulag?" Tanong ni Cade. 

"Yup." Maikli kong sagot. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa destinasyon namin at may lumabas na babaeng maganda pero may edad na.

"Anak, kasama mo pala ang friend mo?" Tanong nito habang nakatingin sa amin. Ako naman ay pinapalibot ang paningin sa bahay nila.

Tsk. Isang gate nalang bahay ko na, ehh.

"Luna, tara na." Yaya ni Cade at hinawakan ako sa balikat saka ako pinaglakad habang tinutulak nya ng marahan.

"Ano ba? Hindi mo ako kailangan hawakan." Masungit kong sabi. Walang pakialam kung bahay pa nila ang tinutong-tongan ko.

"Sya ba si Luna, anak?" Biglang tanong ng Mommy ni Cade. Napakunot ang noo ko at humarap ako kay Cade.

"O-Opo, Mommy..." Mahinang sagot ni Cade. Lumapit ito sa akin at pinaupo ako.

"Dapat pinaupo mo na sya. Napaka-ungentleman mo." Sabi ng mommy nya at tinapik ang balikat nya.

"Ehh, hindi naman po bulag yan. Niloko lang kami nyan." Parang batang inasar ng inasar ang muhka nito at dinuro pa ako.

"Ano bang pakialam mo? Buhay ko to, ehh." Mayabang kong sabi.

"A-Anong gusto nyong kainin? Wait, ipaghahanda ko kayo ng meryemda." Nakangiting sabi nito at parang ako lang ang kausap dahil sa akin lang ito nakatingin at nakangiti.

"Ano bang pinagkukwento mo sa mommy, ha, Cade?" Inis kong sabi.

"W-Wala, ahh!?" Sigaw nya.

"Ehh, bakit parang meron?" Tanong ko habang nakangisi.

"Wala!" Sigaw nya pa. "Magbibihis lang ako!" Sigaw nya at dali-daling tumakbo papunta sa itaas nila. Maya-maya pa ay dumating na ang mommy nya.

"Nasaan na si Cade?" Tanong ng mommy nya.

"Umakyat po." Sagot ko.

"Sige. Kain ka na." Nakangiting sabi nito at humarap sa akin. "Alam mo ba, hija? Napakaganda mo. May gusto ka ba sa anak ko?" Deritsong tanong nya. Napalunok naman ako.

"Ahm... Medyo po..." Bulong ko habang nakatingin sa kamay ko.

"Talaga?" Masayang sabi nito. Nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Hehe." Nahihiyang tawa ko.

Bakit ko ba sinabi iyon?

"Oyy, chocolate cake." Masayang sigaw ni Cade ng makababa sya ulit. Umawang naman ang bibig ko. "Here, wear this. Samahan kita sa bathroom. Alam kong mainit ang uniform, sige na." Sabi nya at hinila ako tapos huminto kami sa isang pinto.

"Dito na ba?" Tanong ko. Tumango naman sya. Pumasok ako at sinuot ang ibinigay nyang damit. T-shirt iyon na umaabot hanggang sa kalahati ng hita ko. At buti ay nagsuot akong maikling short.

Paglabas ko ay nasa sala na sya at kumakain ng chocolate cake. Tapos may hawak na iPad. Dahan-dahan akong naglakad at lumapit sa kanya at saka ako tumikim.

"Ehem! B-Bagay ba?" Tanong ko. Dahan-dahan syang sumilip sa akin at natulala na ang lintik. "Hoy!" Sigaw ko at pumitik pa.

"A-Ahh... Oo... Oo, bagay..." Mahinang sabi nya at may binulong pa pero hindi ko na naintindihan habang hindi parin maalis ang paningin sakin.

"Bakit ba kasi pinagbihis mo pa ako? Pwede naman akong umuwi nalang at babalik nalang ako tutal dyan lang naman ang bahay ko. May pakaklase-kaklase kapa ikaw naman pala yon." Masungit at mahabang sabi ko. Ginawa ko iyon para mabawasan ang kaba, ilang, at hiya ko.

"Tsk." Singhal nya at nag-iwas ng tingin. Naupo naman ako sa tabi nya at nakitingin sa ginagawa nya. Nanlaki ang mata ko ng makitang naglalaro sya ng minecraft.

"Wow..." Mahinang sabi ko dala ng pagkamangha. Ang laki at ang ganda kasi ng bahay nya. "Ikaw ba ang may gawa nyan?" Tanong ko.

"Oo." Sagot nya. Muli nanamang umawang ang labi ko.

"Ang ganda..." Mahinang sabi ko pa.

"Ito ang ginagawa ko kapag may free time ako. Gusto ko kasi mag-engineer pero mas gusto ko paring mag-businessman." Puno ng pagmamalaking sabi nya.

"Wala naman akong paki sayo, ehh. Nagagandahan lang naman ako sa bahay mo, ikukwento mo na ata ang history ng buhay at pamilya nyo." Masungit kong sabi. Sumama naman ang muhka nya.

"Bahala ka sa buhay mo. Ang hirap mong kausap." Sabi nya at kumuha ng piraso ng cake. Akala ko ay para sa kanya iyon pero nagulat ako ng itapat nya iyon sa akin.

"Ohh, anong gagawin ko dyan?" Tanong ko. Pinipigilan ang pag-init ng pisnge ko.

"Shempre, kakainin. Alangan naman ihilamos mo to?" Pilosopong sabi nya.

"Tsk." Singhal ko bago nag-iwas ng tingin. Saka ko sinubo ang chocolate cake na kinuha nya.

"Masarap?" Tanong nya. Tumango naman ako. "Masarap talaga magluto si Mommy. Gusto mo paturo ka sa kanya para masarap ang pagkain natin araw-araw?" Tanong nya.

"Sige!" Sagot ko. Natigilan sya kaya natigilan din ako. Ngumiti sya at ako naman ay nagtaka kung bakit sya natigilan.

- To Be Continued -

(Wed, May 19, 2021)