Chereads / Hidden (Tagalog) / Chapter 15 - 15

Chapter 15 - 15

Chapter 14

- Luna's POV -

"Anong naramdaman mo?" Tanong ko pa. Taka naman syang tumingin sa akin.

"Shempre, ok lang ako." Nagtataka pero nakangiti nyang sabi. "Actually, masaya ako para sa kanya. Kasi finally, she will be having her own family. I know that it's too early for her to have the responsibility, I know that she can handle everything. Responsable yon, ehh." Natatawang sabi nya.

"Buti hindi ka nasaktan. Kaya nga kita nilandi para hindi ka masaktan, ehh. Effective naman pala." Natatawang sabi ko.

"Alam mo ba, nang malaman kong magkakaanak na sila. Naisip ko kung paano kung tayo rin?" Makahulungang tanong nya habang nakatingin sa kisame.

"Alam mo, hindi pa kasi tayo handa. Tayong dalawa palang ang nakakaalam ng relationship natin, tapos marami pa tayong mga bagay na hindi pa natin natatapos, katulad ng pag-aaral natin, pag-hahanap ng trabaho, tapos hindi pa tayo nakaka-earn ng sarili nating money." Sagot ko sa kanya habang kapwa kaming nakatingin sa kisame.

"Oo nga pala..." Mahinang sabi nya tapos bigla syang humarap sa akin at may nakaimprentang ngiti na sya sa labi nya. "Pero mahal parin kita." Nakangiting sabi nya.

"At mahal din kita." Nakangiting sagot ko. Tumayo ako at akmang lalabas ng bigla syang yumakap sa akin.

"Saan ka pupunta?" Malambing nyang tanong habang nakayakap sa akin.

"Kakain lang." Sagot ko at hinayaan syang yakapin lang ako mula sa likod. "May cake ba kayo?" Tanong ko pa.

"Meron sa kusina." Malambing parin nyang sabi. Dahan-dahan kaming bumaba at nagtaka ako dahil bukas ang ilaw sa baba. Alam ko kasi pinatay namin to ni Cade kanina.

Alam kong nagtataka din si Cade ngayon dahil alam nya din pinatay namin ang ilaw pero nagulat kaming lahat ng magkita namin na may tao sa sala. At hindi lang basta-bastang tao, mga magulang pa ni Cade.

Taka kaming nakatingin sa isa't isa habang nagbaba sila ng tingin sa kamay ni Cade na nasa may bandang puson ko, yung nakayakap. Napatingin din ako doon at wala sa sariling tinanggal ko iyon at pumunta sa likod ni Cade.

Yumakap ako sa kanya patalikod at naramdaman ko naman syang nagulat dahil sa naging kilos ko. Sobrang hiyang-hiya ako at hindi ko talaga kayang harapin ang mga maguang nya.

Paano ba naman kasi? Noong nakaraan lang umamin ako sa harap ng mommy nya tapos ngayon makikita nila kami sa ganitong sitwasyon? Nakakahiya talaga!!

- Cade's POV -

Napalunok ako at nagbalik ng tingin sa mga magulang ko na nasa harap namin ni Luna ko. Nararamdaman ko ang hiya nya dahil sobrang higpit ng yakap nya sa akin.

"M-Mom... Dad, kailan pa kayo dumating?" Nakangiwi kong tanong. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanila. "Bakit hindi nyo ako sinabihan na mapapaaga ang uwi nyo? Akala ko ba, next week pa ang uwi nyo?" Kinakabahan kong tanong.

"It's just a prank. And bukas na kaya ang birthday mo." Natatawang sabi ni Mommy.

"Birthday mo bukas?" Takang tanong ni Luna habang nakayakap parin sakin.

"Oo." Nakangiting kong sagot.

"Yes, hija. And muhkang mas napaaga ang gift sa birthday." Nakangisi at nanunuksong sabi ni Daddy. Muli namang nagtago sa likod si Luna at alam kong mas namula sya.

Wala sa sarili tumingin ako sa whole clock. 8AM na at muhkang buong gabi kaming natulog ni Luna kagabi. At ang inakala naming bukas na ilaw ay sinag pala ng araw dahil hindi namin namalayang umaga na pala.

"Kailan pa to, ha?" Mapanuksong tanong ni Mommy habang dahan-dahang lumalapit.

"Mom, dyan ka lang. Nahihiya pa ang girlfriend ko." Nakanguso kong sabi habang pilit na niyayakap si Luna.

"Anak, ano ka ba. Hindi ko naman aawayin ang girlfriend mo, gusto ko lang naman syang makausap." Natatawang sabi nya habang pilit na lumalapit.

"Tita!!" Biglang may sumigaw sa labas. At kilala ko ang sigaw na yon.

"Sino yon?" Tanong ni Luna.

"Mga pinsan ko. Nandito na ang buong angkan ko, Luna."

"Ha?!" Gulat syang tumingin sa akin at mabilis na bumitaw. Napalingon kami pareho sa harap namin at nandoon na ang buong angkan ko. Simula lolo't lola ko hanggang sa mga pinsan ko.

