Chereads / Hidden (Tagalog) / Chapter 14 - 14

Chapter 14 - 14

Chapter 13

- Luna's POV -

Simula ng magkahiwalay kami, naging maayos naman ang lahat. Hanggang sa magsimula ko na syang hanapin, araw-araw ko syang binabanggit kila Mommy. Pero natural na hindi nila kilala si Cade dahil hindi naman nila ito nakita. Kalaro ko lang naman sya sa playground sa park.

Kaya masayang-masaya ako ng makita ko na ulit sya. Masaya akong nakikita ko syang masaya kasama ako. Masaya akong nakikitang mahal nya parin ako. Masaya ako dahil nagkita ulit kami ng bestfriend ko.

Bakit kaya sila umalis? Ano kayang nangyari?

Lalo akong napatingin sa malayo dahil sa naisip ko. Alam kong nangungulila na ako ngayon kay Cade pero meron pa akong tatlong araw. Araw-araw ko naman syang nakakausap, ehh.

Sa mga lumipas na araw, napansin ko ang pagbabago ko. Dati, masungit ako pero ngayon makausap ko lang ng ilang minuto si Cade, ayos na ako.

Alam kong napapansin din iyon ng pamilya ko pero hindi nila ako kinukonpronta. Alam kong napapansin nilang may nag-iiba sa akin pero ayaw lang nilang magbago ulit ako.

"Luna..." Isang gabi ay tinawag ako ng pangalawa kong lolo.

"Why?" Tanong ko sumandal sa may pader sa likod ko.

"Napapansin ko palangiti ka nitong mga nakaraang araw, ahh?" Nakangiting sabi nya. "May nobyo ka na ba?" Nakangiting tanong nya. Napaisip naman ako.

Ano ko ba sya? Kung umasta kami ay parang mag-asawa na kami pero hindi ko sya pwedeng angkinin dahil may girlfriend sya.

"Wala. Masaya lang talaga ako para sa pinsan ko." Sagot ko.

"Kumusta na nga pala ang pag-aaral mo sa pilipinas?" Nakangiti paring tanong nya.

"Ayos naman." Mabilis kong sagot.

"May manliligaw na ba ang maganda naming prinsesa?" Mapanuksong tanong nito.

"Lo, wala naman akong manliligaw. Tyaka, gusto ko munang magfocus sa pag-aaral ko kasi gusto ko talaga maging teacher. At isa pa, nahanap ko na ang bestfriend ko." Nakangiting sabi ko.

"Bakit? Hinahanap mo parin pala sya?" Nanunuksong sabi nito.

"Shempre, sya yung nakakasama ko sa playground dati. Bata palang ako ay alam kong mabait talaga sya." Sagot ko.

Pero nalilito na ako ngayon dahil sa nakilala ko noong nakaraang mga araw.

"Sige na. Mag-iingat ka doon, ha?"

"Opo." Sagot ko.

- Cade's POV -

Nandito ako sa labas ng bahay ngayon at kasama ang tahimik na si Scarlett. Hindi ko alam kung bakit nya ako pinuntahan pero parang importante ang sasabihin nya.

Well, yon din ang sabi nya.

"C-Cade..." Nauutal at mahinang tawag nito sa akin.

"Why?" Tanong ko.

"I... I..." Lumunok ito at malalim na bumuntong-hininga.

Ano ba kasing sasabihin nya?

"I want to break up with you." Lakas-loob nyang sabi. Nakapikit, medyo malakas ang boses, at nakakuyom ang mga kamay.

"Huh?" Takang tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"I-I'm sorry, Cade. M-May bago na ako. M-Matagal na." Naiiyak nyang sabi habang nakakuyom parin ang mga kamay at nakatingin sa mga paa nya. "B-Buntis ako, Cade. M-Magkakaanak na kami at kaya ako pumunta dito kasi---" Gulat nyang nag-angat ng tingin sa akin ng hawakan ko ang mga balikat nya.

"Shh..." Nakangiting pagpapatahimik ko sa kanya. "Wag ka nang umiyak. Buntis ka nga, diba? Makakasama yan sa magiging baby nyo." Nakangiting sabi ko.

"Cade, I'm really really sorry." Nakayukong sabi nya.

"It's ok." Nakangiting sabi ko habang marahang tinatapik ang balikat nya. "I know that you're not going to be happy with me. I can see that in your eyes. Now, I can see that you are happy, and honestly, I didn't see that happiness in you when you're with me. I know someday you're going to your goodbye because you already found your happiness. And now, my prediction is right." Nakangiting sabi ko.

"Cade, you make me happy. Promise. But the happiness that I feel when I'm with him is different."

"That's why I'm letting you go." Nakangiting sabi ko na ikinagulat nya. Ayan nanaman at naluluha nanaman sya sa mga sinasabi ko. Yumakap sya sa akin at nadama ko nga ang umbok ng tyan nya.

"I'm sorry. Thank you, Cade." Puno ng galak nyang sabi ko.

"It's ok. And you're welcome." Nakangiting sabi ko. Nagpaalam na sya at bago umalis ay kumaway pa sa akin. Pumasok ako ng bahay at mag-isa lang ako doon.

Wala kasi ulit sila Mommy, may asikasuhin daw sila sa Dubai at mga two months daw sila doon. Ako naman ay naghihintay lang sa pag-uwi ni Luna. Sa totoo lang kasi, kada araw na lumilipas kinakabahan ako, na baka hindi na sya umuwi.

Lumipas pa ang isang mga araw at dumating na ang araw ng pag-uwi ni Luna. Nagkunwari akong walang pakialam hanggang sa may biglang nagdoorbell sa pinto ko. Nang tignab ko ay si Luna na iyon.

"Cade!" Sigaw nya at mabilis akong niyakap at talagang tumalon pa sya para lang maabot nya ako. "I miss you!!" Sigaw nya habang nakayakap at pinapapak ako ng halik.

"H-Hey. Hey. Stop it." Natatawang sabi ko habang inaalalayan ang likod nya kasabay ng pagsara ko ng pinto.

"Did you miss me?" Tanong nya habang abot-tenga ang ngiti.

"Oo naman." Masigla kong sagot at umupo ng sofa. Kaya nakaupo na din sya sa mga hita ko.

"Pwede ba akong matulog dito?" Tanong nya habang malambing ang boses.

"Oo, basta ikaw." Nakangiting sabi ko at hinalikan sya sa pisnge. Yumakap syang muli at ipinalibot nya ang mga braso nya sa leeg ko.

"I miss you baby Cadey." Nakangusong sabi nya.

"I miss you, too." Nakangiting sabi ko.

"I love you." Mahina pero malambing nyang sabi.

"I love you more." Masuyo kong sagot at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. "Akala ko di ka na uuwi." Nakangiting sabi ko. Natatawa sa sarili.

"Hindi pwede. Mamimiss ako ni Baby ko." Parang batang sabi nya.

"Hehe. Oo nga, mamimiss kita." Nakangiting sabi ko at hinalikan nanaman sya sa pisnge.

"Cade, pwede na ba akong matulog?" Biglang tanong nya.

"Oo!" Sagit ko at akmang tatayo ng magsalita ulit sya.

"Pero gusto ko ganito." Malamlam nyang sabi habang nakayakap parin sa akin.

Muhkang inaantok nga sya.

Hindi na ako nagsalita at mahinang tinapik ko nalang ang balikat nya habang hinahayaan syang matulog sa kandungan ko. Nang maramdaman ko nang malalim na ang tulog nya ay doon ko na sya dinala sa kwarto.

Hinubad ko ang lahat ng damit nya, maliban sa undies, at sinuotan sya ng oversized t-shirt at pinasuot ko din sya ng boxer ko kahit alam kong may panty naman sya.

Nang matapos ko syang bihisan ay tumabi ako sa kanya at niyakap sya. Ipinaunan ko sa kanya ang braso ko at hinayaang tangayin nalang ng antok.

- Someone's POV -

"Excuse me, are you Luna?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon.

"Yes, why? And why do you kbow ny name?" Mataray nitong sabi.

"Ahm... It's me, Cadeos. I'm your Cadey." Nakangiting sabi ko at talagang nagulat sya dahil sa sinabi ko.

"I-Ikaw si Cadey?" Tanong nya habang gulat paring nakaturo sa akin. "What's my nickname?" Tanong nya.

"Ahm... Luney." Nakangiting sabi ko. Tumango-tango naman sya.

"Where are you from?" Tanong nyang tanong.

"From Spain." Nakangiting ko paring sagot.

"Where did you first meet me?" Tanong nya pa.

"Dito sa palace ng grandpas' mo." Sagot ko parin. Nakangiting naman syang tumango-tango.

"See you around, Cadey. Nice to see you again. It's been a while." Nakangiting sabi nya at at saka kumaway bago ako iniwang mag-isa sa hallway.

She's hard to get. I knew it already.

- Luna's POV -

Nandito ako ngayon sa tabi ni Cade. Nakatingin kami sa isa't isa at kapwa may ngiti sa labi. Pareho kaming nakatingin sa mga mata at tila nag-uusap ang mga iyon.

"Anong ginawa mo doon?" Tanong nya sa akin.

"Tumulong lang ako sa kasal ng pinsan ko." Sabi ko.

"Sino ang groom?" Tanong nya.

"Si Jaylen." Natatawang sabi ko.

"Seryoso?" Natatawang tanong nya. Tatawa-tawa akong tumango sa kanya tapos pareho na kaming natawa.

"Ikaw, kumusta ka dito? Pinuntahan ka ba ng Scarlett mo?" Tanong ko. Bigla nya akong niyakap at bumuntong-hininga bago sumagot.

"She came here." Sagot nya.

"Really? Edi masaya ka?" Mataray kong sabi.

"Ayy. Nagseselos ang Luna ko." Mapang-asar nyang sabi at may humigpit ang yakap sa akin.

"Hindi ako nagseselos. Wala naman akong karapatan. Sya naman ang girlfriend mo." Seryoso ko paring sabi.

"Hindi na kaya." Parang batang sabi nya.

"Anong hindi? Ako pa ang niloloko mo. Alam mo, Cade. Bago mo ako ibahay, ayosin mo muna ang issue mo kay Scarlett. Para hindi magulo." Seryoso ko paring sabi. Niyakap nya ulit ako ng mahigpit.

"Nakipaghiwalay na sya." Mahinang sabi nito. Gulat ko naman syang nilingon.

"Huh? Bakit? Anong nangyari?" Gulat ko paring tanong.

"Nakipag-break na sya sa akin last week. Sabi nya, buntis daw sya at ayaw nya na daw pakawalan ang magiging ama ng anak nya." Sagot nya. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya.

"Ok ka lang?" Malungkot kong tanong. Naaawa sa kanya.

"Oo. Medyo malungkot lang ako nito mga nakaraang araw dahil wala ka pero ok na kasi nandito ka." Nakangiting sabi nya. Nag-iwas naman ako ng tingin.

- To Be Continued -

(Sun, May 30, 2021)