"What's happening here?" Takang tanong ni Lolo habang ang lahat ng mga mata nila at natingin sa amin ni Luna.

"Dad, ang unico hijo ng panganay mo, nagdadala na nang babae sa bahay." Natatawa at nanunuksong sabi ni Mommy.

"Mom!" Magmamaktol kong sabi.

"Ay. Napakaisip-bata mo talaga. Pinapakita mo pa sa girlfriend mo." Natatawang sabi ni Granma, nang-aasar.

"Granma!" Parang bata ko paring sabi. Nagulat ako at napanguso ng marinig kong tumawa si Luna. "Kampi ka na sa kanila?" Tanong ko habang nakanguso parin.

"Hindi. Natatawa lang ako." Mahina nyang sabi habang mahina ding tumatawa. Napasimangot naman ako. "Uuwi po muna ako. Magpapalit lang po ako ng damit." Nakangiting paalam ni Luna sa pamilya ko.

"Bakit? Maganda ka naman, ahh?" Kunot-noo kong sabi habang nakatingin sa kanya at sa kayawan nya.

"Maganda ka naman pala, ate, ehh." Sabat ng pinsan ko at parang nang-aasar pa. Nakita ko namang nag-iwas si Luna at namula na ang mga pisnge.

"Wag ka na magpalit. Babyahe pa kayo ni Cade." Natatawang sabi ni Mommy.

"Dyan lang po ang bahay ko." Turo nya sa kabila. Sandali silang tumahimik at tumingin doon.

"Samahan ko na po sya, mom." Sabi ko at dali-dali syang hinila papalabas ng bahay at mabilis naman kaming nakarating ng bahay nya.

"Maliligo muna ako. Balik ka na muna. Ako nalang bahala." Sabi nya.

"Pero---"

"Ok nga lang, Cade. Sige na." Sabi nya pa. Nag-iwas ako ng tingin at nawawalan ng pag-asang bumalik sa bahay.

"Ohh, nasaan na ang girlfriend mo?" Tanong ni Daddy.

"Pinauwi po ako, ehh. Gusto nya daw mag-ayos." Malungkot kong sabi.

"Anak, pwede ka ba naming makausap?" Tanong ni Mommy.

"Sige po." Sagot ko.

"Ang totoong masaya kami para sayo. Masaya kami kasi nakikita ka naming masaya kasama si Luna. Masaya kami na nakikita naming mahal nyo ang isa't isa pero kasi anak.... Paano si Scarlett?" Tanong ni Mommy. Nag-iwas ako ng tingin tapos ngumiti.

"Hiwalay na po kami ni Scarlett." Nakangiti kong sabi. Nakita kong bakas ang gulat sa kanila at awa. Parang yung reaksyon din ni Luna kanina.

"How are you?" Tanong din ni Mommy, katulad ng kay Luna.

"Ok naman po." Sagot ko.

"Anak, are you doing this because you want to move on fast?" Tanong ni Dad.

"No..." Sagot ko.

"Ok. I think she loves Luna naman talaga." Nakangiting sabi ni Mommy. Ngumiti din ako.

A Few Moments Later...

"Ohh?" Gulat kong sabi habang nakatingin kay Luna. "Ang tagal mo. Namiss kita." Nakangiti kong sabi. Ngumiti naman sya.

"Dalawangpung minuto lang naman akong nawala." Natatawa nyang sabi.

"Punta tayo sa kwarto?" Tanong ko.

"Anong gagawin natin doon?" Tanong nya.

"Matutulog, shempre. Bakit may gusto ka bang gawin sa kwarto?" Mapanuksong tanong ko habang mapanuksong nakatingin din sa kanya.

"Shempre, matutulog din." Natatawang sagot nya. Sandali pa akong natawa bago kami umakyat ng kwarto ko.

Nang makarating kami doon, agad naman akong nahiga tapos sya ay pumunta sa may gawi ng closet ko. Parang may hinahanap ito at biglang sumigaw.

"Aha!! Kaya pala wala sa sampayan ko, nandito pala." Sabi nya at may kinuha at inilagay nya sa bulsa nya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Panty ko." Sagot nya. Natawa nanaman ako.

"Hindi ko naman kasi napansin yan dyan. Sorry." Natatawang sabi ko.

"Ok lang. Hahagis ko nalang. Bukas naman bintana ko, ehh." Natatawa parin sabi nya tapis tinuro ang bintana nya. Hinagis nya nga ang panty nya tapos lumapit sa akin.

"Happy birthday, Cadey."

Cadey!

May parang biglang sumigaw sa ulo ko at sumakit iyon. Masaya ang pagtawag nya. Parang magkalaro kami, pamilyar sa akin ang boses at hindi ko din maintindihan ay parang gusto k na syang makita.

"Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Luna.

"Ok lang. Medyo sumasakit talaga ang ulo ko nitong mga nakaraang araw." Pilit ngiti kong sabi

- To Be Continued -

(Thu, June 3, 2021)

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag